Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

705K 45.7K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXXIX

9.6K 743 95
By GinoongOso

Chapter XXXIX: Battle Between Two Sixth Grade Vicious Beast

Nakaramdam ng kaunting kaba si Finn nang maramdaman niya ang nakakatakot na aura ng dalawang Sixth Grade Vicious Beast. Ito ang kauna-unahang beses na naramdaman niya ang malakas at marahas na aura ng Sixth Grade Vicious Beast. Higit pa roon, hindi ito nag-iisa, dalawa ito!

Dahil sa malalakas na pagyanig ng lupa, napagtanto ni Finn Doria na hindi malayo ang kinalalagyan ng dalawang Sixth Grade Vicious Beast at kung hindi siya nagkakamali, ang dalawang ito ay naglalaban.

Ngunit bakit at para saan?

Nais malaman ni Finn pero nagdadalawang isip siya kung magtutungo ba siya sa lugar na pinanggagalingan ng malakas na aura. Masyadong delikado kung bigla na lamang siyang susugod sa lugar na yun. Isa lamang siyang 5th Level Profound Rank at imposibleng makaligtas siya sa oras na matagpuan siya ng dalawang malakas na halimaw.

Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at tiim bagang na nagwika, "Kung hindi ako maglalakas ng loob, hindi ko maabot ang tuktok ng mundo!"

Isa na itong oportunidad para kay Finn Doria. Kung masasaksihan niya ang paglalaban ng dalawang Sixt Grade Beast, maaaring matuto siya sa mga ito at mas maintindihan niya pa ang malalim na kahulugan ng mundo. Isa pa, gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng paglalaban ang dalawang halimaw.

Hindi kaya mayroong kayamanan ang pinag-aagawan ng dalawa?

Syempre ay walang pakialam si Finn Doria sa mga kayamanan. Kulang siya sa lakas ngunit hindi siya nagkukulang sa mga kayamanan. Kahit na hindi ito ganoon karami at kalalakas gaya ng nasa alaala ni Kurt, sapat na rin ito para sa kasalukuyang binata.

Hindi niya kailangang maging gahaman dahil naniniwala siya na balang araw ay lalakas din siya gamit ang kaniyang sariling kakayahan at karanasan.

Matapos mag-isip sandali, bumuntong hininga ang binata at agad na tumalon. Ang kaniyang pigura ay mabilis na naglaho na para bang bula. At habang patungo sa kinaroroonan ng dalawang naglalaban na halimaw, hinawakan niya ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang kaniyang Concealing Ring sa kaniyang palad.

[Concealing Ring +13
Effect: Conceal and change the aura of the bearer
Armament Grade: Rare
Quality: Top-tier
Upgrade: 801960 soulforce]

Upang maitago ng tuluyan ang kniyang presensya at aura, kailangan niyang suotin ito. Upgraded na ang Concealing Ring na ito kaya naman hindi na lang ito basta-basta isang Top-tier Rare Armament, dahil sa upgraded na nga ang singsing na ito, maikokonsedera na ito bilang isang Mid-tier Excellent Armament.

Matapos maisuot ang Concealing Ring, maingat na nagtungo si Finn sa pinanggagalingan ng malalakas na aura. Kalmado siya ngunit mapapansin sa kaniyang ekspresyon ang pagiging maingat.

--

Sa bukas na espasyo sa malawak na kagubatan, mapapansing ang buong paligid ay gulong-gulo na. Karamihan sa mga puno ay naging abo na dahil sa nagngangalit na apoy na nakakalat sa buong paligid. Puno na rin ng malalaking butas ang mga lupa at malinaw namang makikita ang malalaking bitak dito.

Sa taas, dalawang pigura ng malaking halimaw ang humaharap sa isa't isa. Ang isa rito ay para bang malaking unggoy habang ang isa naman ay maihahalintulad sa mabangis na leon. Masamang nakatingin ang dalawang halimaw sa isa't isa habang tahimik na lumulutang sa ere.

Mapapansin din na mayroong kaunting galos ang katawan ng dalawang halimaw, maaaring dahilan nang naganap na laban kanina.

Lingid sa kaalaman ng dalawang halimaw, isang binata ang maingat na dumating sa lugar na 'yon at palihim na nagtago sa makakapal na damo. Nakatutok ang kaniyang atensyon sa dalawang halimaw at ang kaniyang mata ay punong-puno ng paghanga. Ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Finn Doria.

Ibinaling ni Finn ang kaniyang atensyon sa malaking unggoy at bigla na lamang siyang napahinga ng malalim. Anim na naglalakihang braso, puting balahibo, naglalakihang pangil at pulang mga mata.

Ang unggoy na ito ang pinuno ng tatlong unggoy na napatay niya noong isang araw! Ito ang kinakatakutang Sixth-Armed Ape King at hindi nga nagkakamali si Finn Doria ng hinala, ang halimaw na ito ay isang Sixth Grade Vicious Beast!

Muling huminga ng malalim si Finn bago ituon ang kaniyang atensyon sa kaharap ng Sixth-Armed Ape King. At ilang sandali pa, muling gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha.

Winged Golden Lion King at isa rin itong Sixth Grade Vicious Beast!

Natigilan si Finn Doria habang tinititigan ang malaking leon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng dalawang kahanga-hangang halimaw. Ngunit ang ipinagtataka lang ng binata ay bakit naglalaban ang dalawang Sixth-Grade Vicious Beast?

Nalunod siya sa malalim na pag-iisip ngunit bigla naman siyang natauhan ng bigla na lamang makarinig ng kamangha-manghang bagay...

"Maduming Unggoy! Anong karapatan mong pasukin ang teritoryo ko?! Kung hindi ka pa aalis, 'wag mo akong sisisihin kung mapapatay kita!"

Bigla na lamang nagsalita ang malaking Leon!

Napanganga si Finn dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasaksi siya ng pambihirang bagay. Alam ni Finn na mayroong posibilidad na makapagsalita ang mga Vicious Beast.

Maaari kayang ang mga Sixth-Grade Vicious Beast ay may kakayahan ng magsalita?

"Hah! Malaking pusa, matagal ka ng nakikinabang sa benepisyo ng Dragon-Breath Grass. Kaya naman andito ako upang kuhanin ang dapat ay sa akin." Wika ng halimaw na unggoy habang iniuunat ang kaniyang mga braso.

Dragon-Breath Grass?

Alam ni Finn Doria kung ano ito. Isa itong uri ng medicine herb at malaki ang epekto nito sa mga Vicious Beast. Maaaring kainin ito ngunit mas maganda kung hahayaan lang na magsanay sa tabi ng damong ito upang mas gumanda ang epekto.

Isa itong Tier 8 Medicine Herbs kaya naman hindi na nagtataka si Finn Doria kung mag-aaway ang dalawang ito ng dahil lang sa isang damo. Hindi interesado ang binata sa Dragon-Breath Grass, mas interesado pa siya sa paglalabang magaganap sa dalawang ito.

Taimtim siyang nanonood ng bigla na lamang siyang mapalingon at mapansin na mayroon palang malaking kuweba malapit sa kinaroroonan niya. Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa kuweba at buong lakas na pinakiramdamam ang nasa loob nito.

Ilang sandali pa, gulat at galak ang bigla na lamang gumuhit sa kaniyang ekspresyon ng maramdaman niyang mayroong mahinang aura ng dalawang buhay sa loob ng kuweba.

Tumingin siya sa itaas at palihim na ngumiti.

"Napakaswerte ko talaga."

--

"Sa tingin mo ba ay hahayaan kita?!" malakas na umungol ang halimaw na leon.

Ipinagaspas nito ang kaniyang nag-aapoy na pakpak at mabilis na sumugod sa kinaroroonan ng unggoy.

Malakas ding umungol ang unggoy at sinalubong naman ang atakeng ito ng halimaw na leon.

Nang magtagpo ang atake ng dalawang Sixth Grade Vicious Beast, nagkaroon ng malakas na ipo-ipo sa paligid. Napakalakas ng hangin at halos mabunot na ang mga naglalakihang puno.

Nagbuga ng nagngangalit na apoy ang leon at pumalibot ito sa buong katawan ng halimaw na unggoy. Bago pa man tuluyang masunog ng nagngangalit na apoy ang halimaw, agad itong nabalutan ng matibay na harang na yari sa marahas na enerhiya.

ROAR!

Muling umungol ang leon at mabilis na sumugod patungo sa kinaroroonan ng kaniyang kalaban. Itinaas nito ang kaniyang malaking paa at gamit ang kaniyang matatalas na kuko, inihampas niya ito sa enerhiyang pumoprotekta sa unggoy.

Nagkaroon ng maraming bitak ang depensa ng unggoy at ilang sandali pa, nabasag ito at nagkapira-piraso. Dahil sa malakas na pagkakahampas ng leon, tumilapon ang kaniyang katawan hanggang sa tumama ito sa lupa na naging dahilan ng pagkakaroon ng malaking butas.

Agad na umakyat mula sa malaking butas ang unggoy at masamang tiningnan ang leon. Ilang sandali pa, pinaglapit-lapit niya ang kaniyang apat na braso at isang bola ng enerhiya ang nabuo mula rito. Kulay pilak ito at ramdam na ramdam mula rito ang isang napakarahas at malakas na enerhiya.

Nang makita ito ng leon, suminghal ito at isang enerhiya na kulay ginto ang bigla na lamang nabuo mula sa bibig nito.

Sabay na pinakawalan ng dalawang Sixth Grade Vicious Beast ang kani-kanilang atake. Nanlaki naman ang mata ni Finn Doria at agad na binalutan ang kaniyang sarili ng harang na yari sa soulforce.

BANG!!

Nang magtagpo ang dalawang atake, isang malakas na pagsabog at pagyanig ng lupa ang biglang naganap. Ilang mga puno ang lumipad sa himpapawid at bigla na lamang naging abo dahil sa sobrang lakas ng pwersa.

Nanginginig naman ang buong katawan ni Finn Doria habang patuloy na nilalabanan ang malakas na pwersa. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa lakas na taglay ng dalawang halimaw.

Ikinuyom niya ng kaniyang dalawang kamao at mapapansing ang kaniyang mata ay bigla na lamang napuno ng determinasyon. Taimtim siyang tumingin sa dalawang halimaw at tiim bagang na bumulong, "Kung mayroon lang akong lakas na gaya ng mga halimaw na 'to, siguradong mayroon na akong pag-asa upang makapaghiganti sa mga taong yun."

Gayunpaman, purong paghanga lang ang nararamdaman ni Finn Doria. Hindi siya naiinggit sa dalawang ito dahil alam niyang balang araw ay makakatuntong din siya sa Sky Rank. Hindi pa ito ang hangganan ng pagiging Adventurer, kung gusto niyang protektahan ang kaniyang buong angkan, kailangan niya ng sapat na lakas upang pamunuan ang buong mundo.

"Nais mo ba talaga akong labanan hanggang kamatayan?!" malakas na ungol ng unggoy.

Mapanghamak naman siyang tiningnan ng leon at malakas na nagwika, "Kung mayroon mang mamamatay sa ating dalawa, ikaw yun, maduming unggoy!"

Matapos niyang isigaw ang mga salitang binitawan niya, agad siyang sumugod sa unggoy at nagpakawala ng mararahas na atake. Todo iwas at salag naman ang ginagawa ng unggoy. Ngayong nagharap na silang dalawa, tanggap niya nang mas lamang sa kaniya ang leon na ito sa larangan ng lakas.

Dahil sa matinding paglalaban, muli na namang yumanig ang buong kalupaan. Walang malapit na Vicious Beast ang naroroon dahil sa takot na madamay sila sa paglalaban ng dalawang katakot-takot na halimaw.

Matapos ang ilang oras na pagpapalitan ng mga atake, mapapansin sa pigura ng dalawa ang sobrang pagkapagod. Napangiti si Finn Doria ng mapansin niya ito. Alam niyang hindi magtatagal ay matatapos na rin ang paglalaban ng dalawa.

ROAR!

Muling malakas na umungol ang dalawa at nagtagpo sa ere. Malalakas na hangin ang pumalibot sa dalawang halimaw at ang buong kalupaan ay nagkagulo-gulo na rin dahil sa malakas na pwersa.

Nabalutang muli ng marahas na enerhiya ang katawan ng dalawa at muli na namang nagsalpukan ang malalaki nilang katawan sa ere. Nag-aapoy ang gintong katawan ng leon habang marahas naman ang inilalabas na enerhiya mula sa katawan ng unggoy.

Masyadong malakas ang parehong atake at depensa ng leon kaya naman medyo nahihirapan ang unggoy na makipagsabayan dito. Dahil dito, napilitan ang halimaw na unggoy na isakripisyo ang kaniyang blood essense.

Ito ang pinagmulan ng kaniyang buhay kaya naman hindi niya gustong gamitim ito pero wala na siyang magagawa. Kung hindi niya ito isasakripisyo, mamamatay siya sa kamay ng leon na pinakakinasusuklaman niya.

Matapos niyang isakripisyo ang kaniyang blood essence sa kaniyang katawan, ang kaniyang marahas na aura ay mas lalo pang naging marahas. Unti-unti ring lumalaki ang anim niyang braso habang ang kaniyang kabuuan ay napapalibutan ng nakakatakot at malakas na aura. Ang kaniyang mata ay mas lalong pumula habang maririnig naman ang kaniyang malakas na pag-ungol.

"Nababaliw ka na!" nanlaki ang mata ng leon at malakas na umungol.

Sinamaan naman ng tingin ng unggoy ang leon at hirap na hirap na nagwika, "Hmph! Kung hindi ka sana naging gahaman hindi na sana tayo aabot sa ganito! Ano naman kung isinakripisyo ko ang aking blood essence?! Mababawi ko rin iyon sa oras na makuha ko na ang iyong Dragon-Breath Grass!"

Nabalutan ng pilak na enerhiya ang buong katawan ng unggoy at mabilis na sumugod patungo sa kinaroronan ng leon. Dahil sa biglaang paglakas ng unggoy, hindi agad ito napaghandaan ng leon kaya naman tinamaan siya ng isang malakas na suntok na naging dahilan ng pagtilapon ng kaniyang malaking katawan.

Mabilis siyang tumayo at ang kaniyang buong katawan ay unti-unti ng nakakaramdam ng pamamanhid. Ibinuka niya ang kaniyang malaking bunganga at agad na tumambad ang naglalakihan nitong mga pangil. May namuong bola ng enerhiya sa bibig ng leon at agad niya itong ibinuga sa unggoy na sumusugod patungo sa kaniya.

Suminghal naman ang unggoy at agad na iniharang ang kaniyang naglalakihang anim na braso.

BOOM!

Nagkaroon ng malakas na pagsabog at ang paligid ay nabalutan ng makapal na usok. Naging alerto at handa ang leon habang seryosong nakatingin sa makapal na usok.

Ilang sandali pa isang malaking kamay ang bigla na lamang lumitaw sa makapal na usok at dinakma ang leeg ng leon.

"Isinakripisyo ko na ang sampung porsyento ng aking blood essence at kung hindi pa kita kayang talunin, ibig sabihin lamang noon ay isa akong basura." Marahas na saad ng unggoy habang mahigpit na hawak hawak ang leeg ng leon.

Itinaas niya ang malaki niyang braso at ang kaniyang kamao ay nabalutan ng enerhiya. Susuntukin niya na sana ang leon ngunit nanlaki ang mata niya nang maramdamang mayroong atake ang mabilis na papalapit sa kaniyang direksyon.

[Seven Heavy Sword Art, First Skill: Heavenly Slash!]

Mabilis at malakas ang atakeng ito kaya naman hindi agad ito naiwasan ng unggoy. Tumama ito sa kaniyang malaking braso at nagkaroon ng malaking hiwa rito. Tumagas ang dugo mula sa malaking hiwa kaya naman dumilim ang ekspresyon ng unggoy.

Kahit na hindi siya lubhang naapektuhan ng atake, mayroon pa ring nangahas na hadlangan ang kaniyang balak kaya naman hindi niya mapigilang magalit ng sobra.

"Sinong nangahas na atakihin ako ng palihim?!" galit na sigaw ng unggoy.

Bigla na lamang mayroong pigura ng binata ang lumabas at ngumiti sa unggoy. Ang binatang ito ay nakasuot ng lilang roba habang sa kanang kamay naman nito ay isang malaki at malapat na pulang espada.

"Isang tao?!" gulat na tanong ng unggoy sa kaniyang sarili.

Dahil sa nawala ang atensyon niya sa totoo niyang kaaway, hindi niya inaasahan na mayroong matalas na kuko ang bigla na lamang bubutas sa kaniyang dibdib. Napakatalas ng kukong ito kaya naman madali lang na nabasag ang pumoprotektang enerhiya sa unggoy at tumagos ito sa katawan nito.

Agad na nabitawan ng unggoy ang leon na naging dahilan nang pagbagsak nito sa lupa. Nakita niya na lang na sa kuko ng leon ay ang isang malaking puso na tumitibok-tibok pa.

Ang kaniyang mata ay punong-puno ng galit at pagkasuklam, hindi sa leon kung hindi sa binatang bigla na lamang lumabas kung saan. Magtatagumpay na sana siya pero ng dahil sa kasuklam-suklam na binatang ito, natalo at mamamatay siya sa kamay ng mahigpit niyang kaaway.

Bumagsak ang katawan nito sa lupa at ilang sandali pa, isa na lang itong malamig na bangkay. Nakabukas pa rin ang mata nito habang nakatingin sa kalangitan. Unti-unti na ring lumiliit ang kaninang malaking katawan ng unggoy.

"Mas mahirap kung ikaw ang mabubuhay. Isa pa, hindi kita hahayaang nakawin ang napakahalagang bagay mula sa akin." Nakangiting wika ng binata habang lumalapit sa katawan ng walang buhay na unggoy.

Iginalaw niya ito at maingat na inobserbahan kung buhay pa ba ito. Nang makumpirmang patay na ito, nakahinga na ng maluwag si Finn Doria.

"Tao! Anong kailangan mo?! Binabalak mo rin bang nakawin ang aking Dragon-Breath Grass?!" galit na sigaw ng malaking leon.

Dahil sa sobrang pagkaubos ng kaniyang lakas, bumalik na rin siya sa kaniyang normal na anyo. Naging kasing laki na lang ito ng tao habang walang lakas na nakahandusay pa rin sa lupa.

Tiningnan naman siya ng binata at malapad na ngumiti. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at marahang nagwika,

"Sa totoo lang wala akong pakialam sa damo mo. Ang gusto ko ay ang isa pang bagay na nasa loob ng kuwebang 'yon."

--

Continue Reading

You'll Also Like

656 279 25
Holly is a new student, in special academy. He entered to fulfill a promise to a friend who died. In the extra ordinary section, he felt envy especia...
137K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
483K 34.8K 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
130K 6.2K 67
(Under Revision) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, polit...