Chapter 6

9.4K 431 56
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡ

Elo's POV:


"So I was saying Lucas na dito mag tatrabaho si Elo and that is my final decision!" rinig namin mula dito sa living room sa office ni boss ang pagtatalo ng mag-ina.

"But mom! I don't want her!" rinig kong sigaw ni Boss.

"Hindi babae si Elo Lucas!" pagtatama ni Tita Nave sa kanyang anak.

"Whatever mom! He or she! Basta hindi ko siya gusto!"

"Ang sakit nun ha" natatawang wika ng nasa kanang bahagi ko na lalaking kasama nila Tita Nave kanina habang si Dette naman ay nasa kaliwang bahagi ng sofa.

Napatingin naman ako kay Dette ng siya ang magsalita.

"Napaka mature ng kaibigan mo Nathaniel sobra napaka mature!" sarkastikong wika ni Dette sa lalaking nagpakilalang Nathaniel sa akin kanina.

"Parang ako lang ang kaibigan ha? Remember ikaw ang kababata ng lintik na Lucas na iyan!" natatawang tugon naman ni Nathaniel.

"What do you mean na you don't like him?!" muli kaming napatahimik na tatlo para marinig ang pagtatalo ng mag-ina doon sa table ni boss na may design na mga bulaklak.

"It's just thar...I don't like him mom!?" halata na sa boses ni Boss ang pagkairita at pagsusumamo nito at hindi ko maitatanggi na sa bawat pagkainis at pagtanggi niya sa akin ay may kaunting kirot iyon sa sa aking puso.

"Hindi kita maintidihan Lucas! Napaka simple lang ng favor ko sayo na si Elo ay magtatrabaho bilang secretary mo!" may pagsuko na sa boses ni Tita Nave dahil hindi na siguro matiis ang tantrums at kakulitan ng anak niya.

"Dette I guess na kung bakit ayaw ni Lucas na magtrabaho si Elo dito" muli akong napatingin kay Nathaniel habang nakatingin siya kay Dette suot ang tila masasayang ngiti nila na parang may nadiskubreng kakaiba dahil tila kinikilig pa sila.

"I told you!" tuwang-tuwang naman na tugon ni Dette at nagpustura pa ang kamay nito para makipag-apir kay Nathaniel na tinugunan naman nito.

Muling tumingin sa akin si Nathaniel "Elo why you are so beautiful kahit lalaki ka?" papuring natanggap ko mula kay Nathaniel at tanging pagngiti lang ang nagawa ko.

"Ehe hinde nemen enebe!" pagpapatawa ko sa dalawa at nagtawanan naman ito.

"Ano Lucas? Why don't you want Elo to work here !?" muli ulit kaming napatahimik na tatlo para makinig sa nagtatalong mag-ina.

"It simply because I don't like him mom! period!" hindi namin sila kitang dalawa dahil nakatalikod kami mula sa kanila pero rinig na rinig namin ang pagtatalo nila.

"Hindi talaga kita maintindihan Lucas! Kung kailan ka tumanda saka ka nagiging immature para kang bata! Binigay na namin lahat-lahat sayo Lucas kaya sana naman tuparin mo na naman yung gusto namin ng Dad mo, I already talk to your dad about this matter na si Elo ay magiging secretary mo and that's final!" sunod-sunod na wika ni tita Nave na sinegundahan agad ni Boss.

"What the fuck mom! Pati ba naman si Dad! Nabilog niya agad? And you don't even know his backround story mom! Basta-basta mo nalang agad siyang ipinasok dito sa company!" matigas na segunda ni Boss sa kanyang Nanay.

"We already check the backround Lucas and Elo is from a great family at una palang I see that he has a potential para maging secretary mo and maybe he is one of the instrument para mabago yang pagiging lakwatsero at babaero mo come on wake up! " wika ni tita Nave at rinig ko ang tawanan ng dalawang tao sa magkabilang gilid ko.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now