Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XLIII

10.3K 770 130
By GinoongOso

Chapter XLIII: Don't go back on your word

Malinaw na makikita ang repleksyon ng malaking bilog na buwan sa tubig ng lawa. Ang kaninang tahimik na lawa ay bigla na lang naging magulo at umingay dahil sa biglaang paglitaw ng Supreme Mantis Shrimp.

Taimtim na pinagmamasdan nina Finn at Ashe ang halimaw habang patuloy itong nagwawala at naglalabas nang nakakabinging ungol.

Ang Supreme Mantis Shrimp ay hindi gaya ng karamihan sa Vicious Beast. Ang mga uri nila ay kilalang mahilig matulog nang mahimbing sa kailaliman ng ilog o lawa. Hindi nila gusto ang naaabala o naiistorbo sa pagtulog. Gumigising lang sila sa oras na makaramdam sila nang matinding gutom at hindi gaya ng ibang Vicious Beast, ang halimaw na ito ay maingat at hindi basta-basta umaatake na lang.

Habang nakatingin sa malaking hipon, napagtanto ni Finn Doria kung bakit walang Vicious Beast ang nangangahas na lumapit sa lawang ito. Alam ng ibang mga halimaw na teritoryo ito ng Supreme Mantis Shrimp kaya naman hindi sila nangangahas na lumapit dito sa takot na magising nila ang halimaw na ito.

Nasiguro rin ni Finn na galing ito sa mahimbing na pagkakatulog. Maaaring nagising ito ng dahil sa gulo at ingay na ginagawa ni Ashe at ng binata. Siguro ay naramdaman din nito ang 5th Level Scarlet Gold Rank na aura at presensya ni Ashe kaya naman naglakas loob itong lumabas at magpakita sa mga nanggugulo sa kaniyang teritoryo.

Galit at nagwawala ito dahil sa mayroong nangahas na umistorbo sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

Habang nakatuon ang atensyon ni Finn sa malaking hipon na patuloy pa ring malakas na umuungol, binigyan siya ng masamang tingin ni Ashe bago tuluyang mabilis na sumugod sa halimaw.

Naramdaman ni Finn ang pagkilos na ginawa ni Ashe kaya naman nabaling ang atensyon niya sa dalaga. Gusto niyang masaksihan kung paano lumaban si Ashe Vermillion. Ngumiti siya at taimtim na pinagmasdan ang magandang pigura ng dalaga.

Sa naganap na Seven Great Faction Games, hindi niya nasaksihan kung paano lumaban ang isang Ashe Vermillion. Pero ngayong nakahanap na ito ng makakalaban, gusto niyang tahimik na umupo muna at manood sa mga mangyayari.

Madali lang kay Finn Doria na takutin o patayin ang Supreme Mantis Shrimp. Pwede niyang ilabas ang kaniyang 5th Level Profound Rank aura upang takutin ito. Pero dahil gustong labanan ni Ashe ang halimaw, hindi na siya makikialam. Isa rin itong magandang paraan upang magsanay ang dalaga sa isang mahigpit na laban.

Habang mabilis na sumusugod sa Supreme Mantis Shrimp, ang buong katawan ni Ashe ay agad ring nabalutan ng nag-aapoy na enerhiya. Marahas ito at mapapansing dumagdag din ang bilis ng pagkilos ng dalaga.

ROAR!!

Nagwawala pa rin ang Supreme Mantis Shrimp at nang makita nito ang pasugod na si Ashe Vermillion, huminto ito at umungol nang malakas. Itinaas nito ang kaniyang matalas na karit at agad na inihampas sa direksyon ng dalaga.

Kahit na malaki ang Supreme Mantis Shrimp, ang bilis nito ay sumasabay lang kay Ashe. Normal lang naman ito dahil hindi hamak na mas malakas ang halimaw sa dalaga kung antas ng lakas ang pagbabatayan.

Nang makita ang bilis ng Supreme Mantis Shrimp, napasimangot na lang si Ashe Vermillion. Naging alerto siya at agad niyang iniwasan ang atake ng halimaw. Pasugod na tumalon ng mataas ang dalaga at pumantay na siya sa ulo ng hipon. Itinaas ni Ashe ang kaniyang pulang espada at inihampas ito sa hipon.

Gamit naman ang isa pang matalas na karit ng hipon, umatake rin ang halimaw kaya naman nagkrus ang espada at malaking karit. Nagkaroon ng malakas na puwersa sa paligid at ang ihip ng hanging ay lumakas rin.

Ang dalawang atake ay punong-puno ng pwersa at enerhiya. Kaya naman nagkaroon nang malakas na pagsabog.

BANG!!

Ilang sandali pang nagsagupaan ang espada ni Ashe at ang karit ng Supreme Mantis Shrimp at dahil sa laki at lakas ng karit ng Supreme Mantis Shrimp, tumilapon ang katawan ni Ashe at bumaon sa ilalim ng lawa. Nagkaroon ng malalaking alon ngunit mabilis lang din naman na ito ay nawala.

Nakaupo pa rin si Finn Doria sa ibabaw ng tubig at seryosong nakatingin lang sa lugar na pinagbaunan ni Ashe Vermillion. Kahit na humina ang pandama ng binata, nararamdaman niya pa rin ang mahinang aura at enerhiya ni Ashe sa ilalim ng tubig. Ilang sandali pa nga ang lumipas, malapad siyang ngumiti at tumango.

BOOM!!

Isang nag-aapoy na pigura ang bigla na lamang umahon sa ilalim ng lawa. Ang mata nito ay nakatuon sa malaking hipon habang ang kanang kamay nito ay mahigpit humahawak sa kaniyang pulang espada.

Kalmado ang ekspresyon nito at malinaw na makikita ang pananabik sa kaniyang mga mata.

Nagliwanag pa ang buong katawan ni Ashe Vermillion at makalipas ang ilang sandali, mabilis itong sumugod sa malaking hipon. Mabilis itong tumakbo patungo sa paanan ng Supreme Mantis Shrimp at iwinasiwas ang kaniyang espada sa isa sa paa ng halimaw.

Bawat tapak ni Ashe sa ibabaw ng lawa ay nag-iiwan ito ng bakas ng alon. Bawat hakbang nito ay pabilis nang pabilis at ilang segundo lang ay narating agad nito ang kinaroroonan ng malaking halimaw.

Dahil sa biglaang pagbilis ni Ashe, hindi ito napaghandaan ng malaking hipon kaya naman hindi niya ito nasalag o naiwasan.

CREAK!

Isang malutong na tunog ang umalingawngaw sa buong kapaligiran nang tumama ang talim ng espada ni Ashe sa paa ng hipon. Nagkaroon ng malaking hiwa ang paa ng Supreme Mantis Shrimp. Sumirit ang kulay itim na likido mula sa malaking sugat at tumulo ito sa tubig ng lawa.

ROAR!!!

Malakas na umungol ang Supreme Mantis Shrimp ng dahil sa natamo niyang pinsala. Ang kaniyang itim na itim na mga mata ay galit na tumingin sa dalaga. Ibinuka nito ang kaniyang bunganga at isang itim na enerhiya ang bigla na lamang unti-unting namuo rito.

Naramdaman naman ni Ashe ang katakot-takot na enerhiyang namumuo sa bibig ng halimaw kaya naman agad siyang umatras palayo sa halimaw. Matapos ang ilang sandali, ang kaninang enerhiyang apoy na bumabalot sa kaniya ay napunta na kaniyang espada. Nagngangalit na apoy ang pumalibot sa kabuuan ng espada at parang anumang oras ay maaari itong sumabog.

Itinuon ni Ashe ang kaniyang atensyon sa halimaw. Malumanay ang kaniyang ekspresyon at walang bahid ng takot ang makikita sa kaniyang mga mata. Upang subukin ang kaniyang kakayahan, naglakas-loob siyang kalabanin ang Supreme Mantis Shrimp na mas malakas sa kaniya ng dalawang beses.Tiim bagang niyang mahigpit na hinawakan ang kaniyang espada at ilang sandali pa, itinaas niya ito at sinabayan ang nakakapangilabot na atake ng malaking hipon.

Vermillion Slash!

Chiiiirp!

Ang atake ni Ashe ay naghugis ibong nag-aapoy. Naglabas din ito ng malakas na sipol at mabilis na sinalubong ang atake ng malaking hipon.

Nagbago ang temperatura ng buong paligid dahil sa atake ni Ashe Vermillion. Ang kaninang madilim na paligid ay lumiwanag din dahil sa sobrang liwanag at ganda ng hitsura ng atake ni Ashe.

BANG!

Punong-puno ng malakas at marahas na enerhiya ang atake ng dalawa kaya naman nang nagtagpo ito, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagkaroon ng malalaking boltahe ng kuryente sa paligid ng dalawang atake habang nagsasagupaan ang itim na enerhiya at ang marahas na atake ni Ashe.

Matindi ang pagsasagupaan ng dalawa ngunit mapapansin din na lamang ang itim na enerhiya ng malaking hipon.

Namuo ang ilang butil ng pawis sa noo ni Ashe at malinaw rin na makikita sa kaniya na sobrang nahihirapan na siya.

BOOM!!

Makalipas ang sagupaan ng dalawang marahas na atake, isang malakas na pagsabog ang naganap at malakas itong umalingawngaw sa buong paligid. Nagkaroon din ng makapal na usok sa malawak na lawa matapos ang malakas na pagsabog.

Tumilapon ang katawan ni Ashe sa hindi kalayuan at malinaw rin na makikita na nagkaroon ng mga galos ang kaniyang katawan. Tumutulo din ang dugo mula sa kaniyang noo at gilid ng labi.

Patuloy pa ring nakatayo ang malaking hipon at nang makita nitong natalo si Ashe sa labanan, malakas itong umungol at sumugod sa dalaga. Itinutok nito ang kaniyang karit at walang pakundangan itong iwinasiwas.

Mabilis na bumangon si Ashe mula sa pagkakahiga sa ibabaw ng tubig. Tumalon-talon siya paatras at maingat na iniwasan ang mga atake ng Supreme Mantis Shrimp.

Habang nakikita naman ni Finn Doria ang mga pangyayaring ito, hindi niya mapigilang hindi mapangiwi. Hindi kayang makipagsabayan ni Ashe sa malaking halimaw. Masyado pang mahina si Ashe kaya naman madaling lumalamang ang Supreme Mantis Shrimp sa kaniya.

Tatayo na sana si Finn at tutulong nang makita niyang tinamaan si Ashe ng atake ng halimaw ngunit nang mapansin niya ang patuloy na pagtayo ni Ashe, nanatili na lang siyang nakaupo. Malinaw niyang nakikita ang determinasyon sa mata ng dalaga at pursigido ito na magpatuloy pa sa pakikipaglaban.

Kahit na nakikita ni Finn na kakaunti lang ang pag-asa ni Ashe na manalo sa labang ito, naniwala pa rin siya sa kakayahan ng dalaga.

"Hmph." Singhal ni Ashe Vermillion at agad na sumugod sa Supreme Mantis Shrimp.

Muling lumakas ang aura niya at siya naman ang walang habas na nagpaulan ng atake patungo sa malaking hipon. Marahas niya itong inatake habang patuloy namang sinasalag ng halimaw ang mga atakeng ito ng dalaga.

Muling naipon ang lahat ng enerhiya sa espada ni Ashe Vermillion. Inihampas niya ito sa Supreme Mantis Shrimp at maswerte naman na direkta itong natamaan sa ulo.

ROAR!!

Mukha namang napuruhan ang halimaw dahil galit na galit itong umungol. Ang kaniyang isang karit ay nabalutan ng marahas na enerhiya at malakas na inihampas ito sa dalaga.

Gamit ang espada niya, pilit niyang sinalag at nilabanan ang atakeng ito ng halimaw. Muling nagkrus ang espada ni Ashe at ang karit ng malaking hipon.

Muling namuo ang malakas na pwersa sa paligid at nagkaroon ng malalaking alon.

Kagaya ng nangyari kanina, tumilapon ulit ang katawan ni Ashe dahil sa lakas nang pwersa ng atake ng Supreme Mantis Shrimp. At dahil sa layo ng kaniyang pagtilapon, bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa.

Unti-unting naglaho ang enerhiyang bumabalot sa katawan ni Ashe at mapapansin din na ang kaniyang suot na bistida ay nagkaroon ng maliliit na sira. Nabalutan din siya ng alikabok at putik habang ang kaniyang paghinga ay naging mabigat at malalim. Malumanay ang kaniyang espresyon at mababakas na ang pagod sa kaniyang mukha.

Namamanhid na rin ang kaniyang buong katawan at kahit anong subok ang gawin niya, hindi na siya makatayo. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng iba't ibang emosyon habang nakatitig sa bilog na buwan.

Ito ang kauna-unang pagkakataon na nakaramdam siya nang matinding takot sa kaniyang kalooban. Ngayon lang siya nawalan ng pag-asa sa tanang buhay niya. Noon, laging andyan ang mga Elder ng kaniyang angkan o Elder ng Cloud Soaring Sect upang protektahan at gabayan siya sa tuwing lalabas siya upang magsanay. Hindi rin siya kumakalaban ng mas malakas sa kaniya dahil, mahigpit itong ipinagbabawal ng kasama niyang Elder. Dahil dito, nasanay siya na umaasa na lang sa tulong nila.

Bilang pinakatalentadong miyembro ng Noble Clan, tinatrato siya ng lahat bilang prinsesa. Pinapahalagahan at nirerespeto siya dahil sa talento at kagandahan niyang tinataglay. Pero ngayon, hindi na siya ang Prinsesang inaakala ng lahat. Isa na lang siyang ordinaryong adventurer na humaharap sa pagsubok at panganib upang matupad ang pangarap niya.

Hambog siya at mapagmataas. Lagi niyang tinitingnan ang kaniyang sarili bilang mataas sa lahat ng bagay. Ang tangi niya lang pinapahalagahan ay ang pagpapalakas.

Makalipas ang ilang sandali, nakita niya na lang na may isang malaking halimaw ang humarang sa buwan. Gusto niyang umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. Tumingin siya sa halimaw at para bang bumagal ang bawat sandali.

Sa ngayon, marami siyang bagay na natutunan. Naiintindihan niya na ang pangaral ng mga Elder na nasa paligid niya. Hindi dapat siya naging hambog at mapagmataas, dapat ay inalam niya ang limitasyon niya upang hindi siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Gayunpaman, hindi siya nagsisisi na sinubukan niya.

"Dito na ba ako mamamatay... Ito na ba ang katapusan ko...?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at tinanggap na ang kaniyang kapalaran. Hinintay niyang tumama ang matalas na karit ng Supreme Mantis Shrimp sa kaniyang katawan. Alam niyang sa oras na ito, siguradong magkakapira-piraso ang kaniyang katawan dahil sa pwersa at talas ng karit ng Supreme Mantis Shrimp. Kahit na mayroon siyang kalasag sa loob ng kaniyang bistida, alam niyang wala na rin itong bisa dahil hindi niya na kayang suportahan ito ng kaniyang soulforce.

Wala siyang masisisi kung hindi ang kaniyang sarili. Masyado siyang mahina kaya naman natalo siya at nalagay ang sarili niya sa panganib.

Habang nakapikit, inalala niya ang lahat ng bagay na nangyari sa kaniyang buhay. Ang kaniyang angkan, ina, ang itinuturing niyang ama na si Sect Master Noah at ang kaniyang tunay na ama...

'Hindi man lang ako nakapaghiganti sa'yo...' sa isip niya.

Woosh!

Habang hinihintay ang atake ng Supreme Mantis Shrimp, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid.

BANG!!!

Nagtaka sandali si Ashe Vermillion dahil hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit. Ngunit naisip niyang, ito ay marahil sa namamanhid na ang kaniyang buong katawan. Pero isang tinig ng binata ang biglang nagpamulat sa kaniyang mga mata.

"Oy. Akala ko ba babalikan mo ako? Kinalimutan mo na ba ang sinabi mo?"

Bigla na lamang tumulo ang luha niya nang makita ang isang kamangha-manghang tanawin. Kinagat niya ang baba ng kaniyang labi at tahimik na umiyak.

Si Finn Doria, katabi ng bilog na buwan ay nakangiti sa kaniya habang nakalahad ang kaniyang kamay.

"Bakit ka nakahiga dyan..? Maghihiganti ka pa sa akin, hindi ba?"

--

Continue Reading

You'll Also Like

439K 32.1K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
84.6K 6.5K 88
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilik...
396K 15.2K 126
Si Kirito, isang 15 years old na binata ay papasukin ang isang nasirang game, ang Heroes Quest Online. Tatlong bagay lang ang gusto niyang mangyari...
471K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...