Chapter 5

8.4K 383 16
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡ
Elo's POV:


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na ito sa kaba at takot na nararamdaman ko idagdag mo pa ang pagtulo ng mga pawis sa aking noo.

Kinakabahan at natatakot ako sa oras na ito.

Napaurong ako at napasandal sa pinakalikod na bahagi ng loob ng elevator, kita ko ang pagtaas ng aming sinasakyan dahil transparent ang salamin nang palibot ng elevator.

Nasa unahan ko ngayon si Boss at ang malapad niyang likuran ang aking nakikita, hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko dahil para akong piping aso na hindi makasalita dahil tila may nagawa akong kasalanan.

Medyo na lulula din ako sa pagtaas ng elevator at tila mga langgam na ang mga trabahante sa baba dahil tanaw ko sila mula dito sa itaas.

Paano ba ako nito magsasalita?

"Hmm Bo--" hahawakan ko palang sana ang balikat ni Boss ng putulin na niya ako sa pagsasalita.

"Who the hell are you?" hindi siya nakaharap sa akin pero alam kong galit at nanlilisik ang mga mata ni Boss base sa kanyang pananalita.

"Po...Boss?" nauutal ko pang wika sa kanya at doon ako sinusukluban ng kaba.

Itinago ko ang aking mga kamay sa aking likuran tanda ng pagkatakot at hiya.

"Are you deaf?" ganoon parin ang tono ni boss sa kanyang pananalita at nakatalikod parin ito sa akin.

"Hindi po Boss" napatungo na ako sa lagay kong ito dahil sa takot na nadarama.

"Then who the hell are you?" nakita ko ang pagharap ng pares na kulay maroon na sapatos ni Boss dahil ako ay naka tungo.

Hindi ko na mapigilang mapayukom ang aking mga kamao sa likuran dahil sa takot na aking nararamdaman.

Para akong isang batang tila inaapi ng kanyang mga kaaway, pero sa tingin ko isa talaga akong isip bata.

"Who the hell are you?!" may awtoridad na sa boses ni boss kaya ako ay nagulat.

"Boss po kita !" para akong isang sundalo na sumagot sa command ng aming superior.

Tinuwid ko ang aking pagtayo at ang magkabila kong kamay ay inilagay ko sa magkabilang gilid ng aking tagiliran.

Napatunghay na ako at hinarap ng diretso si Boss.

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipinapakita niya sa akin pero isa lang ang mababatid ko dito dahil tila siya ay nagpipigil ng tawa.

Pero ang tanging reaksyon ko lang ay pagkatakot na hindi ko na tila maramdaman ang nangyayari.

Sa magagandang mata  ni Boss ako nakatingin at iyon ang aking kahinaan pagdating sa mga lalaki, kaya tuwing tinititigan ako ni Prince ay palagi ko itong sinasapok sa mukha.

Dahil sa pagkailang ay iniwas ko na ang aking tingin sa kanyang mga mata at binaling nalang sa kanyang dibdib na ngayon ay pumuputok sa suot nitong asul na polo shirt.

Sa totoo lang maganda ang hugis ng katawan ni boss na parang katulad lamang ng kay Prince. 

Hindi ko naman napansin na napatagal na ang pagtitig ko sa maumbok na dibdib ni boss kaya muli ko nang ibinalik ang aking tingin sa kanyang mukha na ngayong ay nakataas na ang kanyang mga kilay.

"You're one of my new secretary, right?" tanong nito sa akin sa seryosong tono.

Tumingin muli ako sa kanyang mga mata at wala na akong mabasang ekspresyon dito.

"Yes po" tanging nasagot ko lamang.

"Ikaw yung bading na gustong-gusto ni mom?" kita ko agad ang panlilisik ng mga mata ni Boss na itinatapon niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot at tila na pipi na lamang ako sa tanong ni Boss sa akin.

Napaurong ako at muling napasandal sa elevator, napakagat ako ng labi habang diretso paring nakatingin sa kanya.

Ang seryoso niyang mukha ay biglang naglaho dahil tila isang demonyo ang ekpresyon niyang ipinapakita sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanyang pagtawa na hindi ko alam kung anong pinagtatawanan niya bago siya muling tumalikod sa aking pwesto.

"Boss?" pagtawag ko.

Tila isang senaryo sa mga horror film ang namayani sa oras na ito dahil ng tawagin ko siya ay tumigil siya sa kanyang pagtawa at bigla na lamang naging tahimik ang paligid kung saan tanging tunog ng elevator ang namamayani sa oras na ito.

"Boss?" muli kong pagtawag kay Boss at doon ako muling kinabahan dahil doon siya dahan-dahang humaharap sa aking pwesto.

Nakakatakot ang kanyang mukha na ibinabaling sa akin ng makaharap ito, tila isang killer clown ang nakatingin sa akin, nakangiti pero napaka-mapanganib. 

"Boss?" muli kong pagbasag dito at bago siya nagsalita.

"Bem vindo ao inferno minha nova secretaria, espero que voce sobreviva e se voce tem medo agora por favor resign!" pagkasabi ni boss ay tumunog na ang elevator tanda ng nasa ika-tatlongpu't isang palapag na kami ni boss.

Kasabay nito ang kanyang pagtalikod at paglakad palabas ng elevator.

Naintindihan ko kung anong sinabi niya dahil mahilig akong mag-aral ng iba't-ibang lengwahe.

Napanganga na lamang ako habang hinhintay na magsarang muli ang pintuan ng elevator bago tuluyang sumara ang pinto ay doon pa siya naghabol ng wika sa akin.

"Wag kang gagamit ng elevator, stairs is must" segunda niya sa akon bago tuluyang magsara ang pintuan ng elevator.

At habang pababa ang elevator ay napasandal at napaupo na lang akong muli dito.

Napasabunot ako sa aking sarili dahil hindi ko ineexpect na ganito ang magiging first day ng aking trabaho.

Oo maswerte ako dahil ang may ari mismo ng kompanyang ito ang gustong maglingkod at magtrabaho ako, pero ang anak naman niyang CEO ang tila magpapatigil sa kagustuhan ko.

Hindi ko namalayan na nakababa na pala sa ground floor ang elevator at kasabay nito ay ang pagbukas ng pintuan nito.

"Elo? What are you doing?" napatunghay ako kasabay ng pagkakita ko sa tatlong bulto ng tao.

Si Tita Nave at Dette na may kasamang isang lalaki.

"Po? Tita Nave?" medyo gulat kong turan dahil hindi ko ineexpect na sila ang papasok sa elevator at wala na akong nagawa kundi ang tumayo sa aking pagkakaupo.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Dedicated this chapter to nod0840

The Boss: Lucas MalvaciniOnde histórias criam vida. Descubra agora