Legend of Divine God [Vol 2:...

Bởi GinoongOso

705K 45.7K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Xem Thêm

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter L

9.8K 741 97
Bởi GinoongOso

Chapter L: Leave!!!

Nagkatinginan ang limang miyembro ng Soaring Seven. Nagtataka sila sa kung ano ang pinagsasabi ni Ashe Vermillion. Magluto...? Bakit pinagluluto ni Ashe Vermillion si Finn Doria sa delikadong lugar na 'to?

Hindi sila andito upang kumain at isa pa, hindi pa tapos ang pagsubok upang sila ay magkasiyahan. Kailangan pang magpahinga ng bawat isa sa kanila dahil sa sobrang pagod.

Pinanliitan ng tingin ni Finn Doria si Ashe Vermillion at nagwika, "Binibining Ashe, hindi mo ako tagapagluto."

"Alam ko pero kasi... kailangan din nila ang iyong nilutong pagkain upang mas mapabilis ang panunumbalik ng kanilang lakas. Bukod pa roon, hindi ko maikakailang masarap kang magluto kaya naman gusto ko ulit itong matikman..." determinadong tugon ni Ashe.

Matapos niyang matikman ang nilutong pagkain ni Finn Doria, hindi niya makalimutan ang kasarapan nito. Lagi niya itong iniisip at hindi niya inaakalang napamahal na pala agad siya sa luto ni Finn Doria.

"Kaya mong magluto ng Elixir Cuisine? Huwag mong sabihing isa ka ring Soul Chef?!" bigla namang singit ni Lore Lilytel.

Hindi makapaniwala si Lore sa kaniyang narinig mula kay Ashe Vermillion na ang luto ni Finn Doria ay may kakayahang magpagaling gaya ng mga pills na gawa ng Alchemist. Ibig sabihin ay isa rin siyang Soul Chef?!

Gaano ba karami ang propesyon ni Finn Doria?!

"Mn." Tumango lang si Finn Doria kay Lore Lilytel at hindi na muling nagsalita pa.

Kahit na hindi maikukumpara ang Soul Chef sa mga Alchemists at Blacksmiths, mayroon pa rin silang magandang reputasyon sa buong Sacred Dragon Kingdom. Karamihan sa mga Soul Chef ay nasa palasyo bilang personal na tagapagluto ng Hari, ng mga Ministro at mga opisyal.

Gaya ng mga pills, ang mga niluluto rin ng mga Soul Chefs ay mayroong pambihirang epekto sa kakain nito. Mayroong maikukumpara sa Tier 5 Pill at ang lasa naman ng mga niluluto ng mga Soul Chefs ay hindi rin maaaring maliitin.

Sinimangutan ni Finn Doria si Ashe Vermillion at hinawakan niya ang kaniyang Interspatial Ring. Agad na lumitaw sa kaniyang harapan ang ilang kagamitan niya sa pagluluto at ang natirang bahagi ng Supreme Mantis Shrimp.

Dahil sa laki at dami nang inilabas ni Finn Doria na kagamitan, mabilis itong nakita ng ibang batang adventurers. Sumulyap sila at nagtaka sa kilos na ito ng binata. Itinuon din nila ang kanilang atensyon sa panonood sa bawat galakilos at galaw ng binata.

"Naglabas si Finn Doria ng mga kagamitan sa pagluluto..? Binabalak niya bang magluto sa lugar na 'to?" naguguluhang tanong ng ibang batang adventurers sa kanilang kasama.

"Magluluto? Masyadong delikado sa lugar na ito at baka mas maka-akit pa siya ng mga Vicious Beast.." komento naman ng isa pa.

"Hmph. Sa oras na mangyari 'yon dapat ay kumilos siya upang mapanatili ang kaligtasan nating lahat. Siya ang gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak natin." Inis na wika naman ng isa mula sa Royal Clan.

"Bakit ganyan ka? Iniligtas niya tayo at si Prinsesa Diana mula sa mga kasumpa-sumapang nilalang na 'yon ngunit sa halip na magpasalamat ka, iniisip mo pang mas magaling at mas matalino ka kaysa kay Finn Doria. Hmph. Hindi ka nga maikumpara sa kalingkingan ni Finn Doria. Kung may kakayahan ka, bakit hindi mo kayang gawin ang tungkulin mo bilang maharlika." Wika ng isa mula sa Burning Heaven Sect.

Hindi naman nakikinig si Prinsesa Diana sa pagtatalo-talo ng mga batang adventurers. Ang kaniyang mga mata ay nakapako sa binata habang elegante nitong hinihiwa ang malaking hipon gamit ang kaniyang High-tier Excellent Armament. Isa itong kaaya-ayang tanawin para sa kaniya at para sa kaniyang mga mata, ang buong paligid ni Finn Doria ang nagniningning na para bang mga bituin.

Kahit na nakakaramdam si Finn Doria ng mga tingin at titig, hindi nawala ang kaniyang buong atensyon sa pagluluto. Seryoso siya habang isa-isang inilalagay ang mga sangkap sa malaking palayok na nakasalang na sa apoy.

Hindi pangkaraniwang sangkap ang mga ginamit niya rito, mayroong mga Tier 6 Medicine Herbs ang ginamit niya kaya naman siguradong malaki at maganda ang magiging epekto nito sa kakain.

Ginamit niya ang kaniyang soulforce upang kontrolin ang temperatura ng apoy. Mahinahon niyang hinalo ang kaniyang niluluto at ilang sandali pa, pumalibot ang napakabango at napakasarap na amoy sa buong paligid.

Nang maamoy ito ng mga naroroon, mayroong ilan na nakaramdam ng gutom. Bigla na lamang kumulo ang kanilang tiyan na para bang naaakit ito sa masarap na amoy na inilalabas ng pagkaing niluluto ni Finn Doria.

Paanong nagkaroon ng napakabangong amoy ang niluluto ni Finn Doria?! Isa pa, punong-puno ang amoy na ito ng mayamang natural na enerhiya.

Napalunok ang ilan sa mga batang adventurers. Mayroong ilan sa kanila na hindi na kumakain dahil ginagawa na nilang pagkain ang natural na enerhiya sa kapiligiran. Isa pa, kinasusuklaman nila ang pagkain ng mga ordinaryong pagkain. Kaya naman noong maamoy nila ang napakabango at napakayamang natural na enerhiya na nagmumula sa niluluto ng binata, hindi nila mapigilang maglaway.

Pinagmasdan nila ang bawat kilos ni Finn Doria at nang makita nila na sumandok ang binata ng sabaw at laman, hindi na nila napigilan ang kanilang sarili. Lalapit na sana sila ngunit isang pigura ang lumampas sa kanilang tabihan. At ilang sandali pa, nakita nila si Prinsesa Diana na katabi si Finn Doria.

"Finn, pwede ba akong makahingi? Hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumapit at subukang tikman ang luto mo. Ang amoy at natural na enerhiya na nagmumula sa iyong niluluto ay hindi hamak na mas lamang kaysa sa mga Soul Chefs sa palasyo." Namumulang wika ni Prinsesa Diana.

Ngumiti naman si Finn Doria at magsasalita na sana ngunit isang babae ang agad na lumitaw sa kaniyang kaliwa.

"Mahal na Prinsesa Diana, kung gusto mong matikman ang pagkaing ito, dapat maghintay ka. Ang pagkaing ito ay espesyal na inihanda ni Finn Doria para sa aming grupo." Seryosong tugon naman ni Ashe Vermillion.

Inagaw niya ang mangkok sa kamay ni Finn Doria at muling bumalik sa kaniyang pwesto.

Mapait na napangiti naman si Finn Doria dahil kay Ashe. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng dalagang 'yon para pagsalitaan niya ng ganoon ang Prinsesa.

"Hmph. Isa akong Prinsesa kaya hindi ko na kailangang pumila. Hindi ba, mga miyembro ng Soaring Seven?" tanong ni Prinsesa Diana kina Leo, Ezekias, Lore, Lan at Juvia.

Agad na maamong tumango naman ang lima at nag-iwas ng tingin. Bakit pa sila maikipagtalo sa Prinsesa para lamang sa pagkain? Baka ito pa ang maging dahilan upang maging miserable ang ang kanilang buhay sa hinaharap. Hindi rin nila kayang pumagitna sa pagtatalo ng dalawang katakot-takot na dalaga.

'Malaking bagay ba talaga kung sinong mauuna? Sasandok lang naman sila, bakit kailangan pang pumila..?' naguguluhang tanong ni Finn Doria.

Umiling lang siya at binigyan na lamang ng isang mangkok ang Prinsesa. Iniwan niya ang ibang mangkok sa tabi ng palayok at kumuha siya ng pagkain na para sa kaniya. Matapos nito, bumalik siya sa kaniya pwesto at umupo. Katabi niya si Ashe Vermillion at magsisimula na sana siyang kumain ng bigla siyang mapahinto.

Napatingin siya sa kaniyang kanang bahagi at napansin niya na hindi na si Leo ang kaniyang katabi, ang kaniyang katabi na ay si Prinsesa Diana!

"Hindi ako makapaniwala! Ang pagkaing ito ay maihahalintulad sa isang Tier 6 Pill! Isa pa, nararamdaman ko ang pagdaloy ng mayamang natural na enerhiya sa aking soulforce pathway, talagang kahanga-hanga!" hindi makapaniwalag komento ni Prinsesa Diana habang kumakain.

Pinagmasdan ni Finn Doria ang Prinsesa ngunit patay malisya naman itong abala sa pagkain. Napansin din ni Ashe ang Prinsesa kaya naman napasimangot siya.

Lahat ay nakaramdam ng kakaiba habang pinagmamasdan ang tatlong magkakatabi. Nahinto lang sila sa pagtitig ng maramdaman ang masamamang tingin ni Prinsesa Diana at Ashe Vermillion.

Nang marinig nila na maikukumpara ang pagkaing niluto ni Finn Doria sa isang Tier 6 Pill, gumuhit ang gulat at pagkabigla sa kanilang mga mata. Mabilis silang kumuha ng mangkok at nagtalo-talo kung sinong unang kukuha.

Nagsimula na ring kumuha ang iba ng kani-kanilang pagkain. At maliban sa mga miyembro ng Royal Clan at Ice Feather Sect, lahat sila ay humingi ng pahintulot kay Finn Doria upang matikman ang kaniyang niluto.

Patuloy na nagsasabi ng masama ang mga miyembro ng Royal Clan kay Finn Doria kanina kaya naman hindi nila maatim na kainin ang niluto nito. Tanging si Eight Prince na madalas na tahimik lang ang nagtungo upang humingi ng pahintulot.

Tungkol naman sa Ice Feather Sect, si Finn Doria ang mahigpit na kaaway ni Tiffanya Frois kaya naman lahat ng bagay tungkol sa binatang ito ay kinasusuklaman niya.

Hinayaan ni Finn Doria ang mga ito at sinabing para ito sa lahat. Hinayaan niyang makinabang ang lahat sa kaniyang niluto kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga ito sa binata.

Bawat isa ay abala sa kanilang pagkain, nilalasap nila ang sarap at malinaw nilang nararamdaman na mayroong mayaman at makapal na natural na enerhiya ang dumadaloy sa kani-kanilang Soulforce Pathway.

Nagpatuloy sa pagkain ang mga batang adventurers hanggang sa lumalim na ang gabi. Bawat isa ay nagmumuni-muni sa iba't ibang parte ng damuhan habang pinakikiramdaman ang makapal na natural na enerhiya na dumadaloy sa kanilang katawan.

Abala si Finn Doria sa pagbabalik ng kaniyang mga kagamitan nang biglang mahagip ng kaniyang paningin ang isang binata. Napahinto siya at napalingon sa pamilyar na pigura na kaniyang nakita sa hindi kalayuan. Nag-iisa ito at tahimik na nakaupo lang sa damuhan habang nakatingala sa langit.

Nang maitago na ni Finn ang lahat ng kaniyang kagamitan sa loob ng kaniyang interspatial ring, lumapit siya sa tahimik na binata at tinabihan ito.

Naramdaman naman ng binata ang paglapit ni Finn Doria kaya naman napabaling ang kaniyang atensyon dito.

Ngumiti ito kay Finn Doria at ang mata nito ay punong-puno ng pasasalamat.

"Finn Doria... Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo siguradong isa ako sa mga nasawi sa mundong ito." Malumanay na wika ni Lore.

Tama, ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Lore Lilytel. May napansin si Finn Doria na pagbabago sa aura nito kaya naman napangiti siya, "Ikinagagalak ko ang iyong matagumpay na paglakas, Lore Lilytel."

"Ito ay dahil sa iyong nilutong masarap at mayaman sa natural na enerhiya na pagkain. Dahil doon, nakatapak na rin ako sa 6th Level Scarlet Gold Rank. Talagang malaki na ang utang na loob ko sa'yo at hindi ko na alam kung paano ko pa mababayaran ang lahat ng 'yon." Mapait na ngiting tugon ni Lore.

Umiling naman si Finn Doria at tumingin sa mataas na buwan, "Huwag mo munang intindihin ang bagay na 'yon. Oo nga pala, mayroon akong bagay na ibibigay sa'yo."

Kumuha si Finn Doria ng isang interspatial ring mula sa kaniyang bulsa at iniabot ito kay Lore Lilytel. Matagal niya na itong inihanda para kay Lore. Nagtataka naman itong tinitigan ng binata ngunit hindi niya pa rin ito tinatanggap.

"Anong laman ng interspatial ring na 'to?" nagtatakang tanong ni Lore Lilytel.

"Mga bagay na hinihiling mo. Mayroon din akong ekstrang inilagay dyan at siguradong gamit ang mga kayamanang 'yan, mahihigitan mo na si Azur sa maikling panahon lamang." Nakangiting wika ni Finn Doria habang nakalahad pa rin ang kaniyang kamay kay Lore Lilytel.

"Mga bagay na hinihiling ko...?" nanginig ang buong katawan ni Lore Lilytel at dahan-dahan niyang inabot ang singsing na ibinibigay ni Finn Doria.

Nanginginig ang kaniyang buong kamay habang hawak-hawak ang singsing.

Isa lang naman ang hinihiling ni Lore kay Finn Doria at yun ay walang iba kung hindi ang ilang Advance Scarlet Pill!

Huminga si Lore Lilytel nang malalim at buong tapang na pinakiramdaman ang laman ng interspatial ring.

Kitang-kita ang gulat at pagkabigla sa kaniyang ekspresyon. Muntik niya pang maihulog ang singsing sa damuhan ngunit dahil sa bilis ng reaksyon niya, agad niya itong sinalo at hinawakan ng mabuti.

Ang rason kung bakit gulat na gulat siya ay dahil sa mahigit isang daang Advance Scarlet Pill na nasa loob! Hindi niya inaasahang mayroong ganito karaming pills ang binata kaya naman taimtim siyang napatitig kay Finn.

Hindi ba't sabi ni Finn Doria sa mga Faction Master ay wala na siya nito at wala siyang sangkap upang gumawa nito? Kung gayon, saan nanggaling ang mahigit isang daang Advance Scarlet Pill na 'to?!

Pero hindi lang 'yon ang lubos na nagpagulat sa kay Lore Lilytel, mayroon ding kakaibang libro tungkol sa Sword Art ang nasa loob ng singsing kaya niya ito muntik na maihulog.

Nararamdaman niya ang lakas at kaibahan sa Sword Art na ito. Naisip niya tuloy na kung sakaling matutunan niya ang technique na ito, siguradong matatalo niya na si Azur Lilytel. Nararamdaman niyang mas malakas ang Sword Art na ito kaysa sa Immortal Sword Art ng Immortal Sword Pavilion.

Tinatawag itong Sword Saint Art at mayroon itong kabuuang anim na skills.

Gaano ito kahalaga?! Kahit ang Immortal Sword Art ng Immortal Sword Pavilion ay binubuo lamang ng apat na skills.

Malalim na tumitig si Lore Lilytel kay Finn Doria at naiilang na nagwika, "Pero Finn Doria ang halaga ng mga bagay na ito..."

"Hindi mo na kailangan pang problemahin ang bagay na 'yan. Mayroon lang na tatlong bagay akong hihingiin sa'yo kapalit ang mga 'yan." Malumanay na tugon naman ni Finn Doria habang nakatingin siya sa kalangitan.

"Tatlo lang...? Kahit ano pa ang tatlong bagay na 'yon basta hindi ko kailangang magtraydor sa sarili kong pinagmulan, gagawin ko ang mga gusto mo!" tumayo si Lore Lilytel at malalim na yumuko sa binata.

Malayo sila sa ibang batang adventurers kaya naman tanging sila lang ang nakaririnig sa kanilang usapan.

Tumingin naman sa kaniya si Finn at bahagyang ngumiti, "Gaya nga ng sabi ko noon, syempre hindi ko hihilingin ang bagay na 'yon. Ang gusto ko lang naman ay una, ilihim mo ang lahat ng ibinigay ko sa'yo sa lahat ng adventurer, pamilya o malapit man sa'yo. Habang ang ikalawa ko namang kahilingan ay huwag mong ipapasa sa kahit kanino ang Sword Art na 'yan. Maaari mo lang ipasa 'yan sa iyong magiging estudyante sa hinaharap, at dapat mo ring sabihin 'yan sa kaniya. At ang pangatlo naman, sa susunod ko na lang sasabihin 'pag mayroon na akong naisip."

Napatulala naman saglit si Lore Lilytel. Muli siyang yumuko at nagwika, "Finn Doria, isinusumpa ko na hindi ko ipapaalam sa iba ang tungkol sa mga bagay na ibinigay mo sa akin ng wala mong pahintulot. Sa oras na labagin ko ang aking sinumpaan, tatanggapin ko ang pinakamalupit na kaparusahan ng kalangitan."

Malaking-malaki ang pasasalamat niya kay Finn Doria. Sa tulong ng mga bagay na ibinigay niya, makakabuo na siya ng pwersa na lalaban kay Azur Lilytel para sa pwesto sa pagiging Family Head ng Lightning Wind Family.

Hindi niya na kailangan pang problemahin si Azur dahil alam niyang madali na lang para sa kaniya ang higitan ang kaniyang pinsan.

Tumango naman si Finn Doria bilang pagsang-ayon. Tinutulungan niya si Lore dahil sa nararamdaman niya rin kung ano ang nararamamdaman ng binata.

Kahit na may kahambugan at mapagmalaki si Lore Lilytel, mayroon siyang katapatan at pagmamahal sa kaniyang pamilya gaya ni Finn Doria kaya naman dahil dito, talagang humanga sa kaniya ang binata.

Matapos ang ilang sandali, bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ni Finn Doria ng mayroon siyang maramdamang pagbabago sa kaniyang kalooban at kakaiba sa paligid.

Agad siyang tumayo at nagdilim ang kaniyang ekspresyon. Tiim bagang niyang hinawakan ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang High-tier Excellent Armament sa kaniyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan at ang kaniyang katawan ay nabalutan din ng nakakatakot na aura.

Nagulat naman si Lore Lilytel sa biglaang pagbabago ng kilos ng binata. Nagtataka siyang tumingin dito at marahang nagtanong, "Mayroon bang problema, Finn Doria?"

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Lore na nawala ang pagiging kalmado ni Finn Doria. Naramdaman niya ang nakakapangilabot na aura ni Finn Doria kaya naman hindi niya mapigilang mapaatras at maguluhan sa mga nangyagari.

"Bilisan mo at puntahan mo silang lahat. Lisanin niyo na ang lugar na ito!" mariing saad ni Finn Doria.

Tiim bagang na nakatingin si Finn Doria sa kanilang harapan at ang kaniyang paningin ay nasa malayong lugar ngunit kahit anong tingin naman ni Lore Lilytel ay wala siyang makitang kahit ano sa direksyong yun.

Naguguluhan siyang tumingin kay Finn Doria at nagtanong, "Pero bakit...?"

"H'wag ka nang magtanong! Sumunod ka nalang sa sinasabi ko! Puntahan mo sila at umalis na kayo sa lugar na ito!!!"

--

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

God's Cage | WOTG #1 Bởi ACWalterson

Khoa Học Viễn Tưởng

130K 6.2K 67
(Under Revision) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, polit...
1.4K 163 19
A collection of english poems from the heart. Feel free to leave your comments! Started: February 7, 2023 Ended: Rank #2 as of Feb. 13, 2023 Rank #7...
137K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
413K 85.5K 82
Ngayong tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn sa mundo ng alchemy, oras na para maisakatuparan niya ang kanyang hangarin na paghihiganti sa mga sal...