Legend of Divine God [Vol 2:...

Door GinoongOso

704K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Meer

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXXVIII

9.7K 700 69
Door GinoongOso

Chapter XXXVIII: Terrifying Aura

Alam ni Finn Doria na walang magandang maidudulot kung papatakasin niya ang huling halimaw na ito. Pinatay niya ang dalawa nitong kasama kaya naman naiintindihan ng binata na ang poot at galit ng unggoy na ito ay hindi dapat balewalain. Ayon sa system, ang Four-Armed Golden Apes ay may marahas na kaugalian. Hindi nila titigilan ang sinumang gumalit sa kanila. Mayroon din silang pinuno at sa lakas ng mga halimaw na ito, kung hindi nagkakamali si Finn Doria, ang pinuno ng mga ito ay isang Sixth Grade Vicious Beast na Six-Armed Ape King at ang lakas nito ay maikukumpara sa isang Sky Rank.

Malinaw kay Finn Doria ang kaniyang kabuuang lakas. Naiintindihan niya rin ang kaniyang limitasyon. Kung sakaling papakawalan niya ang halimaw na ito, hindi imposibleng magsumbong ito sa kanilang pinuno na maaaring maging dahilan ng pagkakalagay ng binata sa panganib. Kaya naman upang makaiwas sa mas malaking gulo, hindi na nagdalawang isip si Finn at buong lakas na hinabol ang tumatakas na unggoy.

Malakas niyang ipinadyak ang kaniyang kanang paa sa lupa na naging dahilan ng pagkakabitak-bitak nito. Ang kaniyang kabuuan ay nabalutan ng marahas na kulay asul enerhiya at habang mahigpit na hawak-hawak ang kaniyang malaking espada, sumugod siya sa tumatakas na halimaw.

Nang magsimula siyang kumilos, isang napakalakas na ihip ng hangin ang pumalibot sa kaniyang katawan. Seryoso rin ang kaniyang ekspresyon habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa mabilis na tumatalong unggoy.

Naramdaman ng Four-Armed Golden Ape ang marahas na aura sa kaniyang likuran kaya naman agad niyang binalot ang kaniyang sarili ng kulay gintong aura. Bumilis din ang kaniyang pagkilos at mabilis na tumalon sa mga sanga ng puno. Ang mata nito ay punong-puno ng takot, hindi niya inaasahang ang mukhang ordinaryong binatang iyon ay ganito kalakas. Kung alam lang nila, siguradong hindi sila mangangahas na atakihin ito ng palihim.

Ngunit, walang gamot sa pagsisisi. Ang tangi niya na lang magagawa ay tumakbo at tumakas upang mabuhay. Kailangan niya pang hanapin ang kanilang pinuno upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kaniyang mga kasamahan. At sa oras na matagpuan niya ang kanilang pinuno, siguradong hindi na makakatakas ang kasuklam-suklam na taong ito. Pumatay siya ng uri nila kaya naman siguradong ikakagalit ito ng kanilang pinuno.

Sa likod ng halimaw, patuloy pa ring humahabol si Finn Doria. Hindi siya nagpapaiwan sa halimaw sa larangan ng bilis, sa halip ay unti-unti ng lumiliit ang pagitan ng dalawa. Hindi maaaring mawala sa paningin niya ang unggoy na ito kaya naman buong lakas niyang hinahabol ang halimaw.

Nabalutan ng asul na liwanag ang buong katawan ni Finn Doria at ilang saglit pa, bigla siyang naglaho na parang bula. Kahit ang kaniyang presensya at aura ay bigla na lamang nawala.

Napansin ito ng halimaw na unggoy at nakaramdam siya ng ginhawa dahil sa pag-aakalang nailigaw niya na ang binata. Ngunit bago pa man siya makapagsaya, isang espada ang bigla na lamang sumaksak sa kaniyang likuran.

ROAR!

Huminto ang halimaw at nanginig ang buong katawan nito. Umungol ito ng malakas at umiyak ng dahil sa sobrang hapdi ng pagkakatarak ng malaking espada. Maraming dugo ang tumilamsik sa buong paligid at binalutan nito ang ilang sanga ng mga puno. Ang kaniyang pares ng pulang mata ay punong-puno ng hindi pagtanggap sa pangyayaring ito. Kailanman ay hindi niya naiisip na magwawakas ang kaniyang buhay sa isang tao. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng tao at sa tuwing nakakita siya noon, walang awa niyang pinapatay ito. Hindi niya inaasahang sa kamay rin ng isang tao magwawakas ang kaniyang buhay.

Walang pakialam si Finn Doria sa malakas na pag-ungol ng halimaw. At gamit ang kaniyang buong lakas, iniangat niya ang kaniyang espada at hiniwa sa dalawa ang katawan ng halimaw. Hindi siya kumurap man lang habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng nahating katawan ng halimaw. Hindi niya kailangang maawa habang hinaharap ang ganitong klase ng halimaw dahil kung siya ang mas mahina siguradong hindi rin maaawa ang unggoy na ito.

Muling sumirit ang dugo mula sa katawan ng unggoy. Bumuo ito ng maliit na sanaw at naligo sa sarili niyang dugo ang unggoy.

Ang pagpatay ay isang kasalanan. Hindi kailanman naging tama o mabuti ang pagpaslang dahil hindi nararapat na ilagay sa kamay ng kahit na sinoman ang buhay ng iba. Ganoon man, sa mundong ito, natural na sa mga adventurer ang pagpaslang. Dahil kung hindi ka papatay o hindi mo ipagtatanggol ang iyong sarili, ikaw ang mamamatay. Ang mga mahihina ay pagkain ng malalakas. Tanging ang makapangyarihan at maimpluwensiya lang ang inererespeto habang ang mga pangkaraniwan naman ay isinasantabi na lamang. Ito ang masakit na katotohanan.

Ibinalik ni Finn Doria ang kaniyang espada sa kaniyang interspatial ring. Sandali pa siyang tumingin sa bangkay ng unggoy bago tuluyang kumilos.

Gaya ng ginawa ni Finn Doria sa ibang Vicious Beast, kinuha niya ang mahahalagang parte ng halimaw na ito pati na rin sa dalawang halimaw na napatay niya kanina. Matapos nito, hindi siya huminto sa paghahanap ng makakalaban at muling naglakbay sa malawak na kagubatan.

Kailangan niya pa ng karanasan sa aktwal na labanan upang mahasa ang kaniyang kakayahan. At ang tatlong Fifth Grade Vicious Beast ay hindi sapat upang punan ang kaniyang uhaw sa pakikipaglaban.

Ang mundo ng Adventurers ay napakalawak. Hindi lang sa Sky Rank nagtatapos ang lahat. At ang pinakatuktok ang inaasam-asam ni Finn Doria na marating sa hinaharap.

--

Ilang oras na rin ang nakalipas nang umalis si Finn Doria sa lugar na 'yon. Unti-unti na ring dumidilim ang buong paligid at mapapansing isang Fourth Grade Vicious Beast ang kumakain ng mga naiwang karne ni Finn Doria. Ang Vicious Beast na ito ay may aura na maikukumpara sa 9th Level Scarlet Gold Rank at habang kumakain siya ng karne ng isang Fifth Grade Vicious Beast, ang lakas nito ay unti-unti na ring tumataas.

Sa kadiliman, sa likod ng isang malaking puno. Isang binatang nakasuot ng gintong roba ang malungkot na pinagmamasdan ang unti-unting pag-ubos ng Vicious Beast sa karne ng Fifth Grade Vicious Beast. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa kaniyang puso na para bang maraming karayom ang tumutusok dito. Hindi niya mapigilang malungkot habang mayroong ibang nakikinabang sa kayamanang nauna niyang natagpuan.

Ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Tenth Prince ng Sacred Dragon Family. Nauna siya rito at tuwang-tuwa siya ng matagpuan niya ang bangkay ng dalawang Profound Rank Beast. Kung makukuha niya ang katawan ng Fifth Grade Vicious Beast na ito, siguradong isa itong kayamanan dahil para sa kaniya na isang Scarlet Gold Rank, ang bawat parte ng katawan ng isang Fifth Grade Vicious Beast ay napakahalaga.

Habang iniisip ang mga ito, hindi niya mapigilang maglaway ng dahil sa sorbang galak. Lalapitan niya na sana kanina ito ngunit bago pa man siya makalapit, isang Fourth Grade Vicious Beast ang mabilis na sumugod sa dalawang bangkay at walang pasubaling kinain ang mga lamang loob nito.

Mabilis ang bawat pagkagat at paglamaon ng halimaw sa dalawang bangkay ng Fifth Grade Vicious Beast. Minsan lang siya makatagpo

Hindi siya naglakas ng loob na sumugod sa halimaw dahil sa takot na baka mapatay siya nito. Sa huli, isa lang siyang 8th Level Scarlet Gold Rank at hindi siya handang magpakamatay para lang makuha ang paubos ng bangkay ng dalawang Profound Rank Beast.

Malungkot at palihim siyang umalis sa kaniyang tinataguan at maingat na muling naglakad. Mayroon pang dalawampu't siyam na araw kaya naman mahaba pa ang kaniyang oras upang makpaghanap ng kayamanan.

--

Sa kailaliman ng kagubatan, sa isang kuweba. Isang mahalimuyak na amoy ang pumalibot sa buong paligid. Maliwanag din ang buong kapaligiran dahil sa malaking apoy. Nag-iihaw si Finn Doria ng hita ng isang Fourth Grade Vicious Beast at ang amoy nito ay pumapalibot sa maliit na parte ng kagubatan.

Ang iniihaw ni Finn ay isang Scarlet Rhino Boar at ang karne nito ay talaga namang napakasarap. Kanina pa walang sawang kumakain ang binata. Sa kaniyang dalawang kamay ay mayroong dalawang malangis na inihaw na karne ng halimaw at kinakain niya ito na para bang mabangis na hayop. Habang nginunguya ni Finn Doria ang masarap na karne, isang grupo ng mabangis na lobo ang lumitaw sa kaniyang harapan.

Nang makita ito ni Finn Doria, mayroon siyang biglang naalala. Ang sitwasyon na ito ay pamilyar sa kaniya dahil nangyari na rin ito noon sa loob ng Sacred Dragon Institute. Mayroon ding pamilya ng lobo ang maingat na nanonood sa kaniya noon habang kumakain siya. Dahil nakita ni Finn Doria na walang masamang hangarin ang mga lobo noon, binigyan niya ang mga ito ng pagkain. Noong oras din na iyon siya inatake ni Elder Xuan at muntik na mapatay. Mabuti na lamang at sumanib sa kaniya ang system at ang Myriad World Mirror upang siya ay pagalingin.

Ang ipinagkaiba nga lang ng sitwasyon sa noon at ngayon, ang mga lobong ito ay hindi hamak na marami at malakas kumpara sa mga lobong lumitaw noon. Masama rin ang tingin ng mga lobong ito at nakalabas pa ang mga naglalakihang pangil nito na naging dahilan ng pagtulo ng kanilang masangsang na laway, malinaw na wala silang magandang hangarin sa binata.

Lahat ng mga lobong ito ay Fourth Grade Vicious Beast at ang mga lakas nito ay pumapagitna sa 5th Level Scarlet Gold Rank hanggang 8th Level Scarlet Gold Rank. Ang kanilang nanlilisik na pares ng mata ay nakatuon sa kinakain ni Finn Doria na para bang anumang oras ay bigla na lamang aatake at lalapain ang binata.

Dahil hindi interesado si Finn Doria na kalabanin at paslangin ang mababangis na lobong ito, inilabas niya na lang ang kaniyang aura na 5th Level Profound Rank. Naramdaman naman ito ng grupo ng lobo kaya naman ang kanilang buong katawan ay nanginig ng dahil sa sobrang takot. Binabalak nilang lapain ang binata at nakawin ang kinakain nito ngunit hindi nila inaasahang ganito pala kalakas ang binata. Dahil dito, dahan-dahan silang umatras at mabilis na tumakbo palayo dahil sa takot na baka patayin sila ng malakas na binatang ito.

Maging ang ilang Vicious Beast ay umalis agad sa lugar na iyon dahil sa naramdaman nilang malakas na aura.

Matapos ang matagumpay na pagtakas ng mga lobo, hindi na inisip ni Finn Doria ang mga ito. Itinuon niya na lang ang kaniyang atensyon sa paglamon ng masarap na karne. Sa oras na maubos niya ang kinakain niya, muli siyang kukuha sa kaniyang inihaw at agad na kakain muli. Kahit na marami na siyang nakain, hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagkabusog. Ang karne ng isang Fourth Grade Vicious Beast ay siksik sa natural na enerhiya kaya naman nararamdaman ni Finn Doria na medyo tumataas ang kaniyang antas ng lakas. Kahit na kaunti lang ang naitulong nang pagkain niya ng karne, kontento pa rin siya dahil umusad ng kaunti ang kaniyang antas ng lakas.

Natapos na ni Finn Doria ang lahat ng pagkain at wala na ring nangahas na abalahin siya. Lumalalim na rin ang gabi kaya naman naisipan ni Finn Doria ang pumasok na sa loob ng kuweba. Pinalibutan niya ng malakas na harang ang bunganga ng kuweba upang makaiwas sa mga Vicious Beast na manggugulo.

Hindi binuksan ni Finn Doria ang kaniyang Myriad World Mirror dahil nais niyang magmuni-muni at mag-ensayo sa loob ng kuweba. Noong oras na tumapak pa lamang siya sa mundong ito, napansin niya na ang makapal at mayamang soulforce sa kapaligiran. Kahit na hindi maikukumpara ang kapal at yaman ng soulforce sa kaniyang Myriad World Mirror, sapat na rin ito upang pagtyagaan ni Finn.

Matapos ang araw na ito, sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya mula sa buong araw na walang tigil na paghahanap ng Fifth Grade Vicious Beast.

Dahil sa dami ng nakain ni Finn Doria na karne, hindi pa rin ito tuluyang natutunaw sa kaniyang katawan. Matapos umupo at ipikit ang kaniyang pares ng dilaw na mata, nagmuni-muni siya at itinuon ang kaniyang atensyon sa pagtunaw ng mga karne. Habang tinutunaw ito, mabilis na umikot sa kaniyang katawan ang mayamang natural na enerhiya. Napuno ang kaniyang Soulforce Pathway ng natural na enerhiya hanggang sa maging soulforce ito. Nagtungo ang mga soulforce na ito sa soulforce coil ni Finn kaya naman isang masarap na pakiramdam ang naramdaman ng binata.

Nagpatuloy ang ganoong proseso hanggang sa abutin na siya ng umaga. Ang kaniyang nakapikit na mata ay bigla na lamang nagbukas, mapapansin ding sa bawat paghinga niya ay mayroong mayamang soulforce na lumalabas mula sa kaniyang bibig. Nasa 5th Level Profound Rank pa rin siya ngunit pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang lumakas.

Gayunpaman, wala pa ring senyales ng pagtaas ng kaniyang antas ng lakas. Alam niyang hindi ganoon kadali at kabilis ang pagtungtong sa susunod na antas kaya naman hindi ito ikinainis ng binata. Kailangan niya pa ring dumaan sa proseso at walang magandang maidudulot kung mamadaliin niya ito.

Totoong gusto niya na agad na makatapak sa Sky Rank ngunit alam niyang aabutin pa rin ito ng dalawang taon sa tulong ng kaniyang mga kayamanan. Humihina ang epekto ng pill sa tuwing paulit-ulit niya itong ginagamit kaya naman hindi siya maaaring umasa sa mga gamot na ito.

Ngunit, mayroon siyang biglang naalala. Ayon sa alaala ni Kurt Bautista, mayroong Pill na kayang palakasin siya ng agaran. Kahanga-hanga ang pill na ito at sa alaala ni Kurt, marami nito sa loob ng Myriad World Mirror. Sinubukan itong hanapin ni Finn Doria noon ngunit nabigo siya. Kahit ang mga sangkap upang bumuo nito ay bigla na lamang naglaho na parang bula. Hindi naman malibot ni Finn ang buong Myriad World Mirror dahil sa barrier na nakapaloob sa malaking bahagi nito.

Napabuntong hininga na lang si Finn sa kaniyang isipan. Kung makukuha niya ang mga pill na 'yon, hindi niya na kailangang mahirapan pa ng ganito. Kaya naman kailangan niya na lamang dumepende sa kaniyang personal na lakas at mga kayamanan na maaaring gamitin sa Myriad World Mirror.

Kung gusto niya talaga na maghiganti sa lahat ng may kasalanan sa kaniya at sa kaniyang angkan, kailangan niyang maghintay ng tamang oras. Hindi magtatagal ay mapapagbayad niya na rin ang mga masasamang Adventurer na gumawa ng hakbang laban sa kaniya. At sa oras na dumating ang oras na 'yon, hindi siya magpipigil.

Patuloy na nalunod si Finn Doria sa kaniyang isipan at natauhan lamang siya ng bigla na lamang mayroong malakas na pagsabog ang kaniyang narinig. Dumagundong ang kaniyang kuwebang tinutuluyan na naging dahilan ng pagbagsak ng ilang mga bato mula sa kisame ng kweba. Madaling iniiwas ni Finn Doria ang kaniyang katawan at mabilis na lumabas ng kuweba.

Nanginig ang kaniyang buong katawan ng bigla na lamang siyang makaramdam nang malakas na aura ng dalawang Vicious Beast. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito kalakas na aura!

Kung hindi siya nagkakamali ang dalawang Vicious Beast na iyon ay parehong Sixth Grade at ang kanilang lakas ay maikukumpara sa Sky Rank!

--

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

23.8K 805 38
♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa...
84.4K 9.3K 56
[Curse Darking #1] After the Blood War, Ronan Acworth couldn't believe he survived the bloody combat. Nagising siya sa isang lumang karwahe na nagdal...
8.2K 993 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...
562K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...