Legend of Divine God [Vol 2:...

Bởi GinoongOso

704K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Xem Thêm

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter LIII

9.3K 692 207
Bởi GinoongOso

Chapter LIII: Dead...?

Floating Island

Sa harap ng malaking lagusan patungo sa Mystic Treasure Realm, tatlumpu't tatlong batang adventurers ang nagkalat sa buong paligid. Bumuo ang mga ito ng walong pangkat at nagsama-sama ang mga magkakasama sa kani-kanilang faction.

Bawat isa sa kanila ay may iba't ibang emosyon na gumuguhit sa kanilang mukha. Mayroong malungkot, masaya, sabik, galak at mayroon din namang naghihinayang. Nalulungkot sila sa biglaang pangyayari at nasisiyahan naman sila dahil matagumpay silang nakalabas ng buhay mula sa napakadelikadong lugar na 'yon.

Mapapansin na kinakausap ni Lord Helbram ang malungkot na si Prinsesa Diana. Madilim ang ekspresyon ni Lord Helbram habang kinakausap ang Prinsesa at minsan itong napapasimangot dahil sa kaniyang mga naririnig na ulat.

Sa tatlumpu't tatlong batang adventurers, pito ang nagmula sa Royal Clan kasama na ang Prinsesa at dalawang Prinsipe. Apat naman ang natirang miyembro na nagmula sa mga faction na Alchemist Association, Immortal Sword Pavilion, at Ancient Darkness Island habang tatlong miyembro naman ang natira na nagmula sa mga Faction na Soul Puppet Sect, Ice Feather Sect at Burning Heaven Sect. At limang miyembro naman sa Cloud Soaring Sect.

Lahat ng kanilang malalakas na miyembro ay maswerteng nakaligtas gaya nina Brien Latter at Hitch Dreo ng Alchemist Association, Elyas ng Burning Heaven Sect, Odin ng Soul Puppet Sect, Gerould ng Ancient Darkness Island, Azur ng Immortal Sword Pavilion at Tiffanya at Hyon ng Ice Feather Sect.

Tanging mga miyembro lang ng Royal Clan ang purong nakangiti dahil sa paglabas nila ng buhay samantalang ang iba namang batang miyembro ng iba't ibang faction ay malungkot, lalo na ang limang miyembro ng Cloud Soaring Sect.

Matapos ang ilang sandali, sa wakas ay dumating na rin ang mga Faction Masters at Elders kasunod ang pitong Royal Guards.

Agad na bumaba si Sect Master Noah at Elder Marcus sa grupo nina Lore Lilytel. Nang mapansin ng dalawa na lilima na lang ang Soaring Seven, agad na nagdilim ang kanilang ekspresyon. Mas lalo pa itong dumilim nang mapansin nilang hindi kabilang sa lima sina Ashe Vermillion at Finn Doria.

"Asan ang anak ko at si Finn Doria?! Bakit hindi niyo sila kasama...?" iba't ibang emosyong tanong ni Sect Master Noah kay Lore Lilytel nang makalapit siya sa binata.

Hinawakan ito ni Sect Master Noah sa magkabilang balikat at hindi sinasadyang mahigpit na napapisil dito. Dahil sa pisikal na lakas ni Sect Master Noah, nakaramdam si Lore Lilytel nang matinding sakit na para bang unti-unting nadudurog ang mga buto niya sa kaniyang balikat.

"Sect Master Noah... Si Finn at Ashe..." nasasaktan at nalulungkot na giit ni Lore Lilytel.

Bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin, bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Kanina niya pang pinipigilan ang kaniyang kalungkutan ngunit nang maalala niya na naman kung paano sila iligtas ni Finn Doria at Ashe Vermillion nang paulit-ulit. Hindi niya na nakayanan at bumagsak na lang ang kaniyang mga luha.

Umiyak na rin ang lahat ng miyembro ng Soaring Seven. Nakayuko sina Leo, Ezekias habang naiyak habang sina Lan at Juvia naman ay walang tigil na humahagulgol habang kagat-kagat ang baba ng kanilang mga labi.

Ibinuwis ni Finn Doria ang kaniyang buhay para lamang iligtas silang lahat... Ang utang na loob na ito ay hindi basta-basta mababayaran ng kahit anong kayamanan!

Lahat ng Faction Masters at Elders ay nasaksihan ang mga pangyayari sa grupo ng Cloud Soaring Sect kaya naman mayroong napailing dahil alam na nila ang nangyari. Nanghihinayang sila dahil sa wala na ang pinakatalentadong batang adventurer at alchemist sa buong Sacred Dragon Kingdom. Nasawi ito dahil sa pakikipagsapalaran at pagliligtas nito ng maraming buhay sa loob ng Mystic Treasure Realm.

Madilim din ang ekspresyon ni Association Master Morris dahil sa pagkawala ni Finn Doria. Nanghihinayang siya sa kakayahan ni Finn Doria bilang alchemist. Kung nakaligtas lamang siya, maaaring sa hinaharap ay maging tanyag siyang indibidwal hindi lamang sa kahariang ito.

Pinanghihinayangan niya rin ang sinasabi ni Finn Doria na libro patungkol sa Alchemy. Hindi niya man lamang nagawang makipagnegosasyon kay Finn Doria tungkol sa nilalaman ng librong 'to. Gayunpaman, wala na siyang magagawa kung hindi ang mapabuntong hininga, mapailing, malungkot at manghinayang. Ito marahil ang kagustuhan ng kalangitan kaya naman wala na silang magagawa. Masyadong naging malupit ang tadhana para kay Finn Doria dahil sa mura nitong edad ay nasawi agad ito.

Sa kaniyang tabi naman, palihim na ngumisi si Brien Latter.

'Finn, Finn, Finn. Hindi ko man lamang nagawang makuha ang mga bagay na pag-aari mo. Maging si Binibining Ashe ay kinuha mo rin mula sa akin. Gayunpaman, ikinagagalak ko ang iyong kamatayan. Wala na ang pinakamalaking banta para sa akin at sa mga plano namin.' Tumatawang iniisip ni Brien Latter habang nakatingin sa lagusan.

--

Natapos nang makipag-usap ni Lord Helbram kay Prinsesa Diana. Agad siyang lumapit kay Sect Master Noah at bahagyang tinapik ang balikat nito. Umiling ang matanda at marahang nagwika, "Naipaliwanag na ni Prinsesa Diana ang lahat sa akin..."

Ipinaliwanag ni Lord Helbram ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Prinsesa Diana. Kabilang na roon ang mga kakaibang nilalang na umatake sa mga batang adventurers at ang pagliligtas ni Finn Doria sa lahat ng natitirang batang adventurers. Ipinaliwanag din ni Lord Helbram kung bakit wala si Ashe Vermillion.

Nang marinig itong lahat ni Sect Master Noah, labis na kalungkutan ang bumalot sa kaniya. May namuong luha sa kaniyang mga mata at sobrang lungkot na nagwika, "Paano ko pa haharapin si Kiden...? Hindi ko man lang napanatili ang kaligtasan ng anak niya..."

Sa grupo ng Ice Feather Sect, naipaliwanag na rin nina Hyon ang nangyari sa loob ng Mystic Treasure Realm. Mayroong nakatagong ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi niya kay Sect Mistress Sheeha ang tungkol sa pagpapaiwan ni Finn Doria sa lugar na 'yon.

Mapapansin ding himalang naroroon si Singh Marren. Hindi siya kabilang sa mga nakipaglaban sa mga dyablo ngunit nakapagtatakang andito siya, buhay at humihinga pa.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya nakipagsapalaran sa Mystic Treasure Realm. Sinayang niya ang pagkakataon dahil natatakot siyang mamatay sa loob ng malupit na mundong 'yon. Matapos ang ilang araw na pagbabaybay sa gilid ng kagubatan, naghanap siya ng tagong kuweba at nagtago. Natulog lang siya roon ng halos dalawampung araw.

Lihim namang ngumiti si Sect Mistress Sheeha nang malaman niya ang lahat ng nangyari. Tumingin siya kay Hyon at marahang nagwika, "Hahaha. Tadhana nga naman. Mukhang pumapabor sa atin ang kapalaran. Ngayon na patay na ang pinakamalaking banta sa ating lahat, magagawa na rin nating wakasan ang Azure Wood Family. Mawawala na ang tinik sa ating lalamunan. Sinong may pakialam kung isa siyang pinakatalentadong batang adventurer at alchemist sa buong kaharian? Nasawi pa rin siya sa loob ng Mystic Treasure Realm habang nakaligtas naman kayong tatlo. Ang patay na talentadong adventurer ay wala ng kwenta."

Palihim na tumawa si Sect Mistress Sheeha. Malinaw na makikita sa kaniyang mata ang kasakiman at panghahamak. Dahil patay na si Finn Doria, hindi niya na kailangang mamroblema kung paano nila wawasakin ang buong Azure Wood Family. Kung gusto nilang wasakin ang buong Azure Wood Family, walang pipigil sa kanila. Isa na lamang ordinaryong angkan ang Azure Wood Family at ngayong wala na si Finn Doria, wala na rin itong halaga sa buong kaharian.

"Hyon, Tiffanya, maghanda na kayo dahil babalik na tayo sa Ice Feather Sect. Tiffanya, sa oras na makabalik tayo sa Ice Feather Sect, ipapaalam ko kay Family Head Artos na maaari na kayong makipagdigmaan sa Azure Wood Family." Malamig na wika ni Sect Mistress Sheeha.

Hindi naman masaya si Tiffanya Frois sa kaniyang narinig. Maaaring noon ay gusto niyang mawasak ang buong Azure Wood Family ngunit ngayon, gusto pa nga ba niya? Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng matinding galit sa kaniyang kalooban. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at tumingin kay Sect Mistress Sheeha ng diretso.

"Kailangan pa ba talagang gawin 'yon, Sect Mistress? Wala na si Finn Doria kaya naman hindi na mahalaga kung umiiral pa ang Azure Wood Family. Isa lamang silang ordinaryong angkan at hindi naman sila mangangahas na manggulo. Isa pa, iniligtas ni Finn Doria ang buhay ko at ni Hyon kaya naman bakit hindi na lang natin kalimutan ang lahat...?" malumanay at seryosong giit ni Tiffanya Frois.

Hindi niya na gusto ang ideyang pagwasak sa Azure Wood Family, dahil una pa lang naman ay hindi niya na ito gusto. Sumusunod lang siya sa mga utos ng kaniyang Lolo na si Family Head Artos na sumusunod naman kay Sect Mistress Sheeha.

Matalim na tumingin si Sect Mistress Sheeha at marahang nagsalita, "Anong nangyayari sa'yo, Tiffanya? Lumambot na ba ang iyong puso? Mukhang nakalimutan mo na ang ginawang pamamahiya ni Finn Doria sa'yo."

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yon, Sect Mistress. Pero si Finn Doria ang gumawa sa akin ng bagay na 'yon at alam ko namang kasalanan natin ang lahat kung bakit niya ginawa 'yon. Alam kong sa pagbabalik ng aking ama, siguradong hindi niya magugustuhan ang lahat ng mga pangyayari. Patay na si Finn Doria at hindi ko na gustong maging kabilang pa ang aking angkan sa gulong ito kaya pakiusap Sect Mistress Sheeha, tama na." mariing tugon ni Tiffanya.

Nang marinig ito ni Sect Mistress Sheeha, dumilim ang kaniyang ekspresyon at marahas na hinanggit ang braso ni Tiffanya. Napaungol ang dalaga dahil sa sakit ngunit ininda niya lang ito dahil hindi siya makakawala sa isang Sky Rank kahit anong gawin niya.

"Anong pinagsasabi mo?! Binabalak mo bang talikuran ang mga napagkasunduan natin? Ikakasal ka kay Hyon at ayaw ko ng may maiiwan na banta sa kasalang ito. Tungkol naman sa'yon ama, anong magagawa niya? Isa lamang siyang Profound Rank noon at wala siyang magagawa sa mga kagustuhan ko. Tandaan mo ito Tiffanya, narating mo ang sitwasyong ito ng dahil sa aking Ice Feather Sect. Nakatali ka na sa kasunduang ito at wala ka ng magagawa pa upang umatras." Mariing wika ni Sect Mistress Sheeha.

"Sect Mistress... Pakiusap nasasaktan ako.." daing ni Tiffanya dahil sa pahigpit ng pahigpit ang hawak sa kaniya ni Sect Mistress Sheeha.

Binitawan naman agad siya ni Sect Mistress Sheeha at suminghal. Binigyan niya ng huling matalim na tingin si Tiffanya bago umalis at lumapit sa kinaroroonan ni Lord Helbram.

Bumakat ang kamay ni Sect Mistress sa braso ni Tiffanya Frois at nagkaroon ng malaking pasa rito. Hinawakan ng dalaga ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang isang maliit na bote. Kinain niya ang pill na laman ng bote at habang nagpapagaling siya, lumapit sa kaniya si Hyon Pierceval.

Malapad itong nakangisi kay Tiffanya.

"Tiffanya, o aking Tiffanya. Mukhang nagbabago na yata ang isip mo. Gusto mong maging mayaman at maimpluwensya, hindi ba? Kung gusto mo pang mapanatili ang katayuan mo, sumunod ka na lamang kay Guro. Hindi mo naman siguro gustong mawala ang suporta ng Ice Feather Sect sa iyong Nine Ice Family, tama?" nakangising wika ni Hyon. Tumingin ang binata sa magandang mukha ni Tiffanya at hinaplos ito, "Nalalapit na ang pagpapakasal natin at sa oras na 'yon, wala ka ng magagawa kung hindi ang maging katuwang ako at sumunod sa lahat ng utos ni Sect Mistress Sheeha."

Tinabig ni Tiffanya ang kamay ni Hyon at matalim na tinitigan ang binata, "Sinong gustong maikasal sa duwag na gaya mo? Mahina ka at nagtatago ka lamang sa likod ko noong nakikipaglaban tayo sa mga kakaibang nilalang. Hindi mo man lang ako maprotektahan. Lalaki ka ba talaga, Hyon Pierceval?"

Nagdilim ang ekspresyon ni Hyon at binabalak na sampalin sana si Tiffanya ngunit agad siyang natigilan dahil nakaramdam siya ng malakas na pwersang nagmumula sa dalaga.

"7th Level Scarlet Gold Rank?!" gulat at hindi makapaniwalang giit ni Hyon Pierceval.

Napaatras siya dahil sa lakas ng pwersa ngunit ilang sandali pa, nakatayo siya ng tuwid at bahagyang tumawa. Sabik at galak siyang tumingin sa dalaga at nakangising nagwika, "Ano naman kung isa ka ng ganap na 7th Level Scarlet Gold Rank? Nakatadhana pa rin na maipakasal ka sa akin at sa oras na 'yon, ang lakas mo ay lakas ko na rin."

Tiim bagang at masama siyang tinitigan ni Tiffanya Frois. Ayaw na niya sa pwersahang kasunduan na ito ngunit wala siyang magagawa. Tama si Sect Mistress Sheeha, nakatali na siya sa Ice Feather Sect dahil ginamit na siya ng kaniyang lolo na si Family Head Artos bilang pamalit sa maraming benepisyo. Hawak na sila sa leeg ng Ice Feather Sect at kontrolado na siya ni Sect Mistress Sheeha.

--

"Nalulungkot ako sa nangyari sa'yong anak at kay Finn Doria. Ako man ay nanghihinayang din sa kanilang dalawa. Gayunpaman, hindi mo kailangang mawalan ng pag-asa. Mayroon pang anim na araw bago matapos ang pagsubok sa Mystic Treasure Realm at maaaring buhay pa sina Ashe at Finn Doria. Hindi ako handa na mawala ang gaya nilang talentado sa ating Sacred Dragon Kingdom." Pagpapahinahon ni Lord Helbram kay Sect Master Noah.

Nagliwanag naman ang mukha ni Sect Master Noah at masayang ngumiti kay Lord Helbram, "Tama! Mayroon pang anim na araw bago matapos ang pagsubok sa Mystic Treasure Realm. Maaaring nagkaroon lang ng kakaibang pagbabago sa pagkakataong ito."

Kahit na iniisip niya ang mga bagay na ito, hindi pa rin lubusang masaya at sabik si Sect Master Noah. Wala pa ring kasiguraduhan kung makakalabas nga ba ng buhay sina Ashe at Finn.

"Mn. Sa ngayon, kailangan mo munang pakalmahin ang natira sa iyong mga miyembro. Bawat isa sa kanila ay kailangan ang gabay at tatag mo bilang pinuno nila kaya naman dapat maging huwaran ka sa kanila." Nakangiti ngunit malungkot na wika ni Lord Helbram.

Aalis na sana ang dalawa ngunit napahinto sila at nagtaka dahil isang magandang babae ang lumapit sa kanilang dalawa. Ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Sect Mistress Sheeha. Gaya ng dati, mayroon pa rin itong kolorete sa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga labi ay namumula rin. Nakangiti at masaya itong lumapit kay Sect Master Noah at Lord Helbram.

Bahagya siyang yumuko sa dalawa at marahang nagwika, "Sect Master Noah, Lord Helbram. Nais ko nang magpaalam sa inyong dalawa. Ako at ang aking mga miyembro ng Ice Feather Sect ay lilisanin na ang lugar na ito ngayon din. Matagumpay ng nakalabas ng buhay ang tatlo sa aking mga miyembro at wala ng dahilan upang manatili pa kami rito."

Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Sect Mistress Sheeha. Hindi pa tapos ang anim na araw, hindi ba siya umaasa na mayroon pang lalabas na batang miyembro ng kaniyang faction?

"Sigurado ka na ba sa iyong maagang pag-alis, Sect Mistress? Hindi pa tapos ang pagsubok sa Mystic Treasure Realm baka mayroon pang--"

Hindi naman na pinatapos ni Sect Mistress Sheeha si Lord Helbram at pinutol na agad ito, "Hindi na ako umaasa, Lord Helbram. Masaya na akong nakalabas sina Hyon at Tiffanya mula sa mundong 'yun."

Tama, dahil hindi nakalabas ng buhay ang apat na miyembro ng Ice Seven, wala nang pakialam si Sect Mistress Sheeha dahil sa kaniyang mata, basura ang mga ito dahil hindi nila magawang makalabas ng buhay. Kahit na hindi naman talaga nakipagsapalaran si Singh Marren sa loob ng Mystic Treasure Relam, ano naman? Ang mahalaga, nakalabas siya ng buhay at humihinga.

Ibinaling ni Sect Mistress Sheeha ang kaniyang atensyon kay Sect Master Noah at nagkunwaring nalungkot, "Ikinalulungkot ko ang kasawian ng dalawa sa pinakatalentado mong alaga. Pero dapat ay magpasalamat ka dahil lima sa kanila ang nakaligtas mula sa kamatayan."

Malamig siyang tinitigan ni Sect Master Noah at suminghal, "Hindi pa patay sina Ashe at Finn! Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na sa lugar na ito at 'wag mong hintayin na ako pa ang maghagis sa'yo pababa."

Napasimangot at nagdilim ang hitsura ni Sect Mistress Sheeha. Suminghal muna siya bago tumalikod at bumalik sa kinatatayuan ng mga miyembro ng Ice Feather Sect.

Sa huling paalam, umalis na rin si Lord Helbram at nagtungo sa mga miyembro ng Royal Clan. Sinabihan niya ang mga ito na maaari na silang bumalik sa Royal Clan kaya naman agad na umalis ang dalawang Prinsipe at ang apat pang miyembro. Nagpaiwan si Prinsesa Diana kasama at sinamahan si Lord Helbram sa paghihintay.

Nagtungo namang muli si Sect Master Noah sa mga miyembro ng Soaring Seven at kinuha ang atensyon ng mga ito, "Ipagpaumanhin niyo kung nawalan ako ng kontrol kanina. Hindi dapat tayo malungkot dahil hindi pa tapos ang pagsubok sa Mystic Treasure Realm. Sa loob ng anim na araw, maghihintay tayo rito para sa pagbabalik ng aking anak at ni Finn Doria."

Nawala naman ang labis na kalungkutan ng lima at agad na tumingin kay Sect Master Noah. Umaasa silang tama nga si Sect Master. Handa rin silang maghintay rito gaano man katagal basta babalik ng buhay ang dalawa sa kanila.

Lahat sila ay naupo sa harap ng malaking lagusan at taimtim na naghintay.

Mabilis na lumipas ang anim na araw. Nakaalis na ang ibang mga Faction. Sa ikalawang araw, umalis na agad ang Immortal Sword Pavilion. Sa ikatlong araw naman, sabay na umalis ang Ancient Darkness Palace, Burning Heaven Sect at Soul Puppet Sect. Sa ika-limang araw, nanghihinayang at malungkot na umalis naman sina Association Master Morris at Elder Alicia kasama ang buong Alchemist Association. Umaasa ang bawat isa sa kanila na makalalabas pa ng buhay si Finn Doria ngunit habang tumatagal ay nawawalan na ng pag-asa ang bawat isa sa kanila. Umalis ang ilan na may lungkot habang ang ilan naman ay mayroong nakatagong saya.

Tanging sina Lord Helbram, Prinsesa Diana at ang mga miyembro na lamang ng Cloud Soaring Sect ang naroroon.

Lahat sila ay mayroong lungkot sa kanilang mga mata. Naghintay sila ngunit wala pa ring senyales ng paglitaw ng kahit sino mula sa harap ng malaking lagusan.

Ilang sandali pa ang lumipas, bumuntong hininga si Lord Helbram at lumapit kay Sect Master Noah kasama si Prinsesa Diana.

"Kailangan na nating lisanin ang islang ito. Kailangan na nating tanggapin ang pagkawala nila. Ngayon, kailangan pa nating alamin kung ano ang kakaibang nilalang na sinasabi ng mga batang adventurers." Malungkot na giit ni Lord Helbram.

Taimtim at malumanay namang tumingin sa kaniya si Sect Master Noah. Tumingin din si Sect Master Noah sa mata ni Prinsesa Diana ngunit isang bahagyang pagyuko lamang ang kaniyang natanggap.

Umalis na si Sect Master Noah sa kinatatayuan niya ng hindi man lang nag-iiwan ng salita at lumapit na sa limang umiiyak na miyembro ng Soaring Seven. Tinanguhan niya ang mga ito at hinimas ang nasa balikat niyang si Munting Red. Tumingin sa kaniya ang maliit na tigre na para bang nag-aalinlangan. Nakaramdam at alam nitong may kulang kaya naman hindi rin nito maiwasang malungkot.

Tumalon ito papunta sa bakanteng espasyo at ilang sandali pa, lumaki at lumapad ang buong katawan nito. Humaba at tumilos ang naglalakihang kuko nito at kitang-kita na rin ang patilos na pangil ng malaking pulang tigre ni Sect Master Noah.

Binuhat nina Sect Master Noah at Elder Marcus ang mga batang adventurers at tumalon patungo sa malapad na likod ni Munting Red. Naglabas ito ng nakakabingi ngunit madamdaming ungol at sa isang pagaspas ng malalaki nitong pakpak, umangat agad ito sa ere at mabilis na lumipad.

Tinitigan naman ni Prinsesa Diana ang malaking pulang tigre at nagpunas ng kaniyang luha. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa pigura ni Sect Master Noah at binigyan ito ng isang madamdaming titig.

"Patawarin mo ako... Kuya."

--

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

396K 15.2K 126
Si Kirito, isang 15 years old na binata ay papasukin ang isang nasirang game, ang Heroes Quest Online. Tatlong bagay lang ang gusto niyang mangyari...
562K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
137K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
933K 91.9K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...