Legend of Divine God [Vol 2:...

GinoongOso द्वारा

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... अधिक

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXXIII

11.1K 743 60
GinoongOso द्वारा

Chapter XXXIII: Arrival of Royal Clan's Talented Youth

Bawat isang naroroon ay nabigla at nagulantang sa huling mungkahi ni Lord Helbram. Dahil si Finn Doria ang nakitaan ng malaking potensyal sa kompetisyong ito, normal lang naman na imungkahi ni Lord Helbram na pansamantalang manatili si Finn Doria sa kanilang angkan upang maprotektahan at magabayan. Ang hindi normal ay ang imungkahi ni Lord Helbram na maging personal na estudyante niya si Finn Doria.

Sino at ano nga ba ang katayuan ni Lord Helbram sa kahariang ito?

Siya lang naman ang kanang kamay ng hari at ang pangalawa sa pinakamalakas na adventurer sa buong kaharian. Mayroon siyang lakas na 4th Level Sky Rank. Marami na rin siyang karanasan at pagsubok na pinagdaanan bilang adventurer kaya naman siguradong napakalawak ng kaniyang kaalaman sa mundong ito. Isa pa, siguradong matututo si Finn Doria kay Lord Helbram ng maraming bagay at ang pinakaasam-asam niyang siguradong proteksyon sa kaniyang angkan ay makukuha niya kung tatanggapin niya ang alok nito.

Sa huli, Profound Rank Adventurer pa rin si Finn Doria habang Sky Rank Adventurer naman si Lord Helbram at ang agwat sa pagitan ng Profound Rank at Sky Rank ay malaki pa rin.

Halos lahat ng mga batang adventurers ay nanaising maging guro si Lord Helbram dahil sa lakas, impluwensya at posisyon nito sa kaharian. Hindi nila mapigilang mainggit kay Finn Doria habang taimtim na pinagmamasdan ang reaksyon ng binata. Ikinuyom na lang nila ang kanilang kamao dahil alam nila na imposibleng maabot nila ang kinatatayuan ni Finn Doria sa ngayon.

Tahimik ang buong paligid at tanging ihip lang ng hangin ang maririnig. Bawat isang naroroon ay nakatingin kay Finn Doria habang naghihintay sila sa kasagutan ng binata. Hindi na sila makapaghintay na sagutin ni Finn Doria ang alok ni Lord Helbram.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, bigla na lang ngumiti si Finn Doria at sa wakas ay nagwika, "Isang karangalan po ang maging estudyante mo, Lord Helbram. Ito ang pinapangarap ng lahat ng mga batang adventurer ngunit, kailangan kong humingi ng paumanhin dahil hindi ko matatanggap ang inyong napakagandang alok."

Pagtanggi?! Isa itong malinaw na pagtanggi!

Napanganga at nanlaki ang mga mata ng lahat ng naroroon. Kahit ang mga nakatatandang adventurers ay hindi inaasahang ganito ang magiging sagot ni Finn Doria. Bakit niya tatanggihan ang alok ng isang napakaimpluwensiyang adventurer sa Sacred Dragon Kingdom? Kabaliwan.

Si Lord Helbram ay isang matandang adventurer na mayroong napakalawak na kaalaman sa mundo ng mga adventurers. Maimpluwensiya siya at lahat ay iginagalang ang kaniyang katauhan. Walang sinuman ang magbabalak na kalabanin o galitan ang lahat ng taong malapit kay Lord Helbram kaya naman bakit tinanggihan ito ni Finn Doria ng ganoon na lamang?

Iniisip nilang masyadong malaki ang kumpiyansa ni Finn Doria sa kaniyang sarili kaya tinanggihan niya ito. Ngunit, mayroon din namang nag-iisip na mayroong dahilan ang binata sa sagot niyang ito.

Noong una, hindi inasahan ni Lord Helbram ang sagot ni Finn Doria ngunit agad rin siyang nakabawi. Mapait siyang ngumiti at marahang nagwika, "Hindi ko inaasahang tatanggihan mo ako nang agaran. Ikaw nga talaga ang pinakatalentadong batang Adventurer na nakilala ko sa buong buhay kong 'to. Karapad-dapat sa'yo ang titulong ito."

Ang mga batang adventurer naman ay bigla na lamang naguluhan. Sa halip na magalit si Lord Helbram sa tugon ni Finn Doria, pinuri niya pa ang binata. Anong nangyayari?!

Nanatili namang tahimik ang mga nakatatandang adventurers at ilang sandali pa, malumanay silang tumingin kay Finn Doria at Lord Helbram. Mukhang naiintindihan na nila ang sagot sa likdod ng lahat ng ito dahil bigla silang tahimik na bumuntong hininga.

Ang rason kung bakit tinanggihan ni Finn Doria si Lord Helbram ay dahil ayaw niyang matali at malimitahan sa kaniyang mga gagawin. Kung tatanggapin niya bilang guro si Lord Helbram, siguradong kailangan niyang sundin ang lahat ng suhestyon at payo nito na maaaring humadlang sa pinaplano niyang paghihiganti. Isa pa, hindi niya kailangan ng guro. Kung kaalaman lang ang pag-uusapan, nalampasan niya na ang kaalaman ni Lord Helbram dahil sa System.

Higit pa roon, hindi gusto ni Finn Doria ang magpakontrol sa iba. Mayroon siyang personal na mga bagay na kailangan niyang gawin ano pa man ang mangyari at kabilang na roon ang paghihiganti.

Sa paghihiganti niyang ito, dalawa lamang 'yan. Ang kaniyang angkan ang mananatili o ang Nine Ice Family at Black Tiger Family ang mananatili sa kahariang ito.

Ang kanilang poot at pagkamuhi sa isa't isa ay umabot na sa puntong kailangan ay isa lang ang matirang panig sa dalawa.

Kaya naman ito na lang ang nakikitang paraan ni Lord Helbram upang mapahinto ang magaganap na digmaan sa pagitan ng tatlong angkan. Hindi niya gustong mabawasan ng isang Noble Clan ang Sacred Dragon Kingdom at hindi rin niya gustong mawala ang talentadong adventurer na si Finn Doria. Kaya naman naisip niyang gawing estudyante si Finn Doria upang payuhan ito na kailangan niyang mag-isip hindi lang para sa kaniyang angkan kung hindi para na rin sa buong kaharian.

"Finn Doria, pakiusap. Kailangan mong isipin ang sitwasyon ng ating kaharian ngayon. Kung hindi tayo magkakaisa upang labanan ang panghihimasok ng Crimson Blood Kingdom, siguradong mapupunta sa pagkawasak ang ating kaharian at damay na roon ang iyong Azure Wood Family. Kaya kong panatilihin ang iyong kaligtasan at ng iyong angkan ngunit kung determinado kang makipag digmaan sa Nine Ice Family, wala na akong magagawa pa roon. Hindi rin hahayaan ito ng Sacred Dragon Family at gagawin namin ang lahat upang pumagitan sa inyong dalawang panig. Ikaw ay isang talentadong adventurer kaya naman malaki ang halaga mo sa buong kaharian, ganoon na rin ang buong Nine Ice Family." Seryosong giit ni Lord Helbram.

Ang kaniyang mata ay hindi makikitaan ng pag-uutos o strikto, bagkus, malinaw na makikita sa mata nito nangungusap na emosyon.

Bilang kanang kamay ng Hari, tungkulin niyang pangalagaan ang mga mahahalagang kaganapan sa buong Sacred Dragon Kingdom. Kailangan niyang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa pagitan ng mga naglalakihang angkan at mga adventurer.

At sa sitwaysong ito nina Finn Doria at ng Nine Ice Family, sumasakit talaga ang ulo niya at hindi rin siya makahanap ng paraan na upang mapahinto ang lahat ng ito.

Sa kabilang banda naman, matapos mag-isip ni Finn Doria sandali, ang kaniyang ekspresyon ay naging malumanay. Tumingin siya kay Lord Helbram at marahang nagtanong, "Kagalang-galang na Lord Helbram, kung isa lang ba akong ordinaryong adventurer at magkakaroon ng digmaan sa pagitan aking angkan at Nine Ice Family, papagitna pa rin ba ang Royal Clan sa digmaang ito?"

Nang bumagsak ang boses ni Finn Doria sa tainga ng mga naroroon, bawat isa sa kanila ay napatulala at naging tahimik. Kung talagang isa lamang na pangkaraniwang adventurer si Finn, isa lang ang kakahantungan ng kaniyang Azure Wood Family, iyon ay ang malinaw na pagkawasak.

Bakit magkakaroon ng pakialam ang Royal Clan sa pagkawasak ng isang ordinaryong angkan ng dahil sa isang matinding poot na namamagitan sa dalawa? Mas gugustuhin na lang nilang ipagpasawalang kibo ang lahat ng ito at magmasid na lamang sa nangyayari. Ang isang ordinaryong angkan ay hindi gaanong mahalaga sa mata ng Royal Clan, at ito ang masakit na katotohanan.

Ngunit kung kabilang na ang isang pinakatalentadong Adventurer at isang Noble Clan sa nalalapit na pagkawasak, hindi sila maaaring magpasawalang kibo. At kung hindi magkakaayos ang dalawang panig, dahil sa matinding poot, maaaring magtaksil ang isang panig at makipagtulungan sa kalaban upang mapabagsak ang isa pang panig na maaari namang maging dahilan ng pagbagsak ng buong kaharian.

Ito ang dahilan kaya naman nag-iisip si Lord Helbram ng kahit anong paraan upang maayos ang gulo sa pagitan ng dalawang panig. Ngunit noong tinanong siya ni Finn Doria, hindi niya mapigilang matigilan na para bang bigla siyang tinamaan nang malakas na kidlat.

Bahagya siyang ngumiti sa binata at naiilang na nagwika, "Wala na bang mas maayos na paraan?"

Tahimik ang buong paligid habang naghihintay sa tugon ni Finn Doria. Sa ngayon, si Finn Doria ang kumakatawan sa buong desisyon ng Azure Wood Family kaya naman bawat pahayag niya ay mahalaga.

"Mayroong paraan ngunit malabong gawin ito ng Nine Ice Family." Malumanay na wika ni Finn Doria.

Ibinaling ng binata ang kaniyang paningin sa isang dalagang kanina pa tahimik at tulala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari at para bang gusto niya na lamang maglaho ng tuluyan.

"Si Tiffanya Frois ang nakatakdang mapangasawa ng aking estudyanteng si Hyon at ang Nine Ice Family ay nasa pangangalaga ng aking Ice Feather Sect. Kung talagang may paraan upang matigil ang gulo sa inyong mga angkan, handa akong makinig sa iyong mungkahi." Seryosong giit ni Sect Mistress Sheeha.

Bawat isa ay napatingin sa kaniya at tumango.

Kahit na hindi matanggap ni Sect Mistress ang lahat ng ito, wala siyang magagawa kung hindi ang makinig sa mungkahi ni Finn Doria. Alam niyang damay siya pag nagkataong magkakaroon ng digmaan sa dalawang panig kaya naman habang maaga pa ay sinusubukan niya ng umiwas.

Natauhan naman si Tiffanya at walang buhay na pinagmasdan si Sect Mistress Sheeha. Masyadong naging mataas ang kaniyang pangarap kaya naman ngayong nalaman niya na nagkamali siya at ang kaniyang angkan sa kanilang desisyon, pakiramdam niya ay napakataas din ng kaniyang binagsakan.

"Ang Nine Ice Family at si Tiffanya Frois ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga kapwa miyembro sa Azure Wood Family. Kumuha sila ng hindi mabilang na buhay mula sa aking angkan at ang kasalanang ito ay walang kapatawaran. Ginawa rin nilang katawa-tawa ako at ang aking Ama sa buong Sacred Dragon Kingdom kaya naman..."

"Kung nais niyong makuha ang kapatawaran ng aking Azure Wood Family, lahat ng mga may kasalanan sa aking angkan ay dapat lumuhod sa harap ng puntod ng mga namatay. At kung gusto niyong makuha ang kapatawaran ko, si Tiffanya Frois at ang Family Head ng Nine Ice Family kasama ang mga Elders ay kailangang lumuhod sa harap ng aking ama. Gusto kong pagsisihan niyo ang lahat ng kasalanang ginawa niyo sa aking angkan!"

Napatulala ang karamihan habang ang iba naman ay napabuntong hininga.

Balak ba ni Finn Doria na gawing kahiya-hiya ang buong Nine Ice Family sa buong Sacred Dragon Kingdom?

Habang patuloy na hindi makapaniwala ang lahat, isang matinis na boses ang umagaw sa atensyon ng lahat.

"Finn Doria! Ikaw...! Kailanman ay hindi ako luluhod sa harap ng isang puntod o sa kahit kanino man!" galit na sigaw ni Tiffanya Frois.

Isang malaking kahihiyan ang pagluhod sa harap ng puntod at kailanman ay hindi ito gagawin ng mapagmataas na si Tiffanya Frois.

Tiningnan lamang siya ni Finn Doria ngunit hindi nagsalita ang binata.

"Finn Doria. Kahit na ikaw ang pinakatalentadong adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom, kailangan mo pa ring alamin ang lahat ng limitasyon mo." Malamig na wika ni Sect Mistress Sheeha.

Ngumiti naman si Finn at malumanay na tumingin sa mata ni Sect Mistress Sheeha, "Natatakot ka rin ba sa magiging kapalit ng mga desisyon mo, Sect Mistress Sheeha? Ikaw rin ang isa sa pinakang rason kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon ang aming mga angkan hindi ba? Nabulag ka ng kapangyarihan at kasakiman. Dahil sa paghahangad mo na makontrol si Tiffanya Frois at ang kaniyang Sky Ice Pathway, tinulungan mo pa ang Nine Ice Family upang burahin ang aking angkan at ako."

Natigilan silang lahat. Natural lang na maging kabilang ang Ice Feather Sect sa gulong ito, ngunit hindi pa rin nila inaasahang ihahayag ito ni Finn sa harap ng maraming tao.

Namula naman si Sect Mistress Sheeha sa sobrang galit at idinuro si Finn Doria, "Anong karapatan mong paratangan ako?! Mayroon ka bang ebidensya?!"

"Wala, ngunit mayroong nakapagsabi sa akin ng mga ilang katotohanan." Ngiting wika ni Finn Doria.

Mayroong nakapagsabi? Tanging mga maiimpluwensyang tao lamang ang nakakaalam ng mga bagay na 'to kaya naman paanong nalaman ito ni Finn Doria. Si Sect Master Noah kaya ang tinutukoy ni Finn?

Habang iniisip ng karamihan na si Sect Master Noah ang nagsabi nito kay Finn Doria, mayroon namang isang pigura ang namuo bigla sa isipan ni Sect Master Noah.

'Kiden!'

Tama, si Kiden ang nagsabi ng lahat ng ito kay Finn. Ito rin ang rason kung bakit simula noon ay naging maingat na si Finn Doria sa pagtatago ng kaniyang totoong lakas. Kahit na mayroon ng kakarampot na pag-asa sa oras na magtuos si Finn at ang Nine Ice Family, malabo pa rin siyang manalo kung sakaling makikigulo ang Ice Feather Sect.

Hindi niya naman maaring hingiin ang tulong ng Cloud Soaring Sect dahil ayaw niyang madamay ang mga ito sa malaking gulong magaganap.

"Paano ba 'yan, Lord Helbram. Mukhang wala pong balak na tuparin ng Nine Ice Family at ni Sect Mistress Sheeha ang aking mungkahi." Seryosong wika ni Finn Doria.

"Finn Doria. Ang iyong mungkahi ay masyadong..."

Hindi pa man tapos magsalita si Lord Helbram, napahinto siya ng bigla na lamang mayroong lumapit na gwardiya sa kaniya at magalang na sumaludo.

"Lord Helbram! Ang Prinsesa at dalawang Prinsipe kasama ang iba pa ay dumating na!"

--

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

471K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...
138K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
396K 15.2K 126
Si Kirito, isang 15 years old na binata ay papasukin ang isang nasirang game, ang Heroes Quest Online. Tatlong bagay lang ang gusto niyang mangyari...
VRMMORPG: [God's Sanctuary] Lux द्वारा

कल्पित विज्ञान

135K 14.6K 98
Embark in a virtual journey that is full of wonders along with the frightening existence of spirit beasts. Awesome character sets? Nah we have spiri...