Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

704K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXXIV

11.7K 783 142
By GinoongOso

Chapter XXXIV: Princess Diana

Ang mainit na sikat ng araw ay dumadampi sa buong kalupaan ng Floating Island.

Sa parte ng lungsod kung saan sira-sira na ang ilang mga gusali at bitak-bitak na ang lupa, labing-isang kabataan ang malumanay na nakamasid sa buong paligid. Ilang mga nakasuot ng itim na kasuotan ang nasa likuran nila habang tatlong batang adventurers ang nakatayo sa unahan at hinaharap si Lord Helbram.

Ang labing isang ito ay naglalabas ng maharlikang presensya at bawat isa sa kanila ay mayroong magandang pigura at hitsura. Nakasuot ang labing isang ito ng gintong roba na bumabagay sa kanilang magagandang kutis.

"Tenth Prince, Eighth Prince at Princess Diana. Maligayang pagdating sa Floating Island." Nakangiting wika ni Lord Helbram.

Bahagyang yumuko si Lord Helbram bilang tanda ng paggalang.

Nang marinig ng mga naroroon ang mga salitang binatawan ni Lord Helbram, bawat isa sa kanila ay napabaling ang atensyon sa tatlong batang adventurer na kaharap ni Lord Helbram. Sila ang mga anak ng kasalukuyang Hari kaya naman hindi nila maitago ang labis na paghanga sa mata ng mga batang adventurers nagmula sa Seven Great Faction habang pinagmamasdan ang mga nagaguwapuhang binata at magandang dalaga sa kanilang harapan.

Nanatili namang walang ekspresyon ang tatlo habang nakatingin kay Lord Helbram. Ibinuka ni Tenth Prince ang kaniyang bibig at walang ganang nagwika, "Lord Uncle Helbram, natanggap namin ang iyong balita na tapos na ang Seven Great Faction Games kaya naman agad na ipinaayos ni Amang Hari ang Teleportation Array upang makarating agad kami sa islang ito."

Nagningning naman ang mga mata ng batang adventurer na nagmula sa Seven Great Faction ng marinig nila ang tungkol sa Teleportation Array. Naririnig lamang nila ito sa mga nakatatandang adventurer at nababasa lamang nila ito sa mga lumang libro kaya naman hindi pa sila nakakasaksi ng ganitong bagay.

Ang Teleportation Array ay isang napakapambihirang bagay. Isa itong kagamitan na mayroong mga kakaibang simbolo na tanging mga Formation Masters lamang ang may kakayahang bumuo.

Bukod sa Alchemist at Blacksmith, ang Formation Master ay isa ring kagalang-galang na propesyon sa mundo ng mga Adventurers. Ang mga Formation Master sa buong Sacred Dragon Kingdom ay mabibilang lamang sa isang kamay dahil sa kakulangan sa kaaalaman. Mahirap din ang makahanap ng mga adventurer na mayroong talento sa larangang ito.

Ang Formation Master ay may kakayahang bumuo ng mga Array at mga bitag. Gamit ang tamang kagamitan, nakakagawa rin sila ng mga Defensive Array na isang uri ng barrier na maaaring pumrotekta sa isang buong teritoryo.

Sa tulong naman ng Teleportation Array, maaaring makapaglakbay ang limitadong bilang ng adventurers sa malalayong lugar na mayroon ding nakatayo na isa pang Teleportation Arrray gamit lamang ang kakaunting panahon.

Kumakain din ang bagay na ito ng Fifth Grade Magic Crystal upang mapagana kaya naman ang paggamit nito ay hindi madalas. Ang Fifth Grade Magic Crystals ay matatagpuan lang sa mga Fifth Grade Vicious Beast na maikukumpara sa isang Profound Rank Adventurer kaya naman limitado lang ang mga uri ng Magic Crystals na ito.

Hindi madali ang pumatay at makatagpo ng Fifth Grade Vicious Beast. Madalas ay nangangailangan pa ng maraming Profound Rank Adventurer upang mapatay ang ganitong uri ng Vicious Beast dahil kahit isa lamang itong Profound Rank, masyadong marahas at mapanira ang enerhiya tinataglay nito.

Sa buong, Sacred Dragon Kingdom, dalawang Teleportation Array lamang ang mayroon. Pinagdudugtong nito ang palasyo at ang Floationg Island.

Nang mapansin ni Tenth Prince ang humahangang tingin ng karamihan sa mga batang adventurers, ngumisi siya at balewalang pinagmasdan ang mga batang adventurer na nagmula sa Seven Great Faction. Tumigil ang kaniyang paningin kay Gerould patungo kay Azur at mayabang na ngumiti.

Nang mabaling niya naman ang kaniyang atensyon sa aurang inilalabas ni Finn Doria, bigla siyang napaatras at napasimangot. Nais niyang magsalita ngunit walang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig.

Natanggap niya rin ang balitang mayroong batang adventurer ang biglang lumitaw na nasa 5th Level Profound Rank at nagmula lang ito sa ordinaryong angkan. Noong una ay iniisip niyang isa lamang itong malaking kalokohan ngunit ngayong aktwal niyang nararamdaman ang lakas ng binatang ito, wala siyang magawa kung hindi tanggapin ang masakit na katotohanan.

Nagmula siya sa Royal Clan at isa siyang 8th Level Scarlet Gold Rank, samantalang ang binatang nasa harap niya ay nagmula lamang sa Ordinary Clan ngunit isa itong malakas na 5th Level Profound Rank. Ang ganitong sitwasyon ay hindi niya talaga maisip kung paanong nangyari...

Napatingin din si Eighth Prince kay Finn at huminga ng malalim, "Totoo nga ang balitang mayroong batang adventurer ang nakatapak na sa 5th Level Profound Rank... Talagang... kahanga-hanga..."

Iba ang pag-uugali ni Eight Prince kaysa kay Tenth Prince. Mas malawak ang pang-unawa nito at mas matalino ito kumpara kay Tenth Prince na malinaw namang may pagkamayabang.

Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muli siyang nagsalita, "Lord Uncle Helbram, kasama namin ang walo pang talentadong adventurers mula sa ating Sacred Dragon Family at lahat sila ay masusing pinili ni Amang Hari upang sumama sa pagpasok sa Mystic Treasure Realm."

Bawat isang batang adventurers na nagmula sa pitong faction ay may paghangang nakatitig sa mga naka kulay-gintong batang Adventurers. Ang mga batang adventurers na ito ay nagmula sa Sacred Dragon Family at ang kanilang lakas ay mula 6th Level hanggang 8th Level Scarlet Gold Rank.

Ang dalawang prinsipe ay nasa 8th Level Scarlet Gold Rank at ang kanilang mga hitsura ay talaga namang kaaya-aya sa mata. Mayroon silang kulay kayumangging buhok na bumabagay sa kanilang mala-porselanang kutis na kahit ang mga babae ay mahihiya sa oras na makita nila ito.

Ang Hari ng Sacred Dragon Kingdom ay mayroong anim na asawa at ang mga prinsipe at prinsesa ay nagmula sa magkakaibang ina kaya naman hindi na nakapagtatakang ang tatlong maharlikang ito ay magkakaiba ng mga ina.

Mayroong anak na sampung prinsipe at isang prinsesa ang kasalukuyang hari at sa lahat ng ito, isa lamang ang may karapatang magmana ng trono sa hinarap. Namatay na ang isang Prinsepe dahil sa naganap na assassination noon at ito ang First Prince, ang pinakamatandang Prinsipe. Sa ngayon, ang Second Prince na tinaguriang Crown Prince ang mayroong pinakamalaking tsansa na makaupo sa trono habang ang Fourth Prince naman ay patuloy na nakikipag kompetensiya at nakikipaglaban sa kaniya upang makuha ang trono.

Hindi na nangangahas na makigulo ang ibang prinsipe dahil ayaw nilang madamay sa alitan sa pagitan ng mga prinsepe. Masyado silang mahina at kumpara sa dalawang malakas na prinsipe, hindi ganoon kalaki ang kanilang impluwensiya.

Matapos ang ilang sandali, dumating naman ang ibang batang adventurers mula sa Seven Great Faction at tumayo sa tabi ng kani-kanilang faction. Sila ang mga batang adventurers na natalo at natanggal sa huling parte kaya naman pansamantala silang nanatili sa loob ng istadyum upang maghintay ng pagtatapos.

Nang marinig nila ang pagtatapos ng Seven Great Faction Games, lahat sila y nagulantang sa balitang isa palang 5th Level Profound Rank Adventurer, kabilang na roon sina Leo, Juvia at Lan. Agad silang inihatid ng mga Royal Guards sa lugar na kinaroroonan nina Lord Helbram upang salubungin ang mga batang adventurer mula sa Sacred Dragon Family at masimulan na rin ang paghahanda sa pagpasok sa Mystique Treasure Realm.

"Mga bata mula sa Sacred Dragon Family, nais kong ipakilala sa inyo ang mga talentadong batang adventurers mula sa Seven Great Faction." Nakangiting giit ni Lord Helbram habang inihahayag niya ang kaniyang kamay sa mga batang adventurers mula sa pitong faction

Bahagya namang yumuko ang mga batang adventurer bilang tanda ng paggalang sa labing isang batang adventurer mula sa Sacred Dragon Family. Kahit na ayaw nina Azur na yumuko sa mga ito, wala silang magawa dahil ang mga ito ay mayroong naglalakihang posisyon sa Royal Clan. Nagmula ang mga ito sa Royal Clan at kailangan nilang igalang ang mga ito, lalong lalo na ang dalawang prinsipe at prinsesa.

Si Brien naman ay walang pakialam ba tinigngnan ang mga batang nagmula sa Royal Clan at pasimple siyang nagtago sa makapal na grupo ng mga batang adventurers upang hindi siya mapansin ng mga ito. Wala siyang balak magbigay galang sa mga ito dahil sa kaniyang pag-uugali.

Ngumiti naman ang iba at si Tenth Prince habang tinatanggap ang magalang na papugay ng mga kapwa niya batang adventurers. Natutuwa siya at mayabang na pinagmamasdan ang mukha ng mga ito na para bang tuwang-tuwa siya na iginagalang ng mga kaedad niyang adventurers.

Ilang sandali pa, nabaling ang atensyon ng lahat sa isang magandang babae nang bigla itong maglakad patungo sa harap ni Finn Doria. Malalim muna itong tumingin kay Sect Master Noah bago muling ngumiti sa direksyon ng binata.

Ang ngiti ng dalagang ito ay napakatamis ngunit mayroong kakaibang nararamdaman si Finn Doria sa ngiting ito ng dalaga na para bang nagbibigay lamig sa kaniyang buong kalamnan.

Ang dalagang ito ay si Prinsesa Diana. Napakaganda niya at bumabagay sa kaniya ang suot nitong gintong bistida. Nakalugay rin ang mahaba nitong kumikinang-kinang na kulay-gintong buhok na para bang isang napakagandang kurtina.

Gayunpaman, ang kaniyang kagandahan ay kulang pa rin kung ikukumpara kina Tiffanya at Ashe.

Si Tiffanya at Ashe ay mayroong kakaibang kagandahan na kayang magpaibig ng maraming kalalakihan. Bawat isa sa kanilang dalawa ay mayroong kaniya-kaniyang katangian na nagpapaganda pa lalo sa kanila. Lahat ng mga babae ay siguradong maiinggit sa kanila dahil sa kanilang gandang tinataglay.

Ang tangi lang na lamang ni Prinsesa Diana ay ang kaniyang posisyon at antas ng lakas.

Dahil sa labing isang nagmula sa Royal Clan... si Prinsesa Diana ang mayroong pinakamalakas na antas ng lakas at ito ay walang iba kung hindi 1st Level Profound Rank!

1st Level Profound Rank! Sa buong kaharian, siya lang ang batang adventurer na nagtataglay ng antas ng lakas na ito. Siya rin ang tinaguriang pinakatalentadong adventurer, noon. Ngunit ngayon na lumabas na si Finn Doria, ang kaniyang talento ay naging pangalawa na lamang.

Labing siyam na taong gulang na si Prinsesa Diana, at isang taon na mula ng maabot niya ang antas ng lakas na ito. Bawat isang miyembro ng Royal Clan ay nagpunyagi at nagsaya dahil sa antas ng lakas na tinataglay ni Prinsesa Diana.

Naabot ni Prinsesa Diana ang antas ng lakas na ito sa tulong ng gabay ng ilang mga malalakas na adventurer sa kanilang angkan, mga kayamanan at mga malalakas na skills ng Royal Clan.

Mas matanda siya ng dalawang taon kay Finn Doria ngunit mas mataas ang antas ng lakas ng binata kaya naman, malinaw na malaki ang agwat ng dalawa kung talento ang pag-uusapan.

At ngayong nasapawan na siya ni Finn Doria, walang sinuman ang inaasahan na matamis itong ngingiti sa harap ng binatang pumalit sa kaniyang puwesto. Ang inaasahan nila ay magiging malamig ang pakikitungo nito sa binata.

"Finn Doria, tama? Ikinagagalak kitang makilala. Ako nga pala si Diana Vildar, ang nag-iisang anak na babae ng Hari. Gaya ng nakararami hindi ko rin inaasahan na mayroong ipapanganak na talentadong adventurer sa isang ordinaryong angkan." Nakangiting wika ni Prinsesa Diana.

Kahit na medyo hindi komportable si Finn Doria sa presensya ni Prinsesa Diana, ngumiti pa rin siya rito at bahagyang yumuko, "Isang karangalan at ikinagagalak ko rin na ikaw ay makilala, Prinsesa Diana."

Bawat isa ay tahimik habang pinagmamasdan ang dalawa. Mayroong nakasimangot at mayroong naiinggit dahil sa sitwasyong kinalalagyan ni Finn Doria.

Nakikipag-usap siya sa isang Prinsesa at pinakatalentadong miyembro ng Sacred Dragon Family kaya naman sinong batang adventurer ang hindi mamamatay ng dahil sa inggit?

Si Ashe Vermillion naman ay nakasimangot mula ng lumapit si Prinsesa Diana kay Finn Doria. Mayroon sa loob-loob niya na kakaibang pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Tumingin siya sa hitsura ng Prinsesa at napaisip.

'Hmph. Prinsesa lang siya pero hindi hamak na mas maganda naman ako sa kanya...' sa isip niya.

Napansin naman ni Lore ang tingin ni Ashe kay Prinsesa Diana at mayroon siyang naramdaman na kirot sa kaniyang puso. Ganito rin siya tumingin sa mga binatang lumalapit kay Ashe noon...

Muling binigyan ng matamis na ngiti ni Prinsesa Diana si Finn Doria na halos ikalaglag panga naman ng ilang kalalakihan. Gusto nilang tustahin si Finn Doria dahil sa sobrang inggit. Para sa kanila, isang karangalan ang makatanggap ng ngiti mula sa isang magandang prinsesa.

"Kung mayroon kang oras, maaari bang magtungo ka sa palasyo upang makilala pa kita ng lubusan. Humahanga ako ng sobra sa 'yong talento at nais kong matuto mula sa'yo. Gusto ko ring malaman ang karanasan mo bilang adventurer at isa pa, kung hindi mo naitatanong, isa rin akong Alchemist at nabalitaan kong isa ka ring maalamat na Alchemist kaya maaari bang turuan mo ako ng Alchemy? Mayroon lang akong Orange Alchemy Flame kaya naman hindi ko maikukumpara ang aking kakayahan sa'yo sa larangan ng alchemy. Pwe. Tinuturuan lang nila ako ng mga walang kwentang bagay sa palasyo at nakakabagot 'yon. Wala rin akong kaibigan kaya naman ikakatuwa ko kung hahayaan mo akong maging kaibigan ka. Isa pa..."

Walang tigil na nagsalita si Prinsesa Diana na ikinagulat ng nakararami. Bawat isa ay napanganga at nanlaki ang mata habang pinagmamasdan ang kaingayan ng Prinsesang ito.

Napailing naman sina Sect Master Noah at Lord Helbram at mapait na napangiti,

"Prinsesa Diana, utang na loob. Maaari bang umasta ka ng naaayon sa iyong katayuan... Isa ka pa ring kagalang-galang na Prinsesa..."

--

Continue Reading

You'll Also Like

363K 66.7K 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos...
316K 71.4K 72
Synopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumap...
45.7K 765 46
COMPLETED BOOK 1✓ Sa pagbabalik ng dark lord ay may malaking digmaan ang magaganap. Isang malawakang digmaan na maaaring humantong sa katapusan ng la...
376K 82K 102
Synopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng...