Chapter 9

8K 405 18
                                    



ㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

Naglalakad lang ako ng nakatungo ng may marinig akong ilang tilian ng mga nasa loob ng kompanya karamihan sa kanila ay mga kababaihan.

"Si sir Zachary!"

"Grabi beh! Ang gwapo talaga ng mga Walker's brother!"

Hindi ko na intindi yun dahil inaayos ko ang polo kong suot dahil mababatid kong basa na ito sa pawis. Ikaw ba naman kasi ang gumamit ng hagdan mula sa thirty-first floor! Pababa sa ground floor!

Kasabay ng pagaayos ko sa aking polo ay tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatungo, hanggang sa hindi ko namalayan na nakabunggo na ako ng tao.

"Opa" tanging nabigkas ng aking bibig ng madama kong likuran ng tao ang aking pinag-bungguan. Hindi ako makakilos at nakatungo parin ako dahil pinapakiramdaman ko kung anong mangyayaring kasunod.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagharap nito sa akin at wala na akong nagawa kundi harapin ang galit ng lalaking aking binangga.

Saktong pagharap ng lalaki ay ang pagtaas ko ng ulo at doon ko nasilayan ang isang matipunong lalaki na sa tantya ko ay hanggang balikat lamang ako nito.

Ikinabigla ko na hindi galit na pustura ang aking nakita bagkus isang tila mala anghel ang ngiti ng lalaking aking nasa harapan.

At batid kong siya ang lalaking pinagtitilian ng mga trabahante dito sa loob ng kompanya dahil hindi mo maipagkakaila na napaka-gwapo ng lalaking ito.

"Excuse me?" ang lalim ng boses niya, at hindi ko namalayan na napatitig na pala ako dito ng matagal.

Nakakahiya!

"Halah! Sorry po! Sorry po!" tanging nabulalas ng aking bibig at para akong natataranta dahil hindi ko alam ang aking gagawin, kasabay ng aking paghingi ng tawad ay ang paulit-ulit kong pagtungo dito.

Patuloy lang ako sa paulit-ulit na pagtungo ng marinig ko ang mahina nitong tawa na kung kaya't tinigil ko na ang aking pagtungo.

Nakita ko ang singkit nitong mga mata dahil tila pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.

"Ehehe" natatawa na din ako sa aking pwesto.

"Dette is right, you are cute" natatawang sabi ng lalaking aking nasa harapan. At pagtataka ko lang ng mabanggit niya ang pangalan ni Dette.

"Po?" may bahid sa mukha ko ang pagtataka. Nakatingin lang ako sa kanya ng umayos na siya sa kanyang pagtawa.

"Hmm" sabi nito at umubo ng peke na tila inaayos ang kanyang boses, pero nakangiti parin ito ng matamis "Sorry  for that" ngumiti naman ito na tila ikinagaan ng loob ko dahil napaka aliwalas ng mukha niya. 

"By the way i'm Zachary and i'm the fourth one on Walker Brothers" nakangiti nitong pagpapakilala kasabay nito ang paglahad ng kanan niyang kamay sa aking harapan.

May ilan parin akong naririnig na tiliian sa paligid.

Literal na napabuka ang aking bibig hindi dahil sa kanyang ka-gwapuhan kundi sa sinabi niyang siya ang pang-apat sa magkakapatid na Walker!

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"I know what's on your mind, don't be scared hindi naman ako nangangagat" sa narinig kong iyon ay nawala ng kaunti ang aking pangamba, Ikaw ba naman kasi ang bumangga sa isa sa mga Walker Brothers! Partida kapatid siya ni boss at nanay niya si Tita Nave!

"Hala sorry po talaga sir! Sorry po talaga!" tutungo ulit sana ako ng pigilan niya ako sa aking balikat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko gamit ang kanyang dalawang kamay.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now