Legend of Divine God [Vol 2:...

GinoongOso

705K 45.7K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Еще

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XLII

9.4K 675 98
GinoongOso

Chapter XLII: I won't run...

"Finn Doria! Sinisilipan mo ba ako?!" sigaw ni Ashe habang ang kaniyang mga paa ay nakatapak sa ibabaw ng tubig.

Nakaalis na silang dalawa sa ilalim ng lawa at mabilis ding nakapagbihis. Ngayon, si Ashe Vermillion ay nag-aapo ng dahil sa sobrang galit kay Finn, literal na nag-aapoy.

Sa hindi kalayuan naman, iwinagayway ni Finn ang kaniyang dalawang kamay. Namuo ang maraming butil ng pawis sa kaniyang noo at pa-inosenteng nagwika, "Syempre hindi! Hindi ko alam na nasa ilalim ka pala! At kahit naman alam ko, gagawin ko pa rin ang bagay na 'yon-ah?"

Napahinto siya sa pagsasalita ng makita niyang bigla na lamang sumugod sa kaniya si Ashe Vermillion at nagpakawala ng nagbabagang kamao.

Nanlaki ang mata ni Finn Doria at hinablot ang nagbabagang kamao ni Ashe. Hindi siya napaso o nasaktan man lamang dahil isa siyang 5th Level Profound Rank habang si Ashe naman ay isa lang na 5th Level Scarlet Gold Rank.

Dahil sa pagsalag ni Finn Doria sa kaniyang atake, mas lalong nagalit si Ashe at sinubukang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ng binata, "Magbabayad ka sa paninilip mo sa akin! Hindi ako papayag na ang bastos na kagaya mo ay hindi magdudusa mula sa kamao ko!"

Sumakit naman ang ulo ni Finn Doria dahil sa napansin niyang nagalit talaga ng sobra ang dalaga.

Pero hindi niya naman talaga sinasadya ang makita ang hubad na katawan ni Ashe. Isa pa, sandali lang naman iyon...

Dahil sa hindi magawang mabawi ni Ashe ang kaniyang kamao, binalutan niya ng kaniyang soulforce ang kaniyang paa at malakas itong isinipa kay Finn Doria.

Mabilis naman itong dinakma ng binata kaya naman hindi niya sinasadyang mahawakan ang makinis at malambot na hita ng dalaga.

Napaungol naman ng mahina ai Ashe at ang kaniyang mukha ay namula ng dahil sa sobrang kahihiyan. Matalim siyang tumingin sa mata ni Finn habang binigyan lamang siya nito ng inosenteng tingin.

"Sumusobra ka na!" sigaw ni Ashe at gamit ang isa niya pang paa, tumalon siya at pinuntiryang sipain ang baba ng binata.

Nang makita ito ni Finn Doria, agad niyang binitawan ang kamao at isang paa ni Ashe at mabilis na tumalon paatras.

Pareho silang nakatapak sa tubig at kahanga-hangang ang kanilang katawan dahil hindi ito lumulubog sa lawa. Syempre, ito ay dahil sa isa sa kakayahan ng mga adventurers ang paglalakad sa ibabaw ng tubig.

Pumikit si Finn at inosenteng nagsalita, "Binibining Ashe-"

Hindi pa man siya tapos sa kaniyang sasabihin, isang nagliliyab na kamao ang tumama sa kaniyang guwapong mukha. Tumama ito ng direkta ngunit hindi man lang nito napagalaw ang binata.

Nagulat si Ashe Vermillion kaya naman agad siyang umatras. Nakita niya na lang ang nanlalaking mata ni Finn habang ang kaniyang ilong ay namumula. Tumulo ang dugo mula rito at pumatak sa tubig na kinatatayuan ng binata.

Hindi siya napuruhan sa atake ni Ashe dahil masyadong matibay ang kaniyang pangangatawan. Imposibleng mapinsala ng isang 5th Level Scarlet Gold Rank ang isang 5th Level Profound Rank Adventurer. Kahit pa gumamit si Ashe ng skill at soulforce, imposible niyang mapinsala ang matibay na pangangatawan ni Finn.

Hinawakan naman ni Finn ang kaniyang ilong at pinunasan. Mapait siyang ngumiti kay Ashe at nagsalita, "Binibining Ashe... Pwede bang hayaan mo muna akong magsalita...?"

Hindi naman nakinig sa kaniya si Ashe. Sa halip ay galit na galit nitong hinawakan ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw sa kaniyang kamay ang isang pulang espada.

Binalutan ni Ashe ang kaniyang Top-tier Rare Armament ng marahas na enerhiya at mabilis na sumugod sa binata. Walang sawa niyang iwinasiwas ang kaniyang espada kaya naman walang nagawa si Finn Doria kung hindi salagin ito gamit ang kaniyang isang daliri.

Hindi magawang sugatan ni Ashe ang daliri ni Finn dahil nababalutan din ito ng enerhiya. Gayunpaman, wala pa rin siyang tigil na pinaulanan ng mga atake ang binata.

Hindi gumalaw ang katawan ni Finn. Hinayaan niya lang na atakihin siya ni Ashe habang sinasalag niya ito gamit ang isa niyang saliri. Alam niyang may mali siya dahil bigla na lamang siyang tumalon sa lawa pero kailangan ba talagang magwala ng babaeng ito?

Nakita niya lang naman ang magandang katawan ng dalaga at hindi niya naman ito nahawakan. Kung nahawakan niya ito, marahil ay matatanggap niya pa ang galit ng dalaga at hahayaan niya pa itong atakihin siya ng walang sawa.

Sa huli, minsan lang siya makakahawak ng katawan ng isang diyosa kaya naman sulit kahit pa magalit ng sobra si Ashe Vermillion. Isa pa, sigurado naman siyang hindi siya papatayin ng dalagang ito at hindi niya rin naman kakayanin.

Habang sinasalag ang mga atake ni Ashe, nalunod sa sarili niyang isipan si Finn. Inaalala niya ang napakagandang tanawin kaya naman hindi niya napansin na muli na namang dumudugo ang kaniyang ilong.

At nang makita naman ni Ashe na balewala lang na nasasalag ni Finn Doria ang kaniyang atake, hindi niya mapigilang mapangiwi. Napansin niya rin ang dumudugong ilong ng binata kaya naman nagkaroon siya ng haka-haka kung anong iniisip nito.

Galit na galit siya kay Finn Doria. Ito ang kauna-unahang beses na may lalaking nakakita sa dalaga niyang katawan. Dahil kay Finn, pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras mula ngayon. Gustong-gusto niyang bugbugin si Finn Doria hanggang sa hindi na ito makatayo ngunit hindi niya kaya. Masyadong siyang mahina kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang magpakawala ng mararahas na atake.

"Hmph! Iniisip mo bang hindi kita mapagbabayad dahil isa kang Profound Rank? Kahit na isa ka pang Sky Rank Adventurer, hindi ako papayag na hindi man lang ako nakakapaghiganti sa'yo!" sigaw ni Ashe at tumalon siya paatras.

Nang mapansin niyang tumigil na sa pag-atake at umatras na ang dalaga. Huminga na ng maluwag si Finn Doria. Sumasakit talaga ang kaniyang ulo dahil sa dalagang ito pero wala naman siyang magagawa kung hindi harapin ang galit nito.

Isa siyang maginoo at labag sa kaniyang prinsipyo ang pumatol sa babae, maliban na lamang sa mga babaeng may masasamang pag-uugali kagaya ni Tiffanya Frois.

Binigyan niya ng inosenteng tingin si Ashe at bahagyang ngumiti, "Binibining Ashe. Isa lang yung hindi pagkakaintindihan. Hindi mo naman kailangang magalit dahil nakita mo rin naman ang hubad kong katawan... kwits lang tayo..."

Nang marinig ito ni Ashe, ang kaniyang mukha ay namula na para bang isang pulang kamatis. Isang imahe ng nakakatakot at nakakadiring 'bagay' ang lumabas sa kaniyang isipan. Tiim bagang niyang binigyan ng nakamamatay na tingin ang binata.

Muling nabalutan ang buong katawan ni Ashe ng malakas na aura at ilang sandali pa, napunta ang lahat ng ito sa hawak niyang espada. Itinaas niya ito at malakas na sumigaw.

Vermillion Slash!

Isang imahe ng nag-aapoy na ibon ang bigla na lamang sumugod patungo kay Finn Doria kaya naman agad niyang pinalibutan ng enerhiya ang kaniyang sarili upang upang protektahan ang kaniyang damit sa nagngangalit na atake ni Ashe.

Gumuhit ang pagod sa mukha ni Ashe Vermillion. Dahil sa mga mararahas na atakeng pinakawalan niya kanina, agad siyang nakaramdam nang panghihina at sobrang pagod. Masyado siyang nagpadala sa kaniyang emosyon at hindi na nag-iisip kaya naman mabilis na naubos ang kaniyang parehong pisikal na lakas at enerhiya.

Hinawakan niya ang kaniyang singsing at agad na lumitaw sa kaniyang kamay ang isang maliit na bote. Iniangat niya ito at nalaglag ang bilog na bagay sa kaniyang mga palad. Agad niya itong kinain at mabilis naman itong natunaw sa kaniyang bibig. Nang tuluyan na itong makapasok sa kaniyang katawan, nakaramdam siya ng napakayamang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang buong katawan at unti-unti na ring bumabalik ang kaniyang pisikal na lakas at enerhiya.

Sumimangot siya kay Finn Doria at mahigpit na hinawakan ang kaniyang espada.

Nang makita ni Finn na susugod muli si Ashe sa kaniya. Napakamot na lang sa ulo ang binata. Mukhang disidido na talaga si Ashe na maghiganti sa kaniya. Nagsayang siya ng isang Recovery Pill para lamang manumbalik ang kaniyang lakas at muling atakihin si Finn Doria.

--

BANG!

Dalawang oras na ang lumipas mula ng walang pakundangang atakihin ni Ashe si Finn. Dumidilim na rin ngunit wala pa ring senyales at balak na tumigil si Ashe Vermillion. Nakaubos na siya ng limang Recovery Pill ngunit mukhang wala siyang pakialam dahil nakatuon lang ang kaniyang galit na ekspresyon sa Binata.

Ang kaninang payapa at tahimik na lawa ay naging magulo at maingay na dahil sa mga atake ng dalaga. Wala namang napinsala dahil nasa gitna sila ng lawa at ang tanging nasa paligid nila ay ang tubig.

Desperada na talagang maghiganti si Ashe Vermillion dahil binabalak niya na sanang kumain ng Forbidden Pill pero bago pa man niya ito makain, agad na lumitaw sa kaniyang harapan si Finn Doria at hinanggit ang bote na naglalaman ng Forbidden Pill.

Bumalik siya si Finn sa kaniyang kinatatayuan at inamoy-amoy ang Forbidden Pill.

"Ibalik mo sa akin 'yan!" galit na sigaw ni Ashe.

Iniisip niyang kung aangat ang lakas niya patungo sa 6th Level Scarlet Gold Rank, maaaring magkaroon siya ng pag-asang masugatan o magalusan man lang si Finn Doria. Pero hindi niya naisip na isa lamang kabaliwan ang kaniyang binabalak. Kahit na kumain pa siya ng Forbidden Pill, imposibleng magalusan niya si Finn Doria. Ilalagay niya lang ang kaniyang buhay sa panganib.

Syempre ay hindi ito hahayaan ni Finn Doria. Si Ashe Vermillion ang una niyang nakilala sa Cloud Soaring Sect at nagbigay ng payo sa kaniya. Kahit na medyo may kabaliwan ang dalagang ito, hindi pa rin niya hahayaang may mangyaring masama rito.

"Gusto mo ba talagang malagay sa panganib ang iyong buhay? Hindi ka nakikinig sa akin at patuloy mo akong inaatake." Naiilang na sabi ni Finn.

Tiningnan naman siya ng masama ng dalaga at inis na nagwika, "Kung dudukutin mo ang dalawa mong mata, at ipapangako mong hindi mo ipagsasabi ang iyong nakita, maaaring mapatawad pa kita."

Hindi naman makapaniwala si Finn Doria sa hindi makabuluhang kagustuhan ng dalaga. Sinong tanga ang magtatanggal ng sarili niyang mata?

"Binibining Ashe. Mahal ko pa ang mga mata ko at hindi pa ako handang mabulag. Pwede bang idaan na lang natin ito sa maayos na usapan? Isa lang yung hindi pagkakaintindihan." Nakangiwing tugon ni Finn Doria.

"Hmph. Sige! Papatawarin kita kung bibigyan mo ako ng isang libong Advance Scarlet Pill! Kung hindi mo kaya, hayaan mo nalang ako na dukutin ang mata mo!" inis na sabi ni Ashe.

Iniisip niyang hindi kayang maglabas ni Finn Doria ng ganito karaming pill kaya naman ito ang hiniling niya. Nangangati na ang kaniyang kamay at gustong-gusto niya ng dukutin ang makasalanang mata ng binata.

Muling napangiwi si Finn. Mapait siyang ngumiti kay Ashe Vermillion.

Syempre maliit na bagay lang sa kaniya ang Advance Scarlet Pill. Mayroon siyang marami nito sa loob ng kaniyang Myriad World Mirror at ang isang libo ay maliit na bilang lang. Gayunpaman, hindi niya pa ring mapigilang mapangiwi. Nakita niya lang ang hubad at magandang katawan ng dalaga, pero nagkakahalaga na ito ng isang libong Advance Scarlet Pill?!

"Anong iniisip mo?! Sa tingin mo ba hindi maikukumpara ang isang libong Advance Scarlet Pill sa katawan mo?!" nag-aapoy na sabi Ashe.

Agad namang umiling si Finn at marahang nagwika, "Isang libong Advance Scarlet Pill... Hindi ba't masyadong marami naman yun? Isa yung Tier 5 Pill at ang halaga ng bawat isa noon ay Limang daang libong gold coins..."

"Kaya nga yun ang hinihiling ko! Dahil alam kong hindi mo kayang ibigay! Ngayon, hayaan mo akong dukutin 'yang mata mo!" giit ni Ashe.

"Sa totoo lang, pwede naman kitang bayaran ng isang libong Advance Scarlet Pill... Yun ay kung hahayaan mo akong hawakan ang katawan mo..." Malokong nigiti ng binata.

Nang makita ni Finn na nagalit na naman si Ashe Vermillion, agad na nabura ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi.

Aatakihin na sana siyang muli ni Ashe Vermillion ngunit agad silang natigilan. Napahinto ang dalawa dahil mayroon silang naramdaman na aura mula sa ilalam ng lawa.

Bumula ang lawa at nagkaroon ng maliliit na alon. Ilang sandali pa, lumaki ang alon at isang malaking halimaw ang bigla na lamang lumitaw sa hindi kalayuan.

Napatingin ang dalawa sa malaking halimaw at mababakas naman sa mukha ni Ashe ang pagiging seryoso.

Ang halimaw na yun ay tinatawag na Supreme Mantis Shrimp. Mayroon itong ulo ng isang hipon at ang kabuuan nito ay nababalutan ng makapal na kahel na kaliskil. Mayroon din itong dalawang malaking kamay na maihahalintulad sa karit. Marami itong paa at umuungol ito ng pagkalakas-lakas.

Fourth Grade Vicious Beast?

At maikukumpara sa 7th Level Scarlet Gold Rank?

Ngumiti si Finn Doria at akmang susugod na sana para takutin ang halimaw ngunit isang tinig ang nagpahinto sa kaniya.

"Akin ang halimaw na 'yan. Dito ka lang at 'wag mo akong tatakasan. Babalik ako upang pagbayarin ka sa kalapastanganang ginawa mo sa akin." Sabi ni Ashe.

Malalim namang tumingin sa kaniya si Finn at sandaling napaisip. Si Ashe ay 5th Level Scarlet Gold Rank lang habang ang halimaw naman na ito ay maikukumpara sa 7th Level Scarlet Gold Rank. Kung gagamitin ng dalaga ang espada at mga skills niya, kaya niyang makipaglaban sa isang ordinaryong 6th Level Scarlet Gold Rank. Ibig sabihin, kulang pa rin.

'Kakayanin niya kaya?' sa isip ni Finn Doria.

Gayunpaman, tumango-tango pa rin ang binata tanda ng pagsang-ayon. Tumingin siya sa dalaga at marahang tumugon,

"Huwag kang mag-alala, Binibining Ashe. Dito lang ako at hindi kita tatakasan.."

--

Продолжить чтение

Вам также понравится

God's Cage | WOTG #1 ACWalterson

Научная фантастика

130K 6.2K 67
(Under Revision) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, polit...
The Glitch Conqueror [Dropped] Novem Solemni

Научная фантастика

8.2K 1K 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...
23.8K 805 38
♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa...
933K 91.9K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...