Legend of Divine God [Vol 2:...

Da GinoongOso

705K 45.7K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Altro

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter LIV

9.3K 749 158
Da GinoongOso

Chapter LIV: Divine Beast's Spirit

Sa isang lugar kung saan ang buong paligid ay nababalutan ng kadiliman at tanging ang nagbabagang ilog lamang ang nagbibigay kaunting liwanag sa buong kapaligiran. Tahimik ang buong paligid at walang gaanong tunog ang maririnig maliban sa kumukulong nagbabagang ilog.

Sa madilim na sahig, mapapansing isang binata ang payapang nakahiga katabi ang isang malaki at malapad na espada. Ang kaniyang maamong mukha ay punong-puno ng natuyong dugo at ang kaniyang katawan ay punong-puno naman ng galos at naglalakihang mga sugat.

Makalipas ang ilang sandali, gumalaw ang kaniyang pilik mata kasabay ng marahan niyang pagmulat. Hinawakan niya ang kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng pananakit mula rito.

Bukod sa pananakit ng kaniyang ulo, namamanhid rin ang kaniyang buong katawan. Mabigat din ang kaniyang pakiramdam na naging dahilan na hindi niya makayanang suportahan ang kaniyang sarili upang tumayo.

Pinilit niyang inabot ang kaniyang interspatial ring at nang umabot ang kaniyang daliri rito, agad na lumitaw ang isang maliit na bote. Kahit na nanghihina, buong pagsisikap niyang binasag ang maliit na bote at agad na kinuha ang laman nito.

Kinain niya ang kulay pulang bilog na laman nito at hinayaang matunaw sa kaniyang bibig. Ipinikit niya ang kaniyang mata at pinakiramdaman ang pagdaloy ng natunaw na gamot sa loob ng kaniyang katawan.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga, unti-unting gumaan ang kaniyang paghinga ngunit wala pa rin siyang kakayahan na tumayo. Nanunumbalik na rin ang kakaunti niyang lakas kaya naman sinuportahan niya ang kaniyang sarili upang umupo.

Ramdam na ramdam niya pa rin ang paninikip ng kaniyang dibdib at pamamanhid ng kaniyang mga hita. Lumingon siya sa paligid at nagtatakang tinanong ang kaniyang sarili, "Nasaan ako...?"

Pinakiramdaman niya ang buong paligid ngunit kahit anong gawin niya, wala siyang maramdaman na kahit anong presensya.

"Sa wakas, nagising ka na rin bata."

Isang kakaibang boses ang bigla na lamang umalingawngaw sa buong lugar na 'yon. Nabigla at naging alerto si Finn Doria at lumingon-lingon sa paligid.

Hindi niya maintindihan kung babae, lalaki, matanda o bata ang boses na iyon ngunit nakaramdam siya ng malakas na pwersa mula rito.

"Sinong nariyan?!" buong tapang na sigaw ni Finn Doria.

Hinawakan niya ang kaniyang malaking espada sa kaniyang tabihan at sinubukang buhatin ito ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito maiangat.

Matapos ang sandaling katahimikan, bigla na lamang mayroong siyam na bola ng apoy ang lumitaw sa hindi kalayuan. Nakabilog ang mga bola ng apoy na ito at ilang sandali pa, isang malaking pares ng mapulang mata ang biglaang lumitaw sa gitna ng siyam na bola ng apoy.

Nagulat muli si Finn Doria sa pangyayaring ito, nakaramdam siya ng malakas na pwersa mula sa mga tinging iyon ngunit agad rin naman itong nawala.

'Saan nanggaling ang malaking pares ng pulang matang 'yon?!' gulat na nasabi ni Finn Doria sa kaniyang isipan.

Natauhan lamang si Finn Doria ng muling umalingawngaw ang kakaibang tinig.

"Himalang nabuhay ka pa mula sa mga natamo mong malulubhang pinsala. Kumain ka pa ng Forbidden Pill ngunit mabilis naman ang paghilom ng iyong sugat. Nararapat lamang sa misteryoso mong pagkatao."

Nanlaki ang mata ni Finn Doria. Hindi siya makapaniwalang alam ng kung ano mang nilalang na ito ang mga nangyari sa kaniya!

"Sino ka at anong kailangan mo sa akin?!" pangambang tanong ni Finn Doria.

Kahit na nakaligtas siya muli sa mga kasuklam-suklam na mga dyablo, nakaharap naman siya ngayon sa mas nakakatakot at mas malakas na nilalang.

"Hindi mo kailangang mangamba, Finn Doria. Wala akong masamang balak sa'yo. Interesado ako sa pagkatao mo, bata. Nagtataka lang ako kung bakit ang isang gaya mo na nanggaling sa Lower Realm ay mayroong nakatagong nakapangingilabot na kapangyarihan sa loob ng iyong katawan." Muling giit ng tinig.

Lower Realm? Ano 'yon?

Huminahon at kumalma naman si Finn Doria at taimtim na tumingin sa malaking pares ng mata.

"Kagalang-galang na nilalang. Pakiusap, ipaintindi mo po sa akin ang iyong mga sinasabi dahil kahit isa ay wala po akong maintindihan." Magalang na tugon ni Finn Doria.

"Mn. Hindi mo pa pala alam..." malumanay na wika ng tinig. Muli itong nagpatuloy sa pagsasalita, "Sino ka ba talaga, Finn Doria? Bakit mayroon akong nararamdamang pamilyar na aura mula sa'yo?"

Sa wakas, nanumbalik na ang kaunting lakas ni Finn Doria. Maingat siyang tumayo at inilagay sa kaniyang interspatial ring ang kaniyang malaking espada.

"Nagmula ako sa kahariang tinatawag na Sacred Dragon Kingdom at ang aking angkan ay tinatawag na Azure Wood Family." Magalang na sagot naman ni Finn.

"Imposibleng nagmula ka sa maliit na lugar na 'yon! Paanong magsisilang ang halos abandonadong lugar na 'yon ng kagaya mo?! Magsalita ka, anong ginagawa mo sa Lower Realm?" mariing tanong ng tinig.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo, kagalang-galang na nilalang. Mula sanggol ako ay sa Sacred Dragon Kingdom na ako lumaki at nabuhay." Agad namang sagot ni Finn Doria.

Natahimik naman tinig at ilang sandali pa, napabuntong hininga ito, "Pero hindi ako maaaring magkamali... Maaari kayang...?"

Bumuntong hininga ang tinig at natahimik.

Kinuha naman ni Finn Doria ang pagkakataong ito upang magtanong sa tinig, "Maaari ko po bang malaman kung nasaang lugar ako? Ang huli kong naaalala ay nakikipaglaban ako sa dalawang dyablo at nang matapos ko ng matalo ang dalawang ito nawalan ako ng malay... Teka asan si Ashe Vermillion?!"

Hindi sumagot ang tinig. Nakatingin pa rin ang malaking pares ng mata nito kay Finn Doria at ilang sandali pa, isang dalagang nababalutan ng makapal na enerhiya ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ni Finn Doria.

"Binibining Ashe?!" gulat na bulalas ni Finn Doria.

Sinubukan niyang hawakan ang dalaga ngunit isang nakakapasong enerhiya ang nagpahinto sa kaniya. Wala siyang nagawa kung hindi ang titigan ang kalunos-lunos na katawan ni Ashe Vermillion. Butas ang kaliwang dibdib nito at halos mapunit na rin ang suot nitong pulang bistida.

Habang pinagmamasdan ang dalaga sa kaniyang harapan, isang pangyayari ang lumitaw sa kaniyang isipan. Ang pangyayaring ito ay walang iba kung hindi ang ginawang pagharang ng dalaga sa atake ng dyablo sa kaniya.

"Nasa mundo pa rin kita, bata. Nasa loob ka pa rin ng Mystic Treasure Realm. Ang lahat ng nakikita mo ay pag-aari ko, maging ang mga buhay niyo ngayon ay pag-aari ko." Seryosong wika ng tinig.

"Pag-aari mo ang lahat ng nasa mundong ito...? Ibig sabihin ikaw rin ang gumawa sa mga dyablong 'yon?! Bakit gusto mo kaming mapahamak?" galit na tanong ni Finn Doria.

Nang matapos niyang sabihin ito, napaatras siya dahil sa matalim na titig ng malaking pares ng mata. Nakaramdam siya ng panganib kaya naman namuo ang pawis sa kaniyang noo.

"Oo. Ako nga ang gumawa sa mga dyablong 'yon. Isa lamang silang ilusyon na gawa mula sa aking kapangyarihan. Tungkol naman sa kagustuhan kong mapahamak kayo, alam mo naman sigurong simula pa lamang nang pumasok kayo sa mundo ko ay mayroong kaakibat itong panganib at walang kasiguraduhan kung makakalabas kayo ng buhay. Ang tangi niyo lang masisisi ay ang inyong sarili dahil masyado kayong mahina." Malumanaw na wika ng tinig.

Natauhan naman si Finn Doria at nagtanong, "Ang ibang mga kasamahan ko, nasaan at kamusta sila?"

"Masyadong malambot ang iyong puso, Finn Doria. Ibinuwis mo pa ang iyong buhay para lamang sa mahihinang 'yon. Kung hinayaan mo na lang sila, marahil ay hindi ka malubhang nasugatan ngayon." Tugon ng tinig.

"Tungkulin ko iyon bilang kasamahan nila. Hindi ko maaaring talikuran ang tungkulin ko at magtraydor sa aking mga kasamahan. Para sa akin, labag ang bagay na 'yon sa aking prinsipyo." Magalang na giit ni Finn.

Natigilan naman ang kakaibang tinig. Inabot ito ng minuto bago muling makapagsalita.

"Pagtatraydor at pagtalikod sa sariling kasamahan... Talagang pinapahanga mo ako bata."

Mayroong mababakas na malungkot at nagsising emosyon ang tono ng tinig kaya naman nagtaka si Finn Doria.

"Huwag kang mag-alala tungkol sa iba. Naibalik ko na sila sa inyong kaharian anim na araw na ang nakararaan. Ito na rin ang araw nang pagwawakas ng pagsubok sa Mystic Treasure Realm." Pagpapatuloy ng tinig.

Nakahinga naman ng maluwag si Finn Doria at bahagyang yumuko sa malaking pares ng pulang mata. Umayos siya ng tayo at magalang na nagwika, "Maraming salamat sa inyong kabutihan. Maaari ko bang malaman ang inyong katauhan... Kayo po ba ay isang Seven Grade Vicious Beast?"

Kanina pa nag-uusap ang dalawa ngunit hindi pa rin alam ni Finn Doria kung anong klaseng nilalang ang kausap niya.

"Heh!! Ikinumpara mo ako sa isang hamak na Legend Rank?! Kahit milyong-milyong Legend Rank pa ang sumugod sa akin, mamamatay sila gamit lamang ang aking aura!" galit na umalingawngaw ang mga salita ng tinig.

Lumakas ang mga bola ng apoy at naging nagkagulo ito. Lumindol din ng sandali ngunit mabilis din itong nawala. Nakaramdam ng matinding panganib si Finn Doria. Nagulat din siya sa sinabi ng tinig.

Kahit pa milyon-milyong Legend Rank ay hindi kakayanin ang nilalang na ito...? Anong klaseng nilalang ito?! Ang nilalang na ito ba ay isang Diyos?!

"Ipagpaumanhin mo po ang aking kamangmangan. Kung gayon... maaari ko po bang malaman kung ano ang antas ng lakas niyo..?" magalang at marahang tanong ni Finn Doria.

"Kahit na sabihin ko sa'yo, hindi mo rin naman maiintindihan. Isa pa, hindi mo na kailangan pang malaman dahil hindi na mahalaga ang bagay na 'yon." Sagot ng tinig. Ilang sandali pa, muli itong nagsalita, "Finn Doria, alam mo ba ang tungkol sa mga Divine Beast?"

Nagulat naman si Finn Doria sa tinanong ng kakaibang tinig.

Syempre ay alam niya kung ano ang isang Divine Beast. Ayon sa impormasyong ibinigay sa kaniya ng System, sa mundong ito, mayroong tinatawag na Human Race, taong mortal at taong adventurer. Mayroon ding Beast Race at dalawang halimbawa na rito ay ang Vicious Beast at Divine Beast.

Ayon sa System, ang Divine Beast ay isang pambihirang nilalang. Itinuturing silang diyos ng lahat ng mga halimaw. Mayroong iba't ibang uri ng Divine Beast na nakaulat sa System.

Mayroong isang Divine Beast na napakagandang ibon na mayroong iba't ibang kulay ng balahibo ang may kakayahang magpatulog ng kahit na sinuman gamit lamang ang napakaganda nitong boses. Mayroon din silang kakayahan na gawing bato ang lahat ng kanilang maiiputan. At ang ibon na ito ay tinatawag na Adarna.

Andyan din ang diyos ng mga Divine Beast, ang malakas na Dragon. Ang kanilang lakas at kapangyarihan ay kayang pasunurin ang lahat ng halimaw sa mundong ito. Bawat isa ay kinatatakutan ang mga dragon. At kailanman ay wala pang mga Divine Beast ang lumitaw sa buong Sacred Dragon Kingdom.

Ngayon na naitanong ng tinig ang tungkol sa Divine Beast... maaari kayang...?

"Ikaw... Isa ka po bang kagalang-galang na Divine Beast?!" hindi mapigilan ni Finn Doria ang mapabulalas dahil sa gulat.

Kung totoo ngang isang Divine Beast ang nagmamay-ari ng pares ng malaking mata at kakaibang tinig, ibig sabihin ay humaharap si Finn Doria sa isang kahanga-hangang nilalang!

"Kung noon, isa akong Divine Beast. Ngunit ngayon, isa na lamang akong espirito ng Fire Phoenix na naghihintay ng kamatayan sa mundong ito." Malumanay na wika ng tinig.

Fire Phoenix!

Ang Fire Phoenix ay kilala bilang isa ring malakas na Divine Beast. Paanong ang isang Fire Phoenix ay naging isa na lamang espirito?! Nagtaka at naguluhan si Finn Doria.

"Finn Doria, gusto mo bang malaman kung bakit ako naging espirito, kung bakit ako naglagay ng lagusan inyong maliit na mundo at ilang impormasyon sa mundong kinagagalawan natin?" seryosong tanong ng espirito.

Agad namang tumango si Finn Doria. Ito ang pinakagusto niyang malaman. Ang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa mundo ng mga adventurers.

"Magaling. Makinig kang mabuti at unawain mo ang lahat ng aking sasabihin. Sa buong kalawakan na ginagalawan natin, maraming planeta, mundo at lugar ang umiiral dito. Iniraranggo ang mga mundo sa apat na Realm. Ang Lower Realm, Middle Realm, Upper Realm at ang pinakamalakas, ang Divine Realm kung saan matatagpuan mo ang tatlong pinakamalakas na pwersa sa buong kalawakan."

"Dapat mong malaman na ang mundong ginagalawan mo ay isa lamang sa libo-libong Lower Realm sa buong kalawakan. Ang mga adventurer sa mundo niyo ay itinuturing na basura at langgam ng mga adventurer na nasa middle realm, upper realm at Divine Realm. Mayroon kang potensyal na makarating sa Divine Realm ngunit marahil ay aabutin pa ito ng libong taon. Sa ngayon, ito lang ang masasabi ko tungkol sa mundo at kung gusto mo pang tuklasin ang iba pa, tuklasin mo ito gamit ang iyong sariling kakayahan"

Sandaling tumahimik si Finn Doria. Nang marinig niya ang lahat ng sinabi ng Fire Phoenix, napagtanto niyang masyado pa talaga siyang mangmang. Natawa rin siya sa kaniyang sarili dahil sa ang inaakala niyang mga diyos ay tao rin pala na gaya niya.

"Mahigit isandaang libong taon na ang nakararaan, nagkaroon ng pangkalawakang digmaan sa pagitan ng mga diyos at mga dyablo. Maraming nasawi at nawasak na mga mundo dahil sa pangkalawakang digmaan na 'yon, maging ako ay malubha ring napinsala dahil doon kaya naman kinailangan kong abandonahin ang aking pisikal na katawan para maging espirito at gumawa ng lugar na maaari kong maging himlayan. Ngunit alam kong hindi pa natatapos ang digmaan kaya naman, sampung libong taon na ang nakararaan ng ako ay magising mula sa mahimbing na pagkakatulog, napagdesisyunan ko na maggawa ng lagusan patungo sa lugar na ito. Nais kong humanap ng magiging tagapagmana ko upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga diyablo ngunit sa tinagal-tagal ng panahon, wala pa rin ang natatagpuang babagay para sa aking mga naiwang kayamanan. Hanggang sa dumating ang araw na 'to na nagpakita ka sa akin. Akala ko ay ikaw na ang maaari kong maging tagapagmana ngunit matapos kong inspeksyunin ang iyong katawan, napagtanto kong hindi ko maaaring ipasa sa'yo ang aking buong kapangyarihan."

Natigilan naman si Finn Doria dahil sa mahabang paliwanag ng Fire Phoenix. Unti-unti niyang iniintindi ang mga sinasabi ng Fire Phoenix.

Pangkalawakang Digmaan sa pagitan ng mga diyos at mga dyablo?

Naghahanap ng tagapagmana?

Kakaibang kapangyarihan sa loob ng aking katawan?

Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ni Finn Doria. Ngunit hindi pa rin siya makapagsalita dahil sa gulat at pagkabigla.

"Kaya ako nagtagaka sa kung bakit napadpad ang kagaya mo sa maliit na mundong ito." Seryosong giit ng Fire Phoenix.

"Ang sinasabi mo pong kakaibang kapangyarihan... Maaari ko po bang malaman kung ano 'yon? Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang totoo kong pagkatao.." seryoso at kinakabahang tanong ni Finn Doria.

"Hindi ko maaaring sabihin. Napansin ko ring naka-seal pa ito kaya naman nakasisiguro akong sinadya ito ng iyong mga magulang. Tungkol naman sa kung bakit, hindi ko alam," tugon ng Fire Phoenix.

Napabuntong hininga naman si Finn Doria. Sandali siyang napatahimik at napabaling ang kaniyang atensyon sa katawan ni Ashe Vermillion.

"Kagalang-galang na Fire Phoenix, bakit hindi ko maramdaman ang kahit anong pagtibok ng puso ni Binibining Ashe." Kinakabahang tanong ni Finn Doria.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Patay na ang iyong kasintahan, ang kaniyang puso ay nagkadurog-durog dahil sa pagsalag niya ng atake na dapat ay para sa'yo. Sinusuportahan lang siya ng aking kapangyarihan ngunit hindi magtatagal ay bibigay na rin ang kaniyang katawan at mamamatay na rin siya." Wika ng Fire Phoenix.

Hindi na naman nagulat si Finn Doria sa sinabi ng Fire Phoenix. Alam niya na ang sitwasyon ni Ashe Vermillion ngunit hindi niya pa rin matanggap ito. Taimtim at nangungusap siyang tumingin sa mata ng Fire Phoenix at nagwika, "Mayroon bang paraan upang mailigtas si Binibining Ashe?"

Sinisisi ni Finn Doria ang kaniyang sarili dahil sa kalagayan ni Ashe Vermillion. Kung naging maingat lamang siya at itinuon ang atensyon sa dalawang dyablo, hindi sana hahantong sa ganito ang dalaga.

"Ang kaniyang puso ay nagkadurog-durog na. Malubha ring napinsala ang kaniyang soulforce coil. Kahit na mayroon akong paraan upang iligtas ang iyong kasintahan, bakit ko naman siya tutulungan? Alam mo naman na walang libre sa mundong ito, hindi ako magbebenipisyo sa pagliligtas ko sa kaniyang buhay kaya naman anong dahilan para magsayang ako ng panahon sa kaniya?" makahulugang tugon ng Fire Phoenix.

"Mayroon kang paraan...? Pakiusap iligtas mo po siya! Babayaran kita ng kahit ano!" bulalas ni Finn Doria.

Desperado na siyang mailigtas si Ashe Vermillion. Hindi niya maaaring pabayaan ang babaeng nagsubok na iligtas ang kaniyang buhay.

Sa alaala ni Kurt Bautista, mayroon isang mala-himalang pill ang may kakayahang magpatubo ng kahit anong parte ng katawan pero..., kasama ito sa mga nawawalang pill sa loob ng Myriad World Mirror kaya naman sigurado si Finn Doria na nasa loob ito ng malaking harang. Dahil dito, wala ng magagawa si Finn Doria upang matulungan si Ashe Vermillion. Ang tangi niya na lang pag-asa ngayon ay ang Divine Beast na Fire Phoenix.

Itinuon ni Finn Doria ang kaniyang atensyon sa pagkonekta sa kaniyang Myriad World Mirror. Handa siyang ibigay ang ilan sa mga kayamanan niya para lamang mailigtas si Ashe Vermillion.

"Mn? Ano sa tingin mo ang maibibigay mo sa akin? Hindi ko kailangan ang kahit anong kayamanan. Kung ang mga magulang mo ang makikiusap sa akin maaari ko pang pag-isipa--!"

Gulat ang gumuhit sa pares ng mga mata ng Fire Phoenix. Nagulat siya ng bigla na lamang mayroong lumutang na maliit na salamin mula sa katawan ng binata.

"Ikaw! Paano ka nagkaroon ng Divine Artifact?! Mayroon lamang limang Divine Artifact sa mundong ito kaya naman paanong napunta ang pambihirang bagay na 'yan sa mga kamay mo?! Paano...! Higit pa roon, hindi rin ako pamilyar sa isang 'yan!" magkakasunod na tanong ng Fire Phoenix.

Dahil sa lakas ng tinig ng Fire Phoenix, muling lumindol sa buong lugar.

Nagulat naman si Finn Doria at nakaramdam siya ng panganib. Hindi niya inaasahang makikita ng Fire Phoenix ang kaniyang Myriad World Mirror. Noon, siya lamang ang may kakayahang makakita ng pisikal na anyo ng kaniyang salamin. Kahit ang Winged Golden Lion King ay hindi ito naramdaman man lang.

Nakalimutan niyang isa nga palang Divine Beast ang nasa harapan niya kaya naman hindi makakatakas ang kaniyang Myriad World Mirror sa matalas na mata ng isang Divine Beast.

Magsasalita na sana si Finn Doria ngunit isang pambihirang pangyayari ang naganap ng tuluyan nang nagbukas ang lagusan ng salamin.

Ang maliit na itim na nilalang ay lumabas mula sa Myriad World Mirror!

Nagulat si Finn Doria at ang Fire Phoenix nang makita nila ang paglabas ng maliit na itim na nilalang. Wala pa ring emosyon ang mata ng maliit na nilalang at ilang sandali pa, mapapansing nakatingin ito ng malamig sa mga mata ng espirito ng Fire Phoenix!!

--

Continua a leggere

Ti piacerà anche

483K 34.8K 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
703K 48.8K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
84.4K 9.3K 56
[Curse Darking #1] After the Blood War, Ronan Acworth couldn't believe he survived the bloody combat. Nagising siya sa isang lumang karwahe na nagdal...
8.2K 1K 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...