YOU'RE THE GREATEST GIFT [COM...

By Itsquantiara

81.5K 3.2K 770

"YOU'RE THE GREATEST GIFT" "Bakit naman ako magkakagusto d'yan eh tingnan n'yo nga... Baduy!" Eh papaano nga... More

-INTODUCTION-
NAMES & SHORT NOTE!!
UPDATE
.....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (Repeat)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11- KNOWING YOU I
CHAPTER 12- KNOWING YOU II
CHAPTER 13- KNOWING YOU III
CHAPTER 14- KNOWING YOU IV
CHAPTER 15
CHAPTER 16 - 1ST WARNING
CHAPTER 17- 2ND WARNING
CHAPTER 18- 3RD WARNING
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 - THE PAYBACK I
CHAPTER 32- THE PAYBACK II
CHAPTER 33- THE PAYBACK III
CHAPTER 34- THE PAYBACK IV
CHAPTER 35- THE PAYBACK V
CHAPTER 36- THE PAYBACK VI
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
BREAKNEWS
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
-UPDATE-
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
SPECIAL NOTE
CHAPTER 71- THE PAYBACK VII
CHAPTER 72- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 73- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 75- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 76- THE FINAL PAYBACK.
CHAPTER 77- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 78- [THEY ARE PAID]
CHAPTER 79- NEAR TO END
CHAPTER 80- NEAR TO END
CHAPTER 81- NEAR TO END
CHAPTER 82- NEAR TO END
CHAPTER 83 - GRADUATION (END)
CHARACTERS
AUTHOR'S NOTE
SEASON 2!

CHAPTER 74- THE PAYBACK IX

642 26 15
By Itsquantiara

ARNEL'S POV.

Hindi parin ako mapakali dahil sa kaiisip kung sino na naman ba ang mga panibagong asungot sa buhay namin.

'Kingina miss author puro kami problema ah!?'

(AUTHOR: Nung nagkaproblema rin ba ako dahil sa haba ng story na 'to, nagreklamo ba ako sa inyo? Umayos ka kuya ah.)

'Sakit sa ulo ah.'

Kasalukuyan kaming nakaupo sa lamesa ng restawran. Dito na talaga kami nanatili sa condo-hotel ng mga Jong. Kasabay narin ng pagmamatyag namin sa kanila ay ang maya't-maya naming pagpunta sa lugar kung nasaan ang pamilya ng mga kasamahan namin.

'Oo nakakapagod, pero para rin iyon sa kaligtasan ng lahat.'

"Panibagong problema na naman ba ang mga 'yon?" tanong ni Jake, napasandal ako sa upoan.

"Mukhang oo, hindi imposibleng isa rin 'yon sa mga gugulo ng buhay nating lahat." tugon ni Lance, mas lalo pa akong napaisip.

"Anong plano Arnel? Paano natin tatapusin lahat ng 'to?" naga-alalang tanong ni Shanine,

"Hindi natin kaagad na malulusutan ang ganitong problema, masyado silang mapwersa, hindi pa man nareresulba ang isa, dadagdagan na naman ng isa, kung tinapos na sana natin ang una, hindi sana tayo natambakan ngayon." napatingin ako kay Chardette dahil sa saad n'yang 'yon.

'Pwede na s'yang pumalit sakin, ang talino ng lablab ko hehehehehe.'

"Hindi ko rin alam ang gagawin kay Lithor, hinding-hindi titigil ang gungong na 'yon." gigil na sambit ni Sim, napapatango nalang ako, nakakapagtaka na wala akong maisip na laraan ngayon, hindi ko alam kung anong sulosyon.

"Tsaka na muna natin isipin ang mga 'yan, siguradong titigil ang mga 'yon, malapit ng magpasko, siguro naman ay may natitira pang galang sa pasko ang mga 'yon." nakangising sambit ni Rocee, may punto s'ya.

"Sa oras na galawin n'ya pa ulit tayo, hindi na ako magdadalawang isip na tapusin ang kabobohan n'ya, huling banta ko na 'to." seryosong sambit ko, ramdam kong ganoon din ang iniisip ng mga kasama ko.

'Isang gasgas nalang, sulitin mo na ang hininga mo Lithor.'

"Kuya."

Napalingon kami sa entrada ng restawran ng matanaw namin sila Athena na papalapit sa amin. Pansin rin namin si Shawn na iika-ika kung maglakad.

"Anong nangyari??" napatayo kami sa paglapit nila, inalalayan nila paupo si Shawn.

"Ayos lang ako, wag n'yo akong intindihin, gas gas lang 'to." sambit ni Shawn,

"Wala pa ba si Cassy dito?" tanong ni Scyle, halatang nag-aalala s'ya kaya hindi ko narin mapigilan ang mag-alala.

"Nasaan si bunsoy??" tanong ni Alex at Coleen, naghintay kami ng sagot.

"A-Ahh kase ano, ahmm..." halatang kabado pang sagot ni Athena,

"Ano??" hindi na ako mapakali, kinakabahan ako sa maaaring sagot n'ya,

'May kutob akong hinarap na naman n'ya si Lothor...'

"K-Kase po..." kabado paring pambibitin nila,

"Nandito ako."

!!??

Normal at seryosong sabat ni Cashannea, nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang sugat at pasa sa kan'ya.

"Babe saan ka galing!?" agad na lumapit si Scyle, napatayo naman kami habang sinasalubong ang pagdating n'ya.

"Sa pinanggalingan ko." tugon ni Cashannea, nakuha pang magbiro.

"Hindi ako nagbibiro!" seryoso at inis na sambit ni Scyle,

"Galing ako kila Lithor."

'Alam ko..'

"ANOOO!???" gulat na gulat na tanong nilang lahat maliban sa akin,

"Anong ginawa mo do'n?? Ayos ka lang ba bessywap??" nag-aalalang tanong ni Athena, diretso lang s'yang tiningnan ni Cassy, "A-Ahh hehe, sabi ko nga ayos ka lang." napapahiyang dagdag n'ya,

"Ano na namang eksena mo do'n ha??" inis na tanong ni Scyle, hinayaan muna namin silang magusap,

"Pinuntahan ko s'ya."

"Eh bakit mo pinuntahan!?"

"Baka nakipag-chikahan ako?"

"Nakipag chikahan!? Baka nakipag sapakan!?"

"Alam mo naman pala e."

Agad na naupo sa upoan si Cashannea. Diretso lang s'yang dumampot ng pagkain at inilagay iyon sa plato n'ya, sumubo s'ya lang s'ya ng sumubo, halatang nagutom.

"Wala pang tatlong oras nung nag lunch tayo, gutom ka na naman??" tanong ni Berton,

"Aba, napaka sugapa n'yang dragon sa tiyan mo Cashang ha!" dagdag ni Forth,

"Lakas lumamon, di naman tumataba." nakangiwing sambit rin ni Romnick,

"Ang harsh n'yo ah? Baka jombagin kayo n'yan, halatang gutom eh, mukhang pati plato handa n'yang lamunin." pang-aasar rin ni James, natatawa nalang kaming napailing,

"Babe!" sigaw na naman ni Scyle,

"Ano na naman?"

"Bakit ba hindi mo nalang sabihin kung anong ginawa mo do'n??"

"Nakipag-sapakan nga!"

"Sira ulo ka rin eh no??"

"Ako pa sira ulo ha??"

"Sagotin mo nalang yung tanong ko!"

"Sinagot ko naman ah? Nakipag sapakan nga diba??"

"Bukod don!?"

"Nakipagchikahan."

"Seryoso ako."

"Ako rin."

"Pwede bang ikwento mo ng maayos!?"

"Tinatamad ako eh."

"Anong pinagusapan n'yo?"

Halatang pilit na pinapakalma ni Scyle ang sarili.

"Puro kabobohan lang--"

"Umayos ka ng sagot Cashannea!!!"

Gulat kaming napatingin sa kanila dahil sa malakas na sigaw ni Scyle. Maging si Bunsoy ay nagulat, natigil kami sa pagkain na halos pati ang mga nasa loob ng restawran ay napatingin sa gawi namin.

"S-Sorry, nagusap kami tungkol--"

"Wag na."

Pigil ni Scyle sa kan'ya, bakas ang inis sa itsura ni Scyle.

'Kapilosopohan, tsk.'

"Huy sorry--"

"Baka tinatamad ka ring mag sorry, akyat muna ako sa taas."

"B-Babe." pigil ni bunsoy sa kan'ya,

"Oh?"

'Ok, LQ...'

"S-Sorry--"

"Saan?"

"Kase h-hindi ako s-sumagot ng maayos--"

"Wala 'yon, likas sayo 'yan diba? Ako nalang mag aadjust, tutal ako naman yung mahina sating dalawa eh." sarkastikong dagdag ni Scyle, hindi na s'ya nagtagal at agad na naglakad palayo, akma na sanang susundan ni Cashannea si Scyle ngunit pinigilan s'ya ni Shawn.

"Hindi ka matitiis no'n, hayaan mo muna." sambit ni Shawn, muli namang naupo si bunsoy,

"So anong nangyari?" tanong ko,

"Nag--"

"Ayusin mo ang sagot mo, malinaw?"

"Ayusin mo."

Napapikit ako sa sobrang tigas ng ulo n'ya,

"Ok... Ok... Nilinaw ko lahat ng nangyayari, ipinalatag ko kay Lithor lahat ng dahilan n'ya kung bakit gano'n nalang s'ya kung gumanti, kung bakit pati yung mga walang kinalaman ay dinadamay n'ya, pero hindi lang pala 'yon ang dahilan n'ya, may mas malalim pa." saad n'ya, nangunot ang noo ko,

"Mas malalim?" tanong ko, agad s'yang tumango.

"Ang naunang asawa at anak ni Lithor, namatay sila, ginahasa daw ang asawa n'ya bago pinatay, ang anak naman n'ya ay walang awang tinadtad ng saksak, ang sab n'ya ay... p-pinatay daw sila ng L-Latitude 1990." tugon n'ya, agad na nanlaki ang mga mata ko.

'Pinatay? Paano? Imposible...'

"Imposible 'yan." sambit ni Rocee, naibaling namin ang paningin namin sa kan'ya, "Labag sa batas ng L1 ang pumatay ng walang atraso sa kanila, sa pagkakaalam ko, bago pa man pumasok si Lithor sa buhay ng Latitude 1990 ay patay na ang asawa't anak n'ya, kaya imposibleng L1 ang may kagagawan no'n." paliwanag ni Rocee, may kung anong pagdududa naman ang pumasok sa isip ko,

'Kung hindi L1 ang pumatay, bakit L1 ang itinuturo ni Lithor?'

"Pero bakit Latitude 1990 ang pinagbibintangan n'ya?" tanong ni Jake, pareho kami ng iniisip,

"At saan n'ya nakuha ang impormasyon na 'yon kung hindi pa naman n'ya kilala ang L1 ng mamatay ang asawa at anak n'ya?" tanong rin ni Lance, mas nadagdagan ang iniisip ko,

"Kung una palang ay L1 na ang punterya n'ya, anong kinalaman natin do'n?" kunot-noong tanong ni Sim,

"Ang totoo ay hindi ko maintindihan kung bakit nadadamay rin ang mga kaibigan mo bunsoy." sambit ko, natigilan naman s'ya at agad ring tumungo lara muling paglaruan ang kubyertos n'ya.

"Ang totoo ay lahat tayo, may kinalaman sa galit n'ya, ang asawa n'yang si Rofelle ay dating kaibigan ng m-mga nanay natin, gano'n nalang ang galit n'ya dahil wala man lang daw nagawa ang mga kaibigan ng asawa n'ya para tulongan s'ya." paliwanag ni bunsoy, napahawak ako sa panga ko, umaasang mapagtatagpi-tagpi ko ang lahat ngunit bigo ako.

"M-May kinalaman rin pala kami sa nangyayari? Ang akala ko ay n-nadamay lang kami." anas ni Drake, maging ang iba ay nagtataka rin,

"K-Kung gano'n ay punterya n'ya rin kami? N-Nakakagulat, hindi ko inaasahan." dagdag ni Berton,

"Oh ikaw Nickler? Anong eksena mo bakla? Saling pusa?" tanong ng isa pang bakla sa kaibigan n'yang kalahi n'ya rin.

"Nandito ako para iligtas kayong lahat bakla, magpasalamat ka nalang."

"Wow nangarap! Ngayon lang ako naka encounter ng superhero na mukhang napabayaan sa kusina? Ewan ko lang kung paano ka nakalipad sa lagay mong 'yan."

"Hala napabayaan daw sa kusina, kung ako 'yan nginudngud ko na 'yan sa mangkok!" sulsol pa ni Forth,

"Hoy sobra ka na makalait ah! Dapat sayo ipinapain sa kalaban eh!"

"Aray ko po, ipinapain daw sa kalaban, sapakin na 'yan!" sulsol rin ni Berton,

"Hoy baklang James! Ang ganito kagandang mukha ay hindi dapat ipinapain!"

"Hala ka sya! Maganda daw s'ya bakla, payag ka no'n?" sulsol na naman ni Forth,

"Hoy baklang Romnick, nahiya naman ako sa bigote mo! Eh kaunting tigas lang ng katawan mo magmumukha ka ng arabo! Tse!

Napailing nalang kami sa sagutan nila maging ang panunulsol ng iba. Mabuti narin talaga ang may ganitong uri ng kaibigan na handang pasayahin ang nakakayamot na sitwasyon.

'Maswerte sila sa mga kaibigan nila.'

"Maituturing na bang malalim ang dahilan na 'yon?" biglang tanong ni Shanine, muling bumalik sa reyalidad ang isip ko.

'Sa tingin ko ay oo...'

"Malalim na rason ng galit n'ya? Oo, pero bilang rason para gulohin tayo ng ganito ay sobrang babaw no'n, dahil hindi naman n'ya napatunayang may kasalanan nga ang mga magulang natin sa nangyari." seryoso at kalmadong saad ni bunsoy, nakuha namin ang punto n'ya, maging ang mga sinabi n'ya ay dumagdag sa isipin ko,

'Masyadong magulo lahat...'

"May kilala ba kayong maaari nating hingan ng panig mula kila Lithor?" biglang tanong ni Sim, nangunot ang noo ko ngunit alam kong may dahilan sa likod ng tanong n'yang 'yan.

"W-Wala po eh." tugon nila, buntong-hininga na lamang ang naitugon n'ya,

"Mas maganda siguro kung mayroon man lang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Lithor ang makakausap natin, kailangan nating maintindihan ang lahat ng hinanakit ni Lithor, hindi natin magagawa 'yon kung hindi natin maririnig ang buong kwento. Nagsimula s'ya sa pinaka-mababaw na dahilan, at yun ay ang burahin tayo dahil gusto n'yang ang Lithorious ang manguna sa pinakamalalakas na gang sa buong pampanga. At ngayon ay lumihis na naman sa ibang dahilan ang paghihiganti n'ya, inilalabas niya ang mas malalalim na dahilan, at 'yon ang mas ikinalito ko, kung alin ang totoo, kung alin ang dapat paniwalaan." kunot-noo at mahabang paliwanag ni Sim, unti-unti kong naintindihan ang nais n'yang mangyari.

Kung ako ang tatanungin ay hindi ko rin alam kung alin ang dapat paniwalan at ano-anong mga bagay na makakagulo sa isip namin ang dapat na pagisipan ng mabuti. Una palang ay inakala kong mababaw lang ang dahilan ng paghihiganti ni Lithor, pero ang tanong na nabubuo sa isip ko ngayon ang lalong nagpapagulo ng sitwasyon,

'May kinalaman nga ba talaga kami sa nangyari sa pamilya n'ya?'

"Ngunit papaano ang panig ng Latitude 1990? Wala tayong makakausap para do'n." kuno't-noong sabi ni Lance, napaglaruan ko ang ibabang labi dahil sa pagiisip.

Natinag ako maging ang mga kasama namin ng agad na tumayo si bunsoy, isinuot n'ya ang jacket n'ya at tsaka kinuha ang susi, napatayo ako ng akma s'yang tatalikod.

Agad kong hinawakan ang siko n'ya,"Saan ka pupunta?"

"May kailagan akong puntahan kuya." seryosong aniya.

Madiin kong hinawi ang buhok ko, at tsaka tumingin sa kaniya, "Saan ka pupunta?"

"Sa isang kakilala."

"Dumito ka na muna, tsaka mo na pagtuonan ng pansin ang kakilala mong 'yan."

"At ano kuya? Panibagong problema na naman ang dadating ng hindi natin 'to nasusulosyonan?" seryosong aniya, napahilamos ako sa mukha ko.

"Kung gano'n ay sasamahan kita."

"Hindi na kuya."

"Akin na ang susi."

"Kuya--"

"Bunsoy, akin na." madiing tawag ko sa kan'ya.

Inis n'ya 'yong ibinato sa akin at tsaka s'ya naglakad papalabas. Nagpumilit akong samahan s'ya dahil malakas ang kutob 'kong may kilala s'yang makakatulong ng malaki sa amin, ng hindi n'ya sinasabi. Inuugali n'ya ang magsarili kaya dapat mong paghirapang tuklasin ang mga bagay na itinatago n'ya.

Nakarating kami sa motor n'ya at tsaka ako naunang sumakay. Padabog parin s'yang sumakay at tsaka isinuot ang helmet n'ya.

"Saan ang daan?"

"Pss, ayan ang daan." itinuro n'ya ang kalsada, inis naman akong nilingon s'ya,

"Ituro mo nalang bunsoy." sambit ko at tsaka pinaandar ang motor.

Itinuro n'ya nga ang daan. Hindi ganoon kalayo ang lugar na 'yon ngunit kung makapadyak si Cashannea ay para bang aabutin kami ng magdamag sa pagmamaneho. Palibhasa ay sobrang bagal na ng pagpapatakbo ko para sa kan'ya, ang gusto n'ya ay halos magliyab na ang tambutso sa sobrang bilis.

'Pero ni isang beses ay hindi pa s'ya naaaksidente...'

Nakarating kami sa isang bodega. Hindi iyon mukhang luma pero matatawag ng abandonado. Hindi pa gaanong napapalibutan ng kalawang ang gate kaya siguradong nagagamit parin ito.

"Hayop, may hayop ba d'yan?"

!!??

Gulat akong napalingon kay bunsoy ng sabihin n'ya 'yon. Imbis na tao ang dapat na sabihin ay pinalitan n'ya 'yon ng hayop. Katatwang naiinip na s'ya bagaman 'yon palang ang nasasabi n'ya.

"Kakatokin ko nalang." asik ko, napabuntong-hininga nalang s'ya,

*DOOR-BELL*

Akma akong kakatok ng biglang tumunog ang door bell. Inis akong napalingon kay Cashannea na ngingisi-ngisi habang papunta sa gawi ko. Habang tumatagal ay mas nagiging loko ang batang 'to.

"Anong kailangan--"

*TUG DUG* *TUG DUG*

"A-Arnel..."

*TUG DUG* TUG DUG*

"P-Papa.." hindi ko napigilan ang sarili at agad na napayakap sa taong nasa harapan ko ngayon.

*TUG DUG* *TUG DUG*

Para akong bumalik sa pagkabata, sabik na sabik sa yakap ng ama. Ang taong inakala kong hindi na magbabalik pa ay narito ngayon sa harapan ko, buhay at humihinga. Agad akong pinangilidan ng luha at tsaka dahan-dahang pinagmasdan ang buong hitsura ng aking ama. Nanginginig parin ako sa sobrang tuwa, hindi ako kaagad makapagsalita. Nilingon ko si bunsoy at nakangiti na rin s'ya sa akin. Ng muli kong lingonin si papa ay nangingilid narin ang luha sa mga mata n'ya.

"Binata ka na." nakangiting sambit ni papa, matunog pa akong ngumiti at tsaka muling yumakap sa kan'ya.

Ganoon parin ang tangkad ni papa. Mas mahaba na nga lang ang bigote n'ya. Sunog ang kalahating bahagi ng katawan. Ngunit makikilala parin naman s'ya. Sakto lang ang katawan ni papa. Hindi macho ngunit hindi rin payat. Makikita mong laki talaga s'ya sa isang mayaman na pamilya, ngunit ng magkapamilya ay pinagdamutan s'ya ng kapalaran.

"A-Anong nangyari--bakit...? b-buhay ka?" hindi parin ako makapniwala.

"Ng dahil sa pamilyang kalaban n'yo ngayon." nakakatuwa na wala paring pinagbago ang malaki n'yang boses.

"Alam mong k-kalaban namin s'ya?" tanong ko, hindi s'ya sumagot, bagkos ay tumingin s'ya kay Cashannea, agad ko rin namang nilingon si bunsoy,

"Ang sarap torture-in ng mga langaw dito, wala ba kayong planong pumasok sa loob?" nakangiwing aniya, napailing nalang ako at tsaka kami pinapasok ni papa sa loob.

Malawak ang loob no'n. Madilim ngunit sapat na ang lahat ng gamit doon lara mabuhay. Nakakapagtaka na sa buong pampanga lang pala sila naglalagi ngunit hindi man lang naglihis ang landas namin sa hinaba-haba ng panahon simula ng mawala s'ya.

Naupo kami ni bunsoy sa sofa, si papa naman ay naupo sa kaharap naming single sofa. Magaspang na semento ang sahig nila. Wala ring debisyon ang buong lugar, mula sa pinagkakasadlakan namin ngayon ay tanaw ko ang pinto ng banyo, maging ang maruming kusina at ang higaan nila na kahit papaano ay mukhang nalilinis naman.

"May gusto sana kaming itanong." panimula ni Cashannea, ako naman ay hindi parin matigil sa kati-titig kay papa, halos lahat ng galaw n'ya maging ang pagbuka ng bibig ay nabubuhayan kong pinanonood.

'Buhay talaga si papa... Buhay na buhay!'

"Hindi kami ang pumatay sa asawa at anak ni Lithor."

!???

Doon ay natigilan ako. Dahan-dahan ko pang nilingon si bunsoy, nakapagtatakang ganoon parin ang ekspresyon ng mukha n'ya. Hindi man lang nagulat, at animo'y inaasahan n'ya pa ang sasabihin ni papa.

'Tropa ba sila? Tsk.'

"Pero kayo ang itinuturo nila." kuno't-noong sambit ni bunsoy, nagbalik ako ng tingin kay papa.

"Kami ang itinuturo dahil kami ang nais nilang madiin sa sitwasyon nila, dala narin ng kagustohan nilang masira kami, kaya halos lahat ng krimen ay sa amin nila ibinintang." paliwanag ni papa, natanaw ko ang pinto ng pumasok ang dalawang lalaki mula roon, naningkit pa ang mga mata ko bago ko napagtanto kung sino ang dalawang lalaking 'yon.

"Mga ninong kooo!" napapatalon ko pang tawag sa kanila,

Gulat rin silang napatingin sa akin, tumingin pa muna sila kay papa na para bang itinatanong ang prisensya ko, ng nakangiting magkibit-balikat si papa ay agad nila akong pinuntahan.

"Arnel! Ang laki mo na!" nakipag-apir pa sila bago pinagbangga mga balikat namin.

"Kayo rin ninong!" baling ko sa kanilang dalawa,

Bigla ay talagang naging isip bata ako, labing isang taong gulang palang ako ng iwan nila ako, ngayon ay dalawam'put dalawang taong gulang na ako kaya ngayon ay labis ang pagkauhaw ko sa prisensya nila.

"Hindi ko inaasahang makikita mo kami ng ganito kabilis." natatawang aniya habang napapailing pa,

"Ibig sabihin ay pinagtataguan n'yo ako?" kunot-noong tanong ko, natawa naman sila at tsaka naupo sa dalawa pang kahoy na silya.

"Ikaw? hindi, ang panibagong gulo na mangyayari ang pinagtataguan namin, dahil sa oras na malaman nilang buhay pa si Terso ay magkakandirit ang mga bulate sa katawan ni Hither, kailangan n'yo munang mapatay ang sisiw bago kami makipag-sabong sa tandang, kailangan pa naming mabuo para maningil." nakangising aniya, napalingon naman ako kay papa, seryoso lang s'yang nagsasalin ng alak sa baso n'ya,

Batid ko ang lakas ni papa. Sa una palang ay s'ya na ang pinakaiingatan ng Latitude 1990. Walang laban na hindi n'ya naipapanalo, s'ya ang iniidolo ko simula pagkabata. Kaya sumunod ako sa yapak n'ya ng mawala s'ya, labis ang galit na naramdaman ko noon kaya naisipan kong bumuo ng grupo para lumakas at hanapin ang mga hayop na pumatay kay papa, ang mga bobong nagtangkang pumatay ng taong may benteng buhay.

"Anong ibig n'yong sabihin?" nagtatakang tanong ko, nilingon ko muli si bunsoy ngunit kagaya kanina ay para bang inaasahan n'ya na ang lahat ng maririnig,

'Sinasabi ko na nga ba't may itinatago ang batang 'to, tsk!'

"Nagtago kami para pansamantalang humupa ang nagaalburotong si Hither, kagaya ng anak n'yang si Lithor, ay nais ni Hither na manguna sa pinakamalalakas na gang sa buong laguna, alam n'yang si Terso ang isa sa pinakamalaking kawalan sa amin kaya siya ang pinuntirya nila, ngayon ay pinili muna naming manahimik, kailangan muna nating mapatahimik si Lithor bago namin singilin si Hither, sa ganoong paraan ay mapapadali ang lahat." paliwanag ni ninong Poler, kung hindi lang magiging OA pakinggan ay sasabihin kong bumuhol-buhol ang utak ko sa narinig,

"Pero masyadong magulo ang takbo ng isip ni Lithor, masyadong isip bata, aminado akong magiging mahirap para sa amin na hulaan ang bawat galaw n'ya, lalo na ngayong may malalim palang dahilan ang galit n'ya, 'yon ay ang pagkamatay ng asawa at anak n'ya, at kayo ang i-itinuturong p-pumatay." naiilang pang saad ko, napahawak pa sa bigote si papa at tsaka umayos ng pagkakaupo at nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni bunsoy,

"Sino nga ba ang nagsabing kami ang pumatay sa asawa't anak n'ya?" tanong ni papa, napalunok kami sa katotohanang dapat pala ay nauna muna naming inalam ang panig ni Lithor bago ang panig ng L1,

'Ang tanga, tsk!'

"H-Hindi nabanggit ni Lithor." napapahiyang sambit ni bunsoy, tiningnan ko rin si papa para iparating na maging ako ay walang maisasagot sa tanong n'ya,

"Nasisiguro kong hindi kami ang pumatay sa asawa't anak n'ya, dahil hindi namin makikilala ang batang 'yon kung hindi namin s'ya nakita noong araw na sunogin nila ang bodega namin." saad ng isa ko pang ninong,

'Kung ganoon ay hindi talaga nila kilala si Lithor? Pero bakit L1 ang itinuturo ni Lithor? Hindi ko parin makapa ang nakatagong sagot sa lahat ng tanong namin...'

"Si Hither... S'ya ang ama ni Lithor, tama?" tanong ni bunsoy, tumango naman si papa, napaayos ng sandal si bunsoy sa sofa, "Wala na kayong ibang kilalang Faigon maliban kay Hither, tama?" sumunod n'yang tanong, muling tumango si papa, "Kung gano'n ay kailangan nga muna nating marinig ang panig nila Lithor." lumaylay ang balikat ko sa pagaakalang si bunsoy na ang makakahanap ng sagot sa tanong namin,

"Akala ko ay may ideya ka na, loko ka." singhal ko, ngumiwi lang s'ya,

"Nasaan na nga ba si Hither ngayon?" tanong ni bunsoy, muli akong nagbalik ng tingin kay papa,

"Nasa Japan na si Hither, ilang araw bago nila nasunog ang lungga ay lumipad na s'ya patungo ro'n." tugon ni papa, nanatili akong nakikinig sa kanila,

'Japan? Hapones?'

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang pumasok sa isip ko ang mga Yosimochi, maging ang tagpo sa abandonadong hospital sa resort nila Drake kung saan nabanggit rin ang hapones. Ngayon ay may naipagdugtong rin ako, bagaman nasa Japan si Hither ay may posibilidad na patuloy parin s'ya sa pagkilos.

"Maging ang asawa ni Hither ay pinatay n'ya, pinalabas n'yang nagpakamatay ang asawa n'ya, ngunit ang totoo ay nalaman ng may bahay n'ya ang bisyo at masasamang gawain ni Hither, pinatay n'ya ang asawa n'ya para manahimik."

Pigil hininga akong umayos ng pagkakaupo. Hindi ko inaasahan na ganoon kasama ang tatay ni Lithor. Kung hudas na matatawag si Lithor ay mas grabe ang tatay n'ya.

'Kumpare siguro ni Satanas.'

Maging ang asawa n'ya ay nagawa n'yang patayin. May kung anong inis akong naramdaman, ganoon lang kadali sa kanila ang pumatay. Walang awa.

"Hindi ako makapaniwala." wala sa sariling sambit ni bunsoy,

"Nasanay na kami sa kademonyohan ni Hither kaya hindi na ako magtataka sa oras na malaman kong pinatay n'ya rin ang mga anak n'ya. Masyado s'yang nabubulag ng ambisyon n'yang maging pinaka-makapangyarihang tao sa lahat, ngunit hindi mangyayari 'yon dahil ang pinakamataas at pinaka-makapangyarihang tao sa mundo ay isa sa mga kasama n'yo."

'...dahil ang pinakamataas at pinaka-makapangyarihang tao na kilala ng lahat ay isa sa mga kasama n'yo.'

Umulit sa tenga ko ang linyang 'yon. Napalingon ako kay bunsoy ngunit kakaiba ang pakiramdam ko, hindi ko ramdam na si bunsoy ang tinutukoy ni papa. Dahil kung si bunsoy man 'yon ay diretso na nila iyong sasabihin, maging si bunsoy ay nagtaka, lalo na't isa na naman sa mga kasama namin ang naisali.

'Sino?'

"Isa sa mga kasama namin? Si Cashannea?" kunot-noong tanong ko,

"Sa Kaharian nila ay si Cashannea ang nangunguna, ngunit dito ay iba, ibang tao, ikalawa nalang si Cashannea kung susukatin, ang taong tinutukoy ko ay malapit lang sa inyo, s'ya ang taong puno't-dulo ng lahat, bago pa man nila kami sirain ay ag taong 'yon na ang binabalak nilang patayin, ngunit hindi nila magawa."

Halos manuot ang nakakapanindig-balahibong pakiramda sa laman at buto ko. Lalo na't ramdam kong isa sa mga kaibigan ko ang tinutukoy ni papa. Lahat ng kasamahan namin sa villeheart ay hindi malabong mapagdudahan, ngunit mula pagkabata ay kasama ko na sila, nasisigurado kong wala sa kanila ang tinutukoy ni papa.

"Kung gano'n ay panibagong isipin na naman 'to? Kailan ba matatapos 'to? Kailan n'yo ba balak tapusin lahat?" nalilitong tanong ni bunsoy, maging ako ay balilito at nagugulohan narin.

"Huwag kayong mag-alala, dahil kahit kailan ay hindi namin kayo pababayaan, maliban sa gang ng mag-ama na 'yon, lahat ng Gang sa buong pampanga ay nakaagapay sa inyo, ang gagawin n'yo lang ay lumaban, palagi kaming nakamasid sa inyo, wala kayong dapat ikatakot, dahil hindi kami nabuwag."

Natigilan na naman ako.

"Hindi nabuwag? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni bunsoy, nanatili akong tutok sa kanila.

"Hindi nabuwag ang Latitude 1990, ang inaakala nilang naitumba nila ay nakatayo parin hanggang ngayon, at naghihintay ng hudyat para sugorin sila."

Ilang milyong boltahe ng kaba ang nanalaytay sa akin.

'May mas malaking gulo pa pala ang magaganap.'

THANKYOU FOR READING!❤

VOTE AND COMMENT!

I'M BACK!

================================

A/N:

Matatagalan pa bago ako makapag-update ulit. Mamatay kayo sa kakaisip, bleh!

YTGG 2019, QUANTIARA.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 50 56
Rain Lazaro, a simple lady in town, keep on dreaming about someone. She knew to herself that she didn't meet this guy in real life. This guy keep on...
1.3K 114 42
Kadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng...
382K 6.9K 40
'Her Secret Identity' is formerly known as 'Class President turns into a Gangster Princess' & 'The President's Forbidden Identity'. It is now publi...
129K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...