Chapter 7

8.9K 414 14
                                    


ㅆㅆㅆㅆㅆ
Pov ni Elo:

"I don't want you to touch my personal things here in the office, excepts to those things na ipapagawa ko sayo, do you understand?"  

Tandang-tanda ko at talagang tinatandaan ko ang mahigpit na bilin ng boss kong maarte.

Kasalukuyan akong nagwawalis gamit ang sosyal na tambo na gawa sa plastic na may ibat-ibang kulay. Ito ang unang araw ng opisyal kong pagtatrabaho dito sa kompanya ng mga Walker.

Kahit wala namang kalat akong nawawalis ay patuloy lang ako sa pagwawalis. Nasabi ko na din sa aking sarili na ito ang kakalabasan ng aking trabaho ang maging katulong niya.

Habang nagwawalis ako ay inaalala ko kung paano ko isasagawa ang utos sa akin ni Tita Nave at ang unang step para gawin ko yun at kilalanin ng mabuti si boss at alamin ang ilang mga katanungan na dapat masagot tulad nung Angel ba yun? Na may pagkakahawig daw sa akin.

"I don't want you to touch my personal things here in the office"

"Okay kung ayaw mo wag mo" kasalukuyan na kasi akong nag wawalis sa harapan ng table niya na punong-puno ng design na bulaklak. 

Ewan ko ba sa kanya kung bakit naging ganoon yung lalalking yun. Sabi naman ni Tita Nave na malayong-malayo siya sa pagkatao niya dati. Bahala siya.

Itinigil ko muna ang pagwawalis ko, nag unat muna ako ng katawan dahil kanina pa ata ako na yuko sa pagwawalis.

Bago kasi ako pumasok kanina ay wala pa si boss, si Dette lang ang naabutan ko dito. Sabi niya na magwalis-walis daw muna ako dahil ayaw daw ni boss na makakalanghap o hawak ng alikabok.

At dahil wala naman akong nawalis na kahit kaunting alikabok ay hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin.

Muli ko nalang inilibot ang aking paningin sa magandang interior design ng opisina ni boss. Ang dingding sa may pintuan ay salamin at kita dito sa labas ang maliit na opisina ni Dette na kasulukuyan ngayong may ginagawa.

Pumunta muna siya sa opisina niya dahil ipiprint niya na daw yung magiging kontrata ko at ipapabasa yung ibang mga regulations ng kompanya, sasabihin niya din daw sa akin kung ano talagang role ko bilang assistant ni boss. Hindi ko nga alam eh kung bakit naglakas loob akong mag apply bilang sekretarya eh wala pa akong karasanan at taliwas din sa kinuha kong Multimedia and Arts and Design na course.

Ngumiti naman ako bago ko i-alis ang paningin ko kay Dette.

Humarap ako sa may lamesa ni boss na ngayon ay natatamaan na ng sinag ng araw na nanggagaling sa labas, hindi mainit dito sa loob ng opisina ni boss dahil sa malaking aircon na nakakabit sa may gilid ng mga painting sa kaliwang bahagi ng opisina ni boss.

"Lucas Malvacini Walker CEO" mahinang pagbasa ko sa pahabang triangle na metal kung saan nakaukit ang pangalan ni boss at CEO naman ang nakalagay sa baba nito, halatang mayaman na mayaman ang pangalan niya.

Muli ko na namang inilibot ang aking paningin sa buong opisina ni boss hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili na hawak-hawak ang walis na nakatapat sa aking bibig na tila nagsisilbing mikropono.

Dahil wala namang tao at wala akong magawa ay kakanta nalang ako, kaninang umaga kasi ay tinawagan ako ni Prince at kinantahan ako ng kantang ang pangit-pangit. Inis na natatawa lang ako sa kanya kaninang umaga habang magkatawagan kami dahil nga sa pagkanta niya at ilang pang-iinis niya sa akin.

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now