Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

704K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXXV

11.4K 725 66
By GinoongOso

Chapter XXXV: Mystic Treasure Realm

Nang marinig ito ni Prinsesa Diana, ngumuso siya at inis na bumalik sa tabi ng dalawang prinsipe. Masama niyang tiningnan si Lord Helbram at pumadyak sa lupa.

Napailing na lang si Lord Helbram ng makita ang astang ito ni Prinsesa Diana. Kahit na labing siyam na taong gulang na ang prinsesang ito, mayroon pa rin itong pagkaisip bata kaya naman hindi mapigilan ng ilan na palihim na matawa.

Inaakala nilang mapagmataas at mapanghamak ang prinsesa dahil sa kaniyang lakas at posisyon sa kaharian ngunit natawa sila ng malamang nagkamali pala sila ng inaakala.

Mapaglaro at maingay ang prinsesa na madalas pag-uugali ng mga batang babae na sabik matapos makita ang kaniyang bagong kalaro. Dahil dito, mas lalo pang humanga ang karamihan sa kaniya. Ngunit...

"Hmph. Bakit kayo tumitingin ng ganyan? Gusto niyo bang dukutin ko 'yang mga mata niyo?" malamig na tanong ni Prinsesa Diana sa mga lalaking nakatingin sa kaniya.

Ah... May dalawang personalidad ba ang Prinsesang ito...?

Itinigil nila ang kanilang pag-iisip ng kung ano-ano ng bigla na lamag nilang mapansin ang malamig na tingin ni Lord Helbram. Napaatras sila at napasipol dahil sa takot.

Napatawa naman nang mahina si Finn Doria nang masaksihan niya ang lahat ng ito. Isa itong magandang tanawin para sa kaniya at noong malaman niya ang mapaglarong pag-uugali ni Prinsesa Diana, bigla na lamang may imahe ng batang babae ang lumabas sa kaniyang isipan.

'Meiyin...'

Bigla niya na lamang naalala ang kaniyang nakababatang kapatid na si Meiyin. Nakaramdam si Finn Doria ng lungkot at pagkaulila sa kaniyang pamilya dahil apat na buwan na rin mula ng huli silang magkita. Gusto niya ng muling makita ang kaniyang ama at matikman ang luto ng kaniyang ina. Nais niyang makita muli ang ngiti ng kaniyang kapatid.

Habang iniisip ang mga ito, hindi mapigilan ni Finn Doria ang mapabuntong hininga. Agad na bumalik ang malumanay niyang ekspresyon at hindi nagpahalata sa mga nakapaligid sa kaniya. Ang dahilan ng kaniyang paglalakbay ay upang lumakas siya at malibot ang iba't ibang lugar. Nais niyang maging malakas dahil gusto niyang maprotektahan ang kaniyang buong angkan mula sa mga taong mananakit sa kanila.

At ngayong handa na siyang ipakita sa buong kaharian ang kaniyang kakayahan, ibig sabihin lang nito ay nalalapit na rin ang kaniyang paghihiganti. Inihahanda niya na rin ang Azure Wood Family sa magaganapnna digmaan sa pagitan ng tatlong angkan at siguradong hindi niya hahayaan na madamay ang kaniyang ina at nakababatang kapatid dahil sa madugong digmaan na magaganap sa hinaharap.

Habang patuloy na nag-iisip ang bawat isa sa kanila, bigla na lang napunta ang atensyon nila kay Lord Helbram ng bigla itong magsalita.

"Tapos na ang Seven Great Faction Games at naririto na rin ang mga batang miyembro ng Sacred Dragon Family. Kumpleto na ang animnapung batang adventurer na papasok sa Mystic Treasure Realm kaya naman oras na upang ipaalam sa inyo kung anong klaseng lugar ang inyong papasukan." Malumanay na paliwanag ni Lord Helbram habang inililibot niya ang kaniyang paningin. Huminto siya sa pigura ni Finn Doria at marahang nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang Mystic Treasure Realm ay isang lugar kung saan maraming panganib na nakapaloob dito. Masusubok din ang inyong kakayahan sa pakikipaglaban dahil maraming mga nilalang ang inyong makakasalamuha sa lugar na ito. Mayroong iba't ibang uri at grade ng Vicious Beast ang inyong makakalaban kaya naman kailangan niyong mag-ingat sa loob dahil lubhang mapanganib ang lugar na ito."

Bawat isa ay tahimik na nakikinig at seryosong iniintindi ang mga sinasabi ni Lord Helbram. Mayroong ilang mga katanungan sa kanilang isipan ang nais nilang itanong ngunit wala silang lakas ng loob na itanong ito.

Ilang saglit pa, isang dalagang nakasuot ng lilang bistida ang biglang nagsalita at nagtanong, "Lord Helbram, naguguluhan lang ako. Paano napunta ang Mystic Treasure Realm sa ating Sacred Dragon Kingdom?"

Lahat ng naroroon ay napatingin sa dalagang naglakas-loob na magtanong. At nang makita nila kung sino ang dalagang 'yon, nagningning ang mata ng mga binata dahil ang nagsalita ay walang iba kung hindi si Ashe Vermillion, isa sa pinakamagandang babae sa buong Sacred Dragon Kingdom.

Kahit ang dalawang prinsipe ay hindi mapigilang hindi humanga sa kagandahang tinataglay ng dalaga. Dahil sa sobrang paghanga ni Tenth Prince kay Ashe, agad itong lumapit sa dalaga at matamis na ngumiti. Kinuha nito ang kamay ng dalaga na para bang isang maginoo at akmang hahalikan ngunit bigla na lamang iniiwas ng dalaga ang kaniyang kamay.

Dahil sa medyo nahiya ang prinsipe, umubo siya ng mahina at nagyabang, "Magandang araw binibining Ashe Vermillion, ako nga pala si Prince Theo Vildar, ang Tenth Prince. Kung hindi mo naitatanong Binibining Ashe Vermillion, isa ako sa iyong tagahanga. Naririnig ko lang ang mga balita tungkol sa iyong kagandahan ngunit nang aktwak kitang makita ng personal, masasabi kong makatotohanan nga ang mga balitang it-"

"Tenth Prince..!" nagdilim ang ekspresyon ni Lord Helbram dahil sa ginawang pagsingit ni Prince Theo.

Nang maramdaman ni Tenth Prince ang nakakatakot na aura ng kaniyang Lord Uncle Helbram, agad siyang napaatras at bumalik sa kaniyang pwesto. Lumaki siya sa mga pangaral ng matandang ito kaya naman alam niya kung paano ito magalit sa tuwing mayroong sumisingit habang siya ay nagtuturo.

"Bata mula sa Vermillion Bird Family, isa iyang magandang katanungan ngunit ikanalulungkot ko dahil sa libo-libong taon na nariyan ang lagusan patungo sa Mystic Treasure Realm, walang nakakaalam kung paano ito napunta sa ating kaharian. Maraming nakaukit na simbolo sa lagusan at hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung ano ang mga ito." Tugon ni Lord Helbram sa tanong ni Ashe.

Tumango naman si Ashe at nagpasalamat.

"Ang Mystic Treasure Realm, bagaman, punong-puno ng panganib, marami ring oportunidad ang maaaring matagpuan dito na makapagpabago sa inyong mga buhay. Kailngan niyo lang maging mapangahas at harapin ang mga pagsubok sa loob dahil siguradong malaki ang magiging kapalit ng inyong pagsisikap. Gamit ang mga karanasan ng mga nakapasok sa Mystic Treasure Realm, ang lugar na 'yon ay maraming nakatagong yaman. Mayroong mga herbs, pills at armaments na maaaring matagpuan sa loob nito na maaaring makatulong sa pagpapalakas ninyo. Maaari rin kayong mahasa sa pakikipaglaban kung makikipaglaban kayo sa mga Vicious Beast, ngunit gaya nga ng sabi ko, hindi maiiwasan ang makasagupa ng mga malalakas na Vicious Beast na maaaring maging sanhi ng inyong kamatayan..."

Napahinga ng malalim ang karamihan sa animnapung nakababayang adventurers. Naniniwala rin sila sa ipinapaliwanag ni Lord Helbram, alam nilang kung hindi sila haharap sa pagsubok, hindi rin sila uunlad.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, isang boses ang bigla na lamang nagtanong, "Lord Helbram, anong mangyayari sa oras na mamatay ang isang adventurer sa loob ng Mystic Treasure Realm?"

"Aktwal siyang mamatay at hindi na makakabalik sa mundong ito. Kung walang magdadala ng bangkay niya pabalik, siguradong pagpipiyestahan na ng mababangis na Vicious Beast ang kaniyang katawan." Agad namang tugon ni Lord Helbram.

"Pero Lord Helbram, paano naman kung magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang panig ng dahil sa isang kayamanan." Tanong naman ng isa pa.

"Ah... ang bagay na iyan ang hindi maiiwasan. Ang Mystic Treasure Realm ay punong-puno ng mga kayamanan at ang ilan pa nga rito ay mga Excellent Armament na siguradong pag-aagawan ninyo ng husto. Ang adventurer na may kapabilidad upang makuha ang kayamanan ah siyang nararapat na magmay-ari nito." Muling sagot ni Lord Helbram.

Tama, ang mundong ito ay punong-puno ng mga ganid at gahaman sa kayamanan at kaangyarihan. Gagawin nila ang lahat upang makuha ang mga ito, madungisan man ang kanilang mga kamay. Pag sinabing gagawin nila ang lahat, kabilang na roon angbpagpatay sa kapwa adventurer para lamang makuha ang kayamanang nakuha nito at mapagtakpan ang krimen na kanilang ginawa.

Habang iniisip ng mga batang adventurer ang mga ito, nagkatinginan sila. Wala silang mapagkakatiwalaan sa lobb at kahit ang kakampi nila ay maaari nilang maging kaaway.

"Kung hindi kayo handa na harapin ang pagsubok sa loob ng Mystic Treasure Realm, maaari naman ninyong palampasin ang pagkakataong ito. Maaari niyong sayangin ang oportunidad na ibinigay sa inyo ng kapalaran. Hindi naman masama ang pahalagahan ninyo ang inyong buhay ngunit kung mananatili kayong ganiyan, malabo ng maabot ninyo ang mataas na antas ng lakas." Seryosong paliwanag ni Lord Helbram.

Natahimik naman ang mga batang adventurers. Walang sinuman ang umiimik at bawat isa sa kanila ay makikitaan ng determinasyon sa mga mata. Hindi nila gustong palampasin ang pagkakataong ito kaya naman gusto nilang sumugal.

Kung talagang mamamatay sila sa loob, wala silang magagawa dahil hindi pabor sa kanila ang kalangitan. Masisisi lang nila ang kanilang kamalasan at sarili dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na mabuhay pa ng matagal.

Habang taimtim na nag-iisip ang bawat isa. Mayroon na muling nagsalita kaya naman nakuha nito ang atensyon ng lahat.

"Ipagpaumanhin niyo po Lord Helbram ngunit, mukhang malalagay sa alanganin ang buhay ng aking mga batang miyembro sa oras na pumasok sila sa loob kasama si Finn Doria. Alam naman natin na mayroong poot na namamagitan kay Finn at Tiffanya at hindi na ako magtataka kung bigla na lamang gumawa ng hakbang si Finn Doria sa aking mga miyembro." Biglang giit ni Sect Mistress Sheeha.

Kanina pa bumabagabag ang bagay na ito kay Sect Mistress Sheeha. Si Finn Doria ay isang 5th Level Profound Rank at kung babalakin nitong iligpit ang sinuman sa kaniyang alaga, siguradong madali lang ito para sa binata. Hindi niya gustong malagasan siya ng talentadong miyembro kaya naman naglakas loob siyang magsalita.

Malamig namang tumingin si Finn Doria kay Sect Mistress Sheeha. Kahit na mayroon siyang matinding galit kay Tiffanya, hindi niya kailanman pinlano na patayin ito. Hindi siya gagawa ng hakbang kung hindi siya iniinis ng sinuman. Wala siyang balak na maghiganti kay Tiffanya sa loob ng Mystic Treasure Realm dahil isa lang itong malaking kaduwagan. Totoong gusto niyang magdusa si Tiffanya ngunit ang gusto niya ay kasama ang buo nitong angkan.

Kunot-noo namang tumingin si Lord Helbram kay Sect Mistress Sheeha at nagtanong, "Anong nais mong imungkahi?"

Naiilang namang ngumiti si Sect Mistress Sheeha at marahang tumugon, "Nais ko lang makasigurado na hindi gagawa ng hakbang si Finn Doria sa lahat ng miyembro ng aking Ice Feather Sect. Mas mabuti na ang sigurado kaysa naman pagsisihan ko sa huli."

Mas naging malamig ang ekspresyon ni Finn Doria at seryoso ring nagwika, "Hmph. Huwag niyo akong igaya sa mga gawain niyo. Tanging pagalaban lang naman sa mahina ang kaya niyong gawin hindi ba? Pero dahil ayaw ko ng makipagtalo sa gaya niyo, susumpa ako para mapanatag ka na."

"Ako si, Finn Doria ay sumusumpa sa kalangitan na kailanman ay hindi ako gagawa ng ikapapahamak ng aking kapwa adventurer sa loob ng Mystic Treasure Realm sa anumang porma o hugis ngunit hindi sa oras na mayroong gumawa ng hakbang laban sa akin o sa malapit sa akin, hindi ako mauupo na lamang at manonood. Kung lalabagin ko ang sinumpaan kong ito, tatanggapin ko at ng aking angkan ang kaparusahan ng kalangitan."

Nang marinig ito ng mga naroroon, natigilan sila dahil sa agad na pagpayag ni Finn Doria. Kilala nila si Finn Doria bilang kalmado ngunit sa oras na magalit, daig pa niya ang halimaw kung magpahirap sa kaniyang kalaban. Wala siyang awa kaya naman nakapagtatakang papayag siya sa kagustuhan ni Sect Mistress Sheeha.

"Ayos na ba, Sect Mistress Sheeha?" malamig na tonong tanong ni Finn Doria.

Nagdilim naman ang ekspresyon ni Sect Mistress Sheeha dahil sa kawalang respeto ni Finn Doria sa kaniya. Walang sinuman ang nangangahas na pagsalitaan siya ng ganito dahil malakas siya at pinuno siya ng Ice Feather Sect. Gayunpaman, nakahinga na siya ng maluwag dahil sa sinumpaang salita ni Finn Doria.

Naniniwala siyang susundin ng binata ang kaniyang mga sinabi dahil alam naman ng lahat kung gaano kalupit ang kalangitan. Walang sinuman ang gustong tamaan ng malakas na kidlat at mawasak ng tuluyan ang angkan kaya naman takot silang tumaliwas sa kanilang mga sinumpaan.

"Mayroon pa ba sa inyong may katanungan o problema?" tanong ni Lord Helbram sa lahat.

Sandali namang nanahimik ang lahat bago magsalita si Association Master, "Wala akong tanong o problema, may nais lang akong hilingin kay Finn Doria."

Napakunot-noo naman si Finn Doria ngunit hindi siya nagsalita. Bagkus, hinintay niyang magpatuloy si Association Master Morris sa kaniyang pagsasalita.

"Alam naman nating mga nakatatandang adventurer na hindi maiiwasan ang kamatayan sa loob ng Mystic Treasure Realm. Minsan nga ay kalahati na lamang ang nakakalabas ng buhay mula sa lugar na 'yon ngunit iba na ngayon. Si Finn Doria ay isang aktwal na 5th Level Profound Rank at maaaring marami ang makaligtas kung sa oras na magkita-kita sila ay magkakasama nilang lilibutin ang buong Mystic Treasure Realm upang mas mapanatili na buhay ang karamihan sa kanila. Kaya naman..."

"Finn Doria, maaari bang sa oras na malagay sa panganib ang iyong kapwa adventurer ay tumulong ka upang sila ay iligtas?"

--

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 2.5K 67
(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 �...
483K 34.8K 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
933K 91.9K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...
553K 32.2K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...