Slide

By ANAtheCowgirl

2M 43.5K 6.9K

[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Ve... More

***
BUENOS MAFIOS OPERATIONS
---
Chapter 1: A New Vice
Chapter 2: Too Much Coincidence
Chapter 3: Free Bree
Chapter 4: Deserving
Chapter 5: Rivalry
Chapter 7: To Win The People's Heart
Chapter 8: Image
Chapter 9: Dinner
Chapter 10: Taste
Chapter 11: Reconcile
Chapter 12: Red Carpet
Chapter 13: Smooth Move
Chapter 14: Aubrey
Chapter 15: Question
Chapter 16: The Best Act
Chapter 17: Bad Light
Chapter 18: It's On
Chapter 19: The Worst Date
Chapter 20: The Devil That Works Harder
Chapter 21: Why?
Chapter 22: By Chance
Chapter 23: A Piece Of Her Past
Chapter 24: Respect
Chapter 25: Alliance
Chapter 26: Five
Chapter 27: Sealed
Chapter 28: We're Just Getting Started
Chapter 29: Strolling
Chapter 30: Election Day
Chapter 31: In Demand
Chapter 32: The Dove
Chapter 33: Best Actress
Chapter 34: Worried
Chapter 35: Usapang-Lasing
Chapter 36: Wishing Star
Chapter 37: Solo Pienso En Ti
Chapter 38: Good News
---
Chapter 39: Contentment
Chapter 40: Invitation
Chapter 41: The Speech That Killed Him
Chapter 42: Maria Clara
Chapter 43: A Mother's Concern
Chapter 44: Special Delivery
Chapter 45: Kaiser
Chapter 46: Denial
Chapter 47: Anger
Chapter 48: Guards
Chapter 49: Share Your Blessings
Chapter 50: Communication
Chapter 51: Another Chance
Chapter 52: Por Favor
Bonus Chapter: Private Beach
Chapter 53: Filtered
Chapter 54: Encounter
Chapter 55: Please, Be Careful With My Heart
Chapter 56: Like No Other Man
Chapter 57: Advice
Chapter 58: Bree, Go!
Chapter 59: Free Virgo
Chapter 60: Chess
Chapter 61: Back To Normal...?
Chapter 62: Take One... Action!
Chapter 63: Home
Chapter 64: Safety
Chapter 65: Love What We Hate
Epilogue
BreeGo Theme Song
Liham ni Andres Bonifacio para kay Oryang
Author's Note

Chapter 6: Saving Grace

34.8K 711 15
By ANAtheCowgirl

NAGKAHARAP NA SI BREE AT KRISTA. Ibang-iba na ito sa Krista na nakasama niya noon. Halos sabay lang silang sumabak sa showbiz. At sa totoo lang, mas mahiyain siya kaysa sa babae...
.
.
Gayunpaman, ine-encourage siya lagi ni Krista na sisikat din sila. Na magtutulungan silang dalawa na maabot ang mga pangarap nila. Hanggang sa wala na silang choice. Dahil mga sikat o kilalang aktres ang laging kinukuha para sa mas disenteng roles o mga role ng malalaking pelikula, napadpad sila ni Krista sa mga alanganing role.

Kasama na roon ang pagbida sa mga X-rated na pelikula. Hanggang sa may nag-imbita sa kanya na mag-audition para sa lead role ng Divinagracia.

It was a sexy film with a bit of censored nudity and sex scenes. Under ito ng malaking filming company at maging mga sikat na artista ay nago-audition para sa role.

Krista! excited niya noong tawag sa kaibigan nang makauwi sa kwartong pinagsasaluhan nila. Bedspacer pa lang sila noon. Krista, masayang tabi niya sa kaibigan na nakahiga roon.

Napabangon ito. Uy, ano?

Malapad ang ngiti niya at pinakita ang checklist na binigay sa kanya ng producer nung huling pelikula na pinag-extra-han niya.

Binigyan ako niyan ni Sir Ben! Try ko raw mag-audition para sa Divinagracia.

'Yung movie na ire-remake? pamimilog ng mga mata nito.

Oo, kuha niya ulit sa papel nang ibalik ni Krista. Pinalista na niya ako sa mga mago-audition. Dalhin ko na lang daw 'yung requirements sa checklist na ito.

Pwede rin ba ako mag-audition? masiglang tanong ng kaibigan.

All of a sudden, she felt bad. Naku, Krista… ano kasi… napayuko siya. Tinanong ko na rin kay Sir Ben iyan. Sa ngayon daw kasi, hindi pa open for public ang audition. Pili-pili lang…

Napayuko saglit si Krista. Pag-ahon ng mukha ay humahalakhak na.

Naku naman, Bree! Hindi ako mago-audition para sa lead role, no. Yung mga extra-extra lang sana.

Ayaw niyang maniwala. Hindi ganoon kababa ang mga pangarap ng kaibigan. Kaya nga sila nagkasundo, 'di ba? They were both determined and hungry for success.

Kasi come on, patuloy nito,
napanood mo na ba yung original na Divinagracia?

Umiling siya.

Hay, naku, ang daming XXX dun! Hindi ko kakayanin 'yun!

Bumagsak sa checklist ang mga mata niya. Gayundin ang pagbagsak ng mga balikat.

Sawa na ako sa role na lagi na lang tayong pa-sexy, higa ulit ni Krista sa kama. Tila malalim na nag-iisip habang nakatulala sa kisame. Gusto ko ng mga mas disenteng role. 'Yung mga role na seseryosohin talaga ako ng mga tao.

Napaisip si Bree. May punto si Krista. At doon din siya natuto na maging mas ambisyoso.

She crumpled the checklist that night. Tinapon iyon sa basurahan.

Kinabukasan ng gabi, nagmamadaling nagpaalam si Krista. Kailangan daw ito ng pamilya nito sa probinsya. Emergency daw.

Paano na ang mga pangarap natin?

Makahulugan ang sinabi ng kaibigan.

Minsan, kailangan nating magpakatatag at i-pursue ang mga pangarap natin ng mag-isa.

Akala niya para sa kanya ang mga katagang iyon. Na paraan iyon ni Krista para palakasin ang loob niya. Na kakayani  niya ng mag-isa. Ilangg araw pa ang lumipas bago niya nabalitaang ito na ang nakakuha ng role bilang Divinagracia.

Ang mga sinabing iyon ni Krista. Pagpapaalam na pala iyon na magsosolo na ito.

Na iiwanan siya nito sa ere.

Na aagawan.

That movie. That movie became Krista's biggest break. Mula sa pelikulang iyon, marami nang kumuha kay Krista bilang magkontrabida katrabaho ang mga sikat na direktor at artista, hanggang sa tuluyang nagkaroon na ito ng mga lead roles.
.
.
Nagkatitigan muna silang dalawa bago nauna ang babaeng nasa kanyang harapan.

"Congrats on your new movie," ngisi ni Krista. Maarteng nakataas ang isang kamay, nakalahad ang palad sa gilid. Her black hair was tied in a half-ponytail. Natural na alon-alon iyon. Hanggang likod ang haba. Seksi rin ang babae sa suot nitong halter neck dress na pink.

There was a dramatic silence.

"Pwe," timing na timing na sagot niya rito, may kakambal na ngiti sa kanyang mga labi. Bree was making herself look so sweet right now.

"Come on, Bree," hilig nito ng ulo, "don't ruin your only break by messing with me again. You wouldn't want your first to be the last."

She just smiled. "As far as I remember," chin-up niya para pababa ang ibigay na tingin dito, "Divinagracia is my first break. This is the second."

Napailing ito. Pumeke ng tawa na para bang akala nito ay hindi niya mahahalatang peke.

"You wouldn't want me to end your beginning career too soon, Bree."

"Krista," mahigpit na pagitan ng manager ni Krista sa pag-uusap nila, "huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa babaeng iyan."

Pareho nilang dinedma ito.

"Sounds like you're threatened. Kaya ba gusto mong tapusin agad? Threatened ka?"

Napalis ang ngisi nito. Nagtitimpi na lang si Krista sa kanya.

"Remember the party two weeks ago?" paalala niya. "Hindi lumabas sa balita ang away natin dahil akala nila ikaw ang nagpasimula," ngisi niya. "Thank God, the press loves you, but that's enough proof who's a better actress among us."

Alam ni Bree na siya iyon. She's the better actress. Dahil siya talaga ang naunang sumugod ng away kay Krista n'un. All she needed to do was drop herself on the floor and let Krista take the upper hand in the end, para ito ang mahuli ng mga tao na nananakit sa kanila.

"Let's go, Krista," hawak ng manager sa braso nito. Tinabig iyon ni Krista.

Lalong nainis ang babae sa mga sinabi ni Bree. Her teeth clenched.

"Let's see about that now!" sugod nito sa kanya.

Nataranta na ang PA at manager ni Krista. Nakisali ang mga ito para pigilan ang dalaga.

"I'll fire you both if you stop me!" gigil na banta nito sa dalawa na sumuko agad.

Nawala na ang ngiti ni Bree nang hablutin siya ni Krista sa braso. Sasabunutan na sana siya nito nang may humarang na kamay.

Napatingin siya sa lalaki na nasa likuran. He was intimidatingly tall and neat in his white barong. Semi-kalbo ang lalaki na may malakas at matikas na pangangatawan.

"Who are you? Let me go!", Krista shrilly demanded.

"Ma'am, bilang parte ng security team ng network, we need to make sure maayos ang lahat."

Binitawan na nito si Krista. "That girl!" turo nito. "She started it!"

Napangisi si Bree. Poor Krista. Nahuli sa maling timing kaya hindi na naman paniniwalaan.

"I just tried to protect myself! She's definitely starting trouble here!"

Napunta sa kanya ang matiim na titig ng guard. "Miss Bree, sumama po kayo sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Bakit ako lang? Isama mo rin siya!" turo niya kay Krista. "Siya ang unang nanakit!"

He firmly held her arm. "Sumama na lang po kayo, Ma'am."

"No!" pagpupumiglas niya habang hila-hila na ng lalaki.

Halos magpakaladkad na siya rito dahil hindi matanggap ng pride niya na nakasunod ng tingin sa kanya si Krista at ngiting-ngiti habang naka-ekis ang mga braso. Awa naman ang nasa mga mata ng PA. Walang emosyon naman ang manager ni Krista.

"Bitawan mo ako!" panlalaban niya sa humihigpit na kapit ng lalaki.

Siyang liko nila sa walang katao-taong hallway.

"Makicooperate ka naman, Ma'am. Mahihirapan akong dalhin ka kay Senator kung ganyan ka," anito sa mababang tono.

"Senator?" gulat niyang titig rito.
.
.
NAPAHALUKIPKIP SI BREE. Buti naman at tapos nang magkwento ang bodyguard ni Virgo na si Greg kung ano ang nadatnan nito kanina. Natagalan kasi ang lalaki sa kanila kaya nang-usisa.

Pagkasara ng pinto, inokupa na ni Greg ang driver's seat. Magkatabi naman sila ni Virgo nang umandar ang kotse.

"Bakit mo ako sinundo?" hindi pa rin siya makapaniwala at naiinis. "Siguradong may nakapansin na pumasok ako rito sa kotse mo!"

"Don't worry. This is a different car. Hindi ito 'yung gamit ko kapag oras ng trabaho, so no one is familiar with this," tanaw nito sa bintana, nakapanlalaking de-kwatro ang lalaki sa suot nitong blue jeans at polo shirt.

Oh, God, humahapit sa katawan ng lalaki ang kasuotan. Sigurado ba sila na nasa forties na ang lalaki? Nakakatakam pa rin kasi ang katawan. Ma-muscle. Ma-ugat. Matigas sa tamang mga parte. He looked sexier and deadlier in casual clothes. Tinatago ng formality ng mga suit ang kamandag ni Virgo na nilalabas ng mas kaswal na kasuotan.

Bree looked away. Heto na naman siya at pinagpapantasyahan si Virgo. She never looked at any politician this way-- in a sexual way.

But Virgo?

"Bagong gupit din si Greg. Next time he brings you to me, I'll make him wear a wig as disguise."

They heard Greg's groan of protest. That made Virgo chuckle.

"How could you be so relaxed?" lingon niya rito.

"Why are you not?" ganti ng lalaki. He sexily grinned. "Should I make you feel relaxed?" dampot nito sa kandong niyang pouch.

"Virgo," agaw ni Bree sa sariling pouch, "ano ba?"

"We'll have no controversies, alright?"

"Make sure of that," lingon niya sa bintana. "I want to be safe."

Dahil hindi ako makakapayag na makita ulit ang ngiting-tagumpag ng Krista na iyon.

"I want to be safe," he grinned. "Says the woman who always put herself into trouble."

"Bakit mo ba ako pinasundo?" harap niya ulit dito.

"I just want to warn you about Jordan," biglang pagdidilim ng anyo nito. He impulsively searched for the cigarette in his chest pocket.

"Who's that?"

Sinubo na nito ang stick.

"Nothing special," he muffled before lighting it up.

"Don't smoke," saway niya rito.

"If you'll kiss me, I'll stop. Kailangan ko lang naman ng mahihithit."

"Wala ako sa mood," nabubunton pa rin niya kay Virgo ang inis kay Krista. "May guesting ako ng five P.M."

"Then," buga nito ng usok kaya nagpaypay siya ng kamay, "I'll put you in the mood."

Makahulugan ang titig nito na nasalo ng mga mata ni Bree.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 30K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
13.1K 395 12
Marco Santillan hated the case that was given to him, actually not just himself but the entire team. But nevertheless he has no choice its part of hi...
588K 14K 68
[ Manila's Finest Series #2 ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ When desperation calls, danger comes. Unti-unti nang nakakab...
133K 4.6K 19
[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.