Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter LVIII

9.1K 700 119
By GinoongOso

Chapter LVIII: Change

"Ano?!" gulat na sigaw ni Lord Helbram.

Nang marinig ng mg ministro ang gulat na pagsigaw ni Lord Helbram, agad rin silang naglabasan at pinakinggan kung anong nangyayari.

"Totoo ba ang sinasabi mo?! Paanong nakalabas siya sa lugar na 'yon? Isang linggo na ang lumipas sa itinakdang oras ng paglabas ng mga batang adventurers sa Mystic Treasure Realm..." hindi mapigilang maitanong ni Lord Helbram ng pasigaw.

"Opo, Lord Helbram. Mismong si Sect Master Noah ang nagkumpirma sa bagay na ito..." magalang na tugon naman ng nakayuko pa ring gwardiya.

"Kung nagawang makalabas ni Ashe Vermillion posible kayang.." mahinang bigkas ni Lord Helbram. Ilang sandali pa, nahing seryoso ang kaniyang ekspresyon at muling nagpatuloy, "Ihanda mo ang pinakamabilis na Wind Sparrow! Kailangan kong bumisita sa Cloud Soaring Sect!"

Kung talagang buhay nga si Ashe Vermillion, may posibilidad rin na buhay si Finn Doria, ito ang nasa isip ni Lord Helbram.

Masyadong mahalaga ang talento ni Finn Doria para sa kaniya at sa buong Sacred Dragon Kingdom. Kahit na mayroong katiting na pag-asang buhay siya, aasa pa rin siya. Malaki ang pag-asa ni Finn Doria na maabot ang antas ng lakas na Legend Rank sa hinaharap kaya naman hindi maaaring baliwalain ni Lord Helbram o ng kahit sino ang talento ng binata.

Aalis na sana si Lord Helbram ngunit agad rin siyang napahinto ng muling magsalita ang gwardiya.

"Pero Lord Helbram, ipinapasabi rin po ni Sect Master Noah na bukod kay Ashe Vermillion, wala ng iba pang nakalabas ng buhay. Ipinapasabi niya rin na hindi sila tumatanggap sa ngayon ng bisita at ipinapaalam lang nila na buhay si Ashe Vermillion at bigla na lamang itong lumitaw sa loob ng Cloud Soaring Sect." mabilis ngunit magalang na giit ng gwardiya.

Nakayuko at nakapikit siya habang nagsasalita dahil natatakot siya sa magiging reaksyon ni Lord Helbram. Naiipit siya sa utos nina Sect Master Noah at Lord Helbra kaya naman hindi niya alam ang dapat na gawin. Sumusunod lamang siya sa utos ngunit hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang maipit sa dalawang naglalakihang pangalan. Matagal ng naglilingkod ang gwardiyang ito sa Royal Clan at alam nito ang totoong pagkatao ni Sect Master Noah.

Tiningnan siya ng matalim ni Lord Helbram kaya naman nanlamig ang kaniyang buong katawan. Pinagpawisan siya ng sobra kahit hindi naman mainit sa kaniyang kinatatayuan.

Matapos ang ilang sandali, bumuntong hininga si Lord Helbram at umiling, "Kung iyon ang desisyon niya, hindi na ako magpupumilit pa. Maswerte ang dalagang 'yon at nakalabas siya ng buhay sa Mystic Treasure Realm... At kung gusto niya munang magpahinga, bibigyan ko siya ng sapat na panahon at oras. Gayunpaman, hindi niya maiiwasan ang mga katanungan ng Royal Clan."

Matapos niya itong sabihin, humarap si Lord Helbram sa mga ministro at seryosong tiningnan ang mga ito.

"Makinig kayo. Huwag niyong gagambalain si Ashe Vermillion. Kung nais niyang magpahinga at isipin muna ang lahat nang nangyari, hayaan niyo siya. Kung babaliwalain niyo ang aking utos, haharapin niyo ang karampatang parusa sa pagsuway sa nakatataas sa inyo. Maliwanag ba?!" mariing giit ni Lord Helbram sa harap ng mga Ministro.

"Maliwanag po, Lord Helbram!"

--

Cloud Soaring Sect

Sa isang maliit na silid, isang dalaga ang nakaupo sa ibabaw ng isang malambot na higaan. Nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang tuhod at mapapansing lubos pa rin ang kalungkutang makikita sa mga mata nito.

Nakabalik na siya sa kaniyang itinuturing na tahanan ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin magawang maging masaya. Mabigat pa rin ang kaniyang pakiramdam at labis pa rin ang kaniyang kalungkutan.

Matapos ang kulang-kulang na dalawang linggong pamamalagi niya sa teritoryo ni Sierra, wala siyang ginawa kung hindi ang buong pagsisikap na kontrolin ang bagong kapanyarihan na ibinigay sa kaniya ni Sierra. Tinuruan din siya ni Sierra ng isang malakas na Divine Beast Art na mayroong kaugnayan sa Fire Phoenix.

Higit pa rito, nakatanggap din siya ng isang pambihirang sandata. Ayon kay Sierra, ang lakas ng bago niyang espada ay umaayon sa kaniyang lakas. Lumalakas ito habang lumalakas din siya.

Bukod pa sa pagtururo ni Sierra, ipinaalala rin nito na hindi maaaring sabihin ni Ashe Vermillion ang tungkol sa pag-iral niya sa Mystic Treasure Realm upang maiwasan ang malaking trahedya. Nauunawaan naman ito ng dalaga kaya naman sinunod niya ito at kahit na tanungin siya ni Sect Master Noah, hindi niya ito sinasabi.

Matagumpay ng nakuha ni Ashe Vermillion ang maliit na porsyento ng kapangyarihan ng isang Fire Phoenix at ang kaniyang lakas ay nakabibighaning nasa 3rd Level Profound Rank na!

Ayon kay Sierra, ito pa lang ang makakayanan ng katawan niya. Kung tataas pa sa antas na ito ay malaki ang posibilidad na sumabog at magkapira-piraso ang katawan ng dalaga dahil sa sobrang marahas na enerhiya.

Habang malungkot pa ring nakasubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod, bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Sect Master Noah. Nag-aalala ang ekspresyon nito ngunit hindi rin naman maitatago ang kasiyahan sa mga mata nito.

Inakala niyang namatay na ang kaniyang itinuturing na anak kaya naman labis siyang nalungkot sa loob ng dalawang linggo. Ngunit ngayong nakakausap niya na ang kaniyang anak, hindi niya mapigilang matuwa at maging masaya.

Bukod pa rito ang antas ng lakas ni Ashe Vermillion ay kasalukuyan ng nangunguna sa mga batang adventurers sa buong Sacred Dragon Kingdom. Kahit si Prinsesa Diana ay ikinokonsedera ng mas mahina sa dalaga.

"Ashe, anak, kamusta ka na?" tanong ni Sect Master Noah sa dalaga.

Tumingin naman si Ashe Vermillion kay Sect Master Noah. Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Matapos bigyan ng sulyap si Sect Master Noah, muli niyang isinubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod.

Para namang nadurog ang puso ni Sect Master Noah ng makita niya ang labis na kalungkutan sa mata ng kaniyang itinuturing na anak. Maging siya ay nalulungkot din sa pagkamatay ni Finn Doria ngunit wala na siyang magagawa sa bagay na 'yon. Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta dahil hindi niya man lang maprotektahan ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Alam kong hindi ka pa handang ikuwento ang lahat ng nangyari sa loob ng lugar na 'yon.. Pero sa oras na kailanganin mo ng kausap, andito lang ako para makinig sa lahat ng sasabihin mo..." Wika ni Sect Master Noah.

Sinulyapan siya muli ni Ashe Vermillion. Malinaw na makikita ang namumuong luha sa mata ng dalaga at ilang sandali pa nga ay pumatak na ito.

Agad itong pinunusan ni Ashe Vermillion at tumalikod kay Sect Master Noah. Humiga siya at itinalukbong sa kaniyang kabuuan ang makapal na kumot na yari sa balat at balahibo ng isang Vicious Beast.

Bumuntong hininga si Sect Master Noah nang makita niya ito. Matapos niyang pagmasdan ang dalaga ng ilang minuto, napagdesisyunan niya na ring lumabas ng silid ni Ashe Vermillion.

Hindi pa man nakakalayo si Sect Master Noah ay agad na sumalubong sa kaniya si Elder Marcus. Makikita ang pagpapanik sa mukha ng matanda habang mabilis itong nagtutungo sa kinaroroonan ni Sect Master Noah. Inilapit nito ang kaniyang bibig sa tainga ni Sect Master Noah at bumulong.

Nang marinig ni Sect Master Noah ang lahat ng mga salitang ibinulong sa kaniya ni Elder Marcus, gumuhit ang gulat sa mukha niya. Ang kaniyang mata ay napuno ng pagtataka at kalituhan.

Nagdilim din ang kaniyang ekspresyon at matapos ang ilang sandali, nagpatuloy na ito sa paglalakad. Agad na nagtungo si Sect Master Noah sa isang magarbong silid at nang marating niya ito, isang lalaking nakasuot ng gintong roba at gintong korona ang agad na bumungad sa kaniya. Sa tabi nito ay isang lalaking nakasuot naman ng itim na balabal na balot na balot ang buong katawan.

Ang lalaking nakasuot ng gintong roba ay hindi pa ganoon katanda at napapanatili pa rin nito ang bata nitong hitsura. Mayroon itong sobrang itim na buhok at para itong isang kurtina na nakasabit sa kaniyang likuran. Mahaba ito at umaabot hanggang kaniyang bewang.

Masasabing mahitsura ang lalaking ito dahil sa napakaganda nitong kutis at mala-espadang kilay.

Malapad na nakangiti ang lalaking nakasuot ng gintong roba habang nakatingin kay Sect Master Noah.

"Anong ginagawa mo rito, Sec-hindi ka na nga pala basta Second Prince, ikaw na ngayon ang Crown Prince." Walang emosyong wika ni Sect Master Noah.

Ngumiti naman si Crown Prince kay Sect Master Noah at masayang nagwika, "Mayroon lamang akong isang bagay na hihilingin sa'yo, Sect Master Noah. Sandali, dapat pa ba kitang tawagin na Sect Master, aking kapatid na Third Prince?"

Muling nagdilim ang ekspresyon ni Sect Master Noah at matalim na tiningnan si Crown Prince, "Kung mayroon kang sasabihin na mahalaga, sabihin mo na agad. H'wag mong sayangin ang oras ko."

"Masyado talagang mainitin ang ulo mo, aking kapatid." Marahang tumawa si Crown Prince at binigyan nito ng makahulugang tingin si Sect Master Noah, "Binabalaan kita aking kapatid, kahit anong mangyari h'wag kang makikialam sa aking mga plano. Interesado ako sa sikretong nakapaloob sa Azure Wood Family at hindi ko gusto ang mayroong nakikialam sa mga binabalak ko."

"Sa tingin mo ba ay matatakot ako sa pagbabanta mo?" galit na singhal ni Sect Master Noah.

"Ha ha ha. Alam kong hindi pero paano kung sabihin ko sa'yong madadamay ang nakababata mong kapatid? Susundin mo ba ang kagustuhan ko?" nakangising wika ni Crown Prince.

Nanggagalaiti naman sa galit si Sect Master Noah nang marinig niya ang sinabi ni Crown Prince.

"Ikaw! Subukan mong idamay si Diana, kahit pa ikaw ang Crown Prince, pagpipira-pirasuhin kita!" galit na sigaw ni Sect Master Noah.

Nanginginig ang kaniyang kamao nang dahil sa sobrang galit.

Tama, si Sect Master Noah ang Third Prince na nagkusang umalis sa Royal Clan dahil sa mga kaguluhan dito. Hindi niya gusto ang pamamalakad ng Sacred Dragon Family kaya naman napagdesisyunan niyang humiwalay at sundin ang yapak ng kaniyang guro. Ang kaniyang guro ang nakaraang Sect Master ng Cloud Soaring Sect at bawat adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom ay iginagalang ito.

Mayroong dalawang buong kapatid si Sect Master Noah at ito ay walang iba kung hindi si Prinsesa Diana at ang namatay na First Prince.

Maraming taon na ang nakalilipas mula ng mamatay ang dating Crown Prince dahil sa tinambangan siya ng mga assassins habang pabalik siya sa palasyo. Bawat isa ay iniisip na kagagawan ito ng Crimson Blood Kingdon.

"Ha ha ha. Mukhang nagkasundo na tayo. Noong umalis ka sa kaharian at tumangging makipag-agawan sa akin ng trono, natuwa na ako sa'yo. At ngayong mayroong madadamay, kailangan mo ulit na lumayo at manahimik na lamang." Nakangising wika ni Crown Prince. Tinapik nito ang balikat ni Sect Master Noah at bumulong, "Tandaan mo, nasa mga desisyon mo ang buhay ng ating kapatid na si Diana."

Mahigpit na ikinuyom ni Sect Master Noah ang kaniyang kamao at matalim na tinitigan ang Crown Prince.

--

BANG!!

BANG!!

BANG!!

Sa malawak na kalupaan na puro bato at nagbabagang tubig ang makikita, ilang malalakas na pagsabog ang maririnig sa buong paligid.

Isang pigura ng binatang puno ng galos at mga pasa ang patuloy na nakikipaglaban sa isang malaking tigre. Makikita ring duguan at mayroong mga paso na ang katawan ng binata ngunit wala pa rin itong tigil na nakikipagpalitan ng atake sa Scarlet Fire Tiger.

Malakas na hinambalos ng kaniyang sandata ang tigre na naging dahilan ng pagtilapon nito sa malayo. Matapos nito, lumobo ang bibig at tiyan ng binata at isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito.

Heavenly Dragon Roar!!!

Malakas na atungal ng dragon ang bigla na lamang umalingawngaw sa buong paligid. Matapos ang malakas na sigaw na ito, agad ring naglaho ang katawan ng malaking tigre.

Muling sumanib ang mayamang natural na enerhiya sa katawan ni Finn Doria at unti-unti itong dumaloy sa kaniyang Soulforce Pathway patungo sa kaniyang Soulforce Coil.

Pinakiramdaman ni Finn Doria ang mayamang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang soulforce pathway at payapang umupo sa isang tabi.

Pumalibot ang mayamang aura sa buong paligid at ilang sandali pa, isang kakaibang boses ang umalingawngaw sa kaniyang isipan.

[The System detected a peculiar activity.]

[You've Level Up]

Natigilan pa si Finn Doria sandali bago tuluyang gumuhit sa kaniya ang sobrang pananabik at kasiyahan. Sa wakas, muli na namang umangat ang kaniyang antas ng lakas!

Nakatungtong na siya sa 8th Level Profound Rank!!

Damang-dama niya ang mayamang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang Soulforce Pathway kaya naman masaya siyang napapikit.

Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng magsimula siyang magsanay. At hanggang ngayon, wala pa rin siyang tigil na nakikipaglaban sa mga Vicious Beast na gawa ni Sierra. Hindi pa rin nagpapakita si Sierra sa kaniya kaya naman nagpatuloy na lamang siya sa pag-eensayo dahil sa alam naman niyang pinanonood siya nito sa hindi kalayuan.

Sa ngayon, katatapos lang ni Finn Doria sa ikalawang yugto ng kaniyang pagsasanay at sa ikalawang yugtong ito, matagumpay niyang natalo ang tatlong Scarlet Fire Tiger na mayroong antas ng lakas na 8th Level Profound Rank. Kinakalaban niya ang tatlong ito ng halos dalawang buwan at ngayon niya lang matagumpay na napatay ang mga ito.

Sa totoo lang, natalo niya ang tatlong 8th Level Profound Rank dahil sa tulong ng kaniyang Excellent Armamanent. Hinayaan na siyang gumamit ni Sierra ng armas sa ikalawang yugto kaya naman mas lalong lumakas ang pagkalahatang lakas niya.

Sa unang yugto, matagumpay na natalo ni Finn Doria ang sampung magkakasunod na 7th Level Profound Rank, at sa kabutihang palad, umangat ang kaniyang antas ng lakas mula 5th Level Profound Rank patungo sa 7th Level Profound Rank.

Masayang-masaya siya noong mga oras na 'yon dahil sa wakas ay umangat na rin ang kaniyang antas. Bawat pag-angat ng antas ng kaniyang lakas, ramdam na ramdam niya ng paglakas ng kaniyang kabuuan.

At ngayon namang natalo niya ang tatlong 8th Level Profound Rank na Scarlet Fire Tiger, muli na namang umangat ang kaniyang antas ng lakas. Nanabik talaga siya dahil sa nalalapit na ang pagtungtong niya sa Sky Rank.

"Ikinagagalak ko ang muling pag-angat ng iyong antas ng lakas, Finn Doria." Biglang wika ni Sierra sa kaniyang tabi.

Hindi napansin ni Finn Doria ang biglang paglitaw ng puting liwanag sa kaniyang tabi kaya naman hindi niya mapigilang hindi magulat. Ito ang pangalawang beses na nagpakita sa kaniya si Sierra kaya naman nagtaka siya, madalas lang itong nagsasalita sa kung saan.

"Maraming salamat, kagalang-galang na Sierra." Bahagyang yumuko si Finn Doria. Ngumiti siya sa liwanag at marahang nagpatuloy, "Kamusta na si Binibining Ashe?"

"Matagal ko na siyang naibalik sa inyong kaharian." agad namang tugon ni Sierra.

Napatulala si Finn Doria. Naibalik na sa kaharian...?

"Kagalang-galang na Sierra! Bakit hindi mo man lamang ako sinabihan?! Hindi niya man lang nalaman na buhay pa ako at humihinga." Inis na giit ni Finn Doria.

"Para saan pa? Kailangan mong ituon ang atensyon mo sa pag-eensayo. Ang iyong munting kasintahan ay 3rd Level Profound Rank na at siguradong malalampasan ka niya 'pag hindi ka nagsikap na mag-ensayo. Mayroon siyang [Heart of the Fire Pheonix] kaya naman mas madali na para sa kaniya ang umangat ang kaniyang antas ng lakas. Kahit na isa kang 8th Level Profound Rank, hindi magtatagal ay malalampasan ka na rin niya." Malumanay na tugon ni Sierra.

Nagulat naman si Finn Doria.

Mula 6th Level Scarlet Gold Rank patungo sa 3rd Level Profound Rank? Hindi talaga pangkaraniwan ang mga kakayahan ng mga Divine Beasts.

"Mayroon pa akong tatlong buwan sa loob nito kaya naman siguradong aangat pa ng sobra ang aking antas ng lakas. Kagalang-galang na Sierra, handa na ako sa susunod na pagsasanay!" determinadong wika ni Finn Doria.

Makikita sa kaniyang mata ang nag-aapoy na determinasyon at kasabikan. Tatlong buwan pa lamang siyang nagsasanay ngunit malaki na ang ipinagbunga nito. Marami na ang naging karanasan niya sa aktwal na pakikipaglaban at nag-uumapaw na sa kaalaman si Finn Doria sa iba't ibang estratihiya.

"Finn Doria, ang rason ng aking biglaang paglitaw ay dahil mayroon akong mahalagang bagay na kailangang sabihin sa'yo." tugon naman ni Sierra at agad ring siyang naglaho matapos nito.

Napatitig si Finn Doria sa liwanag at kunot-noong nagtanong, "Mn? Ano po iyon, kagalang-galang na Sierra?"

"Binabago ko na ang aking kondisyon." Seryosong tugon ni Sierra.

Nagulat si Finn Doria sa tugon ni Sierra. Gumuhit ang kalituhan sa kaniyang ekspresyon at taimtim na tinitigan ang liwanag.

Binabago? Bakit..?

Sa totoo lang, hindi ito desisyon ni Sierra. Mayroon lang isang nilalang ang nagsabi sa kaniya na kailangan niyang baguhin ang kondisyong ibinigay nito sa binata.

"Hindi mo na kailangan pang manatili rito ng anim na buwan. Maaari na kitang ibalik sa iyong mundo pagkatapos mong tapusin ang huli kong pagsubok na ibibigay sa iyo." Muling giit ni Sierra.

"Maaari na akong makabalik matapos ang huling pagsubok? Handa na ako, kagalang na Sierra!" nanabik na giit ni Finn Doria.

Hindi na siya makapaghintay na muling makabalik sa kaniyang angkan. Mayroon na siyang sapat na lakas upang kalabanin ang Nine Ice Family kaya naman sa oras na makalabas siya rito, sisiguraduhin niyang magbabayad ang lahat ng nagkasala sa kaniyang angkan.

"Mn. Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi na ganoon kadali ang huli mong pagsubok." Giit ni Sierra.

Ngumiti naman si Finn Doria at marahang nagwika, "Hangga't makakatulong sa akin, handa akong maghirap."

"Mukhang pursigido ka na, Finn Doria.. Kung gayon, gusto kong malaman kung hanggang saan tatagal ang iyong tapang dahil sa pagkakataong ito, hindi na isang Profound Rank ang makakalaban mo..."

"Dahil ang huling pagsubok ay kakaharapin at kakalabanin mo ang isang 1st Level Sky Rank!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

364K 66.7K 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos...
138K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
780 38 10
Started: March 02, 2024 Ended: She was neglected by her own King, used and abused because they thought that she was powerless. Not until she discover...
135K 14.6K 98
Embark in a virtual journey that is full of wonders along with the frightening existence of spirit beasts. Awesome character sets? Nah we have spiri...