That Boystown Girl [COMPLETE]

By SylvaniaNightshade

171K 3.4K 163

Alam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi d... More

PROLOGUE
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
EPILOGUE
Author's Note
Announcement
Special Corner

5

3.9K 78 2
By SylvaniaNightshade

CHAPTER 5

Boys and Typhoon Signals

NAPATILI PA ANG ilang babae sa paligid at may mga nag-angat ng mga hawak nilang pulang rosas. May katabi akong babaeng maganda ang bihis kaya naman dahil nakita ko ang lungkot sa kanya habang tinitignan ang mga babaeng nakangiti dahil tila nanalo sa jackpot sa lotto, lumapit ako at saka sinabing, "Ma'am, sa inyo na po."

Tinignan niya ako nang may malalaking matang tila hindi ako pinaniniwalaan dahil sa pagtingin niya sa aking ako pa ay tila sira ulo.

Kalaunan, tinanggap rin niya ngunit ni hindi man lang nagpasalamat. Napasimangot na lang ako at saka pinanood habang pinanonood ang mga huling indayog ni Cece at Knight bago matapos ang pyesa. Pagkumpas ng pinakahuling nota, ikinulong ni Knight ang nag-iisang rosas na hawak ni Cece sa kanyang dalawang palad at saka hinipan. Pagkakawala niya nito ay biglang tumambad ang mas malalaki at mas matitingkad na pulang rosas na kitang-kita pa ang pagbukadkad ng mga ito.

"Show off," naaasar naman ngayong saad ni CJ.

Seryoso, nagkakaalitan ba talaga ang magkapatid na ito o personality lang nila ang maging insecure sa isa't isa?

Natapos ang sayaw at bumalik na sa kinaroroonan namin si Knight na halatang may ipinagyayabang sa mga ngisi niyang tila sumisilaw sa mga babaeng nakapaligid na sa kanya. He raised his hand as if dismissing the attractive girl when he saw her approaching him. Iyon yung babaeng binigyan ko ng rosas. Halata ang panlulumo at tila pagkapahiya sa kanyang mukha. Hindi naman ako makapaniwalang ginawa iyon ni Knight!

"Your job starts now!" he suddenly snapped at me when he finally made it to my side despite of the crowd gathering around to witness the growing number of dancing couples in the dance floor.

Seryoso siya? Kung sayawan na, ibig bang sabihin ay hindi ko naabutan si Jeya sa parte niya? Speaking of Jeya, nakita ko na at lahat-lahat ang mga shokoy na hindi ko inaaasahang makita rito pero ang magaling kong pinsan, hindi ko pa nahahagilap.

"Stop looking for that boy, idiot! That's not what I told you to do!"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakahalata na ako. "Bakit mo ba ako tinatawag na idiot ha? Matalino ka? Matalino ka?"

"What's your name, servant?" biglang singit ni CJ na siyang ikinagulat ko. Ngunit para hindi na lumaki pa, hinarap ko siya at sinabing, "Ren. Ren ang itawag mo sa akin."

"Ren," nakangising saad nito habang nakatingin sa kawalan. Nakakakilabot naman ang batang ito. Mukha siyang may planong masama lagi.

"I wish you good fucking luck," saad nito sabay alis nito na tila si Misis Melon na naman ang pupuntahan at ako nga ay tama ngunit hindi ko inasahan ang sunod na ginawa ni CJ. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Misis Melon na kasalukuyang nagsasalin ng alak sa mga basong ipamamahagi sa bisita. Nahinto ang mga nasa paligid nila at ilang sandali pa, pinagbigyan na ni Misis Melon ang bata. Hindi ko talaga maintindihan ang batang iyon.

Nagsasayawan na ang marami at hindi ko lubusang maisip na sa mga sumunod na sandali ay mapapagod ako nang husto. Sa kapal ba naman ng mga babaeng sabay-sabay na lumapit sa kinatatayuan ni Knight. At ang loko, sinamaan pa ako ng tingin nang wala siyang mahintay na aksyon sa akin. Kumilos na lang ako dahil ayokong may gawin siyang ikapapahiya ni Jeya.

"Excuse me, mga Miss," makailang pagsusubok ko nang pukawin ang kanilang mga atensyon ngunit tila ako hangin sa kanila habang nakapalibot lang kay Knight. Ang loko naman ay tila nakatiklop na damit sa kinatatayauan dahil nilalayuan nito ang mga nagtatangkang humawak man lang sa kanya. Wagas pa itong makairap.

Napailing naman ako. Saan ka nakakita ng lalaking siya pa ang inaayang isayaw? Siya lang. Napansin ko ring may tig-iisang hawak na pulang rosas ang mga babae at doon ko napagtantong sila siguro ang iba pang nabiktima ng magic trick ni Knight. Teka, isa ako doon ha? Paano nga kaya niya iyon ginawa?

"Mga Miss!" halos mapasigaw na ako at napahinto ang ilan habang ang iba ay nagdadadaldal pa bago makaramdam ng hiya bago manahimik na tumingin sa akin. "Pasensya na kayo pero gusto ni Knight na mapag-isa."

Nagsinghapan ang mga babae at isa sa kanila ang lumapit sa akin. Wala namang ginawa si Knight kung hindi ang mag-inarte sa kinaroroonan niya. Nakataas pa ang kilay nito sa sinabi ko na tila maging siya ay may ikinagulat sa sinabi ko gaya ng ginawa ng mga babaeng ito.

"Did you just call him by his name?" nandidiring pagtingin sa akin ng isang babaeng hapit ang dress na may mataas na takong ng sapatos. Nanliliit man ako kung aaminin ay wala akong planong tumiklop.

"Ano namang problema doon? Eh sa iyon ang alam kong tawag sa kanya eh! Ayaw niya ng kasayaw kaya maghanap na lang kayo ng iba," depensa ko naman kahit na natutukso akong pilitin siyang sabihin sa akin kung ano ang dahilan ng pagsinghap nila.

May isa pang sumali, maikli ang palda ng dress nito at nakasuot pa ng ga-tuhod na gladiator shoes. "Sino ka ba ha? Why do you call him that way?" tanong nito at tila siya nagagalit.

"Ang laking deal naman sa inyo niyan. Iyon ang alam kong tawag sa kanya, period. Ngayon, trabaho lang kaya layuan niyo na siya," saad ko na ikinainis ng ilan.

Nagsimula silang magreklamo at suminghal na parang tuta. "Baby, bakit ka ganyan ngayon? Ayaw mo ba akong kasayaw?"

"Baby, may masakit ba sa iyo? Gusto mo, pagalingin ko? Magdamag ang service ko," saad pa ng isang nakatirintas ang mahabang buhok at saka inadornohan ng kung anu-anong pilak na maninipis na rehas at pormang halamang korona. Nakakasuka naman ang sinabi ng babaeng ito. Mukha pa namang maamo, hindi naman pala.

"Baby, I dressed up for you. Why are you being like that?"

"Masama ba ang pakiramdam—

"NAKAKADIRI KAYO! MGA WALANG KWENTANG PALAMUNING LUMULUSTAY NG PERA NG MAGULANG PARA SA LUHO AT KAKATIHAN! JUSKO, MANGUROS NGA KAYO!" singal ko dahil nabibingi na ako sa tinig-pusang mga angal nila at tila ako pa ngayon ang masama dahil nakatingin na sila sa akin na para bang ako na ang susunod na kostumer ng punerarya.

"Sino ka ba ha?" iritado nilang tanong nang nakahalukipkip pa.

Napahalakhak na lang ako ngunit bago pa man ako makasagot, sumabat ang (mabuti naman at nakaramdam pang kailangan ko ng tulong dahil hindi iisa ang kalaban ko) magaling na "Gabi".

"Girls, you should do what she said. She's a master of mixed martial arts and a champion in archery. She's my new bodyguard," saad nito bago biglang ipinatong ang kamay sa tuktok ng aking ulo. Hindi ko man makita ang loko dahil nasa likuran ko siya ay alam ko na lang na pinagtitripan na lang na naman niya ako.

"Bye, Baby," nalulumbay na paalam ng mga hipokrita sa kanya. Nang wala na ang mga ito, tinanggal niya ang kamay na nakapatong sa aking ulo at saka ako singhalan. "Why did you almost make a scene? I did not tell you to drag attention, damn it!"

Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong hindi na naman matatapos ang bangayan. Sa halip ay yumuko na ako at huminga nang malalim. Nanatili akong ganoon nang bigla na lang niya akong tawagin.

"Ikuha mo ako ng cheese," bigla na lang niyang saad habang nakatingin sa malayong banda ng nasa kanyang harap.

"Kasama ba iyon sa trabaho ko?"

"Sa akin? Hindi pero sa trabaho kung saan makakaipon ka pa ng ibang sweldo bilang food server gaya ng orihinal na pakay mo, oo."

Napairap na lang ako sa kanya bago maglakad tungong mesa. Wala na akong masagap na signal ng shokoy sa paligid. Saan kaya napunta ang mga iyon? At si Jeya? Naku lang talaga.

Kaagad na akong pumulot ng kapirasong slice ng keso at inilagay sa isang paper plate bago muling naglakad pabalik sa kanya. Kinuha niya ito kaagad ngunit nagulat ako nang itinapon niya ito na tila walang nakakita.

"Talaga bang pinaglololoko mo ako ha?" inis na singhal ko sa kanya.

"I hate cheese," saad niya habang tila seryosong nakatingin sa aking likuran.

"Eh bakit ka pa nagpakuha?" iritado kong tanong.

Sa halip na sagutin niya ako ay hinila niya ako palayo sa lugar na iyon hanggang sa makarating kami sa labasan ng building. Natatanaw ko rito ang malaking ice sculpture na swan.

"Ano na?" tanong ko. Naiinis na ako at hindi ko na alam kung kaya ko pang kantihin ang daliri kong huwag durugin ang panga niya dahil sa pagkainis. Mahirap ako pero hindi ako papayag na ganituhin lang ako ng isang tulad niyang palamunin.

"May mga kaaway ka ba?" bigla na lamang niyang itinanong mula sa kawalan. Mukhang hindi siya nagbibiro dahil nakaimpit ang kanyang labi.

"Ikaw, bakit?"

He immediately scoffed and gripped my arm a little too tight. "Ayusin mong sumagot."

"Wala!" Hindi ko na maiwasan pang taasan siya ng boses dahil nagpipigil talaga akong wag siyang suntukin. Nahihiya rin naman ako kay Ma'am Charlotte kahit paano.

"I sent you to get cheese to confirm my intuition. And it seemed to it I was right."

"Anong sinasabi mo?"

"Were they your friends?"

"Sinong sinasabi mo?!"

"Those bastards dancing their asses off. Are they your friends?"

"Oo! Bakit ba ha?!"

He smirked and crossed his arms over his chest. "I advise you think twice."

"Ano?" My blood ran cold upon hearing him. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin pero ang hindi ko maintindihan ay bakit siya nakikialam.

"Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan ang turing sa iyo. Watch your back, idiot."

And with that, he started walking back to the dance floor and left me hanging. Anong sinabi niya?!

KUNG GAANO KAHIRAP ang magkalas ng bisikleta at magpalit ng kadena at magpaligo ng grasa sa bearing ng sidecar kong may manibela ng kotse ay siyang mas mahirap pa ang walang-hanggan kong pagpigil sa mga babaeng nanggagalaiti na sa akin para lang makasayaw ang magaling na si Knight. Ang ulupong ay nagpapakasasa sa pulang alak sa mesa kung saan walang ibang nakatambay dahil na rin siguro sa magaganda ang musikang ipinatutugtog at ibig nilang sumayaw lahat.

"Isang sayaw lang naman eh," pamimilit sa akin ng isang babae. Halos mapagpalit-palit ko na yata ang mga mukha ng mga babaeng nagpapasipsip sa akin dahil sa dami nila kaya hindi ko na alam kung tabingi na ang ngiti ko sa kanila o medyo maayos pa. Mabuti na lamang at pagkatapos ng kanta ay huminto ang lahat nang magsalita si Ma'am Charlotte sa entablado.

"Ladies and gentlemen, we are sorry for the interruption but I just want to remind you that we have a triple celebration tonight so as we can see, it was turning out late. I think it is about time to announce the second celebration. Please welcome, my husband, Francis Romualdez, as he gives you his words."

Isang lalaking nakasuot ng magarang abuhing damit kasabay ng palakpakan ng mga taong halata pa ang pagbubulungan sa isa't isa. Hinalikan nito nang mabilis sa labi si Ma'am Charlotte bago kunin ang mikropono. Sinilayan ko siya mula sa kinatatayuan ko at napagtanto kong may hawig ito kay CJ. May stubble siyang parang kay Evan sa The Fifth Wave at halos kapareho pa nito ng hugis ng mukha ang mismong aktor. Naalala kong siya ang lalaki kaninang nagsayaw kay Cece na kung saan ang fedora ay naging rosas.

"Good evening. I will make this quick because I hate speeches," saad niyang ikinatawa ng mga tao. "Tonight, I am closing a deal with a dear friend of mine in a Biotech firm that aims to find ways to cure Dementia and other memory loss-related conditions. If ever this research comes to success, I swear to all of the people of this country that it will be available to the market in an irresistibly affordable price for the common people to use."

Isang nakabibinging palakpakan ang iginawad sa kanya at maging ako ay napasama. Hindi ko lubusang akalaing may mga ganito palang nalalaman ang pinagmulan ng lahi ni "Gabi". Maging ako na kahit nakarinig lang at walang masyadong gaanong nalalaman sa ganoong bagay ay napaasa talaga sa mga magiging resulta pa lamang ng mga pananaliksik na isasagawa. Marami nga ang makikinabang, panigurado.

"However, I will not officially sign the papers unless you do something for me," he said as he scanned the crowd. Nanlamig ang katawan ko. Hindi kaya gagamitin niya ito para kontrolin ang mga tao? Tinignan ko si Knight para sana malaman kung alam niya ang nangyayari pero hindi ako makasiguro dahil tahimik lang din siyang nakatingin sa entablado. Nakakatakot ang katahimikan sa paligid na siyang ikinatawa ni Francis, the Father. "Why are you all silent? It is not as if may sinabi akong nakakatakot. Meron ba?"

Hindi ko alam kung talagang wala siyang ideyang nakakatakot ang sinabi niya o dahil ibang klase siyang magbiro pero anupaman, nakakatakot siya. Mabuti na lamang at ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita. "All that I want you to do is to welcome my newly-arrived son, from New York City, Charlerome Knightley Romualdez, heir to the Romualdez Group of Companies, please come up the stage."

Walang nagpalakpakan dahil mas bumigat ang katahimikan sa paligid na tila ba hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Sir Francis. Ilang sandali pa, nagsimula nang maglakad patungo sa entablado si Gabi este, si Knight.

Minamatyagan siya ng lahat na tila bawat pulgada ng katawan niya ay sinusukat at hinahanapan ng hindi kapuri-puri. Ang mga kababaihan naman ay halatang nagniningning ang tingin sa bawat pagpungay ng mata niya at paghakbang ng paa niya. Napairap na lang ako.

"I don't know why you need to do this, guys but hey, that's right. I am the Rich Kid the neighbourhood was talking about. The one with the Red Mustang who caused traffic in NAIA when I arrived because they thought a Hollywood star decided to surprise-visit the country. Call me anything," saad ni Knight na tila nagsasalita lang siyang mag-isa at wala siyang pakialam kung magtaasan ang lahat ng kilay ng mga tao sa paligid niya sa sobrang hangin ng mga sinabi niya. Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ay kinuha niya ang ballpen na nasa bulsa ng coat ni Sir Francis at saka may pinirmahang naka-folder sa ibabaw ng stand.

Nang bumalik na siya sa kinaroroonan ko, hindi ko maiwasan ang lumayo at saka siya paringgan. "Atras, atras. Typhoon signal number ten, alert."

He seemed to hear it but he just raised his eyebrow then looked ahead as if thinking about something else. Lasing na yata eh.

"Stay here. Babalik ako after ten minutes," saad niya at nagmamadaling umalis. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nasusuka o natatae lang iyon.

Nang akala ko ay malaya na akong hanapin si Mois para tulungan siya, isang hindi kawili-wiling nilalang ang bigla na lamang humigit sa braso ko at pinisil ito nang mahigpit. Hinarap ko siya at kita mo naman ang pagkakataon. Nagkita kami ng palakang puro suso.

"Look who's here," malanding sabi nito. "Kinarir mo na talaga ang bumuntot sa Rich Kid?" nakataas ang kilay nitong tinitignan ako.

"Wala akong gana sa pinaplano mong away dahil may hinahanap ako. Kung pwede, bitiwan mo ang braso ko," nagtitimpi kong saad. Madalas kong pagkiskisin ang mga bagang ko sa tuwing nagtitimpi ako at sa ganoong paraan ay nakikita rin ng iba na ako ay galit na dahil naninigas ang panga ko.

"Well, hindi ko naman tinatanong. Ang mahalaga, nandito ka at panahon nang pagbayaran mo ang pagsagut-sagot sa amin kahapon," saad nito na tila siya pa ngayon ang tama.

"Gawin mo na lang," hamon ko sa kanya. Ngumisi naman ang katabi niyang babae at saka umiling,

"Ang dukhang nagmamatapang, pinupulot sa kangkungan."

"Ang mayamang nasa aking harapan, palamunin lang at wala pang alam."

"How dare—

"Babalik na naman ba tayo sa how dare you na iyan ha? Bakit hindi mo na lang gawing produktibo ang sarili mo? Tumalon ka sa dagat at pakainin ang mga nagugutom na isda? Para sa ekonomiya!" ngiting-aso kong wika na siyang ikinainis niya pang lalo.

"Ano naman ang nalalaman ng dukhang kagaya mo sa ekonomiya ha?"

Tumawa ako nang malakas. "Hindi ka yayaman kung walang naghihirap. Ang mayamang katulad mo ay walang ginawa kung hindi ang magpakasasa sa pera at magpalaki ng suso. Suso lang naman kasi ang pag-asa mo para makabingwit ng lalaki di ba? Wala kang bawi sa mukha."

"You bitch!"

"Ang pinakaayoko sa lahat ay yung mga taong nagsisimula ng away pero kapag pinatulan ay napipikon kaagad. Ang ayoko sa lahat ay yung hanggang sa simula lang may nasasabi pero kapag nasagot na ay wala nang maibato. Ano ba iyan, akala ko pangit ka lang. Bobo ka pa pala?" I smirked when I saw the glint of anger in her eyes. "Bastusan na lang din naman ang gusto mo hindi ba? Edi bastusan. Umalis ka na at umupo sa malayo sa akin. Magpalaki ka naman ng utak, wag lang lagi sa dibdib. Sige ka, baka maski sumbrero, hindi na kakayanin iyan kung sinobrahan mo pa."

Tumalikod na ako sa kanila pero bago pa man ako makahakbang ay hinigit ako ng dalawa sa laylayan ng damit ko dahilan upang magpilasan ang mga butones nito. Bumuka ang suot ko at wala akong nagawa kung hindi ang humawak sa mga tupi para hindi ako masilipan. Marami na ang nakakapansin sa komosyong nasimulan namin.

"Wala kang karapatang sabihan kami niyan lalo pa at hindi ka dapat nandito!" saad sa akin ni Abby at saka ako hinila sa buhok. Hindi masakit ang pagkahila niya pero mahigpit ito at masasabi kong nanggagalaiti talaga siya. Wala naman akong magawa kung hindi ang umayos lamang ng tayo at saka siya mas lalong asarin sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya habang hawak niya ang buhok ko.

"Para ito sa pagpapahiya mo sa amin," saad ng kasama niya at doon ko na naradaman ang malapot na syrup na ibinuhos nila sa aking buhok. Gumapang pababa sa aking mukha, tainga at leeg ang malapot na amoy-pulot na likido. "Ew, so sticky."

"What are you doing there? Hindi mo ba didilaan ang nasa bibig mo? That is a pure cultivated honey from rose nectar from Australia. Mamahalin. Baka hindi mo pa nasubukan," pag-uudyok sa akin ni Abby na may nakaaasar na ngiti.

Hindi ko maitatangging masakit ang sinabi niya dahil diretsahan lang naman niyang ikinuskos sa mukha ko ang salitang, "Pobre," na tila ito ay kahulugan din ng "ignorante" at "patay-gutom". Gusto ko siyang pagsasasampalin.

"And for the final touch," saad nilang dalawa bago ako walang kaabug-abog na hinila patungo malapit sa ice sculpture na swan. Nakalagay ito sa isang malaking tub na may mga asin upang siguro ay hindi kaagad na matunaw ang base ng artwork. Mas lalong dumami ang pumalibot sa amin na tila walang magawa kung hindi ang manood na lamang. Gusto kong lumaban pero ayoko nang mas bumaba pa ang tingin sa akin ng mga tao na bukod sa pobre na ako, basagulera pa kaya naman hahayaan ko na lang muna sila hanggang sa makahanap ako ng tyempo para magkamali silang apakan ang limitasyon ng pagtitimpi ko at makikita nila. "Sa susunod na makasalubong ka ng mas mataas sa iyo, gawin mo ang nararapat. Yumuko ka para hindi na makita ang mukha mo. Mahiya ka naman. Ni wala kang bahid ng pagpapaganda so how dare you to say na mukha kaming palaka."

Nagtawanan at nagbulungan ang ilan na siya namang ikinaasar ko. Pwede bang kung walang maitutulong ay lumayas na lang? Kaso hindi eh. Wala man lang lumalapit para awatin ang mga babaeng ito. I wonder kung nasaan ang mga shokoy...

Splash!

Hindi ko na napagsunud-sunod pa ang mga pangyayari. Napagtanto ko na lang na binabalot na ang katawan ko at ang manipis kong damit ng mga dinurog at pinong yelong maraming asin at sa sobrang lamig nito sa balat ay napakahapding tila ako sinusunog. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang higpit ng kapit ng yelo at asin sa aking balat. Nagtawanan naman ang karamihan sa nasaksihan. Sumabay pa ang mga asin at durog na yelong dumikit sa ulo kong naligo sa honey. Hindi ako sanay sa malamig.

Nagtatawanan ang dalawa nang marinig ko ang pamilyar na boses na sadyang kanina ko pa inaasam na marinig.

"Ren!" lumapit siya kaagad sa akin, hinubad ang makinang na sapatos at saka umapak sa tub na kinaroroonan ko. Naninigas na ako sa kinalulugmukan ko na tila hindi ko magawang ngumiti. Iba ang epekto ng asin bilang catalyst sa yelo lalo pa at ayoko talaga sa magiginaw. "Anong ginawa ninyo?!"

Nakita ko ang mabilis na pamumula ng mga paa ni Jeya sa pag-apak niya sa mga dinurog na asin at yelo. Nanunuyo na ang aking lalamunan sa usok ng yelong natutunaw.

"Duke, tulungan niyo ako!" sigaw nito nang saw akas ay mahawakan na niya ang mga kamay ko. Kaagad niya itong pinagdaop sa loob ng mga palad niya at kung anu-ano ang ginawang pagkuskos at paghahampas para lang dumaloy ang dugo.

Mayamaya pa ay naramdaman ko nang binubuhat ako sa aking balikat hanggang sa mamanhid na ang aking balat at kasu-kasuan. Wala akong marinig at hindi ko maigalaw ang aking mga labi. Ang salit ng talukap ng mata ko sa tuwing ako ay kukurap kaya naman ipinikit ko na lamang nang tuluyan. 

Continue Reading

You'll Also Like

32.2K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
572 110 23
Maagang namulat sa buhay si Jane, isang student photographer na bumubuhay at sumusuporta sa nakababatang kapatid na si Chase. Isang hindi inaasahang...
80.8K 1.7K 42
Latifah Pacura was deprived of the truth about her life. What if one day it will come to the point that she will know everything? Will she still acce...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.