Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XLIX

9.7K 712 61
By GinoongOso

Chapter XLIX: Terrifying Existence

"Finn Doria!"

Napasigaw si Prinsesa Diana dahil sa sobrang gulat. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lang sa binata habang ang kanyang bibig ay nakaawang dahil sa sobrang pagkabigla. Nakatingala siya habang pinagmamasdan ang kaaya-ayang pigura ng binata at malinaw na makikita sa kaniyang mga mata na punong-puno ito ng paghanga sa binata.

Ilang sandali pa, namula ang kaniyang buong mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humanga siya sa kagaya niyang batang adventurer. Bumilis din ang tibok ng kaniyang puso na para bang gusto na nitong kumawala sa kaniyang dibdib.

Malinaw niyang nasaksihan kung paano tapusin ng binata ang kakaibang nilalang na matagal niya nang kinakalaban. Tinapos ito ni Finn Doria gamit lamang ang isang wasiwas ng kaniyang espada.

Matapos maglaho at maging abo ng nilalang, sumugod naman si Finn Doria kasama ang ilang pigura patungo sa iba pang mga kakaibang nilalang.

Nakapako lang ang tingin ni Prinsesa Diana kay Finn Doria habang pinapatay nito ang mga kakaibang nilalang gamit ang kaniyang armas. Isa itong pambihirang pangyayari para sa Prinsesa, pinagmamasdan niya kung paano makipaglaban ang binata at ang kaniyang mga mata ay nagniningning ng sobra.

Sa mundong ito, karamihan sa mga babae ay madaling humanga at mahulog sa lalaking matatapang at malalakas, at ito ang nararamdaman ngayon ng Prinsesa kay Finn Doria.

Nasa panganib ang buhay ni Prinsesa Diana ngunit dahil sa tulong ni Finn Doria, nagawa niyang makaligtas.

Ilang pagsabog pa ang narinig bago tuluyang tumahimik at maging payapa ang buong paligid. Minuto pa lang ang lumilipas mula nang dumating ang grupo nina Finn Doria ngunit matagumpay na nilang napatay ang lahat ng kakaibang nilalang at ang lahat ng ito ay dahil sa lakas na taglay ni Finn Doria. Ang binata ang halos umubos sa mga kakaibang nilalang ng wala man lang kahirap-hirap. Ginamit niya lang ang pambihira niyang espada at ang kaniyang pisikal na lakas.

Nang matagumpay nilang naubos ang mga kakaibang nilalang, karamihan sa mga batang adventurers na nakikipaglaban kanina pa ay bumagsak ang katawan sa lupa dahil sa sobrang pagod at pamamanhid ng katawan. Nawalan ang iba ng malay ngunit mababakas sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan. Nakaligtas sila mula sa kamatayan kaya naman sinong hindi matutuwa sa pangyayaring ito?

Kanina lang ay nawawalan na sila ng pag-asa dahil sa mas matataas ang antas ng lakas ng mga nilalang na ito kaysa sa kanila. Pero dahil sa pagdating ng grupo nina Finn Doria, matagumpay silang nakaligtas sa kamatayan.

Nakahinga na nang maluwag ang lahat. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin sila

Agad na itinago nina Finn at ng iba ang kani-kanilang armas sa loob ng kanilang interspatial ring. Agad na pinakain ng Recovery Pill ng ibang batang adventurers ang mga nawalan ng malay.

Nagtipon-tipon ang bawat magkakasama sa faction habang ang mga miyembro naman ng Soaring Seven ay nagtipon-tipon sa tabi ni Finn Doria. Nagsimula silang mag-usap at magdiskusyon sa isa't isa.

Sa hindi kalayuan, titig na titig pa rin si Prinsesa Diana kay Finn Doria. Kahit na lumapit na sa kaniya ang dalawang Prinsipe ay hindi pa rin siya matinag sa kaniyang pagtitig. Ang kaniyang tingin ay nakapako lang kay Finn Doria at walang sinuman ang nakikita niya bukod sa binata.

Madilim ang ekspresyon ni Prinsipe Theo habang nakikita ang astang ito ng Prinsesa. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at tiim bagang na tiningnan si Finn Doria ng nakamamatay na tingin

--

"Finn Doria, Salamat sa tulong mo." Nahihiyang giit ni Ezekias.

Tumango si Finn at nginitian ang binata, "Mn. Masaya akong malaman na buhay at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng miyembro ng Soaring Seven."

"Maswerte lang kaming nakahanap ng makakasama. Isa pa, patag ang lugar na ito kaya naman madali naming nahanap ang isa't isa." Tugon naman ni Juvia.

"Siguradong matutuwa sina Sect Master Noah at Elder Marcus." Tangong komento ni Finn.

Masayang tumango silang lahat maliban kay Ashe Vermillion na hanggang ngayon ay nalulunod pa rin sa kaniyang isipan. Iniisip niya ang tungkol sa kakaibang nilalang na 'yon dahil ito ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng ganoong nilalang. Pamilyar siya sa iba't ibang uri ng Vicious Beast at alam niyang ang nilalang na 'yon ay hindi isang uri ng Vicious Beast.

Hindi pa siya nakakarinig at nakakakita ng mga nilalang na matapos mamatay ay maglalaho at magiging abo na lang bigla. Gayunpaman, kahit na naglaho ang katawan ng mga kakaibang nilalang, tumatak ang hitsura at nakakapangilabot na aura ng mga ito sa kaniyang puso't isipan.

Nakaramdam siya ng delikadong presensya na nagmumula sa bawat isa rito kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapanatag. Mas nakapangingilabot pa ang kanilang presensya kaysa sa mga Vicious Beast kaya hindi siya mapalagay sa kaniyang nararamdaman.

Napansin naman ng kaniyang mga katabi ang pananahimik ni Ashe Vermillion kaya naman hindi nila mapigilang magtaka sa kung ano ang iniisip ng dalaga.

"Anong problema?" malumanay na tanong ni Finn Doria sa dalaga.

"Ano ang mga nilalang na 'yon..? May ganoon ba talagang nilalang ng nabubuhay sa mundong ito?" lutang na tanong ni Ashe.

Naging seryoso naman silang lahat. Taimtim at malalim na tiningnan ni Finn si Ashe at marahang nagwika, "Alam mo rin naman na malawak ang mundong ito, Binibining Ashe. Hindi lang mga uri ng tao ang nabubuhay sa mundong ito dahil mayroon ding iba't ibang uri ng nilalang ang matatagpuan sa buong mundo."

Naguluhan at nalito naman sina Lore sa mga sinabi ni Finn Doria. Totoong mayroong iba't ibang uri ng nilalang ang mga nabubuhay sa mundong ito kaya naman naisip din nila na baka isa ito sa libo-libong uri ng nilalang na nabubuhay sa buong mundo. Pero ano ito?

Ang tangi lang nilang alam na uri ng nilalang ay Tao, Vicious Beast at Elves... Hindi kaya...

"Ang mga nilalang ba na 'yon ay uri ng Demon?!" gulat na tanong ni Lore ng mapagtanto niyang may pagkakahawig sa diskripsyon ang mga nilalang na 'yon sa mga demonyo.

Umiling si Finn Doria at bumuntong hininga. Inilibot niya ang kaniyang paningin at malumanay na nagwika, "Malabo. Ang mga Demons ay kagaya lang rin ng mga tao, may kakayahan silang magsalita at makipag komunikasyon sa mga kapwa nila demonyo at tao. Ang ipinagkaiba nga lang, mayroon lang silang mga sungay at ang kanilang mga balat ay iba rin ang kulay."

"Kung hindi demons ang mga 'yon, ano?" tanong bigla ni Ashe.

"Hindi ko alam." Kalmadong tugon ni Finn.

Tiningnan naman siya ni Ashe na mayroong pagsususpetya. Gayunpaman, hindi niya makitaan ng kahit anong reaksyon ang binata kaya naman umiling na lang ang dalaga at nanahimik.

Sa totoo lang, mayroong imahe ang namumuo sa isipan ni Finn Doria ng makita niya ang mga nilalang na 'yon. Ito ay dahil sa impormasyon na ibinigay ng system, binigyan siya ng system ng maraming impormasyon tungkol sa iba't ibang nilalang sa mundong ito. Pero kahit na mayroong pagkakapareho sa diskripsyon ng system tungkol sa mga nilalang na 'yon, hindi niya ito makumpirma dahil mayroon pa ring kaibahan ang mga nilalang na 'yon.

Ayon sa System, ang mga nilalang na 'yon ay tinatawag na 'Devils'. Mas masahol pa sila sa mga Demons dahil likas na sa mga Devils ang mapangwasak. Hindi rin natural na enerhiya ang hinihigop ng mga Devils upang lumakas. Ang dark o death energy ang pinakamarahas at pinaka-nakapangigilabot na enerhiya sa mundo ng mga adventurers. Namumuo lang ito sa mga lugar na walang buhay.

Tungkol naman sa mga Devils na nakasagupa nila, mayroong naramdaman na soulforce si Finn Doria sa mga ito na hindi naman dapat. Napansin niya rin na wala sa katinuan ang mga nilalang na 'yon habang nakikipaglaban at tanging karahasan lang ang kanilang pinapairal. Mayroon ding kakayahan ang mga dyablo na magsalita. Isa pa, sa tuwing namamatay ang mga ito, bukod sa abo, nag-iiwan rin ang mga ito ng 'Devil Seed'.

Ayon sa impormasyon na ibinigay ng system, ang devil seed ay maihahalintulad sa soulforce coil ng mga tao at magic crystal ng mga Vicious Beast. Ito ang imbakan ng nahihigop nilang death energy sa kapaligiran.

Matapos malunod ni Finn Doria sa kaniyang isipan, natauhan siya ng bigla na lamang may lumapit sa kaniyang tatlong pigura ng tao, isang babae kasama ang dalawang lalaki. Kahit na hindi maganda ang kalagayan ng dalawa sa mga ito, nakasuot ito ang tatlong batang adventurers nang kumikinang na gintong roba kaya naman nalaman agad ng binata kung sino ang mga ito.

Ang tatlong ito ay walang iba kung hindi sina Prinsesa Diana at ang dalawang Prinsipe.

"Finn Doria... Maraming salamat sa pagliligtas mo sa aking buhay. Huwag kang mag-alala, sa oras na makabalik ako sa palasyo, sasabihin ko kay Amang Hari ang iyong katapangan." Giit ni Prinsesa Diana habang nagniningning ang kaniyang mga mata.

"Wala anuman. Tinutulungan ko lang ang mga kasama ko sa Soaring Seven. Maraming salamat din sa tulong mo, Prinsesa Diana. Dahil sa'yo, hanggang ngayon ay ligtas pa rin sina Ezekias, Lan at Juvia." Ngiting wika ni Finn Doria. Tumingin ang binata kina Ezekias at malumanay na nagtanong, "Mukhang matagal niyo ng kinakalaban ang mga nilalang na 'yon. Nais ko lang malaman, ilang mga nilalang ang umatake sa inyo?"

Sasagot na sana si Ezekias pero natigilan siya ng marinig na naunahan na siya ni Prinsesa Diana na magsalita.

"Labing dalawa lahat ng mga kakaibang nilalang at bago pa man kayo dumating, tatlo na ang namatay na nilalang habang limang kasama naman natin ang nasawi. Nakikipaglaban na kami sa kanila ng halos isang araw at hindi namin alam kung saan nagmula ang mga nilalang na 'yon at wala rin akong ideya kung anong klaseng nilalang ito. Sa aklatan sa palasyo, walang nakatalang ganoong uri ng nilalang ang aking nakita o nabasa man lang." Mabilis na sagot ni Prinsesa Diana.

Bawat isa ay nagulantang sa asal ng Prinsesa. Nakatulala habang nakabuka pa rin ang bibig ni Ezekias dahil sa sobrang pagkabigla. Siya ang tinatanong ni Finn Doria kaya naman dapat ay siya ang sumagot, hindi ba?

"Ganoon pala..." naiilang na sagot naman ni Finn.

Maging siya ay nabigla sa pagiging sobrang masigla nito. Kanina lang ay pagod na pagod ito at muntik ng mamatay pero sa hitsura niya ngayon, mukhang hindi naman siya gaanong naapektuhan.

"Mayroong mga malubhang nasugatan sa paglalaban kaya naman iminumungkahi ko na magpahinga muna ang lahat. Malapit na ring lumubog ang araw at hindi pa rin ligtas ang lugar na ito para sa atin. Masyado itong patag kaya naman madali tayong matatagpuan ng mga Vicious Beast at ng mga nilalang na 'yon. Kailangan nating magtulong-tulong upang makaligtas sa natitira pa nating pitong araw sa mundong ito." Paliwanag ni Finn Doria.

Wala namang tigil sa pagtango ang Prinsesa habang nakikinig kay Finn Doria. Para siyang maamong tupa na sumusunod sa kaniyang pastol.

Sa tabi naman ni Prinsesa Diana, nagdilim ang ekspresyon ni Prinsipe Theo habang si Eight Prince naman ay bahagyang nakangiti. Hindi gusto ni Prinsipe Theo ang sumunod sa lahat ng kagustuhan ni Finn Doria. Isa siyang Prinsipe at bukod sa hari at sa kaniyang Lord Uncle Helbram, walang sinuman ang may karapatang utusan siya. Gayunpaman, naramdaman niya ang malamig at matalim na titig ni Prinsesa Diana sa kaniya kaya naman nanatili siyang tahimik.

Kahit na mas matanda si Prinsipe Theo kay Prinsesa Diana, mas mataas naman ang katayuan ng Prinsesa sa palasyo dahil sa kaniyang pambihirang talento. Paboritong-paborito siya ng hari kaya naman wala siyang magawa kung hindi maging magalang sa kaniyang nakababatang kapatid.

"Eight Prince, Tenth Prince, sabihin niyo sa lahat ang mungkahi ni Ginoong Finn Doria. Kailangan muna nating magpahinga at hintayin na matapos ang pagsubok na ito. Kung magtutulong-tulong tayo sa loob ng pitong araw, mas marami ang makakaligtas mula sa kamatayan." Seryosong wika ni Prinsesa Diana.

Ang paraan niya nang pakikipag-usap sa dalawa niyang kapatid na Prinsipe ay ibang-iba sa paraan niya nang pakikipag-usap kay Finn Doria. Walang bakas ng respeto ang kaniyang pagsasalita tuwing kausap niya ang sarili niyang mga kapatid habang may paghanga at nakangiti naman siya sa tuwing nakikipag-usap kay Finn Doria.

Napansin ito ng lahat ng naroroon kaya naman mayroon silang naramdaman na kakaiba sa paraan ng pagtrato ni Prinsesa Diana sa binata. Para bang mayroong lihim na pagtingin ang Prinsesang ito sa binata.

Natural lang naman 'yon dahil sa talentong taglay ni Finn Doria. Bawat babae naman sa mundong ito ay madaling nahuhulog sa mga lalaking malakas at talentado. Bukod pa roon, hindi lang talento ang mayroon si Finn Doria, ang kaniyang pisikal na kaanyuan ay hindi rin pangkarinawan kaya naman sinong babae ang hindi mahuhulog sa kaniya?

"Kung gayon, maayos na ang lahat." Patay malisyang tugon naman ni Finn Doria. Tumingin siya sa buong paligid at tiningnan isa-isa ang mga batang adventurers na nakaligtas. Tumigil ang kaniyang paningin kay Tiffanya Frois ngunit agad rin namang nabaling sa iba ang kaniyang atensyon. Matapos makita ang lahat ng naligtas, nagulat si Finn Doria ng mayroon siyang napansin na kakaiba.

Wala sa mga ito si Brien Latter!

Maaari kayang dito na nagwakas ang buhay ng hambog na binatang 'yon? Ito ang pumapasok sa isipan ni Finn Doria.

Mayroong kakaiba kay Brien kaya naman nagtataka si Finn Doria dahil wala ang binata sa mga batang adventuders. Gayunpaman, hindi na ito binigyang halaga pa ni Finn Doria, wala siyang pakialam kay Brien Latter kahit na mamatay pa ito sa loob ng Mystic Treasure Realm. Ang mahalaga lang sa kaniya ay buhay at kompleto pa ang Soaring Seven.

Matapos magpaalam sa isa't isa, muling nagtipon-tipon ang magkakasama sa faction. Gumawa sila ng kani-kanilang apoy at naupo sa paligid nito.

"Siguradong magugulat at matutuwa sina Sect Master Noah at Guro sa oras na makalabas tayong lahat ng buhay." Sabik na wika ni Leo.

Bawat isang miyembro ng Soaring Seven ay mayroon ding ngiti sa kanilang mga labi. Kung makakalabas silang lahat ng buhay mula sa mundong ito, siguradong magsasaya ang buong pamunuan ng Cloud Soaring Sect. Ang grupong ito ay mapapabilang sa kasaysayan dahil sa pambihirang pangyayaring ito. Kaiinggitan ng ibang Faction ang Cloud Soaring Sect dahil dito at maging ang Royal Clan ay siguradong magugulat.

Wala pang tala sa buong kasaysayan ng Sacred Dragon Kingdom na mayroong isang buong grupo ang matagumpay na nakalabas sa Mystic Treasure Realm. Madalas na karamihan ay nasasawi sa loob nh mundong ito.

Habang nakaupo ang pitong miyembro ng Soaring Seven. Bawat isa sa kanila ay mayroong ngiti na nakaguhit sa kanilang mga labi. Hindi maitago ang galak at sabik sa bawat mukha ng mga miyembro ng Soaring Seven.

"Kung magagawa nating lahat na makalabas ng buhay sa mundong ito, siguradong bawat isa sa atin ay malayo ang mararating sa hinaharap. Kahit na ang mundong ito ay punong-puno ng pagsubok, maraming aral ang itinuro nito sa atin. Hindi makakaligtas ang sinuman kung papanatilihin natin ang pagiging makasarili at mapagmalaki." Nakangiting namang giit ni Ezekias.

Tama si Ezekias, dahil sa mga pagsubok na kanilang hinarap, mas lalo silang tumatag at tumibay. Naiintindihan na nila ngayon kung gaano kalupit ang kanilang mundong ginagalawan, hindi nila alam kung kailan may aatake sa kanila.

"Sa tulong ng mga nakolekta nating kayamanan. Maaari natin itong magamit upang mas lumakas pa tayo." Naiilang na wika ni Lan Vermillion.

Napatango sina Leo, Lore, Ezekias at Juvia. Naging malaki rin ang kanilang nakolektang kayamanan sa mundong ito kabilang na ang ilang medicine herbs, armaments, bangkay ng Third Grade at Fourth Grade Vicious Beast at mga magic crystals nito. Walang sinuman ang nakakaalam kung anong antas ng lakas ang mararating nila sa oras na pakinabangan na nila ang mga ito.

Lahat sila ay masasayang nag-uusap, maging si Ashe ay nakikisali na rin. Mas madali na siyang lapitan at kausapin ngayon kaysa noon kaya naman hindi maitago ang saya ng mga kasama niya habang nag-uusap. Inabot na sila ng gabi dahil sa pagkukwentuhan.

"Gabi na kaya naman oras na siguro upang tayo ay magpahinga. Kahit na hindi na natin kailangan pang matulog, kailangan pa ring manumbalik ng mga lakas niyo upang maging handa tayong lahat. Ituon niyo ang inyong buong atensyon sa pagpapagaling at 'wag kayong mag-aalala dahil babantayan ko kayo." Ngiting wika ni Finn Doria.

Bago pa man makasang-ayon ang lima, nakapagsalita na agad si Ashe Vermillion,

"Ano kaya kung magluto ka na lang ulit Finn Doria? Dapat ay magkaroon tayo ng kasiyahan, hindi ba? Isa pa, gusto kong matikman muli ang luto mo..."

--

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 1.3K 84
Book 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang...
84.6K 6.5K 88
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilik...
170K 21.4K 39
Isang dalubhasang kawatan ang bigla na lang napunta sa mundo ng pantasya, kung saan umiiral ang mahika at katakot-takot na mga halimaw. Sa kamalas-ma...
1.6M 64.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...