Chapter 19

6.8K 307 47
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

Nandito ako sa loob ng sarili kong opisina dito sa pinakataas na parte ng building, katabi ko lang ang opisina ni Dette at dahil salamin ang pader ng buong office ay kitang-kita ang pagka busy niya.

Busy din naman ako sa ginagawa ko ngayon dahil nag karoon kami ng short meeting kanina nila sir at diniscuss niya yung magaganap na meeting next week, pinaalalahanan niya lang kami na maging ready at hoping na walang kapalpakan ang mangyari.

Pagkatapos kong tingnan si Dette sa ginagawa niya ay dahan-dahan ko namang binalingan ng tingin si sir.

As usual bakat na bakat na naman sa kanya ang suot niyang longsleeve.

Pinagmasdan ko siya sa ginagawa niya na ngayon ay tutok sa pagtatrabaho.

Ibang-iba talaga siya kumpara kay Zach, masyadong masungit at seryoso si sir habang si Zach naman ay masiyahin at maingay. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Dette na kung makakasama ko ang buong Walker Brothers ay baka mabaliw na ako.

Baka iba't-iba ang behaviour nilang magkakapatid.

"Cute ni sir" nasantinig ko nalang sa pag-titig sa kanya.

Nakasuot kasi ito ng salamin na bumabagay sa kanyang mukha at napapansin ko lang na sinusuot niya ang salamin na ito tuwing busy at seryoso siya sa ginagawa niya.

Natatamaan din si sir ng sinag ng araw na kung kaya't mas lumilitaw ang kanyang ka-gwapuhan.

hahehihohu

Napabuntong hininga ako at iniligay ko pa ang dalawa kong kamay sa ilalim ng baba ko.

"Kung hindi lang ito masungit nako..."

"Hays" pa cute kong sabi sa pagtitig sa kanya.

Nakita kong pinindot ni sir yung speaker mic sa tabi nang table niya at tila may tinawagan ito doon.

Muli ko naman na-alala yung nangyari kagabi, pagkatapos kasi niyang mag text sa akin na kung pwede ba daw kami mag-usap ay tumawag ito sa akin.





Sungit ka? is calling

Hindi na ako nag atubili pa at sinagot ko na ang tawag ni sir kahit na may nararamdaman akong kakaiba.

"Sir?" pagtawag ko sa kabilang linya at inabangan ang pagsasalita nito.

"Sir bakit po?" muli kong tanong dito at pinakinggan ang kabilang linya.

Tanginang paghinga lang ang naririnig ko.

"May sasabihin po kayo sir?" tanong ko sa kanya pero hindi ito sumasagot.

"Hello sir?" tawag kong muli sa kanya pero malalalim lang na paghinga ang natatanggap ko.

"Sir may kailang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat ito.

"Don't be late...see you to tommorow" huli niyang sabi bago namatay ang tawag.







"Elo tawag ka ni Lucas sa kabila"

See you tommorow? Iyan yung sinabi ni sir kagabi bago namatay ang tawag, see you tommorow daw? pero pagpasok ko naman kanina ay sinusungitan lang ako nito lalo na sa meeting kanina.

Hindi ko nalang pinapansin ang pagsusungit nito dahil sanay na sanay na naman ako.

Sabay kami pumasok kanina ni kuya dahil papunta din siya sa kompanya nila Prince.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now