That Boystown Girl [COMPLETE]

נכתב על ידי SylvaniaNightshade

171K 3.4K 163

Alam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi d... עוד

PROLOGUE
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
EPILOGUE
Author's Note
Announcement
Special Corner

6

3.9K 71 2
נכתב על ידי SylvaniaNightshade

Chapter 6

Boys and Network Services

REN

Ang sakit ng katawan ko. Kumikislot ang aking sintido at tumitibok ang aking noong tila ba may sarili itong puso. Iminulat ko ang mata ko at nakitang nasa kwarto namin ako ni Jeya. Ang kaibahan lang ay nasa ibabang kama ako.

Anong nangyari?

Sinubukan kong gumalaw ngunit ang batok ko ay sadyang tila namamanhid at ang lalamunan ko ay parang tuyung-tuyo at sobrang gasgas na halos nahapdi ang aking bawat paghinga. Mas pinaigting ko ang pagbalot ng aking katawan sa asul na kumot ni Jeya.

Napabalingkwas tuloy ako ng upo na siyang dahilan ng paglagutok ng likuran at pag-twitch ng hamstrings ko. Ang sakit! Ang hapdi rin ng balat ko lalo na sa talampakan. Mistula akong nasunog sa sobrang pamumula ng aking mga braso at binti. Nakakagulat ring nakasuot na ako ng pambahay.

"Jeya?"

Hindi ko sigurado kung nasa itaas na kama siya dahil may acrophobia ang pinsan ko pero nagbakasakali pa rin akong tawagin siya. Natigilan ako nang ibang boses ang sumagot.

"Good to hear you're awake now."

Garagal ang boses nito at halatang kagigising lang din. Ang malaking tanong sa aking isipan ay kung...

"Anong ginagawa mo rito?" pilit kong nilakasang tanong sa kabila ng sakit ng lalamunan ko. Ilang sandali pa ay hindi ko na kinaya kaya naman ibinagsak ko muli ang aking katawan sa higaan. Saktong humiga ako nang sumilip sa itaas ang pamilyar na nakangiting Tisoy.

"Hi," bati nito sa akin at saka muling ngumisi sa paraang may natural na biloy na kahit hindi niya pilitin ay lumalabas.

"Bakit ka nandito?" pabulong na nakapikit kong tanong. Nakuha niya sigurong hindi ako interisado sa pakikipag-usap kaya naman nagsalita na siya.

"Wag ka mag-alala," mabagal at slang na pagsisimula nito. Natawa naman ako sa aking isip. "Nagpaalam ako kay Lolo Gramps mo na dito muna ako pansamantala habang hindi ka pa okay. Si Miss Jeya ay katabi mong natulog kagabi para hindi ka na lamigin. Ang cute niyo while I was watching you two cuddle."

"Lamigin? Bak—Weh?" hindi ko mapaniwalaang tanong. Para kasing unti-unti nang nagkakakulay ang malabong alaala sa isip ko na kanina ko pa binabalikan.

Anong nangyari?

"Didn't you remember? You fell in the sculpture's tub. Hypothermia, I suppose. Buti na lang at naahon ka kaagad."

"Salamat kung ganoon," saad ko na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Thanks for what?"

"Sa pag-aahon sa akin," I replied a matter-of-factly.

Nanahimik siya bago tumango na tila ayaw pa niyang gawin sa panahong iyon.

"Pero, Yel? Bakit naman ganoon kasakit yung yelong iyon sa balat? Ano bang meron doon eh asin lang naman?" tanong ko sa kanya lalo pa at talagang mahapdi ang balat ko. Hindi naman ako nabigo nang sumagot siya.

"Colloid-formed hydrofluoric acid in frozen crystals. Bukod sa mahirap matunaw, ang mixture na iyan ay madaling i-carve dahil gel ang substance at hindi clear water. Madaling i-finish ng artist at mabilis magdikit if ever na may mapuputol na parte ng carving. I'm sorry for what happened."

Napabuntung-hininga ako nang marinig ko ang acid. "Mamamatay na ba ako? Masusunog ang balat?"

Tumawa siya at saka umiling. "It's good to know na conscious ka pa rin sa sarili mo kahit na papaano but thankfully, kaunti lang ang nasa yelo. Mas marami ang asin kaya siguro feeling mo ay mahapdi. Mawawala rin iyan. Hindi ka mamamatay."

Nanahimik ako hanggang sa maalala ko ang mga shokoy. "Ayos na ako. May pasok pa ako ng after lunch—

"Hatid na kita."

"Kasama ko tropa ko."

"I have their schedules at wala sa kanila ang oras ng pagpasok sa oras na kagaya ng sa iyo."

"Bakit mo ba ginagawa ito?"

Ngumisi lang ito sabay kindat bago magtago muli mula sa itaas. "Basta."

"Paano ako nakauwi?"

Hindi na siya nag-atubili pang sumilip bagkus ay pakanta na lamang siyang sumagot. Feel at home amputs. "Binuhat ka."

Tila ako natigilan dahil bakit ko pa nga ba natanong eh halata namang malaki ang posibilidad na ganoon ang nangyari sa akin. Nagmukha tuloy akong hindi tuwirang walang muwang.

"Anyways, is it true? Abby and Daisy did that to you?" tanong niya bago ko pa mapansing pumapanhik na siya mula sa itaas na kama. Lumapag siya sa sahig at saka inilagay ang mga kamay sa tuhod bago ako pagmasdan nang malapitan. Mas mukha pang babae sa akin ang tisoy na ito. Hindi ko man layuning magkaroon ng malaporselanang kutis ay tila naiinis na ako sa sarili ko dahil bakit hindi rin ako maaaring maging gaya ni Yel.

"Sino sila?" tanong ko para makasigurado kung ang mga palakang may susong iyon ang tinutukoy niya bago ako magsalita. Mahirap nang magkamali. Baka makasuhan pa ako ng slander diyan. Wala akong pang-areglo.

"Hindi mo kilala yung mga babaeng gumawa sa iyo niyan? Yung mga nagtulak sa iyo sa puddle? Yung nagpahiya sa iyo sa harap ng maraming tao?" nagtatakang tanong niya sa akin. Umiling nga ako.

"Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa kanila at bakit big deal ang pagkakakilanlan nila?"

He frowned at me and there was something that suddenly lit up in his eyes... like intrigue. "They were the Chief Justice's daughters," he spoke in a clipped tone na tila hindi siya nasisiyahan sa sinasabi niya ngunit may dahilan kung bakit niya kailangang sabihin ito nang tila siya ay may pinatutunayan.

Napatulala nga ako at saka bumangon. Hinarap ko siya at saka mayabang na tinawanan ang sinabi niya. "See? The irony! Chief Justice's daughter pero ni tila walang kamuwang-muwang sa mga karapatang pantao! Tingin mo, may panalo sila sa akin kapag ikinalat ko ang mga pinaggagagawa nila sa akin?"

He stared at me for a long time before sighing. He looked defeated and sad as he informed me, "You do not have to do that. Someone more powerful than the Supreme Court had already made them pay."

HINDI KO ALAM kung papaano ako nagawang itulak ng pinsan kong OA sa pag-aalala sa akin at ng tisoy na pinaglihi sa siopao sa likuran ng Toyota Accent niyang abuhin. Hindi ko alam kung papaano nila napapayag si lolo na ako ay ihatid na sa eskwelahan kahit pa sinabi kong hindi ko kaya (na siyang hindi totoo dahil kaya naman na ng katawan ko). Iyon nga lang ay drowsy pa rin ako at mahapdi ang talampakan, mga singit ng paa at kamay.

"Hindi niyo na ako dapat na pinapasok. Masakit pa ang paa ko!"

"Manahimik ka na lang diyan at sakyan kami," kindat na saad ni insan bago lumapit kay tisoy dahil sila ang magkatabi sa harap. Nagbulungan ang dalawa at hindi ko alam kung mapapapalakpak ako sa kanila dahil nagawa nilang hindi iparating sa akin kahit na isang salita sa kanilang bulungan. Mayamaya pa ay naghiwalay ang dalawa at saka naghalakhakan.

Biglang nag-usok ang ilong ko dahil pakiramdam ko ay ako ang pinatutungkulan nila.

"Anong pinag-uusapan ninyo?"

Silence.

"Ako?"

Silence.

"Jeya," saad ko nang may mabigat na pagbababala. "Ano iyon?"

"Wala, ano ka ba? Masyado kang paranoid."

Nanahimik na lang ako ngunit hindi ibig sabihin noong nakawala silang dalawa sa matatalim na titig ko. Hanggang sa makarating kami ng school grounds, napansin ko ang paghinto ng mga estudyanteng napapadaan habang papatigil ang sasakyan ni Yel. Bago pa man kami bumaba ay nagsuot pa ng shades ang tisoy at saka nag-ayos ng kwelyo. Napairap ako.

Boys.

Bumaba na nga ako (medyo nahuli dahil hindi ko kaagad nahanap ang latch ng pinto dahil ang magaling na may-ari, otomatiko pala akong ini-lock sa likuran dahil daw baka ako tumalon palabas) at saka lumapit sa dalawa. Babawiin ko na ang bag kong nakasukbit sa balikat ni Yel.

"Ang bigat nito ah? Anong laman nito?" tanong nito sa akin nang hindi pa rin iniaalis sa mukha ang nakakainis na may biloy na ngiti sa labi niya.

"Mga buto ng pinakahuling taong masyadong matanong," masungit kong sagot sa kanya sabay lahad ng aking braso. Aray. Masakit pa rin pala. "Bag ko."

"Saan ulit ang room ng klase mo?"

"Gusto mong dumagdag sa bigat ng bag ko?"

"Ihahatid nga kita," matigas na sabi nito kahit na nakangiti pa rin. Nakakainis na. Masyado siyang bungisngisin. Ayokong pakasigurong ligtas magtiwala sa isang ito lalo pa at ang tabas ng mukha... ay ang tabas ng mukha ng mga lalaking magaling magpaikot ng mga bunbunan ng mga babae.

"Hindi ako inutil."

"Ikaw din ang nagsabing hindi mo pa kaya."

"Wala akong sinabing ganyan sayo!"

"Kay Lolo Gramps, meron," nakangisi niyang saad sabay taas-baba ng mga kilay. Napabugha na lamang ako ng hangin dahil sa hindi pagkapaniwala. Nakiki-Lolo Gramps na rin siya ha? Galing. Nah.

"Daniel," my wise cousin interrupted. "Sa third floor ang room niya, yung may asul na pinto. Una na ako ha? May meeting ang reps eh. Ingatan mo pinsan ko ha?"

"Thanks, Miss Jeya. Don't worry. No need to remind me. May nauna na sa iyo," natatawang saad ni Yel kahit na wala namang katawa-tawa sa sinabi niya. Tinignan ko tuloy siya nang masama. Agad naman niya itong napansin.

"Bakit?"

"Aside from dragging the attention of the students around us now... may ipinagtataka ako."

He raised a brow and then removed his pair of sunglasses. He nodded, motioning for me to continue.

"Wala ka bang pasok?"

Napangiti ito at saka umiling.

"Wala?"

He nodded rapidly and repeatedly making him more childish.

"Ilang taon ka na ba?"

Napahalakhak siya—sa paraang lumalabas ang prpektong hilera ng ngipin niya at saka nabibinat ang balat niya sa pisngi. The dimples alone can be distracting.

"Ang gwapo Bess. Nakaka-fall yung tawa niya!"

"May lahi oh! Puti!"

"Tangkad! Transferee?"

"Picturan niyo!"

Pinigilan ko ang sarili kong umirap pero ang mata ko ay may sarili yatang buhay dahil bago ko pa namalayan ay nakairap na ako. Mas tumawa pa si Yel na tila wala siyang pakialam sa mga taong nagsisimula nang magkumpulan sa paligid niya.

"Anong nakakatawa?"

He the stared at me and said, "So much questions for the girl who hates being questioned."

I rolled my eyes in response.

"Let's go?" alok nito sabay suot ng backpack ko sa likod niya na akala mo ay siya ang mag-aaral.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," pagdidiin ko sa kabila ng pagsuko ko dahil naglalakad na kami patungo sa building.

"What question?"

"Ilang taon ka na?"

He just smiled.

HINDI NAKUNTENTO SI YEL sa paghatid lang sa akin sa room ko. Talagang sagaran niyang pinasok ang silid hanggang sa makaupo ako sa kinauupuan ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang ikulong sa aking naghihimagsik na dibdib ang protestang hindi ako mahina at isa akong modernong babaeng hindi kailangang umasa sa lakas at tulong ng isang lalaki! Pero paano ko magagawa iyon kung sa bawat masamang titig na ipukol ko sa kanya ay siya namang taas ng kilay ng mga nanonood sa amin. Napailing na lang ako.

"Alright, I'm going now. You should bathe in hot water later. It would help you lessen the pain," he winked and dashed out of my sight in a miniscule of second.

Hindi ko na kailangan pang ilibot ang aking paningin para malamang sinlalaki na ng mga plato ang mga mata ng mga kaklase kong halata namang narinig ang sinabi ni Yel. Kung ano man ang dahilan ng reaksyon nila, malamang ay dahil iba na naman ang pagpapalagay nilang pangyayari sa sinabi ni Yel.

At para malinawan kayo, ang section lang namang ito ang may pinakamarurumi ang isip na estudyante! Pinangungunahan pa iyan ng Class President. Pero ang maganda sa ganyang sistema ay alam mong marunong silang ilugar ang kanilang mga imahinasyon, kung kailan pwedeng gawing katatawanan ang isang bagay at kung kailan hindi.

Ngunit sa sitwasyon ko ngayon, alam ko na lang na dadada sila—

"Tol, ano 'yun?" biglang sundot sa aking tagiliran ni Frank, ang palatawang gitarista ng ABM. Cheerful siya at palabiro pero gayunpaman, sweet siya sa mga kaklase niyang babae. Isa siyang perpektong ehemplo ng pagiging maginoo. Iyakin din siya. Kung iisipin ay marami silang pagkakapareho ni Mois.

"Anong ano?" pilit kong sabi para sana palabasing hindi ko alam ang sinasabi niya. Nakaabang naman ng sagot ko ang mga kaklase. Napailing naman ako muli. Talagang paniki ang senses ng mga ito.

Mayamaya pa ay may humampas sa braso kong sa sobrang lakas ay mapasubsob ako sa balikat ni Frank. Mabuti na lamang at nahawak ako sa kaniya kung hindi ay baka nakagat ko na ang aking dila.

"Loka ka Antey! Sino iyon? Ang gwapo! Babae ka na?" tanong ni Gilbert sa akin na siyang malinaw na ebidensyang siya ang may salarin. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa tanong niya.

Kailangan talaga nilang malaman ang malaking pagkakaiba ng lesbian sa one of the boys. Samantala, napaisip naman ako kung sino nga si Yel. Anong sense kapag sinabi ko ang pangalan niya? Tsk! Natanong ko pa! Malamang ise-search nila sa Facebook!

"Si Daniel."

"PADILLA?!" sabay-sabay nilang tanong sa akin. Umirap naman ako at saka sila pinakitaan ng nakayukom na kamao.

"Daniel Ives Romualdez!" paglilinaw ko.

"Ano mo siya, Ineng?" tanong na naman ni Gilbert sa akin. Kung hindi ko lang talaga hinahangaan ang mga leadership tactics ng bading na ito, baka nasuntok ko na. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit masyado akong naiinis sa maraming tanong na naipupukol sa akin pero gusto kong magbago iyon. Iyon nga lang, hindi ko maiwasang mainis pa rin.

Ano ko nga ba si Yel? Kaibigan? Hindi ah! Pinagtrabahuhan? Not exactly. Tagapagtanggol?

Considerable.

BUT NOT IN A MILLION YEARS NA AAMININ KO SA KANILANG NANGAILANGAN AKO NG TULONG NG ISANG LALAKI! NEVER!

"Wala naman. Nakilala ko lang noong isang araw."

"Ang bilis," sarkastikong saad ni Dominic. Ang kapederasyon ni Gilbert na pwedeng ipamalit sa sirena ng bumbero sa lakas ng boses. "Ang sweet naman at naghatid hanggang upuan mo iyang kakikilala mo lang. Anong susunod? Babaunan ka ng lunch?"

Sakto namang dumaan si Frelan. Ang musikerong mamaw sa gitara ng section. Tahimik siya at mahiyain pero kagaya ni Frank, gentleman siya at marunong makisama. Madaling makikilan ito tuwing recess. Hinablot ko nga ang case niya ng gitara at iniamba sa payat na katawan ni Dominic.

Sapat na iyon para umatras ang walanghiya mula sa akin dahil alam na niya kung gaano kabigat ang mga kamay ko kapag hindi ko nakontrol ang sarili ko. "Hindi na mabiro!"

Umiling na lang ako at saka umupo sa silya ko nang wala nang nagtanong sa akin tungkol sa "gwapong siopao" na naghatid sa akin dito.

Para saan pa?

Lantaran na nilang iniistok ang Facebook account niya.

Nagvibrate naman ang phone kong nasa aking bulsa pero hindi ko na lang pinansin. Baka yung Network Service Provider na naman iyon, inaalok akong magload. No, thanks. Lalasapin ko muna ang Free Data na galing din naman sa ninakaw nilang mga sentimo sa bawat load na binibili ng mga kostumer. Kaya hayahay lang muna hanggang sa malapit nang mag-expire ang SIM, saka na lang ako magpapaload.

Nagvibrate itong muli. Tanginang Services iyan.

המשך קריאה

You'll Also Like

225K 10K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...
111K 4.4K 71
"She's the pureblood's code red." ⚫btsvelvet⚫ Heavy Angst ⚠️ Slow Burn ⚠️ Happy Ending ___ DS : 06/05/18 DE : 10/04/19
4.9K 729 54
Cindy is secretly fell in love with her childhood friend, Anton. Hindi niya aakalain na magtatapat siya ng pag-ibig para sa lalaki, but he rejected h...
110K 3.5K 117
[Chat Series #1] Siya si Amira Cortez, isang hamak na fangirl na nagmamahal ng todo-todo sa kanyang super duper ultra mega kinababaliwang idolo slash...