MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

3

39 6 0
By RonneSerene

“Miss Beindz, have a seat...”

Hindi maalis ang aking tingin kay Jova simula nang pumasok ako sa Guidance Office. Wala itong malay at prenteng nakahilata sa isang couch. Napansin ko din na ang kanang paa nito ay nakaposas sa armrest ng isang stainless chair.

“Umupo ka raw, uy!” si Jorja na ang kusang nagpaupo sa akin.

Nilingon ko naman ang guidance counselor. Magtatanong na sana ako ng mapansing nandoon ang pinsan ni Gabrielle, ang guard ng school at iyung lalaking pamutlang nakasagutan ko kanina.

Matatalim ang mga mata nung pinsan ni Gabrielle na akala mo ay may gustong patayin. Kung nababasa ko lang siguro ang isip nito, baka may pinapatay na siya.

So, weird....

“Did Mr. Carsa hurt you, Miss Beindz? Can you explain what was really happened earlier?” pagtatanong ni Mrs. Delman. “If you can't tell directly, you can write it in a piece of paper.”

Ayokong marinig nila ang pagpapaliwanag mo kay Mrs. Delman kaya mas pinili kong magsulat na lang. Maikli lang ang sinulat ko doon, kung ano lang talaga ang nangyari.

“Goodly, Mr. Duero is there...”

Duero? Sino 'yon? Iyung maputla bang lalaki? O iyung pinsan ni Gab?

“Don't worry, hija. Mr. Carsa will be suspended and we'll think about of his expulsion.”

“P-Po?”

Hindi lang ako ang nagulat pati itong mga kasama kong babae. Si Gab naman ay hindi kakikitaan ng reaksyon.

“Miss Beindz, this type of problem was not tolerated at our school. We'll fix it as soon as we can. And, of course, to protect the other students here.”

“Tama po iyan, Ma'am. Mabuti na pong maalis dito ang gan'yang klaseng estudayante. Jusmiyo por santo. Nagulat na lamang ako kanina nang makita ko iyan. Parang sinapian ng kung ano,” turan ng school guard namin. “Mabuti na lamang po at na-corner ni Pogi kaya hindi na nakapalag.”

“Hala! Kuya, paano po nawalan nang malay 'yan?” sumingit si Jorja.

“Nako, hija. Hindi rin namin alam. Pagkahuli namin sa batang iyan bigla na lang nawalanan nang malay.”

“Oh my gosh!” bulalas ni Jorja. Kita kong tinapik ni Jahm si Jorja. Masyadong napapalakas ang boses niya.

Muli akong lumingon kay Mrs. Delman.

“Mrs. Delman, p'wede pong imbestigahan muna kung ano po talaga ang nangyari kay Jova?”

Napalingon sa akin si Gabrielle, nagtataka.

“What are you saying, Sane?” inis niyang tanong. “He harassed you, and that reason is enough to have him punished!”

“My cousin is right,” sang-ayon naman nung pinsan ni Gabrielle.

Ano nga ulit ang pangalan no'n?

“Gab, hindi ba't fan ka ng science at mystery? Paano kung may nainom si Jova na gamot na pang pa-high? Iyung napapanood natin sa palabas,” paliwanag ko sa kaniya. Narinig kong tumawa ang maputlang lalaki pero hindi ko na ito pinansin. “Mrs. Delman, imbestigahan po muna si Jova. Sayang po ang scholarship n'ya kung mapapatalsik lang po s'ya rito. Saksi po ako kung paano n'ya paghirapan ang pagkuha ng mga matataas na grado. Baka po aksidente lang ang lahat.”

“Masyado kang mabait, Sane! Hinaras ka niya! As your friend, I want him to get suffer! Wala siyang karapatang saktan ka!”

I frozed. Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko.

“Gab, tiningnan ko lang dito kung ano talaga ang mga posibleng nangyari kay Jova. Posibleng may nainom s'ya kaya parang naging siraulo s'ya kanina.”

“What if you're wrong in that assumption? What are you going to do? ”

“Walang mawawala kung mali ako, Gab. Gusto ko lang ma-imbestigahan! Para rin naman ito sa ikakabuti ng lahat.”

Namula ang buo niyang mukha, naiinis. Nandoon ang pagpipigil sa sarili at nakakuyom ang mga palad. Sandali siyang bumuntong hininga.

“P-Please, Gabrielle...”

“Napaka-kulit mo talaga,” aniya at tumalim ang tingin sa akin. “Alright, Mrs. Delman. Let's do what she wants,” sinabi niya iyon ng hindi inaalis ang tingin sa akin. “I'll tell my parents about it.”

Bahagyang tumango at ngumiti sa akin si Mrs. Delman.

“You're being fair, Miss Beindz. That's the right thing to do...”

May ilang pinaliwanag si Mrs. Delman sa amin bago kami tuluyan pinauwi. Si Jova naman ay hinihintay nilang magising para makausap nila ng matino. Ang sabi pa ni Mrs. Delman, dalawang linggong suspended si Jova at ako naman ay pwedeng hindi munang pumasok kung gugustuhin ko raw. Baka raw kasi na-trauma ako sa nangyari.

“Insan, thank you! Mabuti na lang talaga nandoon ka!” Tinapik pa ni Gabrielle ang balikat ng kaniyang pinsan.

Hinihintay namin si Jorja at Jahm dito sa waiting shed. Kinuha lang nila ang mga gamit na naiwan nila kanina sa gym.

“You must be more careful next time, Miss Beindz,” wika ng maputlang lalaki habang nakatingin ng mariin sa akin para may iba pa siyang pinahihiwatig batay sa tono niya.

Hindi ko naman siya kinibo.

“Hoy, Sane! Magpasalamat ka nga rito sa pinsan ko!” Hinatak ako ni Gab palapit sa pinsan niya. Nailang naman ako bigla. “He saved you from Jova!”

Tumakbo ako kaya nakawala ako mula kay Jova. At kung tutuusin, kaya ko namang depensahan ang sarili ko, sadyang may tama si Jova kanina kaya nakaramdam ako ng takot.

I sighed.

“Well, thanks,” wika ko. “Ikaw pala 'yung lalaking nakasalubong ko. Hindi ko namukhaan.”

Gusto kong paikutin ang mata ko dahil ginigitgit ako palapit ni Gab sa pinsan niyang parang tuod.

“Gab, masikip, umusog ka ro'n,” pinigilan ko ang sarili kong mainis. Hindi siya sumunod kaya ako na lang ang kusang lumayo at nagkamot ng batok.

“Pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko. Gan'yan lang talaga s'ya magpasalamat! Labas sa ilong!”

Kung hindi lang ako nahihiya sa kasama namin, kanina ko pa sana sinipa itong si Gabrielle. Masyadong mapang-asar!

“Ah, it's okay, I don't mind it anyway,” bahagya akong tinapunan nang tingin nung pinsan ni Ohne. Nag-iwas na lang ako ng tingin nang magkasalubong ang aming tingin.

Weird...

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napahinga ako ng malalim.

Putek!

Ano bang nangyayari sa akin?

May mga pinag-usapan pa silang dalawang magpinsan. Lumayo ako ng konti dahil hindi naman ako interasado sa mga pinag-uusapan nila. Napansin ko naman ang paninitig nung maputlang lalaki sa akin kaya inirapan ko siya. Nakita ko pa siyang ngumisi.

“You're a freak.”

“Talk to my hand.”

Pinorma kong puppet ang kamay ko at saka tinapat sa mukha niya. Lalo pang napangisi ang lalaking maputla.

“You know what, Miss Beindz. I don't like your attitude. You seem so to be a violent and hard-headed lady."

I rolled my eyes.

“Did I fucking ask your opinion?”

Pinaliit ko ang aking boses habang nakatutok sa kaniya ang kamay kong nakapormang puppet.

I laughed when I saw his reaction.

Mukhang nainis ko 'ata ang anemic na 'to!

“Are you annoyed by me?”

“You're just nothing, Miss Beindz. Why will I get annoyed by a hard-headed lady like you?” tanong niya. “You're nonsense.”

“You're nonsense,” ulit ko at ngumiwi.  “You're just nothing, Miss Beindz. Why will I get annoyed by a hard-headed lady like you?”

Nagsalubong ang kilay niya. Binaba ko ang kamay ko at saka ginawaran siya ng pinakamaganda kong ngisi.

Nang makita kong tapos nang mag-usap ang magpinsan. Ako naman ang binalingan ni Gabrielle. Nakita ko pang tinapunan ako ng tingin ng pinsan ni Gabrielle bago ito tuluyang umalis kasama ang maputlang lalaki.

“Ang kulit mo, Sane! Sinabi ko na sa 'yo kanina na roon ka na sa gym maglecture pero hindi ka nakinig,” usal ni Gabrielle at saka bumuntong hininga.

Yumuko ako. “Sorry...”

“Paano kung hindi mo nakasalubong ang pinsan ko? Eh 'di napahamak ka?”

“Hindi naman siguro, Gab. Nakatakbo nga ako papuntang gym..”

“What if hindi ka nakatakbo? Paano na lang?!”

“Kaya ko namang bigwasan si Jova! Nasuntok ko nga siya kanina, eh!”

Bumuntong hininga siya. Napahilamos sa kaniyang mukha at mahinahon na tinitigan ako.

“Tinext ako ni Gariel, sinabi na n'ya kay Mommy. Isama raw kita ngayon pauwi.”

“Yah, bakit?” Napaangat ang ulo ko. “Napakasumbungero ng kapatid mo!”

“Tama lang ang ginawa n'ya, Sane.”

“Alam kong tama pero ayokong nag-aalala si Tita!”

Siguradong magbubunganga na naman iyon mamaya. Walang humpay kung magbunganga at damay-damay na naman ang lahat sa galit niya.

“Tutulungan naman kitang magpaliwanag kay Mommy!” Umakbay siya sa akin. “Ako naman ang savior mo 'di ba?”

“Kaya ko ang sarili ko, Gab.”

“Sus, ayan ka naman sa pagiging independent mo!”

“Eh di wow!”

“Hindi mo na ba ako kailangan sa buhay mo?”

Alam kong biro lang ang pagtatanong niyang iyon pero hindi ko magawang makuhang tumawa at barahin siya.

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Don't you need me anymore in your life, Sane?” he asked. “I want an honest answer.”

“Woy! Ang seryoso mo! Anong kaartehan 'yan?”

“Kaartehan sa 'yo 'to? I'm just asking. Bakit hindi ka makasagot?”

Nang matanaw ko sila Jahm at Jorja. Inalis ko ang pagkakaakbay ng braso niya sa balikat ko at sinalubong sila. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Gabrielle.

“Ang ingay n'yong dalawa, Rosane! Dinig na dinig ang boses n'yo sa hallway!”

Padabog na inabot ni Jorja ang libro ko. Pinandilatan ko siya.

“Dumagdag ka pang luka ka!” si Jahm, nang-aasar.

“Kahit hindi ako kasama, pilit pa rin akong dinadamay!” hirit ni Jorja.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Nagsimula silang mag-asaran pero hindi ko na sila pinansin pa.

Bakit kailangang tanungin pa ni Gabrielle ang bagay na iyon?

Alam naman na niya ang sagot sa tanong niya.

Bumuntong hininga ako.

Pagdating sa parking lot, sinabi ko kay Jahm na hindi ako makakapasok ngayon sa trabaho dahil kakausapin ako ni Tita Ginnie. Nauna naman silang umalis ni Jorja dahil maglilinis na lang daw sila ng apartment.

“Why you took so long? Mom is waiting!” bungad ni Gariel ng mabuksan ni Gab ang sasakyan. “And you, Hellapig. What trouble you cause again?”

“Gari,” may pagpipigil sa boses ni Gab. “Let's talk about it later. We need some peace of mind.”

“Damn, Gabrielle! Just damn!”

“Damn your face, Gari. You're being an asshole again. Moron!”

“And you are being a perfect brother to her, huh?! You idiot!”

“You don't fucking care, Gari!”

“Shut the fuck up! You two idiots giving me headache!”

Kitang-kita ko ang pagpula ng mukha ni Gabrielle at ang pagkuyom ng kaniyang palad. Alam ko na kung saan patungo ito.

Kung hindi ako aawat, mapupunta ito sa isang matinding gulo.

“Gariel, ang sama ng bibig mo,” sabat ko. “Kung galit ka sa akin, 'wag mong idamay si Gab. Ako ang harapin mo. Ako ang pagsabihan mo.”

Mas lalong tumalim ang mga mata niya. Anumang oras ay parang susugurin niya ako sa kinatatayuan ko.

Hinintay ko naman ang sasabihin niya ngunit hindi siya sumagot. Wala siyang sinabi. Basta na lamang siyang nagsuot ng headphone at pumikit.

“I really don't understand your brother...” I whispered. Gabrielle just shrugged at sabay na pumasok sa loob ng sasakyan. Nahiya tuloy ako kay Kuya Sonny dahil kanina pa pala siya naghihintay.

“Because he's being an asshole, Sane. Don't mind him, wala lang s'yang magawa sa buhay kaya tayo ang pinagdidiskitahan.”

Napabuntong hininga na lang ako. Habang nasa biyahe, tumunog ang cellphone ko at hindi ko kilala ang number na iyon pero sinagot ko pa rin.

“Hello?” bungad ko. Nakita kong napalingon sa akin si Gabrielle. “Sino 'to?”

“Rosane Beindz?” boses babae iyon.

“Sino ka po?”

Narinig ko itong tumikhim. “I'm Rozel Amadeo...”

“Po?”

“Rozel Amadeo, hija. I'm your mother...”

Hindi ko narinig ang huli nitong sinabi dahil bigla na lang namatay ang cellphone ko. Deadbat na pala!

“Sino ang tumawag?” Gabrielle asked.

Nilingon ko siya. “Rozel Amadeo...”

“What?”

“Huwag mo nang pansinin. Nagpa-prankcall lang yata o balak mang-scam.”

Tinago ko na lang sa bulsa ko at tumingin sa bintana. Inalala ko ulit ang lalaking nagpakilala sa aking kapatid ko.

Hindi naman ako naniniwala dahil baka scammer iyon. Ang dami pa namang nababalita ngayon na magpapanggap na kapatid o kamag-anak mo para lang makahuthut ng pera.

Ako pa lolokohin niya, baka tadyakan ko siya!

“Can I ask something, Sane?” mahihimigan ang pagkaseryoso ni Gabrielle.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa bintana. Basta na lamang akong tumango bilang pagtungon.

“Gusto mo bang hanapin ang biological mother mo?”

“Hindi,” sagot ko kaagad.

“Sane...”

“Ayoko, Gabrielle.”

“May I know your reason?”

Napahinga ako ng malalim. Ever since, ngayon niya pa lang naitanong sa akin ang bagay na iyon and I really feel empty today.

“If she truly cares for me, she would not abandoned me.”

“Wala ka talagang balak na kilalanin siya?”

“Wala,” I blinked. “Dahil wala rin naman siyang balak na kilalanin ako.”

“Paano kung isang araw bigla na lang siya magpakita sa 'yo?”

“Eh, 'di magpakita siya. Mukha ba akong interesado sa kanya?” I shook my head. “Hindi, 'no... Tahimik na ang buhay ko kaya sana huwag na nilang guluhin pa.”

Nilingon ko siya, napatango siya sa akin.

“If that's what you want. Keep yourself away from pain,” nakanhiting aniya. “Live your life happy and peaceful!”

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
265K 2.2K 12
Find the princess, before the war starts. Read at your own risk. -Unipron (MizukiAyane)
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
209K 8.3K 42
Join Storm as she hunt those people who almost killed her brother, Thunder.