Chapter 23

4.8K 233 48
                                    



ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
POV ni Elo:

Umagang-umaga palang parang gusto ko nang maglaho at magpakain sa lupa. Sobrang ganda ng gising ko as in one hundred percent na maganda.

Paano ba naman kasi yung video namin ni sir sa likod ng L Co Hol Bar ay kumakalat na sa buong social media at ang mas matindi pa ay napalabas ito sa isang sikat na Television Channel na ipinakita sa Issue News kung saan doon ibinabalita ang mga sikat na personalidad.

Nakahiga palang ako sa kama ay sunod-sunod na ang ginawang pagkatok sakin ni kuya sa kwarto at sigaw ito ng sigaw para ipaliwanag ko ang video na kumakalat doon.

Kaliwa't-kanan din ang ilang pagtawag sa cellphone ko at karamihan sa kanila ay mga kamag-anak ko, nagtatanong kung totoo ba yung kumakalat na video na iyon. Ilang beses din tumawag sila mamang para siguro ipaliwanag ko ang videong kumakalat na iyon.

"Mga kumare! Magandang-magandang umaga sa inyong lahat!"

Nakasakay ako ngayon sa bus papapsok sa trabaho nandito ako sa gitnang bahagi ng upuan at ikinatutuwa ko dahil wala akong katabi. Nakasuot ako ng light green na hoodie para matakpan ang mukha ko dahil pagsakay ko palang dito sa bus ay madami ang nakatingin sa akin.

"Mga kumare! Mainit na balita para sa inyong umagahan ang inyong maririnig!"

Napatingin ako sa unahan ng bus dahil may malaking screen doon kung saan doon ipinapalabas ang balita.

Isang babaeng reporter ang nagbabalita ngayong umaga.

"Viral sa internet ang isang video ng isang sikat na modelo sa Brazil na ngayon ay isang CEO ng Walker Company dito sa Pilipinas" tila malanding bigkas ng babae sa harapan ng camera.

Sinasabi ko nga ba ih.

Napapikit nalang ako dahil rinig ko ang ilang bulungan dito sa loob ng bus.

"Gurl napanood mo na?"

"Ang swerte nung bakla infairness!"

"Sana all nakakatikim ng modelo ano po?"

"Sam Morales lang? gusto mo magaya doon sa Transgender?"

"Ano gusto mo din ba si Bilko? Bilko Aragana Model yun!"

Ilan lang iyan sa mga bulungan na naririnig ko magmula kanina.

"Nandito tayo mga kumare sa labas ng Walker Company para abangan at kunin ang panayam ng nasa videong ito, sila Lucas Malvacini Walker at Elo Angelo Bathan ang nasabing nasa video" wika ng babae sa telebisyon.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na ito kaya pinaghawak ko nalang ang mga kamay ko at ipinasok ito sa bulsa ng suot kong hoodie.

"Kunin natin ang panamayam ng isang empleyado dito sa Walker Company"  doon lumabas sa tv screen ang isang babae na naka-suot ng uniform ng Wine Department.

"Anong masasabi mo sa kumakalat na video ng boss na pinagtatrabahuhan mo?" tanong ng reporter.

"Sobra akong nagulat ghourl! As in to the highest level sobrang gulat na gulat!" bulalas na sabi ng babae.

"Paano yung gulat?" natatawang sabi ng reporter.

"Ganito!" wika ng babae at gulat ako sa ginawa niya "Rawr! Rawr! Rawr!" nagmuwestrang nangangalmot ang babaeng iniinerview.

"Dinasour ka ghourl!?" natatawang sabi ng reporter at nagtawanan sila doon.

"Manong ilipat niyo na please" bulong ko sa sarili ko.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now