Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#15: Anino

6.2K 217 10
By hyunjiwon_sg4ever

Dedicated kay Ms. JerlynAnnFlorinoDeoc dahil nahulaan niya ang ibig sabihin ng 6417 na code ng unit ni Bebe Jared. Hehehe. 

6- G, 4-A, 1-I, 7-L  

*** 

Papromote nga pala muna ako before the update. Hehehe. Napublished na kasi yung Marrying My Mortal Enemy Book 1 ko, hihi. Sana bumili kayo! Chos~ xD 

*** 

Flashback Part Two!

Ika-labing Limang Kabanata: Anino

 

(Flashback)

-Jared Angelo’s POV-

 

Kanina ko pa pinagmamasdan si Gail mula dito sa dulong table na di ganoon kalayo sa kanila sa isang coffee shop, she’s with her friends, mukha silang nagrereview para sa isang exam nila. Nalaman ko kanina na ang favorite cake niya ay yema cake then black forest, narinig kong binanggit niya iyon kanina sa mga kasama niya. May bago na naman akong nalaman tungkol sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakangiti at masaya siyang nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Even though she’s not talking to me but by seeing her happy makes me feel happy too. Nababaliw na talaga ako. Limang buwan na rin ang nakakaraan mula nung sundan ko siya ng palihim, gaya ng ginagawa ko ngayon. Mukha na nga akong stalker dito but who cares, wala silang magagawa dahil ito ang gusto ko. Kahit magmukha akong tanga kakasunod sa isang babaeng wala namang pakialam sa existence ko sa mundong ito wala akong pakialam.

I started doing this sht when I realized that I can’t remove her in my mind and system no matter what I do. Isang buwan na ang nakalipas noon pero hindi ko pa rin talaga siya makalimutan, yung araw na nakilala ko siya ay patuloy na nagplaplayback sa utak ko. Hindi ako tinitigilan, at doon ko napagtanto na hindi pwedeng yun lang yun, I want more. Hindi pwedeng isang alaala lang, gusto ko marami, maraming alaalang tatakbo sa utak ko pagdating sa kanya.

Nainis ako nung may ipinakilalang isang lalaki yung isang classmate niya sa kanya. Fck! Hindi pwede yan! Mukhang interesado pa yung langyang yun sa kanya!

Bakit ba kasi lapitin ng lalaki ang babaeng yun?! Tangina ang sarap bakuran putcha!

Kumulo lalo yung dugo ko nung nakipag-kamay sa kanya yung lalaki na agad din niyang tinanggap. Nakakapang-init ng ulo! Sobrang dehado pagdating sa akin, madaya siya! Sa ibang lalaki ang friendly ng dating niya tapos sa akin ang taray niya?! Tngna talaga!

Naalala ko na naman kung paano ko dinispatsa yung mga manliligaw niya noon. I don’t know why, but I really hate the fact that one day, Saerin Gail will become a property of another guy. Na darating ang araw na may taong magmamay-ari sa kanya, and I hate it when I think that I’m not that guy.

Am I starting to fall in love again? Because if this is love, then I’ll make sure that Saerin Gail will be mine no matter what.

“Tigilan mo na ang panliligaw kay Gail, hindi ka na niya sasagutin” I sternly said to him. He looked at me and laughs as if he’s insulting me. I hate this young man. He’s too obvious that he’s a playboy. Gail doesn’t deserve this kind of guy. Masasaktan lang siya sa kanya.

“At sino ka naman ha!? Para sabihin ko sa’yo, malapit na niya akong sagutin” he grinned at me.

 Tss. As if I care dude. Wala akong pakialam kung malapit ka na niyang sagutin o ano, basta hindi kayo pwedeng maging kayo, gagawa ako ng paraan.

“Sino ako? Ako ang lalaking mapapangasawa niya at ang sisira sa buhay mo kapag hindi ka pa lumayo sa kanya” mariin kong sabi sa kanya, and now it’s my turn to smirk at him as I handed a envelope to him. Kunot noo niya itong kinuha at agad na tinignan ang laman nito, I saw his shocked reaction. I smiled devilishly and walked towards him.

“Gago ka!” bulyaw niya sa akin at akmang susuntukin ako pero agad akong naka-ilag at nahawakan ko ang kamay niya. Matalim niya akong tinignan at pilit na kumakalas sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanya.

“Now choose, I’ll reveal this deepest darkest secret of yours or you’ll stop courting Gail, and leave her alone” malamig kong sabi sa kanya.

“Fck you!” singhal niya sa akin at tsaka marahas na kumalas sa pagkakahawak ko sa kanya. Pinakawalan ko na naman siya.

“Make sure you won’t show yourself again to her because you’ll know what will happen if you do”

 

Napailing na lang ako ng maalala ko iyon. Blackmailing and threatening are my ways how to get rid of Gail’s courters. Wala akong pakialam sa mga nakakabangga ko, basta ang mahalaga sa akin ay masunod lang ang gusto ko. I don’t know why am I being like this. Dahil ba sa sinusubukan ko na nang sumugal sa laro ng pag-ibig?

***

“Pare, iba na yan! Sobrang tindi na ng tama mo sa first year na yun!” Ethan said to me unbelievably. Itinuon ko na lang ang atensyon sa laptop ko. I’m listening to him but at the same I’m doing my final paper. Next week, I’ll go abroad para tapusin ang pag-aaral ko at para pamahalaan na rin ang business namin doon.

 “Bakit kasi hindi mo na lang siya lapitan, hingin ang number niya o di kaya ligawan agad siya? Makakasiguro ka dun na wala ng ibang makakaagaw sa kanya” dugtong niya. Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya, prente itong naka-upo sa upuan sa gilid ng table ko. Sinalubong niya ako ng isang nanghahamon na tingin “Hindi yung ganito, inaangkin mo siya kahit wala namang kayo at hindi naman siya sa’yo”

“No. Hindi pa ito ang tamang oras” mariin kong saad sa kanya.

Ipinahinga ko ang likod at ulo ko sa sandalan ng office chair ko. Inabot ko yung ballpen na nakapatong sa table at nilaro iyon.

“Hindi pa ito ang tamang oras? Pare kelan pa? Kapag may boyfriend na yun? Sa palagay mo ba kapag umalis ka dito walang lalapit sa kanya? Imposible yun pare! Tandaan mo na pwedeng saglit ka lang tumalikod pero pabalik mo wala na yung buong pinaghirapan mo. Tandaan mo pare, hindi mo naman pag-aari si Gail, wala kang karapatan sa kanya”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. May punto siya doon, pero hindi ako papayag. Lalo pa ngayo’t narealize ko na mahal ko na siya. Biruin niyo, na-inlove ako without her knowing that I still exist, na mayroong isang Jared Montello na parang aso kung sumunod sa kanya.

“Mula nung marealize ko na mahal ko siya meron na akong karapatan sa kanya” bagot na tugon ko sa kanya.

“Mahal? Woah! Ngayon ko lang narinig ang salitang yan galing sa’yo Jared, sigurado ka ba diyan? Mahal mo yung Dela Cruz na yun? Baka naman pre nagkakamali ka lang. Maybe what your feeling right now towards her is not love, malay mo infatuation lang yan. Tsaka hindi ka pa nagmamahal, wala ka pang nagiging matinong girlfriend, paano mo nasabing mahal mo siya?” hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

Itinigil ko ang paglalaro sa ballpen na hawak ko at madiin itong ipinatong sa mesa. I looked at him lazily and I slowly gave him a playful smile.

“Do you think I’ll follow her almost everywhere and everyday kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko? Do you think I’ll do this stalking thing for almost seven months kung hindi ganito kabigat ang nararamdaman ko para sa kanya?”

Natigilan siya sa tanong ko at nagkibit-balikat na lamang.

“Tss, ang weird mong magmahal pare, hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka. Hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend sa buong buhay mo kahit na sobrang daming naghahabol sa’yong mga babae, natatakot na nga akong baka tumandang binata ka na lang. Playboy daw putcha walang kwenta! At ngayon heto ang bestfriend ko, patay na patay sa isang babaeng nakalimutan na yata ang existence mo sa mundong ito. Bakit ba kasi hindi mo na lang lapitan yung Gail at sabihing girlfriend na kita, madami na akong ginawa para makuha ganyan?” aniya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. I looked at him seriously.

“Dahil natatakot ako,” pag-aamin ko sa kanya “Natatakot ako na baka pag-alam kong nasa tabi ko lang siya ngayon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Natatakot ako na baka bigla ko na lang siyang gustong pakasalan, and that might scare her”

I’m scared that I might pull and pin her down somewhere at tuluyan siyang angkinin. Natatakot akong matakot siya sa akin. Kaya kailangan kong mag-antay, kahit matagal. I need to control my feelings to her.

“Hindi ko talaga maintindihan ang paraan ng pagmamahal mo pare. Pero siguro kung ilalagay mo ako sa sitwasyon ni Gail at malalaman ko itong mga ginawa mo, sigurado akong matatakot pa rin yun sa’yo, para kang halimaw magmahal”

Tumango na lang ako sa sinabi niya. He got a point there, pero itutuloy ko pa rin itong kahibangan ko. Maybe someday I’ll see the effect of what I did but I will not give a dmn care to think of the consequences today. Mas gusto ko ng sumugal ngayon kesa sa susunod pa, ngayong alam ko na baka sa susunod na yun, wala na akong maabutan. Gusto kong mag-risk na ngayon kesa sa magsisi sa huli.

“Hindi ba yun naman talaga ako? Halimaw naman talaga ako”

“Ewan ko sa’yong gago ka”

***

“Jerome…” tawag ko sa kapatid ko na prenteng nakaupo sa couch habang nagbabasa ng isang makapal na libro. Inis siyang tumingin sa akin. I guess I disturbed him. Umayos ito ng upo habang nakatingin sa akin at inaantay ang sasabihin ko. Lumapit naman ako sa kanya.

“I have a favor to ask, bro” sabi ko at tsaka umupo sa harapan niya. Nagtataka siyang tinignan ako, parang hindi siya makapaniwalang may pabor akong hinihingi sa kanya.

“Wow kuya! Heto ang unang beses na nanghingi ka sa akin ng pabor, mukhang mahirap yan ah?” he said, then he paused for a while “Teka! Baka ipapagawa mo sa akin yung paper mo sa Masteral mo ah! Ayoko niyan! Tamad ako!” sabi niya sa akin at akmang aalis na sa harapan ko.

“Gago, bakit ko naman ipapagawa yun sa’yo kung kaya ko naman” natigilan naman siya sa sinabi ko at nagpeace sign at umupo ulit ng maayos, sinamaan ko na lang siya ng tingin.

“Sabi ko nga kuya kaya mo eh! Ano namang ipapagawa mo sa akin kung ganun?” tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, I sighed and closed my eyes.

“I want you to look for Saerin Gail,” simula ko “Gusto ko bantayan mo siya kung anong ginagawa niya, sino ang mga madalas na kasama niya, kung may nagtatangkang manligaw sa kanya. Gusto ko bantayan mo siya sa University” sabi ko sa kanya sa isang seryosong tao. Nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko.

“Saerin Gail? Dela Cruz? Kuya gusto mo yung babaeng yun?!” gulat niyang sabi.

“Hindi ko siya gusto, mahal ko siya” malamig na sabi ko sa kanya na naging dahilan para mapaanga ito.

“Sht? Kayo na ba Kuya?” tanong niya sa akin, halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko. “Teka, bakit hindi naman alam sa campus na may boyfriend na pala yun at ikaw pa? Plano sanang ligawan yun nung isa sa mga kaibigan ko, tsaka sino pa ba yun? Yung kilalang lalaki sa course nila?”

Nagtangis ang panga ko sa sinabi niya, bigla na namang kumulo yung dugo ko. Bakit ba hindi malubayan ng mga lalaki yung babaeng yun?! Fck! Parang gusto ko tuloy sapakin na lang yung mga lalaking lalapit pa sa kanya.

“Hindi kami pero akin siya” I coldly told him that caused his jaw to dropped and looked at me unbelievably. I just shrugged my shoulders.

“I’m going to pay you one million for that favor” I said, naging dahilan iyon para kumunot ang noo niya.

“One million kuya?” he asked na parang hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

“Bakit mababa ba yun? Okay 1.5 million” walang alinlangan kong sabi sa kanya.

“Woah! Okay, call! Pero ano ba talagang meron sa inyo nun?” takang tanong niya sa akin.

 “I’ll you the whole story later. But for now I want you to focus on how you’ll look for her. Ayokong may lumalapit na mga lalaki sa kanya, ayokong mabalitaang may manliligaw pa sa kanya. Kapag may mga nananakit sa kanya, call me or do something para mapaalis ang taong yun sa Wiesel, kapag kay kailangan niya ng tulong or what do something okay?”

***

And that’s how I guard her. I stayed at her back always and look after her. Nagtaka nga ako kung bakit hindi man lang ako nagsawa sa ginagawa ko sa loob ng mga panahon na iyon, sa halip mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na ako magtataka na siya lang din ang makakasira sa akin. She’s my weakness. I’m crazy for her, I badly want her. Mababaliw ako kapag wala siya sa akin pero mababaliw din ako kapag andyan siya. Siya lang ang makakabaliw sa akin ng ganito. Pero wala man lang siyang kamalay-malay sa ginagawa niya sa akin. Fck!

Isang taon at kalahati rin akong nawala para tapusin ang pag-aaral ko abroad at para na rin asikasuhin ang negosyo namin doon. But I made sure that I always have news about her, every time, everyday or every minute as possible. Sinisigurado ko pa rin na walang makakasulot na kahit sino sa akin. Pero nalaman ko na may isang lalaki palang nakalapit sa kanya, Darryl Castro. Hindi man lang ako nakagawa ng paraan para mapaalis ang lalaking yun! May gusto siya kay Gail, pero wala akong magawa! Kahit gustong-gusto ko ng lapitan yung babaeng mahal ko, pinigilan ko ang sarili ko. Natatakot ako na baka pag pumasok na ako sa buhay niya ay hindi na ako tuluyang makakalabas, because I’ll make sure na ako na lang ang babalingan niya ng atensyon niya kapag nangyari iyon.

Nakita ko si Gail na naka-upo sa isa sa mga bench habang nakapatong ang ulo sa table. She’s sleeping, alone. Wala siyang kasama doon may nakita akong mga librong nakapatong sa table. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko pinansin yung mga taong sinusundan ako ng tingin at pinagbubulungan ako. Tumingin sila sa akin at kay Gail, alam nila kung sino ang pakay ko kaya ako naandito.

I’m here for my world. I’m here for my girl.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang matulog. Hindi ko alam kung normal ba sa isang lalaki ang kiligin ng tulad ng sa mga babae. Pero sht! Inaamin kong kinikilig ako dahil nalapitan ko siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ko ang mukha niya. She moved a little bit but she didn’t wake up. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Sht! I’m really falling, hard. Inalis ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at ikinublit ko ang buhok niya sa tainga niya to give me more access for me to look at her innocent face. Inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya at ipinatong ito sa table. Kinuha ko ang phone ko at ginawa ang lagi kong ginagawa kapag sinusundan ko siya. Kinukuhaan ko siya ng picture. Sa totoo lang siya ang wallpaper ko sa loob ng ilang taon.

Narinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko nung madikit ang kamay niya sa kamay kong napatong sa table. Tinignan ko iyon at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kinuhaan ko rin iyon ng litrato at pagkatapos I grabbed the opportunity to hold her hand, kahit saglit lang. Nagtaka naman ako nung hindi man lang siya nagising, I looked her and at the book that she’s reading, it’s a love story.

“I wonder how I am going to make our own story” I whispered “I don’t have any experience about courting, dating and etc. Hindi ako marunong magpakilig ng babae,” tumigil ako saglit “But I can assure you, na ikaw lang. Ikaw lang ang mamahalin ko” inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Ako ang anino mo. Kahit ayaw mo sa akin wala kang magagawa dahil susundan kita lagi. Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa akin, hindi ka mawawala sa paningin ko. Na kahit saang sulok ka pumunta susundan kita” mahina kong sambit sa kanya.    

At pinanindigan ko ang pagiging anino niya. Sa loob ng mga taon na iyon ay nanatili ako sa likuran at tabi niya kahit wala siyang alam. Sa loob ng mga panahon na iyon ay naging masaya ako, kahit alam kong may kulang pa rin. Yung atensyon niya. Pero alam kong makakapag-antay iyon, kaya kahit matagal I decided to wait, to wait for the right time.

 

 

(Present Time)

 

-Saerin Gail’s POV-

Nahihiya talaga ako sa katabi ko, nagulat na lang ako nung nalaman kong sinagutan niya pala yung assignment ko! Kaloka! Tapos nilipat niya pa ako mula sa study table sa kama. Feeling ko talaga nakakahiya itsura ko nun! Di ko na naman maiwasang hindi mag-blush sa tuwing iniimagine ko yun! Napapailing na lang ako sa utak ko sa mga iniisip ko, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiiyak sa hiya!

“Ehem”

Nagbalik na lang ako sa katinuan nung marinig kong tumikhim si Jared, napatingin ako sa gwapo niyang pagmumukha habang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Doon ko lang narealize na hindi pa pala kami nakakaalis, ihahatid niya kasi ako sa school since mahirap daw mag-commute mula dito hanggang doon, at hindi niya rin naman ako hahayaang mag-commute. Nagtataka naman ako sa inasal niya.

“Huh? Ba—bakit?” nahihiyang tanong ko sa kanya, ngumiti na lang ito sa akin at biglang nagwala sa pagtibok yung puso ko nung inilapit niya ang sarili niya sa akin.

Oh my gulayyyyyy!

“It looks like wala ka sa sarili mo Gail,” aniya at mas lalo pa niyang inilapit sa akin ang sarili niya. Hindi ako makahinga sa ginawa niyang paglapit, ramdam ko nga yung paghinga niya sa may tenga ko ihhh! Shemay! Naghahyperventilate na ako dito! Pakiramdam ko lalabas na rin yung puso ko sa ginawa niya.

“Tss. Bakit ganito yung seatbelt dito? Ang hirap hatakin” sabi niya at lalo niya pang inilapit yung sarili niya sa akin hanggang sa lumapat yung ilong ko sa may balikat niya. Naamoy ko yung pabango niyang nakakapanghina. Chos! He’s really making me fall for him so hard. Hindi ko na pinansin yung mga sinasabi niya at napapikit na lang ako at nilanghap yung amoy niya.

Oh my gulay! Pakiramdam ko umaatake yung kalandian side ko sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung normal ba itong nararamdaman ko ngayon, nanghihina ako pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Am I really falling?

“You like my smell so much huh?” natauhan ako nung marinig ko yung boses niya, idinilat ko yung mata ko at yung mukha niya agad ang nakita ko, sobrang lapit nito sa akin at halos maduling na ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko umangat na lahat ng dugo ko sa mukha ko!

Bakit kasi ang bango niya eh! Ano ba yang gamit niyang pabango?! At ganito kalakas ang epekto sa akin!

“I wonder when when will you going to like me” bulong niya sa may tenga ko na naging dahilan para magsitayuan yung mga balahibo ko at kilabutan. “I wonder when will you fall for me” napapikit na lang ako pagkasabi niya noon. Lalong lumakas yung pagtibok ng puso ko to the point na halos masuffocate na ako.

Hindi ito normal. Alam ko. Alam ko kung saan ito patungo. Hindi ko alam kung gaano katagal para masabi ng isang taong nahuhulog na ang loob niya para sa isang tao. Kahit ang daming gumugulo sa isipan ko tungkol sa kanya, hindi ko pa rin talaga mapigilan. Hindi ko alam kung masyado bang mabilis itong akin.

Because I know that I’m already falling for him.

***

Kaya ba yung 20 votes para sa next update? Pengeng motivation! Chos~

Vote| Comment| Be a Fan 

Continue Reading

You'll Also Like

164K 8.8K 60
When do we meet the bestfriend who will sacrifice everything just for the sake of our health? We all know that every girl needs a boy bestfriend. The...
697K 20.3K 67
(~WATTYS2018 WINNER~) Muntik nang himatayin si Dylan Eros dahil sa gulat pagkatapos niyang mag-over-the-bakod mula sa sarili nilang bakuran. He's sne...
214K 7.4K 59
Dahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or M...
397 107 42
GOMEZ SERIES #1 Esha, the only girl in the family used to lived in America with her family. After a years of living there she finally camed back, and...