The Boss: Lucas Malvacini

By marlkrist

289K 11.4K 1.2K

|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-i... More

The Boss: Lucas Malvacini
Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32 - Finale
The Promises - Epilogue
The Boss: Lucas Malvacini
You Look Good Tonight
Chalks and Blueprints

Chapter 12

6K 385 40
By marlkrist



ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

"Akala mo naman babae" napako ang mata ko sa matang mapang-asar na ni boss "Tss, landi" sabi nito at inirapan ng tingin.

"Pake mo?" mahinang sabi ko na hindi ko alam na narinig niya pala sasagot na sana siya kaso pumasok na sa loob si Zachy.

"So let's go! Baka abutin pa tayo ng traffic" nakangiting pagyaya ni Zachy.

"May ginawa palang sandwiches si Elo Lucas, favorite mo 'to diba?" sabi niya at ipinapakita niya ito kay Boss.

Hindi naman ito sumagot bagkus sinimulan niyang paandarin ang sasakyan.


ㅡㅡㅡ

Nandito na kami sa may entrance ng airport at kakarating lang din namin. Hindi naman naging akward ang biyahe kahit na traffic. Puro asaran lang ang namayani sa loob ng sasakyan at hindi mawawala doon ang sigawan ng dalawang magkapatid na napapangiti nalang ako.

Nalaman ko na pikunin pala itong si boss dahil kapag iniaasar siya ni Zachy ay mabilis itong magalit na ikinatatawa ko naman. Hindi mawawala sa buong biyahe ang ipinapakita niyang kagaspangan ng ugali sa akin na pinapatulan ko naman dahil hello? Hindi na tayo papayag na alisputahin niya.

Tuwing aasarin naman ako ni Zachy ay napapatingin ako sa rear-view mirror sa harapan at nahuhuli kong nakatingin sa akin si boss at pag-irap ang nakukuha ko sa kanya dinaig pa ako.

"Just wait for me here, ako nalang papasok sa loob" sabi sa amin ni Zachy at tumango nalang kaming dalawa.

Napatingin naman ako sa katabi ko na gwapong-gwapo sa suot niyang white polo at black pants na pinartneran ng white Fila shoes.

White shirt naman ang suot ko at black na shorts at sandals na brown ang suot ko sa pangbaba. I love sandals.

"Stop staring at me" hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya ng matagal. Tiningnan ko ito at muli akong inirapan.

"Kapal ha" mahina kong bulong at tumingin nalang ako sa mga taxi na dumadaan sa harapan namin.

"Are you saying something" paglilinaw nito at muli ko siyang tiningnan at nakataas ang kanyang mga kilay.

"Wala po ang sabi ko po ang gwapo po niyo po sa suot niyo" sagot ko sa kanya at this time siya ang inirapan ko, muli akong tumingin sa mga taxi na dumadaan at sa ilang mga balikbayan na sinasalubong ang kani-kanilang pamilya. Taas noo para sa mga OFW ang ating makabagong bayani.

"Gay" rinig kong santinig nito kaya muli ko itong binalinga ng tingin pero nakatingin lang din siya sa kawalan. Muli kong tiningnan ang mga nasa paligid.

"U,V,Z,two,one,eight" sabi nito at muli akong napatingin sa kanya, pero nakatingin lang siya sa mga dumadaang taxi.

"U,W,A,four,nine,zero" muli namam nitong sabi na ipinagtataka ko.

"T,Y,M,eight,seven,eight" diretso lang siyang nakatingin sa mga dumadaang taxi kaya tumingin na din ako sa tingintingnan niya.

"T,Y,M,eight,seven,eight" pagbasa ko sa plate number ng dumaang taxi sa harapan ko.

Binabasa niya ba yung mga plate number? Muli akong napatingin sa kanya at tinanong ito.

"Ginagawa mo?" tanong ko dito.

"Wala kang pakielam" masungit nitong sagot sakin.

"L,O,V,eight,six,nine" pagbasa niya muli sa plate number ng dumaang taxi sa harapan namin.

"Sungit kala mo gwapo" muli kong bulong sa aking sarili.

Tiningnan ko nalang muli yun mga ofw's na sinasalubong ng kani-kanilang pamilya kaysa kausapin ko itong antipatiko kong boss.

"S,one,one,eight,one,one,five,zero,nine" narinig ko mula sa kanya kaya napatingin ulit ako dito.

"Worker's number identification ko yan ah" sabi ko sa kanya, bakit niya kabisado?

"Bakit mo kabisado?" hindi ako nito sinasagot at nakatingin lang siya sa kawalan.

"Zero,nine,four,five,three,three,seven,five,zero,nine,zero" napalaki naman ang mata ko ng marinig kong kabisado niya ang telephone number ko.

"Hoy! Bakit mo kabisado number ko ha!?" pagtatanong ko dito.

"Siguro ini-istalk mo ako ano? Tapos gagaw..." naputol ang pagsasalita ko ng may lalaking bumangga sa kanya.

"Shit i'm sorry!" sigaw nung lalaking nakabangga sa kanya.

Nagkalat ang ilang mga gamit ng lalaki sa lapag sa hindi ko malamang dahilan. Puro chocolate at ilang mga personal na gamit ang nabulatlat sa maleta ng lalaki. Tingingnan ko naman ang reaction ni boss.

Wala itong reaction at seryoso lang nakatingin sa lalaking ngayon ay pinupulot na ang kanyang mga gamit na nagkalat. Lumuhod ako at tinulungan ko na ang lalaking nagpupulot ng mga gamit niya.

May mga reese's akong nakikita at ilang mamahaling tsokolate.

"Thank you! Thank you!" sabi sa akin ng lalaki ng simulan kong ilagay sa maleta niya ang mga chocolate kong napulot.

Nagpupulot lang ako ng ilan pang chocolate ng makita kong may isang tumbler na punong-puno ng peanut butter. Biglang nagningning ang aking mga mata at napakagat pa ako ng labi.

Peanut butter is life! Favorite ko ang peanut butter!

Nasa may paanan ni boss ang tumbler na yun.

Dadamputin ko na ito sana ng sipaain niya ito, hindi naman ganun kalakas. Nakaluhod akong tiningnan siya.

Sinungitan ko siya ng tingin at inirapan, naka smirk lang naman ito at tila nang-aasar pa. Hindi na nga tumulong sa pagpupulot sisipain niya pa?

"Thank you talaga! Thank you!" muling sabi ng lalaki ng mailagay ko na yung tumbler ng peanut butter sa maleta niya pinulot muli ang ilan pang nagkalat niyang gamit.

Bakit ba kasi hindi siya nag-iingat?

Nakita ko yung passport niya sa may harapan, kukunin ko na ito sana ng maunahan akong pulutin ito ni boss.

"Sorry ulit! Sorry! Nagmamadali kasi ako pauwi sorry talaga!" sabi ng lalaki at tumayo na ito sa kanyang pwesto dahil yung passport nalang pala ang kulang sa mga nalaglag niya.

Tumayo na din ako sa pagkakaluhod ko at pinagpagan ang aking tuhod.

Tiningnan ko si boss at kita kong nakatingin siya sa passport ng lalaki sabay ibinigay ito sa kanya.

"Thank you talaga!" sabi nito kay boss pero hindi niya ito pinansin "Thank you" nakangiti naman nitong baling sa akin.

"Walang anuman po" sagot ko naman at nginitian ito.

"Sorry ulit, excuse me" pagpapaalam naman nito at ngumiti pa siya sa akin bago ito umalis sa harapan namin.

Pagkaalis niya ay muli kong hinarap si boss para pagsabihan siya.

"Hindi mo 'man lang kami tinulungan sa pagpupulot tapos sinipa mo pa yung peanut butter" sabi ko dito habang nangniningkit ang aking mga mata.

"Why would i? It's not my fault" sagot lang nito habang nakatingin sa kawalan.

"Kahit na dapat tinu..."

"Chritopher Roberto Santa Mesa Cruz" pagputol nito sa sinasabi ko.

"Ha?" pagtatanong ko.

"P,three,eight,nine,eight,seven,five,eight,p,h,l" sagot naman nito at doon ko nalaman ang gusto niyang sabihin.

"Na memorize mo agad yun?" tanong ko sa kanya dahil na memorize niya agad yung pangalan at yung identification passport nung lalaki kanina.

"Hala ang galing mo naman!" may pagkamangha ko ditong sabi at napatingin ito sa akin.

Seryoso naman siyang tumingin sa akin as usual.

"Paano mo natutunan 'yan? Ang galing ha! May hidden talent ka pala eh" nakangiti kong sabi dito.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ko kung may ibubuga ba itong salita.

Nagtaas ang kanyang kilay.

"I have a photographic memo..." naputol ang pagsasalita niya ng tumingin kaming parehas kung saan nagmula ang matinis na sigaw.

"Uncle!" "Uncle Lucas!"

Napapitlag naman ako ng tumakbo si boss pasalubong doon sa batang babae na papunta sa kanya.

"Ariana!" rinig kong sigaw ni boss doon sa batang babae, hanggang sa buhatin niya ito at niyapos.

Siya pala yung batang Ariana na anak ng isa sa mga Walker Brother's.

"Ang cute" sabi ko naman habang nakatitig sa dalawang mag tito. Mahigpit na yapos-yapos ni boss ang batang babae at kita ko sa mga mukha nila ang galak sa isa't-isa.

Ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganoon si boss.

"Favorite na favorite ni Ariana si Lucas, parang siya na nga ang tatay niyan eh hindi si Kuya Cedric" natatawang sabi nito at nagulat ako ng makalapit na ito sa akin at inakbayan pa ako.

"Halata nga" sabi ko naman sa kanya.

"Mag-kakasundo kayo niyan ni Ariana" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Weh?" pagtatanong ko sa kanya.

"Yeah mabait na bata yan, wait tawagin ko" sabi nito at tinawag nga ang dalawang mag tito "Ariana! Come here!" napatingin ang magtito sa aming pwesto at bumaba si Ariana sa pagkakabuhat ni boss.

"Tito Zachy why?" nakangiting sabi ng bata sa harapan namin, pink na pink ang kanyang suot na bagay na bagay naman sa kanya..

"I want you to meet Elo friend namin siya nila Tita Dette at Tito Nathan mo" nakangiting pagpapakilala sakin ni Zachy.

Tumigin sakin ang bata at nakita ko ang paglatay ng matamis niyang ngiti sa akin.

"Hello po! Ako po si Ariana! Mag seseven years old na po ako, nice meeting you po" sabi nito at nagulat ako ng nag muestra siyang buhatin ko.

"Buhatin mo siya Elo" sabi sakin ni Zachy at inalis niya ang pagkaka-akbay niya sakin.

Tumungo ako ng konti para kunin si Ariana at buhatin ito.

"Dahil friend po kayo ni Tito Zachy, friend ko na din po kayo" nakangiti nitong sabi sakin at ngumiti nadin ako sa kanya.

Ang gaan agad ng loob ko kay Ariana.

May sinasabi pa sakin si Ariana pero hindi ko na yun naintindihan dahil tila bumagal ang takbo ng oras.

Nasa harapan namin si boss at nakangiti ito tulad ng ngiti niya kanina.

"Magkakillaa din ba kayo ni Uncle Lucas tito Elo?"

Nakatingin ako ng diretso kay boss at nakita kong hindi pala ako ang nginingitian niya.

Bumalik nalang ulit sa realidad ang oras ng muli kong maramdaman ang pag-akbay sa akin ni Zachy.

"Nag wowork siya kay Uncle Zach mo Ariana, pero soon sakin na siya mag tatrabaho sa Hawaii" paglalahad ni Zachy. Napatingin naman ulit ako kay boss na ngayon ay seryoso na ulit ang itsura.

"Pwede din ba siya sa New York tito Zachy? Kay daddy siya?" tanong ni Ariana.

"Let ask your Uncle Luc..." napatigil si Zachy ng sumabat si Boss.

"I'll just pick up the car, wait for me here" sabi nito at umalis na sa pwesto namin.



ㅡㅡㅡ

"Tito Elo made this?" pagtatanong ni Ariana.

Nandito na kami sa sasakyan at pauwi na kami. Nasa likod kami ni Ariana at magkatabi kaming dalawa dito sa upuan.

"Yes, anong lasa baby?" sabi ni Zachy habang kinakain niya ang sandwich na ginawa ko kanina.

"Delisyoso! Mas masarap pa sa gawa ni mommy Claire!" sabi ni Ariana at kita ko sa mukha niya ang pag ka galak niya sa pagkain ng sandwich. Napangiti naman ako.

Himas-himas ko ang ulo ni Ariana dahil inaayos ko ang buhok nito.

"Do you have a boyfriend na po ba Tito Elo?" napatigil naman ako sa ginagawa ko ng magtanong ito.

Rinig kong napaubo si Zachy sa pwesto niya at alam kong nagulat din siya sa tanong ng bata.

"Bakit mo tinatanong?" nakangiti ko namang pagtatanong dito.

"Tinatanong ko po kasi, pwede kayong maging mag boyfriend ni Uncle Lucas kasi sabi niya sakin dati na kung sinong pinakamasarap na gumagawa ng sandwich ay gagawin niyang girlfriend" paglalahad naman nito at napalaki ng konti ang aking mata.

"Uncle Lucas you should try to eat what tito Elo makes"pagbaling niya sa tito niyang nasa harapan namin. Nakalimutan kong nandito pala siya.

Nakakahiya

"I don't want" sagot naman niya sa pamangkin niya, kay Ariana lang ako nakatingin dahil nahihiya ako sa pinagsasabi ng batang ito.

"Why? You don't like it na po ba ang sandwiches?" muling pagtatanong ni Ariana.

Bungisngis naman ang naririnig ko kay Zachy.

"I just don't want to eat right now" sagot naman ni boss.

"Okay po" sagot ng bata at tiningnan ako nito ng nakangiti.

"Masarap siya tito Elo no joke"






ㅡㅡㅡ

"Bye Elo see you tommorow" pagpapaalam sakin ni Zachy.

Nandito na kami sa harapan ng appartment ko at hindi na sila bumaba sa sasakayan, binuksan nalang nila ang bintana.

"Bye tito Elo kiss me!" sabi naman ni Ariana.

Lumapit ako dito sa may bintana at kiniss si Ariana sa may cheeks niya.

"Yey bye po tito Elo see you po sa office ni Uncle Lucas tommorow" sabi nito sa akin.

Napatingin naman ako sa may driver seat at nakita kong nakatingin lang si boss sa unahan.

"Sir thank you po sa pag hatid sakin" unang beses ko itong tinawag na sir, hindi ito nagsalita at tanging pagtango lang ang nakuha ko at hindi pa ito lumilingon sa akin.

"Sungit talaga" mahinang sabi ko.

"Thank you Elo sa pagsundo kay Ariana" nakangiting sabi ni Zachy.

"You're welcome" sabi ko at umurong ng kaunti dahil papaandar na ang sasakyan.

"Bye tito Elo! Bye!" sabi ni Ariana habang umaandar na papalayo ang kanilang sasakyan.

Tanging pagkaway lang naman ang naisagot ko hanggang sa makalayo na ito sa appartment ko.

Kumakaway lang ako sa sasakyan ng magring ang phone ko. Ginabi na din kami sa byahe at kahit nakaupo kalang ay mapapagod ka.

"Anak paalis na kami" rinig kong sabi ni mamang sa kabilang linya.

"Sige mamang mag-iingat kayo doon ha" sabi ko naman kay mamang at sinumulang maglakad papasok sa loob ng aking apartment.

"Yung mga habilin ko sa inyo, wag kayo masyadong maglilikot doon" sabi ko kay mamang ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng apartment. Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto at humiga sa aking kama.

"Ginawa mo naman kaming bata anak" natatawang sabi ni mamang at rinig ko ang ingay nilang lahat sa telepono.

"Si kuya ba iyan mamang?!" rinig kong pagtatanong ni Ella ang bunso naming kapatid rinig ko naman ang pag oo ni mamang.

"Kuya bibilhan kita ng peanut brittle at peanut butter dito sa Baguio!" rinig kong santinig ni Ell

"Mamang sabihin mo kay Ella na damihan niya ang pagbili sa akin ha" paalala ko kay mamang ng may marinig akong busina ng sasakyan.

"Ella damihan mo daw ang pagbili sa kuya mo ha, anak nandito na si Prince sinundo kami" alam kong galak na galak si mamang ngayong oras base sa kanyang boses.

"Sige na mamang mag-iingat po kayo doon ha, ikamusta niyo nalang po ako kila tito at tita doon sa Baguio" sabi ko.

"Oo anak, Exot isakay mo na yung gamit ni papang doon sa sasakyan ni Prince" sabi naman ni mamang at rinig ko pa ang utos ni kay kuya Exot.

"Sige na mamang ibaba ko na to, ingat kayo ha i love you!" huli kong sinabi sa telepono.

"I love you too anak, kumain ka sa tamang oras" huling sabi ni mamang bago naputol ang linya.

Tumayo ako sa pagkakahiga at ichinarge ang aking cellphone, nag-unat pa ako ng katawan bago pumunta sa banyo para maglinis ng katawan.

Habang naglilinis ako ng katawan ay iniisip ko kung paano ko papaamuhin si boss o mas magandang tawaging sir.

Paano ko papaamuhin si sir?

Naisip ko na hindi ako masyadong magpapa-api sa kanya, kung kailangan kong lumalaban lalaban ako lalo na kapag inaabuso, kung magsusngit siya then go. Basta gagawin ko ng mabuti ang trabaho ko sa kanya pati hindi ko naman gagawin ang lahat ng ito kung hindi ko kailangan tumulong kila mamang at papang. Gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay bukod sa pagsasaka ni papang gusto kong bigyan ng iba pang negosyo ang pamilya namin, kaya ito kami tulong-tulong magkakapatid na magtrabaho.

Kasalukuyan na akong nagpapahid ng lotion sa aking katawan at ginagawa ang aking ritwal bago matulog para mapangalagaan ko ang aking sarili. Nakaharap lang ako sa salamin habang sinusuri ang aking mukha.

Naglalagay na ako ng face mask ng biglang tumunog ang akin cellphone. Kinuha ko ito at tinganggal sa pagkaka charge.

Nag text si Zachy, may sinend siya sa akin video.

"Watch Elo" message nito sa akin kalakip ang video at pinelay ko naman ito.

"Mom come here faster come here" rinig kong mahinang sabi ni Zachy sa video at magulo ang kuha nito dahil parang tumatakbo siya.

"What is it?" rinig ko ang boses ni tita Nave sa video.

"Tara sa kusina bilis may papakita ako sayo" sabi ni Zachy, nanonood lang ako sa magulong kuha ng video ng makita ko ang bulto ng katawan ni sir.

"Wag kang maingay mom, look" mahinang sabi ni Zachy.

Kita ko sa video na naka tutok ito kay sir na ngayon ay nakahubad at nakaupo sa bar ng kanilang kusina.

"Tingnan mo si Lucas mom kinakain niya yung gawa ni Elo"

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko habang pinapanood ang video.

"Yung kinukwento sakin kanina ni Ariana?" mahina ding sabi ni tita Nave sa video.

"Mom look look" hindi ko alam kung bakit parang nasa isang commercial ang ginagawang pagkain ni sor sa aking sandwich.

Nakazoom sa mukha ni sir ang video habang nakapikit ito at kinakain ang sandwich na gawa ko.

"Fuck mom nag smile siya?" natatawang sabi ni Zachy kay tita Nave.

Ngumiti siya?

"I guess" natatawang sabi ni tita Nave.

"Gotcha!" napapitlag ako ng marinig kong sumigaw si Zachy.

"Sinong nag eenjoy sa sandwich ni Elo ha!? Sino!?" rinig ko ang tawang-tawang boses ni Zachy. At kita ko naman sa videp ang mukha ni sir na hindi mo na maipinta.

"Fuck you Zachary! Fuck you! Mom! Si Zachary oh!" tila batang pagsusumbong ni sir sa nanay niya.

"Zachary stop!" natatawang pagpigil ni tita Nave sa anak niya.

Natatawa naman ako habang pinapanood ang video.

"Sesend ko to kay Elo!"

"Fuck you!" at doon na naputol ang video.

Nireplayan ko naman si Zachary at sinabing natatawa ako sa video. Pagkareply ko sa kanya ay papatayin ko na sana ang phone ko ng may tumawag sa akin.

Number lang ito pero sinagot ko na.








"Your sandwich does not taste good so please don't fucking mind that video"

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

165K 8.8K 46
Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are similar to that series. Manuscript: He's no...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
23.7K 1.2K 31
βž’π™°πš„πšƒπ™·π™Ύπš' πš‚ π™½π™Ύπšƒπ™΄; This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, locales,and incident are either the products of...
219K 7.6K 32
Gustave Salvatore is a famous model as well as a business man. He is one of the richest persons in the business industry. He can get what he wants by...