Chapter 31

3.7K 184 15
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡ

"Aray-aray, Gio ang likod ko"

"Sorry Papa"

"Wag kang masyadong malikot naiipit mo ang likod ni Papa, gusto mo bang bumalik ako ulit sa hospital?"

"No Papa! Ayoko pong maghintay ulit ng matagal!"

"Kaya wag kanang masyadong malikot, Okay?"

"Okay po"

"Gusto mo pa bang ituloy ko ang kwento?"

"Yes Papa anong pong nangyari pagkatapos malaman ni Daddy na nawawala si Papa?"

















Lucas POV:

Pitong araw na.

Pitong araw na akong mistulang patay.

Pitong araw na ang lumipas na pero kahapong lamang nawala si Elo.

Sa pitong araw na nag-daan ay hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

Gigising na nag-aalala.

Papasok sa trabahong nag-aalala.

Uuwi sa bahay na nag-aalala at matutulog ng may pag-aalala.

Hindi ko na alam.

"Lucas anak pinagluto kita ng adobong manok" wika ni Mamang ng makapasok siya sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko ito sinagot at nakatitig lamang ako sa cellphone ko na kung saan naka flash ang screen ng larawan naming dalawa ni Elo noong nag punta kami sa Enchanted Kingdom.

Seryoso lang akong nakatingin doon at wala na akong maramdamang emosyon.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Mamang sa higaan ko. Hindi ko siya binalingan ng tingin dahil nakatitig lang ako sa cellphone ko.

"Ilang araw kanang hindi kumakain anak" wika nito sa tabi ko.

"Wala po akong gana" tipid kong sagot sa kanya.

Katahimikan ang namayani pagkatapos kong sumagot sa magulang ni Elo.

After naming makumpirma na nawawala nga si Elo ay sunod-sunod na ang natanggap kong tawag mula sa mga kakilala,pamilya at mga kamag-anak namin. Nagdaragsaan din ang mga media team para makuha ang aking saloobin tungkol sa pagkawala ng kasintahan ko.

Naramdaman kong umusod papalapit sa akin si Mamang at doon niya hinawakan ang ulo ko.

"Ilang araw kana ding hindi naliligo anak aba! ambaho mo na niyan paano nalang kung makita ka ni Elo? sasabihin sayo 'nun na ang bantot-bantot mo na, ay nako ha Lucas" panimula niyang wika habang inaayos niya ang magulo kong buhok.

"Tingnan mo din yang katawan mo oh, dahil sa hindi mo pagkain ng ilang araw pumapayat kana" wika pa nito.

Hindi ko siya sinasagot dahil titig parin ako sa cellphone na hawak ko.

Bakit nandito si Mamang?

After mabalitaan ng mga magulang ni Elo ang pagkawala ng anak nila ay bumyahe sila Mamang at Ella papunta sa tinutuluyang apartment ni Elo, ngunit natuklas nila Kuya Charles sa paghahanap kay Zachary at Elo na ang taong naninirahan sa taas ng apartment nila ay isang miyembro ng Alcapone Hillbilities.

Sila kuya lang ang nakaka-alam ng bagay na ito dahil hindi din sila nagtitiwala sa Pulisya, dahil ang tatanga nilang kumilos.

Nag-desisyon si Mommy na dito nalang muna patuluyin sila Mamang at Ella sa bahay namin.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now