Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XLV

9.8K 649 32
By GinoongOso

Chapter XLV: Why?

"Kung ganoon nga ang ginagawa ko, mayroon ka bang magagawa?" hambog na tanong ni Ashe Vermillion habang nakangisi.

Inis namang napailing si Finn Doria. Hindi niya inaasahang mangingikil ang dalagang ito sa kaniya. Siya ang nagsayang ng mga Recovery Pill na 'yon dahil sa kagustuhan niyang maghiganti. Kaya naman iniisip ni Finn na paanong siya ang may kasalanan? Sumasakit ang ulo niya kay Ashe ngunit sa huli, ibinigay pa rin niya ang gusto ng dalaga.

Walang rason upang makipagtalo pa siya rito at isa pa, ilang Recovery Pill lang ito at wala lang ito sa kaniya.

Nang maiabot ni Finn kay Ashe ang apat na maliit na bote na naglalaman ng Recovery Pill, kitang-kita ng binata kung paano kalapad na ngumiti si Ashe Vermillion. Napangiwi siya at mayroon sa loob-loob niya na nagsasabing naisahan siya ng dalagang ito.

"Nabayaran na kita, siguro naman ay patas na tayo?" kalmadong tanong ni Finn.

Binigyan naman ni Ashe ang binata ng masamang tingin at nagwika, "Inuulit ko, ang mga ito ay kabayaran mo dahil sa mga nasayang na Recovery Pill. Antayin mo na lumakas ako at makapaghiganti sa'yo, sa oras na makapaghiganti ako, patas na tayo."

Hindi alam ni Finn Doria kung matatawa o maiiyak ba siya sa sinabi ng dalaga. Talaga bang malaking bagay ang insidenteng iyon upang kagalitan siya ng dalaga ng ganito kalala?

Isa lamang insidente iyon at hindi sinasadya ni Finn Doria ang nangyari sa ilalim ng lawa. Inosente siya at hindi siya kriminal.

Matapos ang ilang sandali, kumalma na si Finn Doria at seryosong tumingin sa dalaga. Dahil sa isa siyang maginoong lalaki, kakalimutan niya na lang ito at hindi na makikipagtalo sa dalaga dahil alam niya naman na wala rin siyang magagawa upang ibahin ang imahe niya sa mata ni Ashe Vermillion.

Muling bumalot ang katahimikan sa buong kapaligiran. Ilang sandali pa, tumingin Finn sa buwan at naging malumanay ang kaniyang ekspresyon. Nalunod siya sa kaniyang isipan dahil mayroon siyang tanong na gusto niyang mahanapan ng sagot at dahil andito naman si Ashe Vermillion, ito na ang magandang pagkakataon upang itanong ito.

"Binibining Ashe, nagtataka lang ako. Bakit gustong-gusto mong lumakas?" seryosong tanong ni Finn.

Ang kaniyag mata ay hindi makikitaan ng kahit anong emosyon kung hindi ang pagiging seryoso. Matagal na siyang nagtataka kung bakit gusto pang lumakas ni Ashe Vermillion. Siguro nga lahat naman ay gustong lumakas pero iba ang sa dalagang ito, mayroong iba sa kaniyang mata na para bang hindi niya kayang makontento sa pagiging pangkaraniwan.

Nagmula si Ashe Vermillion sa isang Noble Clan at maaari na siyang mabuhay nang matiwasay kahit hindi niya hangarin ang maging malakas. Mayaman sila at hindi nawawalan ng mga alipin upang pagsilbihan siya. Nakakatanggap siya ng respeto at paghanga mula sa mga batang adventurers kaya naman bakit hindi na lang siya makontento sa ganito? Hindi niya na kailangan pang makipagsapalaran sa malupit na mundo at ibuwis ang kaniyang buhay para lamang makamit ang lakas na kaniyang inaasam-asam.

Hindi naman inaasahan ni Ashe ang tanong na ito ni Finn Doria kaya naman hindi siya agad nakatugon sa tanong ng binata. Malinaw niyang nakikita ang seryoso nitong ekspresyon kaya naman nanibago siya. Nagbago rin ang ekspresyon niya at mula sa nakasimangot nitong mukha, naging maaliwalas ito at malumanay.

Madalas niyang nakikita na kalmado si Finn ngunit sa pagkakataong ito, ang kaniyang mukha ay punong-puno ng pagiging seryoso.

Itinago ni Ashe ang mga mga boteng naglalaman ng Recovery Pill sa kaniyang interspatial ring at mahinahong tumingin kay Finn Doria. Ang kaniyang pares ng pulang mata ay para bang nagngangalit na apoy habang malumanay na nakatitig sa mata ng binata. Isa itong magandang tanawin at habang pinagmamasdan ito ng binata, hindi niya mapigilang humanga. Karapat-dapat lang talaga siya sa kaniyang titulo na isa sa dalawang pinakamagandang babaeng batang adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom.

Nag-iisa lang ang makakapantay sa kaniyang kagandahan. At bukod sa kasuklam-suklam na babaeng 'yon, wala ng pupwedeng ikumpara sa kaniya.

Nalunod si Finn Doria sa pagtitig sa mukha ng dalaga ngunit bigla naman siyang natauhan ng biglang magsalita si Ashe Vermillion.

"Bakit nga ba gusto kong lumakas..." mahinang saad ng dalaga habang nakatingin sa buwan. Iniunat niya ang kaniyang kamay na para tinatakluban ang sinag ng bilog na buwan, "Lahat naman tayo ay gustong lumakas pero bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang rason. Mayroon akong sariling rason kaya naman hindi ko gusto ang manatili bilang pangkaraniwan."

Nakita ni Finn Doria ang kilos na ito ng dalaga kaya naman nabaling din niya ang kaniyang atensyon sa kagandahang taglay ng buwan. Bilog ito at may pilak na kulay. Sa tabi nito ay maraming bituin na patuloy na kumikinang at nagbibigay kagandahan sa buong kalangitan.

Tumingin muli si Finn Doria sa dalaga at malumanay na nagwika, "Maaari ko bang malaman kung ano ang mga rason mo?"

Ibinaba ni Ashe ang kaniyang kamay at tumingin ng diretso sa malaking apoy sa kanilang harapan, "Wala namang masama kung sasabihin ko sa'yo. Isa pa, iniligtas mo ako mula sa panganib kaya naman masasabi ko na rin na utang ko ang buhay ko sa'yo."

Ibinaling ni Finn Doria ang kaniyang atensyon kay Ashe at habang nakatingin sa mata ng dalaga, nakikita ni Finn Doria ang repleksyon ng nagngangalit na apoy sa mga mata nito. Kalmado at malumanay ito ngunit makikitaan ng nag-aapoy na determinasyon ang loob nito. Dahil dito, tahimik na naghintay ang binata na magpatuloy sa pagsasalita ang dalaga.

Matapos ang ilang sandaling katahimakan, muling nagpatuloy sa pagsasalita si Ashe Vermillion, "Noong bata pa ako, madalas akong kinukwentuhan ni Ama kung gaano kalaki ang mundong ginagalawan natin. Lagi niyang sinasabi na ang mundo natin ay punong-puno ng misteryo at panganib saan ka man magpunta. Limitado lang ang pwede mong pagkatiwalaan dahil bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang kasakiman na tinatago. At malinaw naman sa akin na dahil sa kasakiman na 'yon, gagawin ng bawat isa ang lahat para lamang makamit ang lakas na kanilang hinahangad. Hindi lang sa Sky Rank nagtatapos ang lahat, nabanggit niya pa noon na mayroong Legend Rank na naninirahan sa First Rate Kingdom. Gaano nga ba kalakas ang isang Legend Rank? Kayang-kaya nilang wasakin ang isang buong Third Rate Kingdom sa loob lamang ng isang araw at isang gabi. Bawat isa ay kinakatakutan at nirerespeto ang mga kagaya nila dahil sa tingin ng iba, naabot na ng mga Legend Rank ang tuktok na pwedeng maabot ng mga tao. Syempre ay mga maimpluwensya at malalakas na adventurer lang sa ating kaharian ang nakakaalam nito, kahit ang mga Family Head ng Aristocrat Clan ay hindi alam ang bagay na ito. Lahat ng mga mahihinang angkan ay inaakalang isang kahanga-hanga at malabong pangyayari na ang makaabot sa Sky Rank pero hindi nila alam na mayroon pang Legend Rank."

Sandali siyang tumigil at bumuntong hinginga.

"Gayumpanan, mayroon pa ring mas malakas sa Legend Rank. Hindi ko alam ang tawag sa kanila, pero sa pagkakaalam ko, mayroong pang mas mataas at mas malaking mundo sa mundong ginagalawan natin. Naaalala mo yung sinabi ni Lord Helbram na mayroong mga 'diyos' na nagbibigay sa atin ng mga Armaments tuwing ika-sampung taon? Maaaring ang malaking mundong iyon ay ang mundo ng mga 'diyos'."

"Sa mata nila, isa lang tayong langgam na maaari nilang pisatin anumang oras nila gustuhin. Hindi sila nagpapakita sa atin dahil para sa kanila, hindi tayo nararapat sa kanilang atensyon dahil labag 'yon sa kanilang karangalan bilang mga 'diyos'. Marahil kinakaawaan nila tayo kaya naman binibigyan nila tayo ng mga bagay na hindi natin kailanman makukuha. Minamaliit nila tayo dahil sa ating kamangmangan at hindi ko gusto ang minamaliit ng kahit na sinuman, maging karaniwang tao man o 'diyos'."

"Ang pangunahin kong layunin ay maipakita sa mga 'diyos' na 'yon na hindi nila puwedeng maliitin ang mga Adventurer na nagmula sa maliit na mundo. Nais kong ipabatid sa kanila na hindi hadlang ang mabuhay sa maliit na mundo upang maabot ang tuktok ng lahat. Maaaring iniisip mo na isang kalokohan ang ideyang salungatin ang mga diyos ngunit ito ang pinaniniwalaan ko. Hindi ko gustong makulong sa maliit na mundong ito dahil gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan sa buong mundo ng mga Adventurers. Maaaring mahabang panahon pa ito ngunit kaya kong maghintay at harapin ang lahat ng pagsubok na dadating." Mahaba at kalmadong paliwanag ni Ashe.

Hindi naman mapigilan ni Finn na humanga sa dalaga dahil sa mga salitang binitawan nito. Iniisip niya rin ang tungkol sa mga 'diyos' ngunit kailanman ay hindi niya naisip na may gusto siyang patunayan sa mga ito. Panahon at oras lang ang kailangan niya upang lumakas. Alam na ng lahat ang kaniyang aktwal na lakas at kakayahan kaya naman siguradong ligtas na ang kaniyang angkan mula sa pagkawasak.

Sa oras na matapos ang pakikipagsapalaran niya sa Mytic Treasure Realm, babalik na siya sa teritoryo ng Azure Wood Family upang maghanda sa magaganap na paghihiganti.

Tumango-tango si Finn kay Ashe at muling ibinuka ang kaniyang bibig, "Talagang hinahangaan kita sa malawak mong pag-iisip, Binibining Ashe. Dahil sa iyong malawak at mataas na pangarap, alam kong hindi magtatagal ay malayo ang maabot mo."

Hindi naman tumugon dito si Ashe Vermillion, tumingin lang siya kay Finn Doria at muling nagwika, "Hindi mo ba gustong malaman ang iba ko pang rason kung bakit ko gustong lumakas?"

Natigilan si Finn Doria ngunit agad rin siyang tumango bilang pagsang-ayon.

"Gaya mo, nais ko ring protektahan ang mga taong nasa paligid ko. Nais kong magkaroon ng sapat na lakas upang protektahan sila mula sa mga masasamang Adventurer. Gusto kong ipagmalaki nila ako dahil sa sarili kong kakayahan, hindi dahil sa kanilang impluwensya. Bukod pa roon, nais kong malampasan at maghiganti sa dalawang tao..."

"At isa ka sa dalawang 'yon."

Nang marinig ni Finn ang huling sinabi ni Ashe, napangiwi siya at napatulala. Mukhang hindi talaga matanggap ni Ashe ang pangyayari. Ibig bang sabihin nito ay ito ang kauna-unahang beses na mayroong nakakita sa hubad na katawan ng dalaga? Tanong na gumulo sa isipan ng binata.

Pero syempre, walang balak at lakas ng loob si Finn Doria upang itanong ang tanong na ito.

Nang mapansin ni Ashe na napatulala ang binata, napangiti siya pero sa kabilang banda, napasimangot din siya.

Isang pigura ng lalaki ang biglaang pumasok sa kaniyang isipan kaya naman tiim bagang siyang ikinuyom ang kaniyang kamao. Mayroong galit at poot na makikita sa kaniyang mata ng lumabas sa kaniyang isipan ang pigura ng isang lalaki.

Ginawa niya ang lahat upang kumalma at pigil emosyon niyang itinuon ang kaniyang atensyon sa binata.

"Tinanong mo ako kung anong rason ko kaya naman tatanungin din kita, bakit gusto mong lumakas pa kahit na isa ka ng Profound Rank? Ito ba ay upang makapaghiganti sa mga taong nagkasala sa iyong pamilya?" seryosong tanong ni Ashe.

Tama, si Finn Doria ay isa ng ganap na Profound Rank sa kaniyang edad na labing pito. Isa na itong kahanga-hangang pangyayari na maging sa First Rate Kingdom lang makikita at masasaksihan. Lalo na't alam naman ng karamihan na nagmula pa si Finn sa isang Ordinaryong angkan.

Dahil dito, gusto pang malaman ni Ashe Vermillion ang malalim na dahilan kung bakit gusto pang lumakas ng binata, ito ba ay para lamang maghiganti?

Ngumiti naman si Finn sa tanong ng dalaga, "Pareho lang tayo, Binibining Ashe. Gusto ko ring maabot ang tuktok ng mundo at magpatuloy na makakalaban ng malalakas na Adventurer. Bukod pa roon, gusto ko ring iangat ang aking angkan at maprotektahan sila habang ako ay nabubuhay."

Malumanay na pinagmasdan ni Ashe ang ngiti ni Finn. Ilang sandali pa, isang palaisipan ang biglang namuo sa kaniyang isipan, "Kakayanin mo ba ng ikaw lang mag-isa? Hindi ka maaaring tulungan ng Cloud Soaring Sect dahil hindi papahintulutan ng Sacred Dragon Family ang pagsali ng mga Factions sa digmaang ito. Maaari ka lang na umasa sa iyong sarili upang protektahan ang iyong angkan, kung gusto mong maghiganti, maaari kang maghintay ng isa pang dekada upang tuluyan kang lumakas."

Ngumiti lang si Finn Doria. Syempre ay may paraan siya upang labanan ang Nine Ice Family. Kasalukuyan ng lumalakas ang Azure Wood Family at alam niyang sa oras na makalabas siya sa Mystic Treasure Realm, isang taon lang ang kanilang kakailanganin upang maging handa na sa digmaan.

Isa pa, hindi lang ito ang dahilan kung bakit gusto niyang lumakas pero dahil sa masyadong sensitibo ang mga ito, sinarili niya na lang ang ilan sa mga ito at hindi na ipinaalam sa dalaga.

Si Finn ay hindi totoong anak nina Creed at Olivia, hindi siya totoong miyembro ng Azure Wood Family at walang nakakaalam kung saan nga ba siya nagmula. Kung malalaman ito ng buong Sacred Dragon Kingdom, magkakaroon sila ng suspetya sa binata. Maraming posibilidad ang mamumuo sa kanilang isipan at isa na roon ang ideyang isang espiya si Finn Doria at kasabwat nito ang buong Azure Wood Family.

Dahil dito, kailangan niyang mapanatili ang lihim na ito. Ang kaniyang katauhan ang misteryo na gusto niyang malaman. Pero dahil sa walang nakakaalam kung saan nagmula ang angkan na Silva ang apelyido, mahihirapan siyang alamin ang lahat.

Sino nga bang tao na may pagpapahalaga sa kaniyang pamilya ang hindi gugustuhing malaman ang kaniyang pinagmulan?

Kahit na 'inabandona' siya ng kaniyang mga magulang, hindi pa rin ito dahilan upang kagalitan niya ang mga ito. Lagi niyang iniisip na mayroong dahilan sa lahat ng bagay kaya naman iniisip niyang mayroong dahilan ang kaniyang pamilya sa pag-abandona sa kaniya at masama man ito o mabuti, nais niya pa rin itong malaman.

Isa pa, gusto ring malaman ni Finn Doria kung sino ang Adventurer na nag-iwan sa kaniya sa Azure Wood Family. Ayon sa pagkakalarawan ng kaniyang ama na si Creed, mayroon itong kakayahan na lumipad kaya naman malaki ang posibilidad na isa itong Sky Rank Adventurer o mas higit pa.

Dahil dito, mas lalong nanabik si Finn Doria. Kung malakas ang kaniyang totoong pamilya, ibig sabihin ay malaki rin ang natural niyang talento kahit na wala ang system.

Matapos mag-isip sandali, naiisip niya rin kung bakit kinuha ng misteryosong lalaki ang bangkay ng totoong anak nina Creed at Olivia. Gusto niyang makuha ang bangkay na ito mula sa misteryosong lalaki upang mapanatag na ang kaniyang itinuturing na magulang.

Gustong mabigyan ni Finn Doria ng maayos na libing ang totoong anak ni Creed at Olivia upang maibsan ang pangungulila nila.

Bukod sa kaniyang pagkatao, andyan pa ang alaala ni Kurt Bautista sa kaniyang isipan kaya naman naniniwala siyang malawak talaga ang buong kalawakan. Mayroong modernong mundo pala sa labas ng mundong ito. Dahil dito, napagtanto niyang maraming natatagong misteryo ang mundo at nais niya itong tuklasin ng dahan-dahan.

Napansin ni Ashe na nalunod si Finn Doria sa malalim na pag-iisip kaya naman naisipan niyang istorbohin ito, "Kung gusto mo ring maabot ang tuktok, ibig sabihin pala ay hindi maiiwasan na maging magkaribal tayo. Sa oras na makalabas ako sa Mystic Treasure Realm, ilalaan ko ang lahat ng aking oras sa pagpapalakas at pag-eensayo. Lalampasan kita at sa oras na 'yon, maaari na akong makapaghiganti."

Mapait na ngumiti lang si Finn Doria at hindi na muling tumugon. Muli siyang naglakad patungo sa palayok at maingat na sumalok nang mainit na sabaw. Umupo siyang muli sa tabi ng dalaga at walang modong kumaing muli.

Dahil sa hindi gustong magpatalo ni Ashe Vermillion kay Finn Doria, tumayo siya at mabilis na kumuha rin ng sa kaniya. Ito na ang simula ng paligsahan na iniisip niya kaya naman bakit siya magpapatalo sa binatang ito sa larangan ng pagkain?

Natapos ang malalim na gabi na para bang nagkaroon ng paligsahan ng pagkain sa pagitan ng dalawa. Kahit na ayaw ni Finn Doria ang ideyang paligsahan, nakisakay na lang siya kay Ashe Vermillion para naman malibang siya.

Unti-unti nang sumisikat ang haring araw ng bigla na lamang nakaramdam si Finn Doria ng mayamang enerhiya na naiipon sa tabi niya, at nang lumingon siya, nakita niya ang nakapikit na si Ashe Vermillion habang payapang nakaupo.

'Ang kaniyang antas ng lakas ay tumataas.' Nakangiting sabi ni Finn Doria sa kaniyang isipan.

Matapos isipin ang dahilan kung bakit bigla na lamang umangat ang antas ng lakas ni Ashe Vermillion, masayang napatango si Finn Doria.

Nanggaling siya sa matinding laban at kumain siya ng maraming pagkain na mayroong mayamang natural na enerhiya kaya naman hindi na nakapagtataka na umangat ang antas ng lakas ng dalaga mula 5th Level Scarlet Gold Rank patungo sa 6th Level Scarlet Gold Rank.

Wala pang isang buwan ngunit umangat na agad ang kaniyang antas ng lakas ng dalawang beses. Una ay noong niregaluhan siya ni Finn Doria nang Advance Scarlet Pill at ngayon naman ay dahil sa karanasan niya sa Mystic Treasure Realm.

Nakaramdam ng kaunting inggit ang binata. Matagal na rin simula noong umangat ang kaniyang antas ng lakas. Kahit na ilang Pills pa ang kainin niya, mayroong kakaiba sa loob ng kaniyang katawan ang para bang isang walang hanggang bangin na humihigop dito. Totoong mahirap ang umangat sa Profound Rank ngunit ganito ba talaga kahirap?

Kaya naman sinusubukan ni Finn ang lahat ng bagay upang lumakas at isa na roon ang magkaroon ng karanasan sa malupit na mundong ito.

Nanatili siyang kalmado at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi maaaring maistorbo si Ashe dahil nasa kritikal ito na kalagayan kung saan kailangan niya ng payapang lugar.

Matapos ang ilang sandali, matagumpay na nakatapak si Ashe Vermillion sa 6th Level Scarlet Gold Rank. Magulo at makalat pa rin ang kaniyang aura kaya naman nanatili siyang nagmumuni-muni upang iayos ito ng kaunti.

"Ikinagagalak ko ang iyong pagtapak sa 6th Level Scarlet Gold Rank, Binibining Ashe. Kung kakalabanin mo ang Supreme Mantis Shrimp ngayon, siguradong matatalo mo na ito." Nakangiting bati ni Finn Doria.

"Hmph. Talagang alam mo kung paano magsalita ng mga mabubulaklak na salita." Tugon naman ni Ashe.

Tumawa naman ng mahina si Finn Doria at nagwika, "Umaga na at nakapagpahinga ka na rin. Magpalit ka na dahil masyado ng sira ang iyong kasuotan. Isa pa, kailangan pa nating hanapin ang ating mga kasamahan upang maprotektahan ang isa't isa laban sa mga Vicious Beast."

Matalim namang tumingin sa kaniya si Ashe Vermillion, "Hmph. Hindi mo na ako kailangang utusan. Bago ako magpalit, pwede bang umalis ka muna? Nag-iingat lang ako dahil baka silipan mo na naman ako!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

471K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
7.1K 1.3K 84
Book 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang...
630 181 15
Feliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that...