YOU'RE THE GREATEST GIFT [COM...

By Itsquantiara

81.2K 3.2K 770

"YOU'RE THE GREATEST GIFT" "Bakit naman ako magkakagusto d'yan eh tingnan n'yo nga... Baduy!" Eh papaano nga... More

-INTODUCTION-
NAMES & SHORT NOTE!!
UPDATE
.....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (Repeat)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11- KNOWING YOU I
CHAPTER 12- KNOWING YOU II
CHAPTER 13- KNOWING YOU III
CHAPTER 14- KNOWING YOU IV
CHAPTER 15
CHAPTER 16 - 1ST WARNING
CHAPTER 17- 2ND WARNING
CHAPTER 18- 3RD WARNING
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 - THE PAYBACK I
CHAPTER 32- THE PAYBACK II
CHAPTER 33- THE PAYBACK III
CHAPTER 34- THE PAYBACK IV
CHAPTER 35- THE PAYBACK V
CHAPTER 36- THE PAYBACK VI
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
BREAKNEWS
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
-UPDATE-
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 69
CHAPTER 70
SPECIAL NOTE
CHAPTER 71- THE PAYBACK VII
CHAPTER 72- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 73- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 74- THE PAYBACK IX
CHAPTER 75- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 76- THE FINAL PAYBACK.
CHAPTER 77- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 78- [THEY ARE PAID]
CHAPTER 79- NEAR TO END
CHAPTER 80- NEAR TO END
CHAPTER 81- NEAR TO END
CHAPTER 82- NEAR TO END
CHAPTER 83 - GRADUATION (END)
CHARACTERS
AUTHOR'S NOTE
SEASON 2!

CHAPTER 68

515 19 19
By Itsquantiara

ATHENA'S POV.

Nakarating na kami sa townhouse, patuloy parin ako sa pangangatog. Ipikit ko man ang mga mata ko ay ang mga pangyayari parin kanina ang nasa isip ko. Hindi ko magawang patigilin sa pangangatog ang katawan ko. Bumaba kami sa sasakyan, naupo muna kami sa table namin at tsaka ako uminom ng tubig. Mabuti nalang at wala na sila Mommy at Daddy, mabuti ng hindi nila malaman.

"Ano bang nangyari bunch?" tanong ni Drake, punong-puno s'ya ng pagaalala, nilingon ko si Roxanne na takot na takot rin.

Hindi ko napigilan ang maluha sa labis na takot. Puno ako ng pandidiri na ano mang oras ay gusto kong masuka. Sariwa parin sa akin ang lahat ng nangyari kanina.

Hirap man ako sa pagsasalita ay naikwento ko parin iyon ng maayos sa kanila, tumulong rin sa pagkukwento si Roxanne, ngunit ang panginginig ay pinahihirapan kami sa pagsasalita.

=FLASHBACK=
___________________________________

Kasalukuyan kaming nagsasayaw sa tabi ng pool. Ang ikatlong lahi ay todo sa paggiling kasama ag mga lalaki. Kami naman ay paikot-ikot lang at paindak-indak. Natigil lang ako sa pagsayaw ng biglang tumunog ang phone ko.

[1 text message recieved]

Nangunot pa ang noo ko ngunit agad ring binuksan ang mensahe. Halos mapalundag ako sa nabasa.

______________________________

From: +63902218...

Athena, si Cassy 'to, bagong number
ko, puntahan n'yo ako ni Roxanne sa
townsite, kailangan ko ng kausap,
please, kayong dalawa lang sana.
______________________________

Napanguso pa ako ng tawagin n'ya akong Athena. Pero hindi ko nalang pinansin dahil baka dala lang ng problema. Agad kong pinuntahan si Roxanne na nakaupo sa table.

"Pupuntahan natin si Cassy." bulong ko, awtomatiko s'yang napangiti,

"Talaga? Sige saan?" tanong n'ya, agad din s'yang tumayo.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Drake,

"Kay Cassy, kailangan n'ya kami ni Roxanne." tugon ko, agad naman silang nagsilapit.

"Sasama kami!" sambit ni kuya Jake, agad akong umiling.

"Ang sabi n'ya ay kami lang daw dalawa, bleh! Tara na Rox." paghila ko kay Roxanne, kumaway kami sa mga kasama namin para magpaalam, agad na kaming sumakay sa sasakyan ko.

Iminaneho ko na iyon ng nakangiti. Gustong-gusto ko talaga na isa ako sa nasasandalan ni Cassy kapag may problema s'ya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Roxanne,

"Sa townsite." tugon ko, agad ko ng binilisan ang pagmamaneho.

Ng makarating kami ay dali-dali kaming bumaba ng sasakyan. Inilibot ko ang paningin sa madilim na parte ng townsite, umaasang naroon si Cashannea.

"Besswap?"

"Cassy?"

Pagtawag namin ni Roxanne. Halos mapaatras kami sa gulat ng biglaan ang pagparada ng isang van sa harapan naming lahat. Lumabas ang limang lalaki kasabay ng isang pamilyar na lalaki.

"Ikaw na naman!" sigaw ni Roxanne, sa pagatras namin ay agad kaming hinawakan ng apat pang mga lalaki.

"Pakawalan n'yo kami! Bessywaaap!" sigaw ko, umaasang lalabas mula sa kung saan si Cashannea ngumit wala.

"Labing walong taong gulang ka na pero uto-uto ka parin." tumatawang sambit ni Lithor, agad namang nangunot ang noo ko, kinuha ko ang kahulogan ng sinasabi n'ya at doon ko napagtanto ang lahat.

S'ya ang nagtext sakin! Stupid!

"Hayop ka!" sigaw ko kay Lithor, hindi parin nawala ang ngisi sa mukha n'ya, gusto ko s'yang sampalin ngunit sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa amin ng mga lalaking nasa likod namin ay hindi ko na magawang makawala.

"Napakadami mong plano! Puro ka lang naman satsat!" bumilib ako sa lakas ng loob ni Roxanne na sabihin iyon, maging si Lithor ay halos mabasag ang panga sa sobrang pagtitiim-bagang n'ya.

Halos tumilapon si Roxanne ng sampalin s'ya ng pagkalakas-lakas ni Lithor. Nagpumiglas naman ako at pilit na tinanggal ang pagkakahawak ng lalaki sa likod ko ngunit bigo ako.

"Alam mo ba kung anong kaya kong gawin sa inyo?" tanong n'ya, masama parin ang tingin namin sa kan'ya hanggang sa manlaki ang mga mata namin ng bumunot s'ya ng kutsilyo at humila ng taohan n'ya.

"Boss wag boss!" sigaw ng lalaki, ngunit para bang nanghina ang kalamnan ko kasabay ng pagsaksi namin sa umaagos na dugo mula sa leeg ng lalaki.

Nanginig ang mga tuhod ko habang nakikita ang unti-unting paghihirap ng lalaki sa paglanghap ng hangin. Sa bawat pagubo ay ang paglabas rin ng mala gripong dugo. Naiyuko ko ang ulo ko, tiningnan ko si Roxanne na hindi parin maalis ang tingin sa lalaki, halata sa kan'ya ang takot at panginginig.

Marahas na iniangat ni Lithor ang mukha ko papunta sa mukha n'ya. Nanghihina parin ako at para bang ano mang oras ay babagsak ako.

"Gusto mo bang gawin ko 'yon dito sa kaibigan mo?" tanong ni Lithor habang iniaangat rin niya ang ulo ni Roxanne.

"Huwag mo s'yang sasaktan, mapapatay kita." bagaman nanghihina ay pinillit kong magsalita.

"Hahahaha! At sa tingin mo mapapatay mo 'ko?" mayabang na tanong n'ya,

Nangunot ang noo ko ng mula sa malayo ay matanaw ko ang isang pamilyar na hubog ng katawan. Nakatayo s'ya mula sa kung saan, diretso s'yang nakatingin sa'kin. Iba narin ang suot n'ya, siguro ay nagpalit s'ya kanina ng umalis s'ya.

Palagi ka nalang nand'yan kapag kailangan ka namin, sana ay huwag kang mapagod... Cashannea.

Napangisi akong nagiwas ng tingin at tsaka diretsong tiningnan si Lithor. Diretso rin s'yang nakatingin sa akin na puno ng pagyayabang. Para bang biglaan sa paglakas ang katawannko at nagawa kong tumindig para pantayan ang mga tingin n'ya.

"Tama, hindi nga talaga kita mapapatay..." nakangising sambit ko, mas tinalasan ko ang tingin ko sa kan'ya, "Dahil si Cashannea mismo ang papatay sayo, tandaan mo 'yan." madiin na dagdag ko.

Napayuko ako sa sakit ng tuhorin n'ya ang tiyan ko. Agad n'ya muling iniangat ang ulo ko para makita ko ang nagngangalit na ekspresyon ng mukha n'ya.

"Walang makakapatay sa akin, ni isa sa inyo, dahil uunahin ko na kayong patayin!" sigaw n'ya at tsaka patapon na binitawan ang ulo ko. Hindi na ako nakasagot ng agad kaming isakay sa isang van.

Sa walang ano-ano'y pinaharurot nila 'yon papunta sa kung saan. Pigil hininga pa akong nakasandal dahil sa sobrang bilis ng pagpappatakbo nila. Hindi ko narin nakayanan ang pagod na nararamdaman ko kaya hindi ko narin napigilan ang makatulog....

Nagising ako ng maramdaman ko ang higpit ng sakal sa leeg ko. Agad n'ya rin iyong binitawan ng magising ako. Naghabol ako ng hininga at tsaka n'ya ako sinampal. Tagaktak pa ang pawis ko dahil sa sobrang init ng lugar na 'to. Nilingon ko si Lithor na sinasakal narin si Roxanne, pinilit kong magpumiglas dahil hindi nagigising si Roxanne. Mas hinigpitan pa ni Lithor ang pagkakasakal n'ya hanggang sa wakas ay nagising ito. Natatawang binitawan ni Lithor ang leeg ni Roxanne at tsaka ito sinampal ng pagkalakas-lakas, agad rin s'yang lumayo sa amin at naupo sa upoan na ilang metro ang layo sa amin ni Roxanne.

"Bakla.."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na 'yon. Sumunod pala s'ya rito. Nilingon ko ang likurang bahagi namin ngunit madilim iyon. Gusto kong matawa pero mas pinili kong sumeryoso. Nasa akin parin ang hingal dahil sa pagkakasakal ni Lithor kanina.

"Sinagot na n'ya boss." rinig ko pang sabi ng isa sa mga bata n'ya, nanatili lang akong nakayuko.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa liawanag ng cellphone na iniharap sa akin ni Lithor. Ng iangat ko ang paningin ko ay nasa kabilang linya si Scyle.

"Scyle tulongan mo 'ko!" bagaman hirap ay nakasigaw ako, "Tulongan mo kami." mahina na lang ang pagkakasambit ko, rinig ko na ang iyak ni Roxanne.

Hindi ko na narinig ang iba pang usapan nila. Agad kong iniyuko ang ulo ko at naramdaman ko na ang sakit ng katawan ko. Ilang oras pa kaming nakaupo doon ni Roxanne. Naghihintay kung sino ba dapat ang hintayin. Narinig namin ang isang pamilyar na sigaw. Bagaman natutuwa kami ay hindi ko parin magawang magangat ng tingin dahil sa sakit ng leeg ko.

Ng magawa ko silang tingnan ay naguusap sila ni Scyle. Bakas ang galit sa mga mata ni Scyle. Ngunit agad rin akong natigilan ng maramdaman ko ang pagkalag ng tali sa mga kamay ko. Ilang minut n'yang kinalagan ang kamay ko bago ko iyon natanggal at tsaka tinanggal rin ang sa mga paa ko. Ganoon rin kay Roxanne.

"Salamat bessywap." bagaman hindi ko s'ya maaninag ay nagpasalamat na rin ako.

Rinig ko na ang mga yabag n'ya papalabas kaya agad na kaming dumampot ni Roxanne ng kahoy. Nagawa naming makatayo dahil agad na lumakas ang loob namin. Hindi parin mawala sa isip ko kung bakit agad na lumabas si Cashannea at hindi man lang kami samahan dito sa loob para tumulong.

Ayaw n'ya parin bang makita si Scyle? Hayss..

May kung anong sinabi si Scyle kay Lithor na dahilan ng paglingon nito. Agad na sinapak ni Scyle si Lithor kasabay ng paglabas ng limang lalaki mula sa likod ni Scyle. Hindi na namin nagawang lumaban ni Roxanne dahil talaga namang malalakas sila. Para silang sanay na sa pakikipaglaban. Nagtataka lang akong pinagmamasdan sila dahil para bang matagal na silang magkakasama, kasama si Scyle.

Ng mapatumba lahat ay wala na si Lithor sa harapan namin. Agad na tumakbo sa amin ni Roxanne si Scyle. Tinanong n'ya kami sa nangyari ngunit hindi ko pa nagawang makasagot.

Pagkatapos no'n ay tulala nalang ako, hindi ko na namamalayan lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang alam ko lang ay dumating sila Drake at sinundo kami. Tulala na ako sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa town house.

________________________________

=END OF FLASHBACK=

"Mga hayop sila." gigil na sambit ni Drake, napayuko nalang ako habang nagpupunas ng luha.

"Sorry bunch." paghingi ng tawad ni Drake agad ko naman s'yang tiningnan.

"Wala kang kasalanan, si Lithor ang may kasalanan ng lahat ng 'to." sambit ko, agad akong yumakap sa kan'ya para matanggala ng panginginig ng katawan ko.

Si Shawn ay maya't-maya ang pagaasikaso kay Roxanne. Hindi ko parin maipaliwanag ang pandidiri dahil sa nasaksihan ko kanina. Ngunit hindi ko kailangang magpadala doon. Napangiti ako ng maalala ko ang pagtulong sa amin ni Cashannea. Kahit kailan ay hindi n'ya kami binigo.

"Mabuti nalang at dumating si super hero kanina." natatawa kong sambit, pilit na pinapagaan ang sitwasyon.

"Kahit kailan ay hindi tayo bibigoin ng super hero na 'yon." sambit ni kuya Arnel, napangiti ako.

"Si Cashannea 'yon?" tanong ni Scyle, tumango ako.

"Nakakapagtaka lang dahil hindi s'ya nagtagal at agad na lumabas." sambit ko, agad namang napatango ang villeheart.

"Sigurado akong may dahila s'ya na ipagdidiwang natin." natatawang sambit ni ate Shanine, natawa nalang rin ako.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan hanggang sa makarinig kami ng pamilyar na tunog ng motor. Nakakasiguradong akong s'ya 'yon. Ng matanaw namin s'ya ay agad ko s'yang sinalubong.

"Bessywap, mabuti naman at ayos ka lang." sambit ko habang pinagmamasdan ang kabuoan n'ya, sinisiguradong walang galos, agad naman akong napangiwi ng mapagtanto ko na...

Si Cashannea nga pala 'to, hindi papayag na nagagalusan s'ya, hays..

Nagpunta kami sa lamesa. Agad naamn s'yang naupo sa tabi ko. Si Scyle naman ay alam kong kanina pa gustong lapitan si Cassy.

"Palagi nalang nauudlot ang pagpapahinga ko, lintik." reklamo pa ni Cashannea, natatawa naman kaming napailing.

"Cassy, salamat." sambit ni Roxanne, nginitian s'ya ni Cashannea, "Kanina pala, bakit umalis ka kaagad? Akala ko ay babalian mo na ng buto si Lithor." nakangusong dagdag ni Roxanne.

"Binalian ko nga ng buto."

Nanalaki ang mga mata namin sa tugon n'ya. Seryoso lang s'yang kumuha ng beer at tsaka n'ya iyon tinungga.

"Eh tumakas si Lithor kanina." sambit ko, napangisi lang s'ya.

"Kaya nga nauna na akong lumabas, dahil alam ko na ang pasikot-sikot ni Lithor, alam kong tatakas s'ya." aniya, nabibilib namang bumilog ang bibig ko.

Talaganag nakakamangha ang talas ng isip ni Cassy.. Aylabyu bessywap!

"Inabangan ko s'ya sa labas, hindi ko pinaalis hangga't hindi ko napupurohan, warning pa 'yon." dagdag n'ya, hindi ko na maiwasan ang mabilib, maging ang mga kaibigan namin ay nabibilib sa kan'ya.

"Kakaiba ang utak ng babaeng 'to."

"Abnormal nga talaga."

"Galing ibang planeta."

"Sinabi n'yo pa."

Pangaasar ng ikatlong lahi kay Cassy. Natutuwa naman ako ng sa muli ay nakita kong tumawa si Cashannea bagaman hindi ganoon kalakas.

"May plano ka ba bunsoy?" tanong ni kuya Lance kay Cassy.

"Wala, paano natin pagpapalanohan ang plano ni Lithor na mas magulo pa sa bituka ng manok."

"Nabalian mo s'ya ng buto, siguradong maghuhurmintado 'yon." sambit ni kuya Sim,

"Isa pang plano n'ya na ikapapahamak n'yo, papatay ako."

Nanindig ang balahibo namin ng banggitin iyon ni Cashannea. Maging sila kuya Arnel ay napatingin kay Cassy na para bang seryosong-seryoso s'ya sa sinasabi n'ya at ano mang oras man ay maaari s'yang makapatay.

"Tara na, kailangan na nating magpahinga." sambit ni Chardette. Agad namang nagsitayo ang lahat, naiwang nakaupo si Cashannea at Scyle.

"Kayong dalawa, magusap kayo, mauna na kami." paalam ni ate Alex, agad na kaming naglakad papasok sa loob.

Natutuwa ako lalo na't inaasahan kong magkakaayos sila. Marupok si Cashannea pagdating sa pag-ibig. Si Scyle ang kahinaan n'ya kaya sana nga ay magkaayos na sila.

SCYLE'S POV.

Hanggang sa makapasok ang lahat sa loob ay nanatili kaming tahimik ni Cashannea, hindi ko alam kung paano magsasalita lalo na't parang wala s'yang planong ibuka ang bibig n'ya.

"I love you babe."

Awtomatiko s'yang napatingin sa akin ng sambitin ko 'yon. Wala na akong ibang masabi na makapagpapagaa ng loob n'ya. Muli lang s'yang nagiwas ng tingin kaya napanguso ako.

"Sorry na please, bati na tayo." dagdag ko, muli s'yang napatingin sa akin.

"Ayaw." tipid na aniya, bumagsak ang balikat ko at tsaka mas lalong napanguso.

"Babe!"

"Oh?"

"Bati na tayooo."

"Ayaw."

Nasalo ko nalang ang panga ko. Nakanguso akong nakatitig sa kan'ya. Magkaharap kami at nakapagitan sa amin ang lamesa kaya hindi ko s'ya mayayakap. Ayaw ko rin munang tumabi dahil baka mahampas n'ya ako ng bote.

Karma yata 'to, masyado kase akong gago, Tsh!

"Babe?"

"Hm?"

"Baby?"

"Oh?"

"Iloveyou."

"Mm."

Napangiwi nalang ako sa mga sagot n'ya.  Tinapik ko ang gilid ng upoan ko habang nakatingin ako sa kan'ya.

"Tumabi ka sakin." seryosong sambit ko,

"Ayaw."

"Isa."

"Ayaw."

"Dalawa."

"Ayaw ko nga."

"Tatlo."

"Hindi."

"Apat, Cashannea."

"Ayaw, Scyle."

"Kapag umabot ako sa lima, tatarantadohin kita."

Nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi ko kaya agad akong napangisi. Nangunot lang ang noo n'ya at tsaka nagiwas ng tingin.

"Ang kulit mo." inis na aniya,

"Ayaw mo ng tumabi sakin?" taas kilay na tanong ko, agad namang nangunot ang noo n'ya, "Kase nga hindi mo na ako mahal, tama?" tanong ko, mas bumusangot pa ang mukha n'ya.

"Alam mong hindi totoo 'yan." seryosong sambit n'ya.

"Ayaw mo na akong katabi kase ayaw mo na sakin." pangongonsensya ko, "Eh kase nga ang gago gago ko, kaya dapat talaga iniiwan ako." ramdam kong tumatalab ang acting ko.

Ehehehehe..

Diretso s'yang nakatingin sa akin, para bang ano mang oras ay yayakapin n'ya na ako.

"Masyado kase akong nagpakalasing kanina, kaya ayon, tinarantado ako ni Kaera." dagdag ko, unti-unti s'yang lumapit sa akin at tumabi, sa pagkakataong ito, gustohin ko mang matuwa ngunit bigla akong binalot ng lungkot.

"Ayaw mo na sakin babe?" nagaalalang tanong ko, natatakot man ako sa magiging sagot n'ya pero mas mabuti ng alam ko ang totoo.

"Kailan ba kita aayawan?" tanong n'ya, agad ko s'yang nayakap.

"Babe sorry kung nasaktan kita, ayaw kong satan ka, hindi na ulit kita sasaktan babe, promise." umiiyak na sambit ko, bumawi rin naman s'ya ng yakap.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nasaktan kita..

"Alam kong hindi mo ginusto 'yon, may tiwala parin naman ako sayo kahit na wala kang tiwala sa akin." mas nasaktan ako sa sinabi n'ya,

"Babe sorry ulit, kung hindi kita pinagkatiwalaan, sorry babe kung mas inuna ko yung galit ko." paghingi ko ulit ng tawad, hindi na n'ya napigilan ang maluha.

"Ayos lang lahat sakin, hindi ka pa humihingi ng tawad, naiintindihan ko na lahat." aniya, hinalikan ko s'ya sa noo at tsaka ko mas hinigpitan ang yakap ko sa kan'ya.

"Huwag mo akong iiwan babe."

"Hindi kita iiwan."

Nanatili kaming magkayakap, sabik na sabik ako sa yaakp ng babaeng mahal ko. Labis labis ang pagsisisi ko. Nangunot pa ang ulo ko ng makita ko s'yang tinutungga ang beer na kanina n'ya pa iniinom.

"Tama na nga 'yan." ibinaba ko ang beer na hawak n'ya, kukunin n'ya sana ulit 'yon ngunit inilayo ko.

"Hindi mo ako pwedeng diktahan, tandaan mo nakipaghiwalay ka sakin." taas kilay na aniya, doon na naman ako nanghina.

"Babe liligawan ulit kita." sambit ko, natatawa naman s'yang tumingin sa akin.

"Ilang beses mo na akong nililigawan, sabihin mo lang kung gusto mo akong bumalik, babalik ako." napangiti ako sa sinabi n'ya.

"Akin ka lang, gusto ko akin ka lang." madiin na sambit ko,

"Sayo lang naman talaga ako." nakangiting aniya sabay kindat, para namang natutunaw ang katawan ko.

"Kumikindat ka pa ah?" pangaasar ko sa kan'ya, natatawa nalang n'yang hinablot ang beer ngunit hindi ko parin s'ya pinahintulotan.

"Tayo na ulit?" tanong ko,

"Nakakapagod tumayo."

Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya, kahit kailan ay hindi mawawala ang kapilosopohan n'ya at kalokohan n'ya.

"Akin ka na ulit? Boyfriend mo na ulit ako?" tanong ko, diretso s'yang tumingin sa akin.

"Para sayo hindi mo na ako girlfriend pero para sa akin boyfriend parin kita, dahil ikaw ang nakipaghiwalay, hindi naman ako nakipaghiwalay sayo." saad n'ya, hindi ko naitago ang kiliti ng sambitin n'ya iyon.

"Iloveyou."

"Mahal rin kita."

Ngumiti ako at tsaka hinyaan s'yang inomin ang laman ng bote. Sobrang saya ko ngayon na alam kong nabawasan ko ang problema n'ya. Ngayong malapit na ulit ako sa kan'ya. Nauumapaw ang tuwa sa akin dahil akin na ulit s'ya.

"Last na 'yan, aakyat na tayo." sambit ko, tumango lang s'ya at tsaka muling tinungga ang beer, "Hindi ka na aalis diba?" tanong ko, diretso s'yang tumingin sa akin, naririto na naman ang takot ko sa maaaring isagot n'ya.

"Kahit anong gawin kong pag-alis, bumabalik parin ako dahil hindi ko kayo kayang tiisin." tugon n'ya, nakangiti naman akong inayos ang hibla ng buhok n'ya.

Inilapag n'ya na ang bote at tsaka s'ya tumayo. Agad ko pa s'yang inalalayan ngunit napagtanto ko rin na..

Si Cashannea nga pala 'to, baka nga alak pa ang tumumba sa kan'ya..

Tahimik kaming naglakad papasok ng bahay. Dumiretso kami sa kwarto na itinuro sa amin kanina. Agad iyong binuksan ni Cassy at tsaka s'ya dumiretso sa higaan. Dumiretso ako sa C.R at tsaka hinubad ang polo ko. Hindi naman ako nadumihan kaya itong sando nalang ang susuotin ko.

Kinuha ko ang sepilyo at nakailang sepilyo pa ako dahil pakiramdam ko ay napakarumi ng bibig ko dahil sa halik ni Kaera.

Nakakainis.

Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong lumabas ng banyo. Ngunit halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang suot ni Cashannea.

Maghunos dili ka Scyle...

DON'T FORGET TO COMMENT AND VOOTEE!!❤

=====================

YTGG 2019, QUANTIARA.

Continue Reading

You'll Also Like

275K 790 15
Ito po yung mga tula na ito ay ginawa kapag ako ay nabobored ,,.. sana magustuhan nyo....... ang mga tula na ito ay tungkol sa pag-ibig sa kaibigan a...
1.4K 44 1
[Complete] Look through the mirror and see if it's really you or another person is looking at you. In the quiet town of Camden, midnight st...
26K 896 140
Isang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at mad...
508K 12K 53
What happen if twelve Best friend Girls live at one HOUSE with twelve Handsome Boys? May mabubuo kayang, true love? or just a puppy love? Friendship...