MINE

By mayan0731

205K 6.2K 855

Deanna Wong is Chief Geologist of the Exploration Team working for a partnership of two companies one foreig... More

I - FIRST ENCOUNTER
2 - FRIENDS
3 - PRAYERS
4 - TEXTMATES
5 - DI MAKATULOG
6 - DOUBTS
7 - FAMILY
8 - FRACTURED
9- BROKEN
10 - FALLING
11 - HALIK
12 - JEALOUS
13 IN THE CITY
14 - The Past
15 - LAKWATSA
16- PAMANHIKAN
17- KATRIBO
18 - HABULAN
19- THE DANCE
20 - THE PROMISE
21 - SESSION
22 THE BATTLE
23 - UMPISA
24 -THE BIG REVEAL
25- PAALAM
26 - NIGHTMARE
27- FILES
28 - LUIGI
29 - PASYA
30 THE GREAT EMIR
31- DINNER AND DANCE
32 - THE OTHER SIDE
33 - RALLY
34- SUNFLOWERS
35-ABDUCTED
36- TRUTH
37- VICTORIOUS
Not an Update
38- LONGING
40- DOPED
41- MULI
42 - CANCELLED
43 - MUSEUM
44- AKSIDENTE
a/n
playlist
45 - SA PAGHUPA NG BAHA
46- KEEP GETTING BETTER
a/n

39- WELCOME PARTY

3.3K 119 19
By mayan0731

Ang tagal naman mag-umpisa nitong programa na 'to. andami pa sanang mas mahahalagang gawain na pinagkakaabalahan ko ngayon. Kung hindi lang talaga, importante na makakuha kami ng suporta at tulong ng mga maiimpluwensya at mayayamang tao na naririto, ayaw ko talagang dumalo dito. Dagdag pa itong mayabang at preskong Engineer na kasama ko. Nakuuu!

Halos 8 buwan na rin mula nang mabawi namin ang aming lugar sa dayuhang kompanya pero, sadyang mahirap ang rehabilitation. Mahabang panahon ang kailangang palipasin para ganap na magsauli ang sigla at buhay ng aming malaking ilog na nilason at halos patayin na dahil sa pagbuhos ng mine tailings. Gayundin ang kailangan para lumaki ang mga bagong tanim na puno at lumalim ang mga ugat nito para mapigilan ang pagguho ng malaking bahagi ng bundok na malalim na kinalkal ng naunang kompanyang malayang nakapaghakot ng mga yamang mineral. Nakapag tree planting kasi kami ng makailang beses sa tulong ng organisasyon ng mga estudyante. Kailangan ding isabay ang pagpapa-unlad sa agrikultura gamit ang mga makabagong teknolohiya para mapagaan ang kabuhayan ng aming mga kababaryo para di na sila bumaling sa maliitang pagmimina na nakakadagdag din ng maliliit na pinsala sa kalikasan. Kasabay nang lahat ng ito, kailangan ang patuloy na pagpapaunawa sa lahat sa kahalagahan ng pagmamahal sa kalikasan. Bagama't wala na ang dayuhang kompanya, kailangang handa ang lahat kailanman may dumating na panibagong banta. Sa lahat ng ito, kasama sa lahat ng programa at plano ang kalagayan at pagpapaunlad sa pamumuhay ng aming mga kapatid na katribo. Mabuti na lang may comprehensive na blue print ng rehabilitation plan na naihanda si Deanns, kasama ito sa mga files na nabulatlat ko noon sa laptop nya. Halos ito din ang planong sinusunod namin ngayon.

Nagtayo kami ng isang NGO na rehistrado para legal na makapag-coordinate ng lahat ng gawain sa rehabilitation ng aming lugar. Ako ngayon ang tumatayong director nito kaya sa mga pakikipag-usap sa kung sinu-sino na kinakatulong namin, mapa-opisyal man ng gobyerno o mula sa private sector ay ako ang humaharap. Ayoko sana talaga sa ganitong gawain lalo pa't hindi ako komportableng makihalu-bilo sa ganitong klaseng mga tao. Kung hindi nga lang talaga kinakailangan. Saka ako naman ang kwalipikado.

Salamat na lang talaga kay Mahal, hanggang sa dulo ay kasama pa rin namin ang kanyang mga ideya at mga plano. Asan na kaya sya? Mahal nya pa kaya ako? Naaalala nya pa kaya ako? Masaya na siguro sya kasama yung Rachelle na yun? Ang daya naman kasi , hindi man lang ako nabigyan ng chance na makahingi ng tawad at makabawi. Ipinikit nya na lang ang kanyang mga mata bago pa may pumatak na luha. Ganun naman lagi, sa loob ng mga nakaraang buwan kahit gaano nya gawing abala ang sarili, kahit puyatin at pagurin nya ang kanyang katawan, lagi't lagi hahantong ang kanyang isipan sa kanyang pinakamamahal - si Deanns. Kahit pa nasa harap sya ng mga batang katribung tinuturuan nya o kaharap man ng Kapulungan sa Kapitolyo para ihapag ang kanilang proposal para sa rehabilitation ng lugar nila, laging hahantong ang kanyang pag-iisip sa malungkot na kinahinatnan ng relasyon nila ng asawa nya.

Out here on my Own

(Irene Cara)

Sometimes I wonder where I've been,
Who I am,
Do I fit in.
Make believein' is hard alone,
Out here on my own.

We're always provin' who we are,
Always reachin'
For that risin' star
To guide me far
And shine me home,
Out here on my own.

When I'm down and feelin' blue,
I close my eyes so I can be with you.
Oh, baby be strong for me;
Baby belong to me.
Help me through.
Help me need you.

Until the morning sun appears
Making light
Of all my fears,
I dry the tears
I've never shown,
Out here on my own.

But when I'm down and feelin' blue,
I close my eyes so I can be with you.
Oh, baby be strong for me;
Baby, belong to me.
Help me through.
Help me need you.

Sometimes I wonder where I've been,
Who I am,
Do I fit in.
I may not win,
But I can't be thrown,
Out here on my own,

Out here on my own.


"Jema, okey ka lang ba?" Tanong ni Jude - ang provincial Engineer na kasama nya ngayong gabi. Dumalo sila sa paWelcome Party ng Gobernadora sa isang malaking sponsor na susuporta sa probinsya.

"Yeah, I'm okay. Medyo napagod lang siguro ako sa balikan kong byahe pauwi sa amin kanina. Punta muna akong cr ha, mag-freshen up lang ako."

Gwapo naman at matikas ang tindig ng batang Engineer na ka-date nya at makailang beses na ring nagpapahayag sa kanya ng pagkakagusto pero wala talaga syang maramdamang maski kaunti para dito. Si Deanna at si Deanna pa din.

Nagtagal sya sa CR dahil inayos nya ang kanyang lipstick at tiniyak na walang nagkalat na kolorete sa kanyang mga mata dahil kanina ay alam nyang namasa ang kanyang mga mata dahil sa pag-iisip na naman kay Deanns.

Nagsimula na ang programa nang makabalik sya sa table nila ni Jude. Nagsasalita na ang Gobernadora at iniisa isang ibalita ang mga breakthroughs sa mga flagship projects ng kanyang pamamahala. Isa na dito ang rehabilitation ng mining area.

" Here with us tonight is the Director of the Pag-Asa Peoples Network for Reconstruction and Rehabilitation - the ever beautiful Ms Jessica Margarett Galanza - pagpapakilala ng Gobernadora

kaya napilitan si Jemang tumayo at ngumiti habang kumakaway kaway sa mga nanduon. Ang Engineer naman ay maginoong tumayo din at inalalayan ang dalaga kapagka ay inaalayan din ito sa pag-upo habang nakahawak sa baywang.

Hindi makapaniwala si Jema sa narinig ng ipakilala ng Gobernadora ang panauhing pandangal. Ito pala ang mayamang bisita na malaki daw ang maitutulong sa mga proyekto sa probinsya .

"Ladies and Gentlemen, let us all welcome , Our distinguished Guest - the CEO of Wong Rehab and Development Corporation- Ms Deanna Izabella Wong."

Parang nagkakarera ang tibok ng puso ni Jema, dahan dahan nyang inangat ang kanyang mukha para tingnan ang tinawag. Sya nga! Sya talaga, nandito na ang kanyang mahal. Nakita na nya ulit ang kabuuan ng mukha nito. Ang malagong kilay at ang singkit na mga mata, ang maliit na cute na ilong at ang mapupulang labi. Dati kasi nung Emir ito ay labi lang ang nakikita nya ( nakahalikan pa nga 😊. Nakasuot ito ng salamin kaya medyo mas matured ang hitsura, medyo relaxed ito ngayon di tulad noong nasa OGB na animo laging makikidigma. Maganda pa rin ang hubog ng pangangatawan nito, nandyan pa kaya ang kanyang mga abs. ( nakuu Jemalyn saan na naman papunta ang isip mo 😊 -napangiti sya sa kanyang sarili).

"Good evening everyone! My name may leave a bitter taste in your mouth. I won't blame you for that. Yes, I am the same Deanna Wong of Wong Consolidated Mining and I am back. With Wong Rehab and Development I promise, we will bring life, love and peace back to our community. We will be with you in each and every step of the way. "

Hindi inaalis ni Deanns ang kanyang pagkakatitig kay Jema na nakaupo sa tabi ng Provincial Engineer. Nararamdaman na naman nya ang masakit na matulis na wari'y tumutusok sa kanyang puso. Ito na nga ba ang kinatatakutan nya. Hindi nakalampas sa kanyang paningin kung paano masuyong inalalayan ng gwapong engineer ang kanyang asawa kanina na sinuklian naman nito ng matamis na ngiti.

Si Jema naman ay wari'y nakapako na ang tingin sa mga mata ni Deanna. Para kasing sya lang ang kinakausap nito. Ibig bang sabihin nito'y binabalikan na nya ako? Hindi na nya napansin na inilapit na pala ni Jude ang upuan nito sa kanya at ngayo'y naka-akbay sa likod nya. Wala pa rin syang mabasa sa mga mata ni Deanns, parang galit ito na parang nang -uusig. Mamaya, kakausapin talaga kita. Di ako papayag na matapos ang gabing ito na hindi tayo nagkakausap. Tiyak namang hindi rin ako mapapalagay hangga't hindi tayo makakapag-usap.

"By the way, I'd like to introduce to you my partner - Dr. Vanie Gandler, she's the medical director and head of the fleet of mobile hospitals all of which will be operating all throughout the province . at lumapit kay Deanns ang isang magandang mestisang doctor na ngumiti at kumaway din sa mga naandun.

Nagkamayan at nagbeso ang Gobernadora at ang dalawang panauhin. Si Jema naman ay napatunganga- partner, ano yunnn? girlfriend ??? asawaaaa???!!! Sabagay wala namang kasulatan yung kasal na naganap sa kanila. Napadampot tuloy sya ng baso ng alak mula sa mga inililibot at iniaalok ng mga waiter. Gumuhit ang pait at init sa kanyang lalamunan at sikmura. Talaga bang hindi sya tatantanan ng sakit. Akala nya masaya na sya . . . sasaya na sila.

Yun pala. . . .

Sinunod sunod nya nag lagok ng alak, naka-apat na baso sya, pakiramdam nya'y wala pa ring tama kayat nang yayain sya ni Jude na sumayaw ay pinagbigyan nya naman. Habang sumasayaw sa isang slow music ay nakaramdam sya ng kaunting pagkahilo kaya napahilig sya sa dibdib ng kasayaw.

Sa isang mesa, kuyom ang kamao, tiimbagang at naniningkit ang mga mata na matamang nag-oobserba lang si Deanna. Gusto na sana nyang lapitan para pigilan sa pag-inom ang kanyang asawa pero pinigilan nya ang sarili nya. Hindi pa ito ang panahon para dito. Pero nang makita nya kung pano naglalakbay sa likod at baywang ng kanyang asawa ang kamay ng kasayaw nito ay tumayo na sya at lumapit. Alam nyang hindi ito makakatanggi sa kanya.

Pagkalapit sa magkapareha ay tinapik nya sa balikat ang Engineer at inilahad ang kanyang mga palad.

"May I??!!"

Napilitan si Jude na ipaubaya ang kasayaw sa lumapit. Hindi nya ito pwedeng ipahiya. Ito ang panauhing pandangal sa okasyong iyon. Saka babae naman ito. Sa isip-isip ni Jude habang naglalakad pabalik sa upuan. Baka gusto lang makausap yung makakatrabaho nya sa rehab ng mining areas.

Maingat na ipinatong ni Deanns ang mga kamay ni Jema sa kanyang magkabilang balikat, inihilig ang ulo nito sa kanyang dibdib at hinapit ang baywang nito.

Si Jema naman ay tila naalimpungatan nang maramdaman ang malalakas at mabibilis na tibok ng puso sa dibdib na nasasandalan ng kanyang ulo,parang napaidlip na pala sya. Ang higpit ng kapit ng kasayaw nya sa kanyang baywang at dikit na dikit ang kanilang katawan. Naalala nya si Jude. Nanigas ang katawan nito pero bago ba nito maitulak ang kasayaw ay binulungan sya nito.

"It's ok Jesi, its me." At naaamoy nya ang natatanging amoy na hindi nya nakakalimutan. Itinaas nya ang kanyang mga mata at sinalubong ito ng nakababaliw na ngiti ng kanyang mahal.

"Deanns?? . . . . Mahal??"

"Yes, Baby, its me."

Starting Over Again

Natalie Cole

And, when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better
Than I ever did before
And you'll be in my heart forever more

We, we're just too young to know
We fell in love and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feeling die

I know how much I need you now
The time is turning back somehow
As soon as our hearts and souls unite
I know for sure we'll get the feeling right

And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
"Cause every time I look at you
I know we're starting over again
This time we'll love all the pain away
Welcome home my lover and friend
We are starting over, over again

If we never lived alone
Then we might have never known
All of the time we spent apart
All we did was break each other's hearts

And when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better
Than I ever did before
And you'll be in my heart forevermore

And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
"Cause every time I look at you
I know we're starting over again
This time we'll love all the pain away
Welcome home my lover and friend
We are starting over, over again

And now we're starting over again
This time we'll chase all the rain away
Welcome home my lover and friend
We are starting over, over again
We are starting over, over again


Ayan na fam as promised! Galing ni Queen J babad kung babad sa court. Ha ha ha tamang pa-cute na lang yung asawang nasa malayo. Iba din talaga sa pakilig ang 2 nato nakuuuu !!!!

Continue Reading

You'll Also Like

165K 14.9K 46
I never had it easy. From watching my parents succumb to the horrors of a car accident to craving the healing presence of the man I love-my entire li...
1.1M 49.3K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
7.8K 316 14
Killua was looking around for a book he would like to read in his favorite library. He never really liked to read because there were other people des...
131K 486 6
if two hearts are destined together,love is not going anywhere...