Chapter 17

6K 317 39
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
POV ni Elo:

"Wag mong kalimutang kainin yang binili ko Elo ha, sikat na sikat yan sa Batanggas at special yang binili ko para sayo dahil special ka" basa ko sa text message ni Zach at napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa sinabi nito.

Ang inaasahan kong papasalubong sa akin ni Zach ay peanut butter o kung ano mang delicacies na kilala sa Batangas.

Pero alam mo ba naman kung anong pasalubong sa akin nito?

Lomi! Lomi ang pasalubong sa akin ni Zach!

"Ilang oras ba ang byahe pauwi dito sa Manila mula Batangas Zach?!" rmadiin kong pinindot ang keyboard ng aking cellphone at nireplayan ko ito.

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan pauwi sa apartment ko dahil naisipan ko kasing maglakad mula doon sa bungad ng subdivision hanggang dto sa apartment na tinutuluyan ko.

"Two hours lang dapat pero dahil traffic naging four hours ang biyahe HAHAHAHAHHAHA" sagot nito sa akin at muli akong napasapo ng noo, tiningnan ko ang dala-dala kong lomi na ngayon ay maataba na ang noodles dahil sa four hours na pagkakababad nito sa malapot na sabaw ng lomi.

"CEO ka ba talaga ng kompanya niyo Zachary? Bankrupt na ba ang kompanya mo? Grabi sa pasalubong mo eh mamahalin sobra!!!" muli kong reply dito.

"Hoy ang arte mo ha! Mag thank you ka nalang! Seventy pesos din yang special na yan initin mo nalang sa apartment mo pagkakainin mo, pati doon ko pinakain sa lomi house yung mga shareholders at investors ko dahil walang lomi sa Egypt" nakakahiyang paglalahad nito.

"ANO!? BAKIT NAMAN DOON!!!???" reply ko dito.

"Doon ko gusto eh ano bang magagawa mo? Pati wag na sila mag-inarte sila na nga ang nilibre ko eh" wika pa nito sa akin at napatawa nalang ako.

"Ano kaba naman Zach! Shareholders at investors mo yun kaya sana naging disente ka! Kuripot is real ha, kuripot is real" sabi ko dito.

"Wag ka nga Elo! hayaan mo na sila! pati kakain naman tayo bukas ng gabi ah kaya don't worry ililibre kita ng mahal" sabi pa nito sa akin.

Kanina kasi ay niyaya ako nitong kumain daw bukas ng gabi at sa kalokohan niya ay ipinagpaalam pa ako nito kay sir ngunit sa hindi ko malamang kadahilanan ay nagsisigawan kanina ang magkapatid na ito.












"Ano ba kasi yang ginagawa mo babe?" pagtatanong nito sa akin sa tabi ko dito sa dining area ng opisina ni sir. Pagka-alis kasi kanina ni Dette sa loob ng opisina ni sir ay dito na ito dumiretso sa pwesto ko.

Itinigil ko ang ginagawa ko at hinarap siya.

"Zach tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng babe, baka marinig ka ni sir at kung anong isipin niya" sabi ko dito at inirapan ito.

"Eh bakit ba? Gusto kitang tawaging babe ih" medyo may kalakasan nitong tanong sakin. Kaya napatingin ako sa pwesto ni sir na ngayon ay nahuli ko itong nakatingin sa pwesto namin.

"Bahala ka nga diyan" pagabaling ko ng tingin kay Zach pagkatapos akong irapan ni sir.

"Wag kanang magalit babe oh" tila pag papa-awa ni Zach sa harapan ko.

"Isa Zach" seryoso kong sabi dito at sa hindi ko malamang dahilan ay naririnig ko dito ang mahihinang pagmumura ni sir.

"Fuck"

"Okay fine fine hindi na po" muling sabi ni Zach sa tabi ko kaya tinuloy ko nalang ang ginagawa ako.

Napapangiti naman ako dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nakangiting parang ulol na nakatitig sa akin si Zach.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now