Passion Series 3: POKER(COMPL...

By AnnaDon_02

85.7K 1.7K 70

Heather Avery Delacruz, a woman who spend the most of her time at the Casino. A woman who lost her fairytale... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHPATER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE
Authors note
PROMOTION

CHAPTER 13

2.1K 52 5
By AnnaDon_02

CHAPTER 13

TAHIMIK na kumakain ng hapunan si Heather habang ang mga kasalo niya ay nagtatawanan. Nakaka alala na siya at grabe pala ang mga nangyari kanina. Sobrang nakakahiya.

"Ma'am. Heather. May tumatawag po sa inyo, mother daw po ni Sebastian Carter Alfonsi?" Sabi ng katulong kay Heather. Bigla namang tumignin sa kaniya si Rebecca.

"Sure ka ba na si Heather ang hinahanap at hindi ako?" Kunot noong tanong ni Rebecca sa katulong.

"Hindi po. Heather Avery Delacruz po eh. Kayo ba 'yon?" Sabi ng katulong at inirapan si Rebecca. Tumayo nalang si Heather at tahimik na tinanggap ang telepono saka lumabas.

"Hello po?" Ani ni Heather.

"Hello hija? punta ka naman dito. Wala naman si Sebastian eh. Samahan mo naman ako dito sa mansiyon hija, na mimiss na kita." Masuyong sabi ng ina ni Sebastian. Bahagya siyang napangiti dahil doon.

Nilingon ni Heather ang pamilya niya na nagtatawanan nanaman ngayon. Napangiti siyang muli.

"Hmm, sige po." Ani ni Heather sa ina ni Sebastian.

"Sige, aantayin kita ha?" Ani nito saka pinatay ang telepono. Bumuntong hininga si Heather saka tumingin sa langit. Gabi na rin pala. Heather thought about what if Sebastian and her work out together? Like, what their relationship really works? Napailing si Heather saka pumasok na sa loob.

"Mom? Dad? Aalis po muna ako. May gagawin lang po akong importante." Sabi ni Heather.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ng ama niya.

"Sa mansiyon ni Sebastian. May bibisitahin lang po ako." Sagot ni Heather

"Sige anak, ingat ka. 'Wag kang magpapagabi." Sabi ng ina niya.

Hindi lang kumikibo si Rebecca pero nakikita niya ang pagluha nito. Her fucking saint sister is crying. I'm shock.

Nagbihis si Heather ng simpleng damit saka nag motor papunta sa bahay ni Sebastian. Malapit na mag eight nang makarating siya doon at pinagbuksan naman siya ng mga guard. Ito na rin ang nag park ng motor niya kaya ang ginawa niya nalang ay pumasok sa loob. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting bumungad sa kaniya ang nanay ni Sebastian.

"Hija, good evening." Ani sa kaniya ng ina ni Sebastian at niyakap at ganun din ang ginawa niya pabalik. "Halika at magluto tayo. Tamang tama at wala ang magaling kong anak dahil, bachellor party nung Calvin at 'yon, nag punta ng daraga." Kwento ng ginang. "At gusto kong sumama ka." Biglang napatitig si Heaher sa ginang.

"Ako po? Eh? 'wag na, hindi ko naman po kilala 'yon." Sabi ni Heather.

"Okay lang 'yon, kasama mo naman ako eh. Sige na anak, pagbigyan mo na ako. Malapit na kong mawala sa mundong ito kaya pagbigyan mo na ako." Suyo ng ginang sa kaniya. Kaya wala siyang nagawa kundi sumang ayon nalang.

"O sige po. Pero mag papaalam muna po ako." Sabi ni Heather at pumayag naman ang ginang

Being with Sebastian's mother is fun. At ang ganda ng pangalan nito. Gloria Mercedes. Her name looks old but it sounds elegant. Pagkatapos nilang mag bonding ay umuwi na rin siya.

"Manang, paki empake po ng damit ko. 'Yung good for one week." Aniya rito na agad namang sumunod.

"Saan naman ang punta mo hija?" Tanong sa kaniya ng katulong

"Sa Daraga po. Mag u-unwind." Sagot ni Heather. Natulog na rin siya nang matapos mag empake ng katulong sa kwarto niya. Kailangan niya ng sapat na pahinga dahil bubugbugin siya ng biyahe bukas.

Maagang nagising si Heather at kumain. Alas sais na ng umaga at nakikita na niya ang van na magsusundo sa kaniya. Mabuti na lang at naka bihis na siya at handa na ang lahat. Aalis na lang siya. Nakita siya ng ina niya sa salas na may pagtataka sa mukha.

"Aalis ka nanaman? Ang aga aga pa mag gagala ka na?" Kunot noong sabi ng ina ni Heather.

"Mom, baka next week pa 'ko maka uwi. May aasikasuhin ako eh." Sabi ni Heather.

"Sige, ayusin mo lang talaga Heather. Namumuro ka na." Galit na tonong sabi ng ina niya.

Ngumiti lang si Heather pagkatapos ay lumabas na ng bahay. May mga bumabang guard sa van at kinuha ang mga gamit niya at nilagay iyon sa compartment. Pagkasakay niya ay nakita niya rin ang ginang doon at ngiting ngiti.

"Yey, actually bukas na 'yung kasal eh. Pero don't worry may mga naka ready ng damit doon. Isusuot na lang." Dirediretsong sabi ng ginang sa kaniya at tanging ngiti lang ang sinagot niya.

"Parang nakakahiya naman po, wala na kaming relasyon ni Sebastian pero kasama niyo pa rin po ako." Sabi ni Heather.

"Ay naku, 'wag mo isipin 'yan bakit? Eh sa gusto ko na sumama ka eh. May magagawa ba siya? Diba wala?" Sabi ng ginang na ikinatawa ni Heather.

Matagal ang biyahe papuntang Daraga at inabot sila ng oras oras. Sa sasakyan na sila kumakain pero buti na lang ay hindi traffic. May mga time na umiidlip sila sandali at mamaya ay gigising ulit. Alas dos sila ng hapon nakarating doon at nag rent ng sariling hotel. Same sila ng hotel ni Gloria at sa iba naman ang iba nilang kasama.

Naisipan ni Heather na tawagan si Gail at buti ay sumagot ito kaagad. "Gail, parang hindi ata ako makakauwi." Aniya.

"Bakit? Naaan ka ba— wow, hindi ka nag choppie ah." Ani nito.

"Haha oo nga, mataas siguro signal dito sa daraga." Sabi ni Heather.

"Ano?" Tanong ni Gail sa kabialng linya. Inipit ni Heather ang cellphone sa pagitan ng balikat at tainga saka nag ayos ng gamit.

"Bakit? Na sa daraga ako, anong problema?" Tanong ni Heather.

"Eh, nasa Daraga din ako eh. Para sa kasal ni Calvin, kami 'yung mag mamanman. Ikaw ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Gail.

"A-attend ng kasal ni Calvin." Sagot ni Heather.

"Wow, kilala mo pala sila?" Gulat na tanong ni Gail.

"Kaibigan siya ni Sebastian." Sagot ni Heather.

"Okay... I'm not surprised. Sige na, may duty pa ako eh." Sabi ni Gail saka pinatay na ang linya. Nilapag ni Heather ang cellphone saka tinabi lahat ng damit. Pagkatapos ng mahabang ligpitan ay naupo siya sa kama at saktong pagpasok ng ginang.

"Hija, halika. Mag papaganda tayo. Tapos may pupuntahan tayong designer para bukas. Halika na baka gabihin tayo." Sabi ng ginang. Hindi na tumanggi si Heather dahil hindi naman siya makakatanggi. Tumayo na siya saka kinuha ang bag at diretsong lumabas ng kwarto

Nang makapunta sila sa parlour ay naupo muna si Heather at si Gloria muna ang pinauna bago siya. Nag dye ng buhok si Gloria ng blonde at bumagay iyon sa kulay ng matanda. Hindi tumanda, hindi rin bumata. Kumbaga walang nangyari. Kinuha na si Heather ng isang assitant at siya naman ang inasikaso.

"Kukulayan din ba natin ang buhok mo?" Tanong ng stylist.

"Sige, kaso red. Doon lang sa laylayan okay lang?" Ani ni Heather.

"Sure." Nakangiting sabi nung bakla. Lagpas dibdib ang buhok niya at medyo curly naman kaya maganda. Hindi rin nag da-dry ang buhok ni Heather.

"Ako na mag babayad niyan." Sabi ng ginang na ikinahiya niya.

"'Wag na po, ako na." Ani ni Heather.

"'Wag na hija, ako na. Ako naman ang nag yaya eh." Sabi ni Gloria at hindi na tumanggi si Heather.

Okay go...

"Okay po." Nakangiting sabi ni Heather.

Pagkatapos mag pa facial at parlour ay dumiretso sila sa stafford's design. Sabi nila ay sikat daw ito dito at sa iba pang bansa. Dito rin daw kumukuha ang ibang artista ng damit na isusuot dahil madalas ang tela ng mga ito ay angkat pa mula sa ibang bansa.

"Hello, si Miss Noah?" Ani ni Gloria nang makapasok sa shop ng Stafford.

"Ay ma'am, umalis po. May lakad. Sabi niya aasikasuhin ko nalang daw po kayo. Nandiyan na po 'yung mga design. Gusto niyo pong makita?" Sabi ng isang assistant.

Tumango si Gloria saka sila sumunod sa assistant papunta sa VIP room. Doon ay inilabas ng assistant lahat ng design na gawa ng Stafford. Siniyasat ni Gloria ang bawat damit na nakita bago sila nakapili ng damit na isusuot.

"Kayo po ba mama? May napili na kayong damit?" Tanong ni Heather kay Gloria

"Okay na 'yung sa akin. Noon pa naka handa." Sabi ni Gloria habang tinitignan ang ibang damit.

Unang sinukat ni Heather ang spaghetti strap silky gown at medyo hindi siya komportable dahil parang labas ang kaluluwa niya roon. Pangalawa naman ay ang maala filipiniana at ayaw niya rin non. Ang pangatlo naman ang pinaka nakursunadahan ni Heather. Hindi expose ang harap pero pamatay naman ang likod. Backless ang gown at fit iyon sa kaniya. Hubog na hubog ang makurba niyang katawan at mas gaganda iyon kung ipupusod ng magulo ang buhok.

"What do you think, mama?" Tanong ni Heather at saka umikot.

"Ang ganda, maakit mo niyan si Sebastian. Sige lang, para mapalayo mo 'yang Rebecca na 'yan. Ayoko dun eh." Ani ng ginang. Nawala ang ngiti ni Heather. Rebecca is still her sister. Wala naman siyang balak na guluhin ang buhay nito eh. Patitikimin niya lang ng sampal galing sa lupa. 'Yun lang ang gusto niya.

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
Card High By ain 𓆩♡𓆪

Mystery / Thriller

416K 661 1
EDITING ------------------------- Game of Cards (Book 2)
1.2M 50.3K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
11.8K 313 32
THE SECOND GENERATION OF PASSION SERIES DARING SERIES #3 PROTAGONIST STACEY DUNIVIN and OWEN LEE At a young age, Stacey experienced being a teenage m...