Chapter 8

9.3K 412 30
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

Ito na talaga ang totoo at unang araw ko sa trabaho, kahapon ay pinauwi agad ako ni boss dahil wala pa naman daw akong gagawin at baka daw magtanga-tangahan lang ako doon sa loob ng office niya. Kahapon din ay napirmahan ko na ang aking kontrata na nagsisilbing isa na akong opisyal na trabahante dito sa Kompanya ng mga Walker.

Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan na sa kanya talaga ako magtatrabaho. Tuwa at takot naman ang aking naramdaman ng ako nga ay maging isa nang opisyal na trabahante, tuwa dahil makakatulong sa aking pamilya at takot naman dahil sa kagaspangan ng ugali na ipinapakita niya sa akin, tulad na nga lang kahapon na pinauwi niya ako dahil nga daw baka mag tanga-tangahan lang ako doon.

Pero sabi naman ni Dette ay wag ko nalang daw damdamin ang mga sasabihin niya dahil titigil din daw naman ito sa ipinapakita niya . Tuwang-tuwa din si Dette na opisyal na akong magtatrabaho dito dahil nga ay may madalas na siyang makakausap bukod doon sa kaibigan nilang si Nathan. 

Naikwento kasi sa akin ni Dette na wala daw siyang oras sa pakikipagkaibigan dahil bantay na bantay niya daw ang kanyang kababata na si Boss sa mga katarantaduhang kanyang pinaggagagawa at ang resulta? ay wala pa siyang lovelife. Pero naikwento niya sa akin na may nanggugulo sa kanya sa kompanya. 

Kahapon bago ako tuluyang umuwi ay tinour muna ako ni Dette sa buong kompanya sa loob at maging sa labas. Nakita ko din ang department ng Game Developer at sobra talaga akong namamangha sa kanila. Ipinakita din sa akin ni Dette kung paano ginagawa ang wine na produkto ng mga Walker na kung saan ay iniindorso din ng mga Walker Brothers.

Kahapon din ay ipinakilala ako ni Dette sa mga ilang leader ng iba't-ibang department at doon ko nakilala ang leader ng Game Developer ngunit hindi ko alam kung may galit ba ito sa akin dahil inirapan lang ako nito. Sa likod ng kompanya makikita ang isang malaking factory na doon ginagawa ang mga wines at nakita ko din na may malaking na field katabi nito at basketball court.

Tinanong ko kay Dette kung para saan yung field at ang sagot niya ay ginagamit daw iyon sa tuwing magrerelax at kung may ipagdaraos na programa ang kompanya, napagkaalaman ko din na si boss pala ang may gusto nito dahil daw sa mahilig ito basketball.

At matapos akong igala ni Dette sa buong kompanya ay kumain muna kami sa canteen bago ako tuluyang umuwi sa boarding house.



At ngayon nga ay nandito ako sa loob ng office ni Dette habang naghihintay ng ipaguutos ng mahal na hari, nakaupo ako sa upuan sa harapan ng lamesa ni Dette na pinapatungan ng monitor at ilang pangbabaeng kagamitan. Magkakaroon din daw ako ng opisina dito sa pinakataas ng building pero ginagawa pa lamang ito.

"Dito ka muna tatambay Elo sa office ko at kapag gawa na yung office mo pwede ka nang lumipat doon" sabi nito.

"Hindi kaya siya magalit?" tanong ko dito.

"Subukan niyang magalit isusumbong ko talaga yan kay Tita dahil inihabilin ka niya sa akin na kapag sinaktan ka niyang si Lucas ay isumbong ko daw siya" sagot naman nito na hindi tumitingin sa akin dahil nakatingin siya sa monitor.

"Okay" tanging nasabi ko na lamang at muling tumingin sa may bandang kanan kung saan tagos ang pader para makita ko si boss.

The Boss: Lucas MalvaciniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon