That Boystown Girl [COMPLETE]

By SylvaniaNightshade

172K 3.4K 167

Alam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi d... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
EPILOGUE
Author's Note
Announcement
Special Corner

9

3.4K 70 3
By SylvaniaNightshade

CHAPTER 9

Boys and Cinderella 2.0

REN

WE STARED AT each other, not sharing the same emotion written across our eyes which are just inches away in this unfamiliar bed. I was pretty sure I am actually contemplating whether to shout or to shout really loud and he was there looking as to making sure he would look so scary enough to warn me not to.

"Wag na wag kang sisigaw, hindi kita pag-iinterisan at lalong hindi kita pinagkainterisan nung tulog ka. Ako ang lugi rito, nakatabi mo ako sa pagtulog," mahina ngunit panigurado niyang bungad.

Kaagad akong bumangon. "Nasaan ako? Bakit tayo nandito?"

"Sumama ka sa akin, remember?"

Now he decided that it was perfect time to prop himself comfortably by securing his head by his elbow down the bed and watched me while lying sideways.

"Oo nga. Eh tapos?"

"Dinala kita rito, why so dumb?" At siya pa ang may ganang umirap.

"Para nga saan?"

And now his morning face went a lot more serious. "Bakit ka talaga nandoon kagabi?"

Napakamot na ako ng batok at sinabing, "Makulit ka rin eh alangan namang nagpunta ako dun para mamulot ng mga balang pinutok. Hinahanap ko lang sina Mois."

"Tone your voice down or I'll keep your mouth shut for you."

"Bakit ba ha? Nasan ba tayo?"

He chewed a bit of his lower lip.

"Bahay."

I stared at him for like ten seconds without blinking an eye before deciding to spring off the bed and frolic down to where I can find my slippers until I realize...

"Your slipper stays with me."

"Ano?"

"Yeah."

"Ano bang trip mo?"

"I am saving your life."

"I am saving my foot!"

He then made a cat face attempting to press his lips into a rotated-to-right number three and said, "Hindi mo naman mahahanap."

And there came the knocks on the door, "CK, wake up. We need to talk."

Doon ko lang nakita kung gaano kaposibleng lumawak pa ang bilugan niyang mga mata dahil bago pa man ako makakilos ay hinila na niya ako at itinulak sa pinto papasok sa banyo at saka ako sinaraduhan.

Si Ma'am Charlotte ba 'yun?

Good thing he did not have the outer lock in here. Kaya naman wala siyang magagawa at makikiusyoso ako. Sumilip ako sa ginawa kong awang nang pinihit ko ang pinto para lang makitang nakaupo sa kama si Knight habang pinapamaywangan siya ni Ma'am Charlotte. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo maugong ang exhaust fan na nasa banyo pero sa nakikita ko, tila siya pinagagalitan o kung hindi man, siya ay hinahabilinan base na rin sa asim ng pagmumukha niya.

Makailang beses ko na ring natanto na maaaring takot ito sa kanyang ina.

Laking gulat ko na lang nang mapakamot sa batok si Knight nang ilahad ni Ma'am Charlotte ang kanyang palad sa kanya. Tila nag-aalangan pa itong ibigay kung anuman ang hinihingi ng ina pero di naglaon ay kumilos na siya na siyang tunay na ikinakunot ng aking noo at maging ng aking kamao.

Dinukot niya mula sa kanyang pajama garter ang kapareha ng tsinelas kong natira nung ako ay tumatakas sa engkwentro. Bakit niya inipit yun doon?!

Sa sobrang inis ko, naibalibag ko pasara ang pinto.

"Naku pata—

And the door opened.

I sheepishly grinned at the both of them, who had two different expressions on their faces. Si Ma'am Charlotte, mukhang hindi nagulat na may babaeng kasama ang anak niya na itinatago niya sa banyo ng kwarto niya bagkus ay tila pa siya natuwa nang makita ako samantalang si Knight naman ay tila balak pang magmaang-maangang alam niyang nandito ako sa kwarto niya in the first place.

"Hep!" awat ni Ma'am Charlotte nang maramdaman nitong magsasalita ang kanyang anak. "Wag mo nang babalakin pang sabihing hindi mo alam kung bakit siya nandito. And don't!"

She pointed to the offended look Knight gave her.

"That... do not do that look. I invented that look."

And damn she sounded so serious.

"You were all asleep last night, how am I supposed to handle it?"

"You know I'd love to see her again. You could have woken me up para naipagluto natin siya ng makakain!"

Ako ay hindi lubos na makasabay sa pinag-uusapan nila dahil tila ako ang pinag-uusapan nila pero parang hindi kasi di naman nila ako pinapansin.

Inisip ko na lamang na anytime, matatapos na sila at ako ay makakaalis na pagkatapos kong magpakyut sa nanay ni Knight para ibigay sa akin ang aking tsinelas. Nakakahiya pa man din, hindi ko pa naba-brush yun baka marumi tapos hawak-hawak niya."

"Uuwi na rin naman siya. Hindi siya magtatagal dito."

"I am the master of the house," she argued.

"Dad is."

"He went to Paris last night, sad," she said while acting sad as she checked her nails. Mukha silang magkapatid. "So, technically, I am. Aside from the fact that I sleep in the master's bedroom. So, as I was saying, Ren. Please come with me."

Actually, she did not need to say please to me kasi hinila na niya ako agad sa isang kamay niya habang hawak pa rin sa isa ang tsinelas ko. Hindi ako makasingit para sabihing ibigay na iyon sa akin dahil nagsusumbatan ang mag-ina at wala akong magawa kundi makinig at sa isip-isip ko, matuwa sa sumbatan nila.

I wonder kung may mama din ako ngayon, ganyan din kaya kami?

I was lost in my my thoughts hanggang sa makarating kami sa dining area. Sabado ngayon at wala kaming pasok ngunit laking gulat ko nang nasa hapag na ang lahat ng kasapi ng pamilya at si CJ, ang masungit na mini-me version ni Knight ay naka-uniporme. At kagaya nga ng inaasahan ko, inirapan niya ako.

"Ah... Ma'am," sambit ko habang nakaharap sa kanya. "Nakakahiya po, aalis na po ako."

"Dito ka na sa tabi ko, Ren," sabat ni Yel na siyang agad kong tinignan. Maging siya ay naka-uniporme. Miss Charlie was content drinking her orange juice and nodded at me with soft eyes.

Biglang pumasok si Misis Melon habang kahawak-kamay ang isang maliit na batang makinis ang balat, kulot ang buhok, at malusog ang pangangatawan. "Good morning, Mom," the kid beamed at Ma'am Charlotte and that's when I realized, damn this family. What beautiful genes.

Hindi ko napansin ang pagkawala ni Ma'am Charlotte bigla ngunit narinig ko ang sinabi niya. "Maghuhugas ako ng kamay. Dalhin mo muna sa guest room si Ren, may spare shoes tayo doon. Ipasuot mo sa kaniya."

"Like I would?!" saad ni Knight.

Wala na kaming muli pang narinig.

"What's the deal with the slippers, Kuya?" asked CJ who specifically stares at his brother like he was playing some private joke inside his head. Natatakot na talaga ako sa batang ito.

"Shut up. Halika na nga," saad nito sa akin at saka nagsimula nang maglakad. Sinundan ko na lang nang matapos na lahat ng ito at iniisip kong nag-aalala na ang lolo ko.

"I texted your cousin that you're here," biglang sabi ni Knight sa akin nang makarating kami siguro sa guest room na tinutukoy ni Ma'am. Nakakapanliit ang bahay na ito. Hindi ko kayang magtagal dito nagmumukha akong surot.

Tila hindi kaagad natanggap ng utak ko iyon kaya ilang segundo pa ang lumipas bago ako—

"I told her you were taking care of CQ. She already told your grandpa. They both know you are here."

"Hindi mo na kailangang sabihin iyon dahil uuwi na rin naman ako."

Who's CQ anyway?

He then shut the door behind us and stopped walking. It made me stop too and look at him, questioning.

"You do not understand. What happened last night... it's not coincidence, Ren."

Hindi ko na napigilan pang mapabuntong-hininga. "Knight, hindi na natin kailangan pang patagalin ito. Pagod ako at alam ko rin namang ayaw natin itong nangyayaring palagian nating pagkakasalubong. Kaya kung pupwede, ibigay niyo na ng mama mo ang kapares ng tsinelas—

"No."

That's it. That did it for me.

"Akin iyon!"

"I know but it's dangerous."

"How could a slipper be da—

"You left the other one right there," he said and stared at me like I am a complete idiot. "And they might even have seen your face. Or possibly, ikaw talaga ang pakay nila."

"Naipit lang ako doon, pwede ba?"

"I don't have proofs yet so I'll just let you think and say whatever you want but don't come running to me if you find out you are in danger."

Napatawa ako.

"Sayo lang ako napapahamak."

Hindi ko na ipinilit pa ang gusto ko na makuha ang tsinelas ko. Bibili na lang ako ng bago. Hindi ko na rin hinintay na kusa siyang tumabi sa pintuan. Tinabig ko ang braso niya at saka ako lumabas, tumakbo palabas ng bahay sa tulong ng aking photographic memory at saka swerteng nakalabas ng gate dahil may mga hardinerong naglalabas-masok dala ang mga paso-pasong halaman.

Ilang minuto rin akong nagtatatakbo nang walang suot sa paa nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng humaharurot na pulang kotseng gustong-gusto kong ibenta sa junkshop.

Hindi ko ito pinansin nang ako ay lampasan niya dala ang humahagibis na hangin at mga tuyong dahon at maliliit na sanga ng kahoy na sumabit sa buhok ko.

TILA AKO BALIKBAYAN at tila walang nangyaring tampuhan sa mga tropa ko, putukan sa kabilang kanto, at hindi ko pag-uwi kagabi dahil ang mga kumag na kahapon lang ay lasing, si Tito Gil na kagabi lang ay halos sakalin na ako sa katigasan ng ulo ko, at si lolo na naniwala talaga kay Knight sa paalam nito sa kanya tungkol sa akin ay nagkukumpulan sa mesa at kumakain ng pansit.

"Apo, tara kumain ka. Ang sarap ng luto ng kaibigan mo," saad ni Lolo Gramps sabay sandok ng pansit sa malaking palayok sa isang plato. Napasingkit ako nang aking maamoy kahit pa mula sa malayuan ang lutong pansit.

Oo nga, hindi siya kasing-amoy ng pansit sa paborito naming bilihan ni Lolo. Ngunit sino sa mga shokoy na ito ang nagluto?

Agad akong lumapit sa mesa at umupo sa tabi ni Duke. Nginingitian nila ako. Hindi ko tuloy matanong na siyang dapat sana ay itinatanong ko kung bakit tila ba nagbago uli sila sa pakikitungo sa akin.

"Sino naman po sa kanila ang nagluto?"

Sumagot kaagad si Tito Gil. "Kaya nga kami nandito para hintayin ka at ipakilala sa amin yung kaibigan mo kasi wala naman dito sa walo yung nagluto niyan. Tinawag lang kami ng Lolo mo rito."

"Sinong kaibigan ko?" aking tanong kay Lolo. Nakangiti siya nang malawak at tila hindi man lang siya nagpapakita ng kahit na konting sign ng pagbibiro. Hindi rin maaaring si Jeya ang nagluto, di siya marunong. But anyways, ang bango nung pansit. Inabot ko na lang din ang plato at saka kaagad na sumubo.

Ang sarap.

"Eh, naalala mo yung kaibigan mong nakalaro ko ng chess kahapon, Apo? Siya yun."

At ako ay napaubo. Kaagad na tinimpag ni Kris ang aking likuran at inabot ko ang baso ng tubig na iniaabot sa akin saka ako uminom at nagpakalma. "Bakit niyo yun pinapasok dito? Hindi ko—

"O ayan na pala siya eh," putol sa akin ni Lolo na tila walang pakialam sa sinasabi ko bagkus ay sabik pa siyang ipakilala sa mga kaibigan ko ang tila bagong paborito niyang apo, si Knight.

"IKAW?!" sabay-sabay na pasigaw na tanong ng walo kong mga kaibigan. Sabay-sabay din silang napatayo at sabay-sabay munang inubos ang pansit sa kani-kanilang mga plato bago ilapag sa mesa at lumapit sa kanya.

Hindi man lang nasindak si Knight at saka sila tinawanan. "Wala naman akong kasalanan sa inyo, chill."

"Bakit ka na naman ba nandito?" naiinis na sabat ko. Nakakainis kasi. Aside from the fact na masakit na ang talampakan ko dahil sa paglalakad ko nang walang tsinelas, nalaman ko pang dito rin lang naman pala siya pupunta, bakit pa niya ako nilampasan? The nerve of him!

"Maglalaro kami ng lolo mo," painosente niyang sagot ngunit halata naman ang talas ng ningning ng mata niya. Ano bang binabalak nitong kumag na ito?

"At bakit may papansit? Ha? Pinopormahan mo lang ata tung si Ren eh," sabat ni Mois na nginungusuan si Knight na tila nagpipigil na awayin siyang parang bata. Nakakadiri naman tung pinagsasasabi nitong lalaking ito.

"Hindi pa ako nakakapag-almusal eh tapos pati si Lolo G, hindi pa kumain edi pinagluto ko na siya."

Kinginang iyan? Lolo G? Ganun na sila ka-close? Aba!

"Lolo, bat parang pinagpapalit mo na ako?"

Malapit na talaga akong maiyak, hindi ko alam kahit na mababaw pero ayoko ng nangyayari.

Tumawa ito dahil sa pagkaaliw at saka ako hinaplos sa ulo.

"Apo, hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang na marami kang kaibigan."

Doon, wala akong masabi.

Hinayaan ko na lang din ang lahat at saka ko ipinaalam ang sarili ko upang maglinis ng katawan at magbihis.

SINASADYA KO TALAGANG hindi lumabas ng silid at mag-iisang oras na simula nang makaligo ako. Sinisiguro ko lang na paglabas ko ay wala na akong madadatnang Knight na mambubwisit sa bwisit nang araw ko. Gusto kong rumaket. Tuloy, nagsuot na lang din ako ng di gaanong bagong damit nang sa gayon, kahit na anong oras ako tawagin ng mga mag-uutos sa akin, makakakilos kaagad ako.

Hindi ko rin naman alam kung nasaan si Jeya ngunit naalala kong Sabado nga pala ngayon at ako ay maraming labahan. Napasapo na lang ako sa noo at saka pinulot ang aking laundry basket na punong-puno na ng gamit na damit. Nandito pa man din ang damit na nagamit ko noong na-grasahan ang buo kong katawan at yung damit na ipinasuot sa akin ni Knight nang magserve ako sa party nila.

Sana hindi nalagyan ng grasa iyon, kainis baka pabayaran pa sa akin iyon.

Aba, teka nga! Oo nga!

Wala pa akong sahod nung nagserve ako dun.

Hanep ngayon umaasa akong nandito pa si Knight nang masingil ko na sa harap ng lolo ko at hindi siya makatakas sa posibleng pandarambong niya sa akin. Bitbit ang basket ng damit, lumabas ako ng silid only to find out na nasa mesa sa sala si Knight at prenteng nakaupo sa silya. Wala na ang mga shokoy, si Tito Gil, at pati ang lolo.

Perfect pa rin kahit wala ang lolo. Bubugbugin ko ito kapag hindi ako binayaran.

"Hoy, bago tayo tuluyang magkahiwalay ng landas at hindi na muling magkita kahit kelan, ipapaalala ko lang sayo na hindi mo pa ibinibigay sa akin ang sahod ko sa party mo."

Nakadekwatro lang ito habang tinitignan ako na nakakarga ng basket na tila ba isa itong baby na nakakarga sa bewang ko.

"Hindi mo ba ako naririnig o nagmamang-maangan ka lang?"

Napakunot-noo ako habang minamasdan siyang nakatingin sa akin ngunit ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako binabayaran."

"Let me live here."

"At lalong hindi mo ako madadaan sa tawaran dahil hindi mo alam ang pinagdaanan namin ni Mois—

"Let me live here."

"Para lang mapakiusapang babaan ang rate mo sa amin. Naligaw pa kami sa lungga ng mga hoodlum kaya—

The screeching noise of the chair being pushed quick and firm cut my words and it was just about a split second bago ko marealize na nakatayo na si Knight at saka mataman akong tinitignan.

"I said let me live here."

Naumid ako sa sinabi niya at ayaw ko mang tanggapin sa utak ko ay sadyang masyado lang talagang malakas ang apog ni Knight kaya siguro sumagi pa rin sa isip kong intindihin ang sinabi niya.

"Ano uli?"

"For the fifth time, let me live here." 

Continue Reading

You'll Also Like

46.4K 976 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
280K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
160K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.8M 36.7K 58
Almost Perfect Series IV I don't believe in love. Well, not anymore. Kahit ilang beses ka pang sabihan ng I love you o kahit gaano na kayo katagal na...