The XL Beauty: Double Trouble...

By superjelly

2.7M 59.9K 16.1K

May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT PO... More

The XL Beauty: Double Trouble
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Special Chapter: Kei's POV
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter Eighteen

61.2K 1.3K 221
By superjelly

Puro hiyawan at tilian ng mga kinikilig na babae ang pumuno sa buong silid na iyon. Kung hindi pa sapat ang nakakabingi nilang boses, e sinimulan pa nila akong paghahampasin at paluin sa braso ko.

"Hep hep, ang sakit na. Ano ba, parang ganoon lang naman 'yon," sabi ko naman sa kanila at pinigilan na sila sa kaingayan at pananakit nila.

Nakangiti naman sa akin si Sarah. Well, lagi nga siyang nakangiti, pero this time mas malapad pa 'yong ngiti niya. "Kasi naman, Tabby! Kinikilig talaga ako sa inyo ni Kei. Bagay na bagay kayo."

Tanya nodded in agreement. "Oo nga! Ang lakas ng chemistry niyo, e. 'Yong titigan niyo pa lang at ngiti sa mga labi niyo n'ong magkatabi kayo, ay! Parang sinasabi ng mga mata niyo na in love na in love kayo sa isa't isa."

"Parang hindi umaarte. Parang may something talaga!" sabi naman ni Yza at humiyaw na naman silang tatlo roon.

Si Naara naman inikot lang ang mga mata. "Parang napaka-unfair nga e. 'Yang si Tabby, bago pa lang dito pero halos lahat na ng mga major projects sa kanya na ibinibigay, e samantalang tayong tatlo nga ang mga nauna rito."

Bigla tuloy nanahimik 'yong tatlo at lahat kami napatingin kay Naara.

"Naara, don't say that..." sabi sa kanya ni Tanya sa mahinang boses.

She hissed at her. "Bakit, hindi ba totoo? 'Di ba pare-pareho lang naman tayo rito na gustong maging sikat na model? Na magkaroon ng big break? It's been years na we're working hard, and there goes this girl na bigla na lang kukunin lahat ng opportunities from us." She threw a glare at me before leaving the room.

Nangiti naman sa akin si Sarah. "Pagpasensyahan mo na 'yon, Tabby. Medyo mainitin naman talaga ang ulo ni Naara."

"Okay lang, pero actually, may point nga naman siya." I said. Totoo naman kasi. Silang tatlo ang nauna kaysa sa akin pero ako 'yong binibigyan ng mga projects na dapat sa kanila. Para bang inagaw ko 'yong mga bagay na iyon. Kahit ako rin naman ang nasa posisyon nila, I would have felt like I was not treated fairly.

Hinawakan ako ni Yza sa braso ko. "Minsan naiisip ko na parang nakakainggit kasi ikaw 'yong binibigyan ng maraming projects, pero tinatanggal ko na lang sa isip ko 'yon. Tinatanggal na lang namin sa isip namin 'yon. Kasi kaibigan ka namin Tabby, kaya kung nasa taas ka, e'di masaya kami para sa'yo. Proud kami sa'yo. Kaya kalimutan mo na lang 'yong mga sinabi ni Naara. Siguro naiinis lang 'yon ngayon, pero sigurado naman kaming proud din siya para sa'yo."

Nangiti silang tatlo sa akin pagkatapos niyakap ako. "Okay na, hindi na ako makahinga!" Sabi ko. Paano ba naman kasi, tatlo silang niyayakap ako nang ubod ng higpit. Hindi pa naman ako sanay masyado sa mga yakapan na katulad nito. Bumitiw rin naman sila pero pinagtawanan lang ako ng tatlong loka. Kung hindi ko nga lang sila kaibigan, baka kanina ko pa sila pinagngunguya r'yan.

***

Napatingin ako sa cellphone ko. Kadalasan nagte-text si Kei ng mga 'Good day!' o simpleng 'Hello! :)' kahit minsan hindi ko naman siya nire-replyan. Dahil nga natapos na rin naman 'yong commercial na ginawa namin together, parang doon na rin natapos 'yong communication namin. Hindi niya na ako tinetext o tinatawagan. Alam kong ako 'yong nagsabing layuan niya na ako, pero bakit ako parang tanga rito kakahintay sa text niya? At ang malala pa, binabasa ko 'yong mga conversations namin sa text ngayon. Hindi ko nga alam bakit hindi ko ni-delete. Tapos, may sinulat pa akong 'Hi' pero hindi ko rin naman pinipindot 'yung Send. Nababaliw ka na nga talaga, Tabby. Ang labo mo naman kahit kaylan. 'Di ba gusto mo na nga siyang kalimutan? Hindi na pwede 'to. Tigilan mo na 'to. Pero bakit ganoon, kahit na ilang beses ko pang pigilan 'yong sarili ko, kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na hindi na talaga pwede, mas lalo ko lang siyang nami-miss? Mas lalo ko lang siyang gustong makausap at makasama.

Wala ka na sa katinuan. I should've never fell in love in the first place. Alam ko naman noon pa lang na kalokohan lang ito, na isang kabaliwan. Sana hindi na lang ako nagmahal. Sana sina Carbonara, Pizza, at Chocolate Cake na lang ang minamahal ko hanggang ngayon.

"Yee! Ite-text niya si Kei!"

"Ay putang ina!" Muntik ko pang mahulog 'yong cellphone ko sa sobrang gulat. Napatingin ako sa may tabi ko at nakita si Shanize na nakangiti sa akin nang nakakaloko. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin. "Bakit ba nanggugulat ka r'yan, ha? Alam kong sa tuwing nakikita kita, nagugulat na ako, pero 'wag mo namang gawing madalas. Mamamatay ako sa heart attack niyan e."

Tumawa naman siya. "Heart attack? Baka heartbreak."

"Ang corny mo. Sige, mauna na ako."

"Wait! Tabby, kain tayo ng dinner. Libre ko. I want to talk to you about something."

Dalawang rason kung bakit niya ako napa-oo: Una, dahil sa na-curious ako sa sasabihin niya. Mukhang seryoso kasi 'yong hitsura niya kaya malamang seryoso rin 'yong sasabihin niya, kung anuman 'yon. Second, duh, lilibre niya ako e. Alangan namang tumanggi pa ako sa biyaya, 'di ba? N'ong biniyayaan nga ako ng Diyos ng ubod ng ganda, tumanggi na ako pero pinagkaloob Niya pa rin. Sabi nga, tanggapin daw lahat ng blessings. Napansin ko nga lang, parang lagi yata akong nakakalibre. Para tuloy akong pulubing... Hay nako, 'yan ka na naman Tabby.

Habang naghihintay kami ng order, tiningnan ko siya at tinanong ng, "Ano 'yong sasabihin mo sa'kin?"

Ipinatong niya 'yong mga braso niya sa may mesa at nilagay 'yong baba niya sa may kamay niya, tapos napatingin sa akin. "Alam mo naman na childhood friends kami ni Kei, 'di ba? Na we grew up together, at malapit ang aming pamilya sa pamilya nila, kaya nga gusto nilang kami ang magpakasal ni Kei, right?"

"O, so binabalik mo 'yong nakaraan? Sabi na nga ba tungkol kay Kei 'to, e. Makaalis na nga."

"Huy, sayang 'yong libre mo, sige ka." Sabi niya naman sa'kin. I narrowed my eyes. Pasalamat 'tong babaeng ito, gutom ako ngayon kaya nanatili ako sa kinauupuan ko. She smiled. "So as I was saying, even before you met Kei, kilala ko na siya. Kilala ko na si Kevin. And Tabby, believe me when I say na sobra-sobra ang pagmamahal sa'yo ni Kei."

I rolled my eyes. "And so what? Kikiligin na ba ako n'yan? Ano naman kung mahal niya ako? Natutunan ko na minsan talaga, hindi sapat na mahal ka lang ng isang tao. Saka kung sobra-sobra pala ang pagmamahal niya sa'kin, ba't niya ako nagawang pagsinungalingan at iwanan? Mahal ba ang tawag doon? I wasn't informed that when you love someone, you end up hurting them. Ang alam ko kasi, kung mahal mo ang isang tao, hurting them is the last thing you will do."

She sighed. "Oo, nasaktan ka nga ni Kei. Pero Tabby, like what I said, kilala ko si Kei. N'ong mga bata pa kami, sobrang tahimik niyang tao. Ni hindi ko nga nakikitang ngumiti 'yon e. Sunud-sunuran lang siya palagi sa mga magulang niya at sa Lolo niya kasi wala naman siyang nakikitang ibang bagay e. Then you came. Nagbago siya dahil sa'yo, Tabby. Masaya ako no'ng makita kong naging gan'on si Kei, dahil sa mga ngiti niya pa lang, alam kong totoo na 'yong pagmamahal niya sa'yo. Sa sobra ka niyang mahal, malabo na ganoon ka lang niya lokohin. He definitely has a reason for doing that. And Tabby, please, alam ko namang mahal mo pa si Kei. Alam ko naman na dahil sa nasaktan ka niya, natatakot ka nang ibigay ulit 'yong tiwala mo sa kanya. Natatakot ka kasi baka mawala lang siya ulit sa'yo, 'di ba? Pero bago mo siya itulak palayo sa'yo, tatanungin kita Tabby, ito ba talaga ang gusto mo? Gusto mo ba talagang itaboy ang taong pinakamamahal mo?"

Dumating na 'yong pagkain namin. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Kahit papaano natuwa naman ako kay Shanize dahil hindi niya na ako pinilit magsalita pa. After naming kumain, nangiti lang siya sa akin at sinabing kita na lang daw kami bukas. Nginitian ko rin siya at sumakay na ng taxi pauwi.

N'ong gabing iyon, tinawagan ko si Ally at dahil hindi naman daw siya ganoong ka-busy, pumayag siya sa pang-anyaya ko na makitulog sa bahay namin. Nandoon lang kami sa kwarto at pinahiram ko siya ng laptop dahil may iche-check lang siya sa e-mail niya at Facebook. Naligo na muna ako. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Shanize. Alam ko namang hindi ko naman talaga gusto na mawala sa akin si Kei. Sino bang tanga ang gugustuhing mawala sa kanya ang isang taong mahal niya? Hindi naman ako tanga, maldita lang.

Pagkatapos kong maligo, naupo ako sa kama at pinapatuyo 'yong buhok ko. Napatingin ako kay Ally. Siguro naman maiintindihan niya ako dahil best friend ko siya, at isa pa, dumaan din siya sa ganitong sitwasyon. "Ally, pwede bang magtanong?"

"Go lang." sagot niya sa akin.

"Di ba kaya ayaw mong sagutin noon si Greg ay dahil sa natatakot ka? Na hindi ka pa ready. Na hindi ka pa handa. Natatakot kang masaktan. Natatakot kang maiwanan. Kaya hirap kang ibigay sa kanya 'yong matamis mong 'Oo', kasi baka mauwi lang din sa 'Wala pala talagang forever'."

Natawa naman siya tapos napatingin sa akin. "Ba't mo natanong?"

I avoided her gaze. "May kaibigan lang akong may problema sa love life."

She laughed again this time. "Okay. So 'yong kaibigan mo, itago na lang natin sa pangalang Tabitha Mary Jane Zaragosa, ano?" Wala na lang akong sinabi. As if namang maitatago ko pa kay Ally, of all people. E basang-basa na nga ako ng babaeng 'yan. Natawa na naman siya pagkatapos napangiti sa akin. "Alam mo, ikaw nga 'yong dahilan kung bakit nawala 'yong takot ko, e. Kasi nga 'di ba mas nakakatakot na mawala sa'yo 'yong mahal mo, kaysa sa masaktan ka niya? Sa totoo lang, hindi ako naniniwalang sa love puro saya lang. I think kung totoong love 'yan, may sakit kang mararamdaman. Pero all those pain and all those fears? Those things make the person worth loving. Sabi nga ni Olaf sa Frozen 'di ba, some people are worth melting for."

"Pero paano kung hindi pala?" tanong ko sa kanya.

"E pero paano kung oo pala?" tanong niya naman pabalik sa akin.

Napakamot naman ako ng ulo. "How can you be sure? Ang daming possibilities. Ang daming pwedeng mangyari. Pwedeng oo nga, bumalik siya sa akin, pero paano kung mawala na naman siya sa akin? Paano kung in the first place ni hindi na nga siya bumalik sa akin?"

"Tabby, you just have to take the risks. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Alam kong cliche 'tong mga pinagsasabi ko ngayon, pero Tabby, mas nakakapanghinayang kung sa umpisa pa lang wala kang ginawa. Kung hindi mo man lang sinubukan at nag-give up ka kaagad. After naman mong mag-take ng risk, eventually, malalaman mo kung tama ba o mali 'yong decision mo. Give Kei a chance. Minsan kasi you choose to close your mind, na maging bingi sa mga explanation. You're being unfair, Tabby. Take the risk. Face him. Hear him out. Hindi ko alam kung may sense pa ako, pwede na yata akong maging Marcelo Santos "IV" sa ginagawa ko e."

Natawa pa siya bago sabihin na, "Tabby, ikaw nga 'tong matapang sa ating dalawa, 'di ba? Dahil sa'yo, naging matapang ako na ayusin 'yong kay Greg. And it worked because I took the risk, Tabby. Kung ako nga nagawa ko, ikaw pa kayang diyosa?"

Sa mga sinabi ni Ally, at sa mga sinabi rin ni Shanize, na-realize kong hindi ko nga kayang mawala si Kei. Siguro may rason nga talaga siya kung bakit niya ako nasaktan, at kung anuman 'yong rason na 'yon, handa akong pakinggan. Hindi ko alam kung may magbabago kapag narinig ko 'yon, pero at least malaman ko lang ang dahilan, ayos na sa akin. Hindi ko alam kung magiging maayos pa kami ni Kei. Hindi ko talaga alam, pero I guess I have to take the risks.

Bigla namang napatili si Ally. "Tabby, halika rito, tingnan mo 'to!" sabi niya sa akin.

Nilapitan ko naman siya at tumingin sa may laptop. Nasa Facebook siya, at may video upload n'ong commercial namin ni Kei. Binasa namin 'yong comments at ang daming natuwa sa amin ni Kei, sinasabi nila na bagay raw kami.

"Sikat na nga talaga kayong dalawa, Tabby! Grabe. My OTP."

"OTP?"

"One True Pairing! Onggoy To Pig? Joke! Pero 'yong tandem niyo, may mga supporters na. Kailangan may ship name na rin kayo!"

I looked at her, confused. "Ship name? Ba't may barko?"

She chuckled. "Nakatira nga pala sa bundok ang mga diyosa, ano? Ship name, parang 'yong tawag sa inyo as a loveteam. Kunwari, kay Kathryn and Daniel, KathNiel. Kay James and Nadine, JaDine. Sa'kin at kay Greg, AggyBear."

"Ang korni. Kadiri." sabi ko naman.

Napaisip naman siya. "Pwedeng KeiTab, o kaya TaVin. Ano bang gusto mo?"

"TaEi. Bagay 'yon, para naman siyang tae e. Nakakakilig 'yong ship name namin, ano?"

"Ew naman Tabby! Ang baho naman n'on!" Tawa siya nang tawa. Nakitawa na lang din ako. Nagbabasa pa kami ng mga comments ng mga tao hanggang sa we stumbled on one comment. May picture pa nga e, and apparently, picture ko iyon n'ong college days ko. Hindi ko maalala kung kaylan. May picture ko na mataba pa ako tapos 'yong comment tungkol sa itsura ko noon.

Napatingin naman ako kay Ally at napangiti. "Naks, may bashers na rin ako. Sikat na nga ako!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 91.1K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.4M 39.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
2.5M 103K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
33.3M 407K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.