MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.7K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

1

69 8 0
By RonneSerene

“Damn it, woman!”

Sandali akong napatulala nang makilala siya. Hindi ko inakalang siya pala ang nasa likuran ko at nagawa ko pa siyang sikuhin.

“What the hell is your problem?!”

Natauhan ako sa ginawa niyang pagsigaw. Matatalim ang tingin ang siyang pinupukol niya sa akin habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

“Sorry!” Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayang umupo sa isang malaking bato. “’Di ko sinasadya… Ano bang ginagawa mo rito?”

“What?!”

“Bakit ka nandito? Hindi ba’t nasa loob ka ng mansyon?”

“I should be the one asking you that, right?” galit niyang wika pero sa mababang tinig. “What kind of elbow you have, woman? My tummy got hurt so much… Damn it!”

“Pasensya ka na, ah? Nakakagulat kasing may bigla-bigla na lang hahablot sa akin at tatakpan ang bibig ko.”

“Tss,” halos irapan niya ako. “Why are you walking alone? Hindi mo ba alam kung anong oras na?”

“Palabas na ako ng Village para sumakay ng tricycle.”

“Going home?” Tumango ako sa tanong niya. “Dapat nagpahatid ka sa driver nila Tita Ginnie. It’s dangerous! Nakita mo naman ang lalaking sumusunod sa ‘yo, ‘di ba?”

Hindi ako sumagot. Nakikita ko pa sa kaniyang mukha na may iniinda siyang sakit. Hawak-hawak niya pa rin ang kaniyang tiyan.

“Pasensya na, hindi ko sinasadyang sikuhin ka,” sabi ko pero hindi niya ito pinansin. Matatalim pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“I saw you walking at the garage,” biglang sabi niya. “Then I saw a stranger…”

Kumunot ang aking noo. “Ano?”

“The stranger was following you.”

Punyeta!

Iisa lang siguro iyon, ang taong bumato sa aking batok kanina at iyong nakita naming lalaki.

“We should go back,” aniya. “It’s getting late already…”

“'Yung may kausap kanina sa phone...  Siya rin ba ang nakita mong sumusunod sa akin?”

“Yes.”

“Bakit ka pa sumunod sa ‘kin?” tanong ko. “Paano kung may nangyaring masama sa ‘yo? Eh ‘di kargo ko pa!”

He raised his brow.

“What if there’s something happen on you? Eh ‘di kargo ng mga Aeñoso dahil umalis ka ng walang paalam!”

“Nagpaalam ako kay Aling Esme!”

“She told you to have a ride with Kuya Sonny. But you ignored it!”

“Hindi ko nakita si Kuya Sonny. Baka tulog na ang tao. Aabalahin ko pa ba?”

“You’re stubborn,” he uttered. “You’re not thinking. Kung natuloy ang binabalak sa ‘yo ng lalaki na iyon. Where do you think you are now?”

Umangat ang gilid ng labi niya. May kung anong sumilaw sa mga mata niyang matatalim, nanghahamon ang isang ito!

“Maybe, they forcing you to—”

“Shut up!”

“What?! Ayaw mong marinig ang posibleng nangyayari sa 'yo ngayon kung sakaling nakuha ka man ng lalaking ‘yon?”

“Manahimik ka.”

“See? Hindi mo nga kayang marinig. Paano pa kaya kung nangyari iyon sa iyo?” aniya. “Possible you might get traumatized.”

Inangat ko ang aking braso at handa ko na sana siyang sampalin ng magsalita siya.

“That’s the reason why I followed you, woman. I don’t want you to get hurt.”

Napakunot ang aking noo. Tila tumigil ng ilang segundo ang pag-ikot ng mundo matapos niyang sabihin iyon. Diretso akong napatingin sa mga mata niya at parang may kung ano itong pinapahiwatig.

Magtatanong na sana ako nang may tumamang ilaw sa aking mata. Agarang napatakip ako sa aking mata dahil sa pagkasilaw.

Putcha! Gusto yata akong bulagin!

“Hoy! Anong ginagawa ninyong dalawa rito?!”

“Kayong mga kabataan talaga, ang titigas ng ulo! Sa likod pa talaga ng kubong ito ang napili niyo, ha?!”

Ibinaba ko ang aking kamay at nanlalaking matang humarap sa dalawang guwardiya.

“M-Manong…” naging sunod-sunod ang paglunok ko.

“Huwag ka nang magsalita pa! Sa headquarters namin kayo magpaliwanag!”

Ang isa naman ay nilapitan ang pinsan ni Gabrielle.

“Hoy, lalaki. Tumayo ka riyan at sumunod sa amin. Diyos ko, panginoon ko! Ano na ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Nasaan ba ang mga magulang niyo?”

Tumayo ang pinsan ni Gabrielle. Nakabusangot at masama ang tingin na pinupukol sa dalawang guwardiya. Sumunod kami sa kanila ng walang imik habang tinutungo ang headquarters pero wala pa man din nang biglang lumapit sa akin ang pinsan ni Gabrielle at hinablot ang palapulsuhan ko.

“Hoy! Mga pasaway!”

“Tangina! Bumalik kayo rito!”

Nakisabay ako sa kaniyang pagtakbo. Mahigpit ang hawak niya sa aking palapulsuhan kaya napapangiwi ako.

“Run faster, woman! We’ll be dead if they catch us!”

Ginawa ko ang sinabi niya. Mas binilisan ko ang pagtakbo para makasabay sa kaniya. Inikot namin ang buong Village para mailigaw ang dalawang guwardiya hanggang sa makabalik kami sa mansyon nila Gabrielle.

“Sane?! Insan?!” si Gabrielle. Nanlalaking matang sinalubong kami. “Where have you guys been?!”

Magsasalita pa lang ako nang unahan na ako ng pinsan niyang magpaliwanag. Lumaylay ang balikat ko. Nandoon din si Gariel sa sala at masama ang tingin sa akin. Napairap ako sa kawalan.

“Uh!” Nagulantang ako sa biglaang pagbatok sa akin ni Gabrielle. “Masakit!”

“You’re so stubborn! Hindi ka marunong makinig! Why did you left without telling me, huh? Paano kung napahamak ka?! Paano kung may nangyaring masama sa 'yo, Sane? Wala akong kaalam-alam!”

“Sorry, Gab. Gusto ko lang naman na umuwi. At saka—”

“Kung gusto mo pa lang umuwi, dapat nagpaalam ka nang maayos sa akin o 'di kaya'y nagpahatid ka kay Kuya Sonny!” he shouted.

Napangiwi ako at sinipa ang paa niya.
Pinandilatan niya ako. May kung ano pa siyang sinasabi sa akin at sa pinsan niya pero hindi ko na nagawang pakinggan pa ng mabuti.

Nanggagaliiti siya sa galit at halos mamula na ang buo niyang mukha.

“Sorry,” tanging naiusal ko at yumuko.

Hindi siya kumibo pero naroon pa rin ang masama niyang tingin. My hands begin to tremble. Itinago ko iyon sa likod ngunit masyadong matalas ang paningin niya kaya agad niyang napansin iyon. Unting-unting huminahon siya. He slowly shook his head. Inaya naman ako ni Aling Esme sa kwarto ko kaya nagpatianod na lamang ako.

“Hija, ano ang nangyari?” tanong niya ng makapasok ako sa kwarto. “Bakit apura sigaw ng batang iyon? Mabuti na lamang at tulog na sina Ma’am and Sir..”

“Aling Esme, may kaunting hindi pagkakaintindihan lang po…”

“O, siya. Marami pa akong gagawin sa baba… Maiwan na kita riyan…”

Bahagya akong tumango bago isara ang pinto. Humiga na ako sa kama at pumikit. Sinubukan kong matulog pero sadyang hindi ako dinadalaw ng antok.

Insomia ang dumalaw.

Bumangon ako at saka inalukay ang aking bag. Kinuha ko ang cellphone ko. Pagbukas ko sumalubong ang limang missed calls at ilang texts galing kay Jorja at Jahm.

Jahm:
Hindi ka na ba uuwi ngayong gabi? I-la-lock na namin ang gate.

Jorja:
Rosane, may lalaking pumunta rito kanina. Hinahanap ka.

Jorja:
Mestizo, girl! Sino ‘yon? Jowa mo?

Jorja:
Yay! Why you didn’t tell me about that, huh? Oh my gosh!

Bumusangot ako at binaba na ang cellphone. Pinilit ko ang sariling makatulog hanggang sa may kumatok. Hindi ako nagsalita dahil hindi rin naman nagsasalita ang kumakatok na iyon. Nagtulog-tulugan ako.

Narinig kong bumakas ang pinto, dahan-dahan ang mga yabag nitong papalapit sa aking gawi.

“I’m sorry,” boses iyon ni Gabrielle. “Sorry if I did raised my voice, Sane. Sana hindi ka magalit sa akin. Nag-alala lang ako nang sobra…”

Luko, mukhang na-guilty pa sa ginawa niyang pagsermon sa akin! It was okay. Kasalanan ko rin naman.

“Arte n’yan…” I spoke.

“Gising ka pa?!”

Padabog akong bumangon. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Anong ka-dramahan naman ang sinasabi mo, Gab?”

“Anong kadramahan?” He rolled his eyes. “Palibhasa… pusong bato ka.”

“Lumabas ka na, matutulog na ako.”

“Matutulog, huh?” nang-aasar ang tono niya.

“Doon ka na.”

“Let’s go down stairs.”

“Anong gagawin ko roon?”

“Movie marathon baka sakaling antukin ka. Alam kong umaatake na naman ang insomnia mo. Nagpahanda ako ng gatas sa ibaba…”

Nang bumaba kami sa sala naroon pala ang kapatid at pinsan niya. Nahiya tuloy ako ng konti dahil sabay pa itong lumingon sa akin. Parehas ding matatalim ang tingin. Nagkamot ako ng batok.

“Still awake, huh?” si Gariel.

Hindi ako sumagot. Binaling ko ang aking atensyon sa kanilang pinapanood.

Hindi ko malaman kung ano ang pinapanood nila pero pinipilit kong intindihin iyon.

“Horror?” tanong ko kay Gab.

“Hindi, science fiction ‘yan,” sagot niya. Inabot niya sa akin ang baso na may gatas. Lumagok naman ako.

“Nag-text si Jorja, may naghahanap daw sa aking lalaki.”

“Sino raw iyon?”

Nagkibit balikat ako. “Mestizo raw, Gab.”

“Manliligaw mo?”

Muntik ko nang maibuga sa kaniya ang iniinom ko.

“Of course not! Hindi ko nga kilala ‘yon, eh.”

“Weh?”

“Mukha bang may kaligaw-ligaw ang mukha na ‘to?” Inilagay ko ang aking kamay sa aking baba. “Iligaw, p’wede pa..”

Humalakhak ako at muling tumungga sa baso. Hindi ko kailangan ng manliligaw. Hindi rin naman kailangan ng boyfriend. Kuntento na ako sa mga kaibigan ko.

“Maganda ka, Sane…”

I frozed. Bahagyang umawang ang labi ko at nagtatakang tumingin kay Gabrielle.

“Compliment day ba ngayon?”

“Hindi malabong may magkagusto sa ‘yo,” diretsong saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. Kumunot ang aking noo.

Weird…

Pinupuri niya ba ako?

Pero bakit gano’n?

Simpleng salita lamang iyon para sa akin pero parang kakaiba sa pakiramdam.

O hindi lang ako sanay na pinupuri nitong si Gab?

Umiling-iling ako at naupo nang maayos.

“Hindi na mahalaga kung may magkagusto sa akin o wala…” mahinang ani ko. “Ang mahalaga nand’yan kayong mga kaibigan ko, Gab.”

“You’re not a kid anymore, Sane. Sooner or later, someone will gonna court you. But I want you—”

“Hindi ko priority ang pagkakaroon ng manliligaw.”

“Is that so? Or you’re just a bitter?”

“Oh, man! Manahimik ka!”

“Tama nga ako, hindi ba?”

“Ewan.”

No, I’m that bitter. Nor hopeless romantic. I just wanted to focus on more important things.

Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at parang nahihilo na rin ako. Mukhang dinadalaw na ako ng antok. Binaba ko ang baso sa center table at dumukmo sa haligi ng couch.

“What’s your first impression with her, Insan?” malinaw pa sa aking pandinig ang pagtatanong ni Gabrielle.

“Warfreak-snobbish woman,” sagot naman ng isa.

“Oh? That was my first impression with her, too,” sinundan pa ito nang pagtawa. “Don’t worry, Insan. Kapag nakilala mo s’ya nang lubusan, magbabago ang pagtingin mo sa kanya.”

“Really?”

“Yes, Insan. She looks like a warfreak but she has a good personality. Mabait ‘yan, mukha lang sanggano.”

Mariin akong pumikit at inisip na gigisingin din naman ako ni Gabrielle para umakyat sa kwarto o kaya ay hahayaang matulog na lang ako rito sa couch.

“Hala!” nagising ng umagang ding iyon dahil sa katok mula sa pinto.

“Hija, mag-aalas syiete na. Papasok ka ba?”

Nagmadali akong bumangon at dumiresto sa banyo para maghilamos. Pagkaraan ay kinuha ang gamit ko at bumaba.

“Si Gabrielle, po?”

“Hija, kanina pa pumasok.”

“Po?”

“Hindi ka na ginising kanina dahil kailangan mo raw magbawi ng tulog.”

Uminit ang ulo sa iritasyon. Umagang-umaga, Gabrielle! Wala ka talagang pinapalampas! Humanda ka sa ‘kin mamaya!

“Alis na po ako, Aling Esme!”

Dali-dali akong lumabas ng mansyon at sumakay sa tricycle pauwi ng apartment. Punyeta! Late na naman ako nito! Yari na!

Hindi pa man tuluyang nalalapit ang tricycle sa apartment nang may nakita akong nagmamasid na lalaki sa labas ng aming apartment. Paikot-ikot ang kaniyang ulo at kung saan-saan tumitingin.

Pinahinto ko na ang tricycle kahit malayo pa ito sa apartment. Nagbayad ako at dahang-dahang tumakbo palapit sa tinitirhan ko.

Pasimple kong kinuha sa bulsa ng bag ko ang aking chili-pepper spray. Just in case na may mangyaring kakaiba.

Matangkad ang lalaki, batay sa kilos nito ay hindi ito anak-mahirap. Halata namang galing sa mayamang pamilya.

Tuluyan akong lumapit sa kaniya. Nagulat naman ito, tumingin pa kung saan-saan bago muling ibinalik ang tingin sa akin. He smiled genuinely. I find it weird kaya ngumiwi ako.

“Anong ginagawa mo rito?” dire-diretsong tanong ko. “Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?”

Umarko ang kaliwang kilay niya at umangat ang gilid ng labi niya.

“Rosane Beindz?” he stepped forward kaya napaatras ako. “Easy… I won’t hurt you..”

“’Wag kang lalapit, d’yan ka lang!”

“Chill, Beindz—”

“Putcha! Huwag kang lalapit kung ayaw mong tadyakan kita at mabulag!”

Tinutok ko sa kaniya ang hawak kong bottle spray.

“Okay, okay!”

Inangat niya ang dalawang kamay sa ere at dali-daling dumistansya.

“Sino ka? Bakit ka magmamasid dito? Anong kailangan mo? Bakit ka nand—”

“Hey, hey, hey! Isa-isa lang ang tanong. Nagmamadali?”

I rolled my eyes.

“Punyeta, papasok pa ako!” angil ko. “Sagutin mo na ang mga tanong ko. Ngayon na mismo!”

“Aveir Sancho Amadeo,” wika niya at inilahad niya ang kaniyang kamay. Hindi ko ito pinansin kaya napapahiyang nanghimulsa siya. “Let’s meet after your class. Pag-usapan natin kung ano ang dapat pag-usapan.”

“Hindi ko tinatanong ang pangalan mo. Ang sabi ko, sino ka?”

Tumawa ito ng payak at parang natutuwa pa sa inasal ko.

“Here’s my card, if you wanna know me, just call my number…”

“Pa-importante ka pa!” Hinablot ko ang kapirasong papel na inabot niya. “Taena. Ano ba kasi ang kailangan mo?”

“Don’t be such a rude, Beindz. Mas matanda ako sa ‘yo!”

“Wala akong pakialam.”

“Damn!” asik nito. “Kuya mo ako kaya dapat mo akong galangin!”

Inis ko siyang binalingan. Nanlilisik na ang mga mata ko ngayon. Nakakuyom na rin ang mga kamao, anumang oras ay nakahanda na akong manakit. Hindi maganda sa pandinig ang kaniyang inusal.

“Wala akong kapatid!” sigaw ko. Halos pumiyok na ako dahil sa lakas no’n. “Hindi mo ako maloloko, tangina mo! Wala kang mai-scam sa akin!”

He laughed. “I have a lots of money. I can buy your whole life if I want to.”

“Hoy!” Napaamang ako. “Ang yabang mo, ah! Umalis na nga rito! Wala akong pakialam kung sino ka! Huwag ka na magpapakita pa ulit sa akin!”

“Hindi ka na naniniwalang magkapatid tayo? Do you want a DNA results to prove my statement?”

Umangat ang kilay ko. Tinutok ko sa mukha niya ang bottle spray.

“Aalis ka rito o pipiliin mong mabulag?”

“Hey! Calm dow your ass!”

“Pagbilang ko ng tatlo. Dapat wala ka na sa harapan ko kung hindi, uuwi kang luhaan!”

“Shit! Can we at least talk—”

“Isa!”

“What the hell?!”

“Dalawa!”

“Fine!” asik niya at padarag na binaba ang kamay ko. “Call me if you really wanna know me and the whole life of your mother.”

“Asa!”

“Hope to see you around!”

“Baliw!”

Pinabayaan ko na siya at nagdi-diresto na sa pagpasok sa apartment nang hindi na siya nililingon pa.

Napatingin ako sa hawak kong calling card. Nilagay ko na lang iyon sa bulsa ng bag ko.

“I should not believe on him,” bulong ko. “Wala akong kapatid na gaya niya! Antipatiko!”

Nakahanda na sana akong maligo nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong kinuha iyon sa kama at sinagot.

“Oh, bakit? Sino ‘to?”

“Hi…”

Kumunot ang noo ko dahil sa ka-weirduhan ng boses nito. Hindi ko malaman kung bata o matanda. Ang gara!

“Sino ka?”

“Si S.”

“Es?”

“S, as in letter S.”

“Ano naman ngayon kung ikaw si S? Si Superman ka ba? Paano mo nalaman ang number ko?”

Pumasok ako sa banyo, nagpatulo ng tubig sa timba at muling lumabas.

“May nagbigay sa akin…”

“Sino?”

“Kakilala…”

“Wala akong kilalang Kakilala ang pangalan.”

“I mean, kakilala ko lang ang nagbigay sa akin ng number mo…”

“Bakit ka napatawag? Anong kailangan mo? Hindi mo ba alam nakakaistorbo ka?”

Bwisit!

Ligong-ligo na ako at gusto ko nang gumayak. Anong oras na at late na ako sa first subject ko!

“Hoy, sumagot ka!” asik ko. “Nand’yan ka pa ba?”

Nagkamot ako ng kilay. Nagsisimulang uminit ang ulo dahil sa tumatawag na ito. Wala akong makuhang matinong sagot.

Nanggagago yata ‘to, eh!

All your happiness will turn into sadness in just one snap…”

“Ano?”

All your happiness will turn into sadness in just one snap…”

“Anong sabi mo? Choppy ka.”

Parang kasing naging tunog ngongo ito. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nang wala na akong marinig na tinig sa kabilang linya, pinatay ko na lamang iyon at pumasok sa banyo.

Baka si Jorja lang iyon at tino-talkshit ako. Ang luka ba naman na iyon ay mahilig magprank call kung kani-kanino.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 482 53
KANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hi...
182K 13.2K 38
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
24.6K 3.8K 60
Genevieve Diamante was a bad girl with a bad reputation despite coming from a prestigious, popular, and wealthy family. No one dared to fight against...