YOU'RE THE GREATEST GIFT [COM...

Da Itsquantiara

81.2K 3.2K 770

"YOU'RE THE GREATEST GIFT" "Bakit naman ako magkakagusto d'yan eh tingnan n'yo nga... Baduy!" Eh papaano nga... Altro

-INTODUCTION-
NAMES & SHORT NOTE!!
UPDATE
.....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (Repeat)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11- KNOWING YOU I
CHAPTER 12- KNOWING YOU II
CHAPTER 13- KNOWING YOU III
CHAPTER 14- KNOWING YOU IV
CHAPTER 16 - 1ST WARNING
CHAPTER 17- 2ND WARNING
CHAPTER 18- 3RD WARNING
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 - THE PAYBACK I
CHAPTER 32- THE PAYBACK II
CHAPTER 33- THE PAYBACK III
CHAPTER 34- THE PAYBACK IV
CHAPTER 35- THE PAYBACK V
CHAPTER 36- THE PAYBACK VI
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
BREAKNEWS
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
-UPDATE-
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
SPECIAL NOTE
CHAPTER 71- THE PAYBACK VII
CHAPTER 72- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 73- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 74- THE PAYBACK IX
CHAPTER 75- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 76- THE FINAL PAYBACK.
CHAPTER 77- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 78- [THEY ARE PAID]
CHAPTER 79- NEAR TO END
CHAPTER 80- NEAR TO END
CHAPTER 81- NEAR TO END
CHAPTER 82- NEAR TO END
CHAPTER 83 - GRADUATION (END)
CHARACTERS
AUTHOR'S NOTE
SEASON 2!

CHAPTER 15

841 42 10
Da Itsquantiara


CHAPTER 15

CASSY'S POV.

Dumiretso kami sa kwarto na ibinigay sa amin ng satff, nanguna sa paglalakad si Scyle dahil s'ya ang may dala sa susi.

Ng mabuksan n'ya ang kwarto ay may tatlo pang kwarto sa loob. Tig ta--tatlong kama ang bawat kwarto. Wala pa ang ikatlong lahi dahil nagpaalam sila kay Drake na mahuhuli sila dahil dadaan pa sila sa Mall.

"Dito kami sa gitnang kwarto, tatlo ang kama sakto sa amin nila Cassy at Roxanne." nakangiting paalam ni Athena, nagtanguan naman kaming lahat, pumasok kami sa kwartong iyon at iniayos ang gamit, dalawang gabi kaming mamamalagi roon.

Ng matapos kami sa pagaayos ay sakto lang rin ang pagdating nila Forth,

"Mabuhaaaayy ang tatlong reyna!" sigaw ni Forth sa mini sala, kami ay nasa loob ng mga kwarto namin, nagsilabasan kami mula sa kwarto para salubungin ang mga bakla.

"Aba aba aba... Kompleto... Nasaan si Drake?"  tanong ni Berton,

"I'm here drakulas!" biglang sulpot ni Drake sa pintuan, naka summer polo s'ya habang naka see through na sando sa loob, naka summer shorts din s'ya at tsinelas, nakashades rin, at sa suot n'ya ay mas lumabas ang pagkatao n'ya,

Nilingon ko si Athena, at tama na naman ako ng hinala, kinikilig ang loka.

"Happy birthday tukmol!"

"Happy birthday bansot!"

Bati sa kan'ya nila Scyle at Shawn habang natatawa pa,

"Happy birthday dugong!"

"Happy birthday drakula!"

"Happy Birthday Janitor Fish!"

Bati naman sa kan'ya ng tatlong bakla habang iniaabot ang ma regalo. Natatawa ang mga ito habang papayakap kay Drake, si Drake naman ay nangunot ang noo habang tinatanggap ang mga yakap nila,

"Nagabala pa kayo sa regalo, iinsultohin n'yo rin pala 'ko." parang bata'ng angil ni Drake, natawa nama kami sa kan'ya,

"Happy birthday Nobita!" sigaw ni Roxanne sa kan'ya habang papayakap, nangunot ulit ang noo ni Drake,

Loka rin ang isang to.. Hahaha

"Happy birthday Goku!" natatawang bati ko sa kan'ya at mas lalong nangunot ang noo n'ya,

Nawala ang pagkakunot ng noo n'ya ng ibaling ang paningin kay Athena, ito namang si bessywap ay nagiinarte pa,

Maharot...

"Happy Birthday Siomai..." nakangiti at kinikilig na bati ni Athena, tumamis naman ang ngiti ni Drake at niyakap ang kaibigan ko,

"Grabe parang hindi kami welcome dito ah? Nung kami ang bumati nainis, nung si Athena kinilig? Abaaa cannot be!"
Taas kilay na protesta ni Romnick, natawa naman si Drake,

"Syempre iba ang dating kapag babaeng mahal mo ang nangasar sayo hehe..." animo'y kinikilig pang sambit ni Drake,

"Edi kayo na!" kunwari pang iniaaaalay ang mga kamay, napahugot naman ako ng malalim na hininga at tsaka matunog na ngumisi dahil sa kabaliwan nilang lahat,

"Ano? Ganito lang tayo? Nasaan ang pangrampa Drake?" tanong ni Romnick habang iminomodel pa ang katawan,

"Nandito, mamili lang kayo, ito ang pang lalake, at ito ang pangbabae." turo ni Drake sa dalawang roller na sampayan na inihahatid papasok ng isang staff, naglakbay naman ang paningin ko sa mga iyon, may mga swimsuit na shorts ang pangibaba, may palda naman na matatakpan ang peklat ko sa may hita, ngunit ang lahat ng pang itaas ay bra,

"Woaaa.. Tara tara.." excited na anyaya ni Roxanne habang iginuguyod ang mga damit,

"Hep hep hep, babae kami, d'yan kami mamimili, common ikatlong lahi, rrrrrampa!" masayang sambit ni Forth at tsaka sila nagsinuran sa amin sa C.R, may tatlong maliliit na kwarto sa loob na pinagbibihisan,

Maya't-maya ang labas pasok namin roon, isinusukat ang lahat ng mga pwede nilang isuot, ng makabihis silang lahat ay nagmodel pa sila sa salamin, samantalang ako ay nakasandal pa sa haligi ng C.R, ng makalingon sila sa akin ay pinasadahan nila ng tingin ang kabuoan ko.

"Hmmm kelangan mo ng ultimate make over..." nakangiting sambit ni Berton hbanag patango-tangong tinitingnan ang kabuoan ko,

"Kelangan mo ng himala... at kami ang himalaaa!" maharot na ani Romnick sabay hila sa akin papasok sa cubicle, sandali kong inilabas ang ulo ko sa may kurtina at sinilip sila habang namimili ng damit,

"A-Ahh iyon sanang matatakpan ang peklat ko sa may hita, nasa gitnang bahagi ng hita ko... Eto.." sambit ko habang ipinapakita kung nasaan ang peklat ko, tumango-tango naman sila at nagpatuloy sa pamimili,

Ilang segundo pa ang lumipas ay pumasok na silang lahat sa cubicle, nanlaki naman ang mga mata ko, hindi dahil masikip dahil malaki 'yon, kundi ay bakit silang lahat pa ang pumasok,

"Pss grabeng himala na 'yan, lahat talaga kayo ay pagtutulungan ako?" nagtataka ngunit nakangiwing tanong ko.

"Oo naman! Wag ng maraming tanong maghubad ka na!" ani Athena habang pinipilit hubarin ang tshirt ko,

"T-Teka ano ba! Ako na... Ako na.. Tumalikod kayo, alin ba dyan ang isusuot ko sa pang-itaas?" tanong ko, itinaas naman ni Romnick ang isang bra, maganda ito at gusto ko ang kombinasyon ng pink at violet na color nito ngunit masyado naman atang labas ang kaluluwa ko rito,

Seryoso ba sila?

"B-Bakit 'yan? Ayoko n'yan!" angal ko sa kanila, pinandilatan naman nila 'ko,

"Oh ano? Gusto mong matawag na surbitero? Gusto mong mapagtawanan don? Ha? Eh kung bigwasan kaya kita??" pambabanta ni Athena habang pinandidilatan pa ako,

"Wala ka sa kaharian mo mahal na prinsesa, kaya sa ayaw at sa ayaw mo, susuotin mo 'to! Bilis! Lalabas na kami." ani Romnick habang iniaabot sa akin ang bra,

Tinanggap ko nalang iyon at inis na hinubad ang damit ko, hirap pa akong isuot iyon dail maraming pasikot-sikot sa likuran ngunit nasuot ko rin naman, iniayos ko muna iyon, walang salamin sa loob kaya hindi ko makita ang sarili ko,

"Tapos ka an ba riyan? Bilisan mo alas tres na Cashang!" sigaw ni Forth, alinlangan ko pang binuksan ang kurtina, ng mabuksan ko iyon ay tumambad ang kaluluwa ko ang pangibaba ko ay naka jeans parin,

Nangunot ang noo ko ng hindi sila nagsalita, nakatitig lang sa--

Putcha!

Hinawi ko ang kurtina at tinakpan ang dibdib ko,

"Hoy babae tanggalin mo nga 'yang kurtina!" si Roxanne habang magkakrus ang paa at diretsong nakatingin sa akin, maganda ang suot n'ya, lumabas ang tunay n'yang ganda lalo pa sa buhok n'ya, nakatali ang itaas at nakalugay ang sa bandang ibaba.

"Eh kase naman, grabe kayo makatingin." nakangusong reklamo ko,

"Kase bagay sayo bessywap! Napaka sexy ng bestfriend ko yieee!!" patalon-talon na sambit ni Athena,

"T-Talaga?" nakangiti at di makapaniwalang tanong ko,

"Oo te! Kaya suotin mo na tong skirt at ng makalabas na tayo, marami ng tao nasa labas narin sina Shawn!" pakembot-kembot pang ani Forth na animo'y sobrang na eexcite.

"Akin na," sambit ko at ibinigay naman nila 'yon, pumasok ulit ako sa cubicle, isinuot ko ang skirt, bagaman maiksi ay hindi narin kita ang peklat ko sa binti, sakto lang 'yon para matakpan ang peklat ko,

"Mm ok na ba?" seryoso kong tanong, ng lingonin nila ko ay napanganga at napatulala sila, pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ko, ng makarating sabandang ulo ko ang paningin nila ay para silang nadismaya at nawala ang pagkamangha sa paningin nila,

"Mukha ka namang bruha eh, ilugay mo nga 'yang mala prinsesa mong buhok! Nakakaloka ka!" lumapit sa akin si Berton at tinanggal ang pagkakatali ng buhok, ang mga hibla ng buhok na nasa noo ko ay hinawi n'ya, mas tumambad ang wavy kong buhok, mahaba iyon at straight-curly ang style.

"Ayaaaaaaaaaan!!" masayang sigaw nilang lahat, napangiti naman ako at ganoon rin sila,

"Napaka ganda mo bessy wap!" si Athena

"Cassy ang ganda gand at ang sexy sexy mo!" pumapalakpak pa habang tumatalon na sambit ni Roxanne, mas napangiti naman ako,

"Isa ka nga talagang prinsesa Cassy," kunwari pang naluluhang sambit ni Berton sabay yuko sa harapan ko,

"Loko, tara na nga." nakangiting anyaya ko, nagsilabas naman sila, ng makalabas sa C.R ay inayos muna namin ang mga gamit, hindi pa amn ako nakakalabas ng pinto ay pinaharapa ko ni Romnick,

"Ayos labi te, lalagyan natin ng liptint, mas pupula ang pula mong labi." ani Romnick na kunwari pang inginunguso ang labi habang nakapikit at nakatingala, "At mahahalikan mo si Scyle--" hindi n'ya naituloy ang sasabihin ng itulak ko ang mukha n'ya,

"Tarantado." nakangisi ngunit seryoso kong tugon, iniharap n'ya muli ako at sapilitang nilagyan ng liptint sa labi,

"Ayaaan.. Oh tara, goraaa!" masayang yaya ni Romnick, binuksan nila ang pinto at tsaka masayang lumabas, ng matanaw ko na ang mismong pool ay napakarami ng tao, nandoon na sila drake at kinakamayan ang mga nandoon, puro mga teen agers lang ang nandoon at walang may edad maliban sa mga staffs.

Nauna ng naglakad ang ikatlong lahi palabas, ramdam ang tilian ng iba dahil pambabae ang suot nila, hindi ako tanaw ng mga nasa labas dahil medyo malayo ako, sumunod si Athena sa paglabas, ganoon rin ang reaksyon ng mga tao, sumunod naman si Roxanne, ganoon rin ang bati sa kan'ya, natagalan pa ako sa paglabas dahil may kung anong makati sa likod ng swimming bra na suot ko, ng maalis ko 'yon ay tsaka ko inayos ang buhok at naglakad, bago pa ako makalabas ay may isang staff ang nagalok ng flower crown sa akin, isinuot ko naman iyon dahil sariwa pa ang mga bulaklak, s'ya ang babaeng tutok na tutok sa akin kanina.

DRAKE'S POV.

Abala ako sa pakikipagkamay sa mga nandoon, maging sa gang nila Yalrine at Ralph, maging sa iba ko pang kaibigan at pinsan. Natigilan ako ng biglang humagalpak ang hiyawan ng mga nandoon, lumabas na ang ikatlong lahi,

Ang cute nilang tingnan hahaha.

Kumakaway pa sila habang nagsasaboy ng halik, ang Cassanova's Wild Gang at Fab Gang ay masama ang tingin sa kanila, ng makalapit sa amin ay kinamayan at niyakap namin sila nila Scyle at Shawn, makalipas pa ang ilang segundo ay tumambad ang isang nakakabighaning binibini na papalabas at papunta sa direksyon ko,

Athena...

Nakanganga ako habang nakatitig sa kan'ya, ang nga tao ay ganoon rin ang hiyawan at pagkamangha, naka shorts s'ya sa pangibaba, at swimming bra naman sa pangitaas, may suot s'yang see through na balabal, pareho sa mga kina Forth, lahat siguro sila ay nagsuot non. Mas lalo pang yumindi ang panunukso ng ilan ng lumapit sa akin si Athena, namumula naman akong napangiti.

"Ang ganda mo.." namamangha at nakangiti kong bati sa kan'ya,

"Birthday mo eh.." nakangiti at kibit balikat n'yang tugon..

SHAWN'S POV.

Ramdam ko ang kilig ni Drake ng makalabas si Athena. Lumapit naman kami ni Scyle at nakangiting tinapik ang namumula'ng si Drake, maya-maya pa ay dumagundong na naman ang hiyawan at pagkamangha ng lumabas na si...

Roxanne...

*TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG*
*TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG*

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mala kabayo'ng kalabog ng puso ko. Napakaganda n'ya, nakatali ang itaas na bahagi ng buhok at nakalugay ang ibabang bahagi nito. Naka swimming bra s'ya at shorts ang pangibaba, nakakabighani s'yang tingnan, ang perpekto n'yang kutis at katamtamang hugis ng katawan.

"Ehem... Mukhang may natutulala." mahinang bulong at pangaasar ni Shawn, bumalik naman ako sa wisyo ngunit nawala na naman sa sarili ng makalapit si Roxanne sa amin,

"Hi Drake, Hi Scyle..." bati n'ya sa dalawa at tsaka ito niyakap, "Hi Shawn," baling n'ya sa akin, naoangiti naman ako ngunit nagwala ang sistema ko ng yakapin n'ya rin ako, namumula at nanlalamig, 'yan ang kasalukuyang nangyayari sa akin.

SCYLE'S POV.

Natatawa akong napapailing sa reaksyon ni Shawn at Drake kina Athena at Roxanne, hindi na ako umasa sa suot ni Cassy, sa kabaduyan no'n ay baka naka jogging pants at longsleeves 'yon ngayon.

Napailing ako sa naisip at tsaka tumalikod at kumuha ng juice, natigilan ako sa paginom ng marinig ko ang mahinang pagkamangha ng mga tao, kakaiba 'yon kumpara sa reaksyon nila kina Roxanne at Athena, ang reaksyon ngayon ng mga nandoon ay oara bang nakakita ng pinaka magandang dilag sa balat ng lupa.

"Si Cassy ba yan?"

"Oo, nakakabigla hindi ba?"

"Ang ganda n'ya sheeet."

Natigilan ako sa usapan ni Athena at Drake, nagtayuan ang balahibo ko at nagwala ang sistema ko, bumili ang tibok ng puso ko at muntik pang mabitawan ang baso, bagaman nakatalikod parin ako ay ramdam kong maganda si Cassy sa oras na 'to,

Ng lumingon ako ay hindi ko napigilan manginig at matulala, napanganga ako at sunod-sunod ang paglunok,

*TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG*
*TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG*

Now Playing:

STATUE
by Lil eddie.

Oh yeah, oh yeah

Yeah, ooh, yeah🎶

When a day is said and done

In the middle of the night, and you're
fast asleep, my love

Stay awake looking at your beauty

Telling myself I'm the luckiest man alive🎶

'Cause so many times I was certain

You was gonna walk out of my life, life

Why you take such a hold of me, girl,

When I'm still trying to get my act
right?🎶

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ako makapaniwala na ganito s'ya kaganda, hindi ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko, naka swimming bra s'ya na kulay violet at pink, lumabas ang hubog ng katawan n'ya, may kung anong peklat ang natatakapan ng see through na balabal na suot n'ya, nakalugay ang malalaking kulot at mahaba n'yang buhok, parang marmol ang maputi n'yang kutis, mapulang labi at nakakaakit n'yang mata.

Anong ginagawa mo Cassy, bakit ako nagkakaganito?...

I'm like a statue

Stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks

So amazed how you take me back

Each and every time our love collapsed

🎶🎶

Statue

Stuck staring right at you

So when I'm lost for words

Every time I disappoint you

It's just 'cause I can't believe

That you're so beautiful

(Stuck like a statue)

Don't wanna lose you, no

(Stuck like a statue)

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, papalapit s'ya ng papalapit at papalakas ng papalakas ang pagwawala ng sistema ko.

"Nabusog ka ba Scyle?" natauhan ako sa tanong ni Drake, natutuliro naman akong napatingin sa kan'ya,

"A-Anong nabusog?" nagtataka kong tanong sa kan'ya, napatawa muna s'ya bago sumagot,

"Dahil kinain mo lang rin ngayon lahat ng sinabi mo noon." nakangisi at nanunuksong aniya, napamaang naman ako sa sinabi n'ya,

"A-Anong bang s-sinabi ko noon?" nagtataka kong tanong kasabay ng panginginig ko dahil ramdam ko na ang papalapit na si Cassy,

"Na hindi mo s'ya kailanman magugustohan." seryoso at nakangisi n'yang tugon, natigilan naman ako sa sinabi n'ya at inalala ang mga sinabi ko noon,

"Tsh! Sa tingin n'yo maiinlove ako sa kan'ya? Tingnan n'yo nga.... Baduy!"

"Tsh! Baduy!"

Pero tila lahat ng iyon ay nawala sa pananaw ko sa kan'ya, dumagdag pa sa ganda n'ya ang flower crown na suot n'ya.

"Hi.." bati n'ya sa aming lahat, nginitian naman s'ya ng iba, pilit naman ang ngiti ko dahil hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko,

"Kanina pa ba nag start?" nakangiting tanong n'ya, ngumisi naman si Drake at tinapunan ako ng mapanuksong tingin,

"Oum... Nung paglabas mo nag start na.." nakangising ani Drake habang sumusulyap pa sa akin, pinandilatan ko naman s'ya.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Cassy, lumapit naman ako kay Drake,

"Nung lumabas ka, nagstart ng mahulog sayo si-- Aaarrrray!" napasigaw si Drake ng kurutin ko s'ya sa pwet.

"A-Ahh hehe nag start ng mahulog sayo ang... Ang... Ang mata ng mga nandito hehe oo tama, start na tayo.." nakangiting pagpapalusot ni Drake habang lakad-takbo papaunta sa harapan at nagsalita sa Mic, iiling-iling naman habang nakangisi si Cassy habang papunta sa tabi ni...

Sa tabi ko!

(>>__<<) !!

"Ladies and Gentlemen, mambo no. 5, biro lang hahaha, so it's already 4 near to 5 oclock, malapit ng magdilim!" masayang sabi ni Drake at nagsihiyawan naman lahat,

"All we need to do now is to wait, may specific time ang dico ball na nakasabit d'yan sa itaas, sa oras na sumabog ang pagkagandang ilaw na nagmumula d'yan pati narin sa pool.. Ibig sabihin no'n ay simula na ng party at pool and beach discooo!" masayang dagdag ni Drake at mas naghiyawan pa lahat. Sa tancha ko ay humigit kumulang sa 70 na tao ang nandito at nakisaya, may mga dumarating pa kaya sigurading mas maraming tao mamaya.

May ibang bagay pang nabanggit si Drake bago ipaligpit ang mike at bumalik sa gawi namin, nagsiupo kami sa isang mahabang couch, katabi ko si Cassy kaya pinilit kong maging normal at nagtagumpay naman ako.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang lumapit sa gwi namin ang fab gang, si Yalrine ay umupo sa upoan na nasa harapan ko, hinawakan ang braso ko at inilayo ko naman 'yon,

Sa tuwing hahawakan n'ya 'ko ay pakiramdam ko ang dumi-dumi ko!

Napalingon ako sa likod para iwasan ang tingin ni Yalrine ngunit hinawakan n'ya ang panga ko at pilit na iniharap sa kan'ya, ang mga kasama ko ay nabibigla habang nakakunot ang noo, nahagip ng paningin ko si Cassy, nagtataka rin s'yang nakatingin sa akin. Tiningnan ko silang lahat na para bang nanghihingi ng tulong at tsaka hinayaang ilingon ni Yalrine ang ulo ko sa kan'ya.

"Hi My boy... You're so handsome.." malanding aniya,

"Tsh! Get out of my sight Yalrine." inis na singhal ko at napangisi naman s'ya,

"No, I won't coz you're mine Scyle.. You're mine--"

"Eh paano kung hindi ako pumayag na mapunta s'ya sayo?" hindi natapos ni Yalrine ang sinasabi ng biglang sumabat si Cassy, natitigilan akong tumingin sa kan'ya, gusto kong huminga ng maluwag dahil nabunotan ako ng tinik ngunit may kung ano sa akin ang nagwawala, seryoso s'yang nakatingin kay Yalrine,

"What did you say!?" malandi at mataray na tanong sa kan'ya ni Yalrine,

"Wala--"

"Anong sinabi mo na hindi ka papayag na mapunta sa akin si Scyle? Nababaliw ka ba?" nakakaloko at mataray na tanong ni Yalrine,

"Psss.. Narinig naman pala nagtatanong pa." singhal sa kan'ya ni Cassy,

"For you to know, akin si Scyle." kampanteng ani Yalrine sabay hinawakan ang mga braso ko, "Right Scyle?.." baling n'ya sa akin at sininghalan ko naman s'ya,

"Bitawan mo s'ya.." seryosong sambit ni Cassy,

"And why would I?" mataray na tanong ni Yalrine,

"Hindi lahat ng mahahawakan mo ay sayo, dahil ang lalaking hinahawakan mo ngayon ay pagaari ko." seryosong tugon ni Cassy, may kung anong kiliti ang humaplos sa kalamnan at bituka ko, nanunukso ang tinig ng mga kasama namin, si Drake ay tinutusok-tusok ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti ngunit agad ko ring iwinala iyon.

Hindi makapaniwala si Yalrine sa narinig, nagtiim ang mga bagang n'ya at inis na hinarap si Cassy, "Scyle is mine, at wala kang magagawa kundi ang tanggapin 'yon, 'di hamak na mas maganda ako sayo." mataray na sambit nito kay Cassy, napasinghal naman si Cassy at tsaka s'ya hinarap, ang mga taong naroroon ay nakikinig sa amin dahil malakas ang boses ni Yalrine at inaagaw nito ang atensyon nila.

"Walang laban 'yang ganda mo, dahil ako ang gusto n'ya."

*TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG*
*TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG* *TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG*
*TUG-DUG*  *TUG-DUG* *TUG-DUG*

Palaban ang pagkakasambit niyon ni Cassy, naghiyawan naman ang mga tao at halos lahat ay nabilib sa sinabi niya, napapahiya namang tumingin si Yalrine sa lahat ng nandoon, bago pa man s'ya makapagsalita ay sumabog na ang liwanag ng disco light at LED lights sa pool, maging ang sound system ay malakas na tumogtig dahilan para hindi na namin marinig ang sinasabi ni Yalrine.

Para mas mainis pa ito ay inakbayan ko si Cassy at sumunod kina Drake na nagiindak habang napapasayaw at paikot-ikot kasama sina Athena, Roxanne at ang mga bakla.

Habang naglalakad kami ay biglang napatingin sa akin si Cassy, sandali rin akong tumitig sa kan'ya at ng mapansin kong nakaakbay parin ako ay tinanggal ko 'yon.

Habang naglalakad ay lumapit sa amin ang Staff nila Drake, hindi na ganoon kalakas ang sounds banda doon kaya rinig namin ang usapan nila.

"Sir? May new guests po, lima po sila." nakangiti'ng sambit ng Staff,

"What's their name?" nakangiti ring tanong ni Drake,

"Ang mukhang boss lang po ang natanong ko, Lithor po ang first name."

CASSY'S POV.

'Lithor po ang first name.'

'Lithor po ang first name.'

'Lithor po ang first name.'

'Lithor po ang first name.'

 

Ng marinig ko ang pangalan na iyon ay agad na nagtiim ang bagang ko at nagkuyom ang mga kamay ko. Wala ng ibang tao pa ang may ganoon kabahong pangalan maliban sa isang hayop na nakaharap ko noon.

Napakaliit ng mundo Lithor... Ikaw mismo ang gumawa ng dahilan para umiksi ang oras na nalalabi sa buhay mo...

Humugot ako ng malalim na hininga, pinilit kong umarte ng normal kahit na ang mga kamay ko ay nananabik ng pumatay.

Hindi alam ni Scyle ang tungkol kay Lithor, dahil hindi detalyado ang pagkaka-kwento ko sa kan'ya, nagsimulang mangilid ang luha ko dahil tila ba naririnig ko ang boses ng kuya ko nung panahong 'yon ng paghaharap namin nila Lithor.

Hindi ka patas Lithor... At hindi rin ako magiging patas ngayo'ng magkukrus muli ang landas nating dalawa..

"Eto ang tadhana..." wala sa sariling sambit ko, ramdam ko ang paglingon sa akin ng mga kasama namin, si Athena ay natutuliro at hindi rin makapaniwala. Naikwento ko lahat kay Athena noon, at alam n'ya ang kaya kong gawin sa oras na magkita ulit kami ng mga hayop na 'yon.

Hindi ko sisirain ang gabing 'to Lithor... Pero sa mga susunod na gabi mo ay magiging miserable lahat para sayo...

"Tara, pumunta tayo sa couch ng gang ni Yalrine at ni Ralph, kelangan nating makisalo sa kanila dahil yung Lithor, s'ya ay isang bigtime, kailangan nating makihalubilo." nakangiting paliwanag ni Drake, napalunok naman ako at nagsimula na namang umapaw ang galit sa ulo ko,

"Tara." diretsing tugon ko, ramdam ko ang paghawak ni Athena sa braso ko, ng lingonin ko s'ya ay nagaalala ang mga mata n'ya, nginitian ko s'ya at hinarap,

"Hindi ko sisirain ang gabing 'to.." nakangiting sambit ko bagaman naguumapaw sa galit ang puso at kaluluwa ko.

Naglakad kami papunta sa lugar nila, apat na malalaking couch iyon na pormang parisukat, sa isang mahabang couch ang fab gang, sa isa naman ang CWG at kami sa isa pang couch, ang bakanteng couch na kaharap namin ay para sa mga kawal at isang demonyo.

Gaano ka na ba kaasenso ngayon Lithor? dahil handa akong pabagsakin at sirain lahat ng mayroon ka...

Ilang minuto pa ay ramdam ko na ang presens'ya ng impyerno, ng iangat ko ang paningin ko ay nagtama ang mgamata namin ni Lithor, alam kong hindi n'ya ko namumukaan dahil hindi n'ya kailanman nakita ang pagmumukha ko. Kasalukuyang nakatakip ang balabal sa kaliwang buto ng dibdib ko kung saan makikita ang dyamanteng peklat ko na ipinatanda ko sa kan'ya bago maghiwalay ang landas namin noon, walang nabago sa boses ko ngayon bagaman mas umangas ay ganoon parin naman ang tono.

Napakabobo mong nilalang kung hindi mo pa 'ko makikilala...

"Hey there birthday boy! Happy birthday." walang nabago sa boses ni Lithor, naging rason 'yon para mas mangunot ag noo ko habang nakayuko at mapagkuyom ang mga palad ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Scyle sa mga kamay ko at inialis iyon sa pagkakakuyom.

Napalunok ako at hindi maipaliwanag ang galit na nangingibabaw sa akin sa tuwing iisipin ko na gumagalaw at humihinga pa s'ya na dapat ay hindi na nangyayari ngayon. Gusto ko s'yang patumbahin sa harapan ko at ubusin ang dugo n'ya gano'n din ang lamang loob.

"Ohh ladies, hello." pagbati n'ya sa amin maging sa fab gang, hindi ko s'ya tiningnan dahil alam kong mararamdaman n'ya ang panlilisik ng mga mata ko, pinilit kong maging normal at kinuha ang baso na may wine at tsaka humarap sa kanila.

Ng makaayos sa pagupo ay tiningnan ko si Lithor na noon ay nakatingin kay Ralph,

"I'll just take off this one." ani Ralph, tumayo s'ya at tinalikuran kami bago hinubad ang summer polo n'ya, at tumambad ang isang palatandaan na mas nagpanginig pa sa buong katawan ko,

Ang tattoo ng kapatid ni Lithor, ang batang hinampas ni kuya Arnel ng bote sa ulo... napaka mapaglaro ng tadhana Ralph, ikaw pala ang sira ulong 'yon..

Mas pigil pa ang galit ko at halos hindi ko na ma control ang sarili ko. Inilapat ni Scyle ang braso n'ya sa sandalan ng couch at naramdaman ko 'yon kaya nagkaroon ako ng dahilan para mapigilan ang sarili ko.




Dont forget to vote!❤

-SEE YOU NEXT CHAPTER-

FOR MORE QUESTIONS:

Email: quannamaejj000@gmail.com
Fb Account: www.facebook.com/Itsmequanning
Fb page: www.facebook.com/Itsmequanna
IG: @Itsmequanna
Twitter: @QuannaMae1

©All rights reserved 2019,
| Itsquantiara |

❤❤❤





Continua a leggere

Ti piacerà anche

210K 354 3
"fuck you! You fucking pay for this!" "Oh baby, papatayin ko muna kayong lahat bago mo ako mapatay."
3.6K 254 16
In a world full of illegal acts, crimes and sins- Charity Lunox Marqueza found herself living in peace with her overprotective father, a famous C.E.O...
1.2M 23.6K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
508K 12K 53
What happen if twelve Best friend Girls live at one HOUSE with twelve Handsome Boys? May mabubuo kayang, true love? or just a puppy love? Friendship...