Chapter 10

8.7K 398 30
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

"What's the matter?! hah? Lucas? What's the matter?!" natatawang pasigaw na tanong ni Zachy kay boss.

Rinig namin dito ni Dette sa living room ng opisina ni Boss ang iringan ng dalawang magkapatid, tiyak inaasar ni Zachy ang nakakabatang kapatid niya dahil inis na nagsasalita din si boss dito.

"Just shut your fucking mouth! Zachary!"  bulyaw ni boss sa kanyang kuya.

"Isa palang yan Elo, pano pa kaya kung nakita mo pa yung mas nakakatandang kapatid nila Zach" kasalukuyan naman kaming nagkukwentuhang dalawa ni Dette habang pinapakinggan din namin ang iringan ng dalawa. Nauna nang umalis si Nathan dahil may aasikasuhin pa daw siya. Kaya kaming dalawa nalang ni Dette ang natira.

Sabi sakin ni Dette na mas magugulat pa daw ako sa ka-gwapuhan ng magkakapatid kung makikita ko silang magkakasama na totoo namang mangyayari dahil si Zachy pa nga lang ay napanganga na ako, paano pa kaya yung iba.

"Pero isang taon lang ang agwat ng dalawang yan at masasabi kong mas matanda pang mag-isip si Lucas kaysa kay Zach, may pagka-isip bata kasi yang si Zach at happy go lucky lang ang alam sa buhay" pansin ko din naman yun na parang mas matanda pa si boss kaysa kay Zachy dahil mas kakikitaan ko ng maliwanag na mukha si Zachy kasya sa madalim na mukha ni boss.

"Hoy! Hoy! Is that the proper way on how to treat your older brother huh?!" rinig parin namin ang natatawang sigaw ni Zachy.

"One year lang ang agwat natin! I'm more mature enough than you!" galit parin ang tono ng pananalita ni boss.

"Whatever! Hindi naman ako kagaya mo na bira ng bira ng babae!" natatawang sabi parin ni boss.

Natawa naman kaming dalawa ni Dette sa sinabi ni Zachy bago siya ulit nag kwento tungkol sa magkakapatid.

"Si Zach at Lucas nalang sa magkakapatid ang walang asawa, si Cedric palang ang may anak habang bagong kasal naman sila Franco at Charles" pagkukwento ni Dette.

"Hah?" tanging naisagot ko dahil wala naman akong kaide-ideya sa mga pangalang binanggit niya.

"Si Franco ang pinakamatanda sa magkakapatid sumunod si Cedric pangatlo si Charles, si Cedric lang ang may anak sa kanila at babae yun, pangalawa sa huli Zachary habang bunso si Lucas"

 paglilinaw ni Dette.

"Ah okay" ang nasabi ko nalamang.

"Just tell me kung bakit ka napadpad dito!?" rinig na naman naming sigaw ni boss.

"Okay! Okay! Masyado kang hot! parang gusto mo na agad akong paalisin! Hindi pa kami nakakapag bonding ng cute mong assistant" natatawa namang sabi ni Zachy at nasama pa ang pangalan ko ha.

"Say what!? cute kong assistant?" tanong ni Boss kay Zachy.

"Yes the Elo one, he is so cute" tila kinikilig na sabi ni Zachy na ikinangiti ko lang.


"Anong cute don? mukha siyang bading!"  hindi ko nalang pinakinggan ang huling sinabi ni boss na akala mo napakagwapo niya.

Buo na talaga ang desisyon ko! Hindi na ako papayag na alipustahin nalang niya ng ganun-ganun. Napupuno na din ako okay? kung kinakailangan ko siyang itama ay itatama ko siya. Mukha siyang aso! 

"Dumali na naman ang pagiging denial king nitong siraulong 'to" rinig kong bulong ni Dette.

"What ver! Basta para sakin Elo is the most cutest hooman na nasaksihan ko ngayon at sa habang panahon!"  tila batang natatawang sabi ni Zachy na nagpamula ng pisngi ko dahil sa pag ka flutter! 

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now