Legend of Divine God [Vol 2:...

Por GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Más

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LX
NOTE

Chapter LIX

9.8K 729 106
Por GinoongOso

Chapter LIX: Heavy Splitting Blade

"Ah..."

Napanganga si Finn Doria dahil sa narinig niyang mga salita mula kay Sierra. Natigilan at napatulala siya dahil hindi niya inaasahan ang huling pagsubok na ibibigay sa kaniya ni Sierra.

"Anong reaksyon 'yan? Hindi ba't sabi mo ay handa ka sa anumang pagsubok na ibibigay ko sa'yo? Huwag mong sabihing natatakot ka?" tanong ni Sierra.

Mapait namang napangiti si Finn Doria. Totoong sinabi niya na handa siyang harapin ang kahit anong pagsubok na ibibigay ni Sierra ngunit hindi niya naman inaasahang isang Sky Rank ang kaniyang huling makakalaban. Iniisip niyang isa o dalawang 9th Level Profound Rank ang huli niyang makakaharap at kailanman ay hindi niya aakalaing isang 1st Level Sky Rank ang ibibigay na huling pagsubok sa kaniya.

Malaki ang pagkakaiba ng Profound Rank sa Sky Rank. Mapapansin na agad ito sa kakayahan ng mga Sky Rank na gumamit ng Flying Technique. Dahil sa Flying Technique, mayroon silang kakayahang makalipad sa himpapawid at magkaroon ng malaking lamang sa mga nasa ibabang kalaban.

Paano niya lalabanan ang isang Sky Rank kung nasa itaas lang ito?

Hindi niya mapigilang mapaisip ng dahil dito. Bukod pa roon, ang lakas ng Sky Rank at Profound Rank ay hindi maaaring maipagkumpara. Malaki pa rin ang agwat ng isang Sky Rank sa isang Profound Rank kahit pa 9th Level Profound Rank ito.

"Kagalang-galang na Sierra, totoong sinabi ko na handa akong harapin ang anumang pagsubok na ibibigay niyo sa akin. Pero.... hindi ba't masyado pang maaga upang kaharapin ko ang isang Sky Rank? Wala akong kakayahan na lumipad at hindi ko makakayang makipagsabayan sa isang Sky Rank..." mapait na wika ni Finn Doria.

"Hmph. Problema mo na ang bagay na 'yan. Bilang adventurer, marami ka pang pagsubok na kahaharapin sa hinaharap kaya naman kailangan mong pag-isipan ang lahat ng mga desisyon mo ng maayos. Kailangan mong umasa at magtiwala sa sarili mong kakayahan upang magkaroon ka ng sapat na lakas. Isa pa, sigurado akong marami kang kakaharapin na Sky Rank matapos mong lumabas sa mundong ito. Dahil sa mga sikreto at kapangyarihang nakapaloob sa iyong katawan, nakakabit na sa iyong sarili ang malaking panganib at malaking responsibilad." tugon ni Sierra.

Sandaling napaisip si Finn Doria. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga huling sinabi nto. Tama si Sierra. Kung gusto ni Finn Doria na magkaroon ng sapat na lakas upang protektahan ang kaniyang angkan, kailangan niyang umasa at magtiwala sa kaniyang sarili.

Lahat ng miyembro ng Azure Wood Family ay umaasa sa kaniya kaya naman kailangan niyang maging matatag at maging malakas dahil sa ngayon, siya lang ang mayroong kakayahan na baguhin ang kapalaran ng kaniyang angkan. Kailangan niya na makalabas agad rito upang malaman ang lagay ng kaniyang Azure Wood Family. Isa pa, wala pang nakakaalam na buhay siya dahil hindi man lamang siya nakapagpakita kay Ashe Vermillion kaya naman maaaring malagay ang kaniyang angkan sa malaking panganib.

Kahit na andyan ang Golden Lion Family na ka-alyansa nila, hindi pa rin mapapalagay ang kalooban ni Finn Doria dahil sa Ice Feather Sect. Maaaring palihim itong tumulong sa Nine Ice Family kaya naman iniisip niyang kailangan niya na agad bumalik upang alamin ang kalagayan at pangyayari sa kaniyang angkan. Umaasa rin siya na sana ay pinapangalagaan ng Cloud Soaring Sect ang kaniyang angkan.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, muling nagsalit si Sierra.

"Isa pa, kung magagawa mong matalo ang 1st Level Sky Rank na 'yon, malaki rin ang posibilidad na umangat ang iyong antas ng lakas patungo sa 9th Level Profound Rank. At dapat mong malaman na malabo mong marating agad ang antas na Sky Rank dahil hindi ito ganoon kadali lalo na kung kulang ka sa mga kayamanan. Hindi naman kita maaaring tulungan ng sobra dahil gaya nga ng sabi ko, kailangan mong umasa sa sarili mong kakayahan. At dahil sarili mong kakayahan ang pwede mong asahan, pinagbabawalan kitang gumamit ng Forbidden Pill." Malumanay na wika ni Sierra. Ilang sandali pa, muli itong nagwika, "Kailangan mong ibigay ang isang daang porsyento ng iyong pagsisikap sa pakikipaglaban. Masyadong maraming sikreto ang nakatago sa iyong katawan at maaaring may mga sakim at makasarili na gugustuhing kuhanin ito. Kung gusto mong protektahan ang iyong mga sikreto at kayamanan, kailangan mo ng sapat na lakas dahil alam mo naman na sa mundo natin, ang kayamanan ang nakakakuha ng atensyon ng mga sakim at magnanakaw."

Magalang na tumango si Finn Doria at nagwila, "Naiintindihan ko. Tatapusin ko ang huling pagsubok na ito sa lalong madaling panahon para sa aking angkan. Binigyan ko sila ng maraming kayamanan at isang Epic Armament kaya naman nasisigurado kong sa oras na malaman ito ng mga sakim at ganid sa kayamanan, sigurado ako na handa nilang gawin ang lahat para lamang makuha ito. Posible ring makisali ang Royal Clan sa gulong ito."

"Mn. Isa rin 'to sa rason kung bakit hahayaan na agad kitang lisanin ang lugar na ito. Hindi ko gustong mahuli ang lahat at sisihin mo ako sa maaaring trahedyang mangyari sa iyong kinikilalang angkan at pamilya. At upang matulungan ka na rin, kailangan kitang bigyan ng karanasan na makipaglaban sa isang Sky Rank kaya naman Finn Doria, handa ka na ba sa huling pagsubok?"

Ngumiti si Finn Doria at nagwika, "Oo, kagalang-galang na Sierra. Handa na akong kaharapin ang isang Sky Rank."

Lumiwanag naman ang buong paligid at ilang sandali pa, naglaho si Sierra sa kaniyang harapan. Ang tangi niya na lang nakikita ay isang nagliliyab na butiki ang mabilis na lumilipad patungo sa kaniyang kinaroroonan.

Humanoid Fire Lizard!!

Nakaramdam ng matinding panganib si Finn Doria nang malaman niya kung anong makakalaban niya.

Isa itong uri ng halimaw na mayroong matibay na balat. Nakakatayo rin ito na parang tao at ang mga kuko naman nito ay maikukumpara sa lakas ng isang Mid-tier Excellent Armament.

Mabilis itong lumilipad at mapapansing nanlilisik ang pulang mata nito habang nakatingin sa binata. Bumilis pa ito at lumiyab ng sobra ang buo nitong katawan.

Naging handa naman si Finn Doria at agad na hinawakan ang kaniyang interspatial ring.

[Blood Heavy Sword
Armament Grade: Excellent
Quality: High-tier
Damage: 10200
Upgrade: 50 soulforce]

Lumitaw ang malaking pulang espada ni Finn Doria sa kaniyang mga kamay at mahigpit na hinawakan ito. Naghintay siya ng tamang oras at nang mapansin niyang 'yon na ang tamang pagkakataon, binalutan niya ng makapal na soulforce ang kaniyang mga binti at malakas na tumalon.

ROAR!!!

Umalingawngaw ang malakas na atungal ng Humanoid Fire Lizard at nagbitaw ito ng malakas na kalmot patungo sa binata.

Sinabayan ito ni Finn Doria ng pagwasiwas ng kaniyang malaking espada. Nagliliwanag ito at mapapansing nababalutan din ito ng makapal na soulforce.

Nagtagpo ang kanilang mga atake sa ere at hindi pa man nagtatagal ang pagtutunggalian, agad ring lumabas ang resulta.

BANG!!!

Tumilapon ang katawan ni Finn Doria pabalik sa lupa. Bumaon ang kaniyang katawan kaya naman nagkaroon ng malaking hukay sa lupa. Gayunpaman, hindi pa lumilipas ang ilang segundo na kaniyang pagkakabaon ay agad rin siyang lumitaw mula sa ilalim ng hukay.

Nakasimangot at matalim na nakatingin ang binata sa Humanoid Fire Lizard na nakatayo sa ere. Hindi niya maikakailang hindi nga ganoon kadaling tapatan ang isang Sky Rank sa kasalukuyan niyang antas ng lakas. Gumamit na siya ng enerhiya upang tapatan ang normal na atake ng Humanoid Fire Lizard ngunit malinaw naman na natalo siya sa tunggaliang iyon.

Humigpit ang hawak ni Finn Doria sa kaniyang malaking espada nang mapansin niyang pasugod muli ang Humanoid Fire Lizard.

Nagliliwanag ang mga kuko nito at mabilis na bumubulusok patungo sa kinatatayuan ng binata. Mararamdaman ang nakapangingilabot at malakas na enerhiya mula sa kuko ng Humanoid Fire Lizard kaya naman naging alerto at handa ang binata.

Binalutan ni Finn Doria ng kaniyang mga binti at nang malapit ng makalapit sa kaniyang kinatatayuan ang Humanoid Fire Lizard, mabilis siyang umatras patalikod at ang tanging naiwan na lamang sa kaniyang kinatatayuan kanina ay ang mga ilusyon ng kaniyang pigura.

Nightmare Shadow Step!

BANG!!!

Umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa buong paligid. Napuno rin ito ng makapal na usok at nagtalsikan ang mga maliliit at malalaking tipak ng bato. Lumakas ang ihip ng hangin dahil sa malakas na pwersa at kahit na matagumpay na nailagan ni Finn Doria ang atake ng Humanoid Fire Lizard gamit ang kaniyang Movement Skill, napaatras pa rin siya ng ilang hakbang.

Kamakailan niya lang natutunan ang Movement Skill na ito kaya naman hindi pa rin niya ito nagagawa ng perpekto. Natutunan niya lang ito noong matapos niya ang unang yugto at sa unang paggamit niya pa lang nito, hindi niya na agad mapigilang mapahanga.

Ang Nightmare Shadow Step ay nakadepende rin sa lakas ng gumagamit nito. Mabisa ito upang iwasan ang mga atake at makatakas sa mga kalaban kaya naman pinagsisihan ni Finn Doria na hindi niya agad ito pinag-aralan.

Hindi rin naman masisisi ang binata, hindi naman niya alam na mayroon siyang makakaharap na malalakas na kalaban sa loob ng Mystic Treasure Realn kaya naman hindi niya talaga ito napaghandaan ng lubusan.

ROAR!!!

Muling umangat at lumipad ang Humanoid Fire Lizard sa ere. Nagpakawala ito ng nakakabingin atungal.

Binalutan ng makapal na enerhiya ni Finn Doria ang buo niyang katawan at ilang sandali pa, lahat ng enerhiya na ito ay napunta sa kaniyang Blood Heavy Sword. Naglabas ito ng nakakapangilabot na enerhiya at mapulang liwanag.

Itinutok ni Finn Doria ang kaniyang malaking espada sa Humanoid Fire Lizard at buong lakas na iwinasiwas ito patungo rito.

[Seven Heavy Sword Art, First Skill: Heavenly Slash!]

Agad na nagtungo ang malakas at matalas na enerhiya sa Humanoid Fire Lizard. Napakabilis nito kaya naman agad rin itong direktang tumama sa halimaw.

BOOM!!!

Nabalutan ng makapal na usok ang kinaroroonan ng Humanoid Fire Lizard ngunit agad ring nawala ang makapal na usok na ito makalipas ang ilang sandali.

Napangiwi si Finn Doria dahil napansin niyang hindi man lang nagalusan ang halimaw. Ang kaniyang Heavenly Slash ay mataas na kalidad ng skill at sa pinagsamang lakas ni Finn Doria makakaya nitong makasira ng Rare Armaments. Pero sa harap ng isang Sky Rank, para lamang itong ihip ng malakas na hangin na dumaan.

Gayunpaman, hindi pa rin pinanghinaan ng loob si Finn Doria. Makikita sa mata ng binata ang nag-aapoy na determinasyon at mapapansin sa kaniyang mukha na desidido siyang matalo ang Humanoid Fire Lizard.

Muli niyang binalot ang kaniyang mga binti ng makapal na enerhiya at mabilis na sumugod patungo sa Humanoid Fire Lizard.

BANG!!

BANG!!

BANG!!

Nakipagpalitan siya ng atake sa halimaw at kahit ilang beses na tumitilapon ang kaniyang katawan pabalik sa lupa, wala pa rin siyang sawang bumabangon at sumusugod patungo sa Humanoid Fire Lizard.

--

Sa likod ng makakapal at maitim na ulap, isang bilog na liwanag at itim na nilalang ang lumulutang. Mapapansing pinagmamasdan nilang dalawa ang nagaganap na laban sa ere.

"Hanga ako sa tatag at tibay ng loob ng binatang iyon. Pero... sa tingin mo ba ay kakayanin niyang talunin ang kaniyang kaharap?" tanong ni Sierra sa katabi niyang si Little Black.

"Kung hindi niya kakayaning talunin ang basura mong ginawa, ibig sabihin ay isa rin siyang basura." Tugon naman ng malamig na boses.

Ang malamig na boses na ito ay nagmula kay Little Black!

"Hanggang ngayon ay hambog ka pa rin talaga. Ikaw ang nagmungkahi na bigyan ko siya ng ganitong pagsubok kaya naman sinusunod ko lang ang iyong kagustuhan." Malumanay na tugon naman ni Sierra.

"Huwag mo akong kausapin na para bang wala kang naging kasalanan sa akin, sa kaniya at sa buong kalawakan. Ikaw ang rason ng lahat ng ito kaya naman nararapat lamang na gumawa ka ng paraan upang maging isa ka sa dahilan upang mapanatiling muli ang kapayapaan sa lahat ng apat na Realm." Malamig pa ring giit ni Little Black.

"Bakit hindi mo nalang ako hayaang pumasok kasama ka sa kaniyang Myriad World Mirror upang makatulong kay Finn Doria? Hindi ako katulad mo na malubhang napinsala at hindi makakayanang gumamit ng kapangyarihan, kaya ko siyang maprotektahan sa Middle Realm. Isa pa, kung totoong sinasabi mo na mayroong kakayahan na magpagaling ang Divine Artifact na 'yun, maaari ring manumbalik ang lakas ko at makahanap ng solusyon upang maibalik ang panibago kong katawan." Giit ni Sierra.

Ibinaling naman ni Little Black ang kaniyang atensyon sa bola ng liwanag at masama itong tiningnan, "Wala akong tiwala sa'yo. Nagtaksil ka na noon at malaki pa rin ang posibilidad na magtaksil ka ngayon."

Natahimik naman sandali si Sierra bago tuluyang magsalita, "Nag-aalala ka sa kaniya pero ayaw mo siyang hayaan na lumakas agad gamit ang mga kayamanan na nasa Myriad World Mirror. Itinago mo pa ang mga bagay na talagang makakatulong sa kaniya at tinanggalan mo pa siya ng karapatang gamitin ang mga Divine Artifact na malinaw namang pag-aari niya. Ano ba talagang pinaplano mo?"

"Hmph. Alam mo naman siguro kung ano yung pamilyar na kapangyarihang nakapaloob sa kaniyang katawan, hindi ba? Ang pwersang iyon ay maikukumpara rin sa pwersang pinamulan nating mga Divine Beast kaya naman sa tingin mo, anong rason upang dalhin nila rito ang binatang 'yan?" malamig na tanong ni Little Black kay Sierra.

"Upang sanayin ang binata? Pero bakit pa? Malakas ang kanilang pwersa at kung mananatili ang binatang ito sa kanilang pangangalaga, hindi malabong maging isa rin siyang kahanga-hangang adventurer katulad natin at nila." Tugon naman ni Sierra.

"Bakit hindi ka mag-isip? Daang libong taon ka ng nabubuhay ngunit parang ignorante ka pa rin. Sa totoo lang, inisip ko ng mabuti ang mga bagay na 'yan at napagtanto kong mayroong malalim na dahilan ang mga magulang ng binatang 'yan upang dalhin siya sa Lower Realm. Isa na roon ang sinabi mo nga na upang sanayin siya, pero hindi lang basta pagsasanay ang kanilang binabalak. Alam mo ba ang kakayahang wala ang mga talentadong adventurers sa ating realm?" Malumanay na giit ni Little Black.

Natahimik muli si Sierra ng ilang minuto bago muling magsalita, "Ano pa nga ba ang wala sila? Halos lahat ay mayroon na sila. Kayamanan, proteksyon at impluwensya. Walang sinuman ang mangangahas na pagtangkaan ang kanilang buhay kaya naman malaya silang gawin ang nais nilang gawin...!!!"

"Naiintindihan ko na! Hindi sila dumaan sa labanan sa na nakasalalay ang kanilang buhay at kamatayan. Hindi nila kailangang maranasan ang makipagsapalaran upang mabuhay hindi gaya ng mga nasa Lower Realm dahil mayroong nagbibigay ng pangangailangan at proteksyon para sa kanila! Kung daan ang binatang ito sa mga ganitong pakikipagsapalaran, siguradong magiging malaki na ang kaniyang hinaharap!" gulat at nananabik na wika ni Sierra.

Hindi naman tumugon si Little Black at nanatili nalang itong tahimik habang pinagmamasdan ang pakikipaglaban ng binata sa Humanoid Fire Lizard.

--

Heavenly Dragon Roar!!!

Malakas na atungal ng dragon ang nagpayanig sa buong paligid. Mapapansing tumilapon sa ere ang katawan ng Humanoid Fire Lizard ngunit hindi pa rin ito masyadong napinsala.

Pulwark!

Sumuka ng maraming dugo si Finn Doria. Ang kasalukuyang lagay ng binata ay hindi na kaaya-aya. Malalim na ang paghinga nito at nasunog na rin ang suot-suot nitong lilang roba. Malapit na siyang maubusan ng lakas kaya naman agad siyang kumain ng Recovery Pill habang nahihilo pa rin ang Humanoid Fire Lizard.

Halos mag-iisang araw ng kinakalaban ni Finn Doria ang halimaw na ito at mapapansing hindi pa rin siya lumalang sa halimaw kahit na naka-ilang Recovery Pill na siya.

Hindi siya makalamang sa Humanoid Fire Lizard dahil sa malaki talaga masyado ang agwat ng Profound Rank at Sky Rank. Pasalamat na lang siya dahil mayroon siyang mga Excellent Armamament na nagbibigay proteksyon sa kaniya. Kung wala ang mga ito, siguradong nagkadurog-durog na ang kaniyang mga buto at nagkapirah-piraso na ang kaniyang buong katawan.

ROAR!!!

Matapos mawala ang hilo ng Humanoid Fire Lizard, umatungal ito ng malakas at bigla na lamang itong nagbuga ng nagngangalit na apoy.

Nang makita ito ni Finn Doria, agad siyang napangiwi. Nararamdaman niya kung gaano kalakas ang kapangyarihan sa loob ng nangngangalit na apoy na ito kaya naman hindi niya mapigilang kagatin ang ibaba ng kaniyang labi.

Tumulo ang dugo mula rito dahil sa bumaon ang ngipin ni Finn Doria rito. Gayunpaman, mabilis din itong naghilom.

"Mayroon na lamang akong isang pagkakataon!" sigaw ni Finn Doria.

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang Blood Heavy Sword at ilang sandali pa, iniangat niya ito at malakas na iwinasiwas patungo sa alon ng nagngangalit na apoy.

[Seven Heavy Sword Art, Second Skill: Heavy Splitting Blade!!!]

BANG!

Isang malakas na enerhiya ang pumigil sa nangngangalit na apoy na magpatuloy. Nagtagpo ang atake ni Finn Doria at ng Humanoid Fire Lizard sa ere.

Kinokontrol ni Finn Doria ang kaniyang atake kaya naman mapapansing namumutla na siya at pinagpapawisan dahil sa tensyonadong pagtutunggalian.

BANG!!

Bigla na lang lumakas ang pwersa ng nagngangalit na alon ng apoy kaya naman bumaon ang paa ni Finn Doria sa lupa. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lakas ng pwersa ngunit pinilit niya pa rin ang umabante at labanan ang nagngangalit na alon ng apoy.

Ito ang kauna-unahang beses na ginamit ni Finn Doria ang Second Skill ng kaniyang Seven Heavenly Sword Art. Hindi niya pa rin ito napeperpekto dahil masyado pa ring mahina ang kasalukuyang siya. Gayunpaman, ito na ang pinakamalakas na atake niya sa ngayon kaya naman wala siyang magagawa kung hindi ang gamitin ito.

Unti-unti nitong inuubos ang enerhiya sa katawan ni Finn Doria kaya naman mapapansing nanghihina na ang binata. Makikita rin na marahil ilang minuto mula ngayon ay bibigay na ang kaniyang katawan.

Mapait siyang napangiti habang patuloy na nilalabanan ang atake ng Humanoid Fire Lizard. Hindi niya gustong sumuko ngunit ito na marahil ang limitasyon niya.

Bibitaw na sana siya at susuko ngunit isang kakaibang kapangyarihan ang bigla na lamang dumaloy sa kaniyang soulforce pathway. At ilang sandali pa, isang malabo at kakaibang simbolo ang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang noo.

Nang lumabas ng simbolong ito, lumindol sa buong paligid at pumalibot ang napakalakas na enerhiya. Sa sobrang lakas ng enerhiyang ito, para bang masisira nito ang buong lugar.

Naglaho rin agad ang kakaibang simbolo matapos bigyan ng dagdag na pwersa ang atake ni Finn Doria. Mabilis na lumamang ang atake ng binata kaya naman naglaho na ang nagngangalit na alon ng apoy.

BANG!!!

Nagkaroon ng malakas na pagsabog at matapos nito, isang kakaibang boses ang umalingawngaw sa isipan ni Finn Doria.

[The system detected a peculiar activity.]

[You've Level Up]

--

Seguir leyendo

También te gustarán

555K 32.3K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...
935K 92K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...
4.7K 97 35
Nang dahil sa isang MALAGIM na trahedya magbabago ang lahat sa buhay ni Ryna at Leo. First Love and First Heartbreak nila ang isa't-isa. They were on...
20.6K 2.5K 67
(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 �...