Legend of Divine God [Vol 2:...

Par GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Plus

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXX

12.3K 859 242
Par GinoongOso

Chapter XXX: He is...

Matapos ang ilang minutong paghiyaw ng dahil sa sakit, sa wakas, tumigil na rin si Brien Latter. Nakahandusay pa rin siya sa sahig habang matalim na tinititigan si Finn Doria. Ang kaniyang puso ay puno ng galit at poot. Binugbog siya ni Finn Doria hanggang sa mamaga ang kaniyang mukha at magkaroon ng mga sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan, kaya naman paanong hindi siya makakaramdam ng matinding galit?

Hindi naman pinansin ni Finn ang masamang tingin ni Brien, bagkus, itinutok niya ang kaniyang Black Iron Sword sa isa pang palad ni Brien para sana muling isaksak ito. Dahil sa hindi na maigalaw ni Brien ang kaniyang buong katawan, tanging masamang tingin na lang ang kaniyang maibabato kay Finn Doria.

Malapit nang tumarak ang dulo ng talim ng espada sa kaliwang palad ni Brien ngunit napahinto si Finn.

"Finn Doria." Malumanay na wika ng isang matandang boses na nagmumula sa mga ulap.

Dahil sa tinig na ito, huminto si Finn sa kaniyang balak at bahagyang itiningala ang kaniyang ulo. Taimtim siyang tumingin sa taas at naging malumanay ang kaniyang ekspresyon. Mukhang alam niya na ang kahihinatnan nito.

"Association Master Morris." Malumanay niyang bigkas habang taimtim pa ring nakatingin sa taas.

"Alam kong hindi tama ang ugaling ipinapakita ng aking estudyante at naiintindihan ko ring galit ka sa kaniya. Ngunit, maaari bang hayaan mo na lang ang aking estudyante? Malinaw na ang iyong pagwawagi sa laban ninyong dalawa kaya naman hindi mo na siya kailangang pahirapan pa. Kaya naman hinihiling ko na sana ay tirahan mo pa siya ng kahit kakarampot na dignidad." Malumanay na wika ni Association Master Morris.

Inaasahan na ni Finn na mangyayari ang bagay na ito, ngunit hindi niya inaasahang walang halong pag-uutos ang tono ni Association Master Morris. Medyo nagulat ang binata ngunit sa huli, naintindihan niya rin ang rason sa likod nito.

Natural lang naman ang ganitong pangyayari, ang kakayahan at pangalan ni Finn ang pinakamaugong sa Seven Great Faction Games dahil sa kaniyang pambihirang mga abilidad. Nais ni Association Master Morris na maging mabait siya sa paningin ng binata dahil alam niyang sa oras na matapos ang kompetisyong ito, kakailanganin niya ang tulong ni Finn Doria upang mas mapaunlad pa ang Alchemist Association.

Higit pa roon, nasabi ni Finn Doria noon na mayroon siyang natagpuan na libro patungkol sa alchemy kaya naman kailangang makuha ito ng Alchemist Association upang lumakas pa ang impluwensya nila. Maaaring tanyag at maimpluwensya ang Alchemist Association ng Sacred Dragon Kingdom, ngunit kung itatapat ito sa Alchemy God Sect ng kalapit na kaharian na Crimson Blood Kingdom, kulang pa rin ito.

Dahil maayos naman ang pakikiusap ni Association Master Morris at nawalan na rin nang gana si Finn Doria na pahirapan pa ang kaawa-awang si Brien, ibinuka ni Finn Doria ang kaniyang bibig at tutugon na sana ng bigla na lamang sumigaw si Brien Latter.

"Guro! Bakit niyo hinahayaan na ipahiya ako ng hampas-lupang 'yan?! Ako ang inyong estudyante at dapat ipinagtatanggol niyo ako! Gusto kong mamatay si Finn Do-"

"Manahimik ka! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi ka na ba nahihiya sa iyong sinapit? Natalo ka sa patas na laban at dahil sa hindi ka manalo sa kaniya, gusto mong turuan ko siya ng leksyon?! Bilang iyong guro, tungkulin ko na ipagtanggol ka sa tuwing ika'y mapapahamak ngunit iba ang sitwasyong ito. Nandito ka upang makipagtunggali at hindi makipagpatayan. Isa pa, bilang isang adventurer, dapat marunong kang tumanggap ng pagkatalo." Galit na putol ni Association Master Morris kay Brien Latter. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy, "Talagang ipinahihiya mo ako sa harap ng ibang mga Faction Master at Elders, lalong-lalo na kay Lord Helbram. Nakakadismaya."

Kahit na hindi nakikita ni Finn Doria si Association Master Morris, nararamdaman niya ang malamig na ekspresyon nito sa bawat salitang binibitawan nito.

"Pero..." magpapatuloy pa sana si Brien ngunit tumahimik na lamang siya.

Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng galit. Hindi niya pa rin matanggap ang kaniyang pagkatalo. Hindi niya pa naipapakita ang lahat ng barahang itinatago niya ngunit ngayon, malabo niya na itong magamit dahil sa kalagayan niya. Hindi rin ito maaaring ipakita ni Brien Latter sa iba dahil siguradong maghihinala ang lahat sa oras na malaman nila ang alas na itinatago ng binata.

Bago muling tumingin sa taas, binigyan niya nang nakakaawang tingin si Brien Latter.

"Dahil hiniling na ng kagalang-galang na si Association Master Morris ang paghinto ko sa pagpapahirap kay Brien, gagawin ko ito bilang respeto sa inyo." Magalang na wika ni Finn Doria. Tumingin siyang muli kay Brien at kinuha ang gintong pulseras sa braso nito, "Natalo ka dahil hindi mo ako kaya. At ang tanging masisisi mo lang ay ang iyong sarili dahil masyado kang mahina."

Nang makuha ni Finn Doria ang pulseras ni Brien, agad rin itong sumanib sa kaniyang sariling pulseras at napansin ni Finn Doria na mas kumintab ito kaysa sa natural nitong kulay.

"Finn Doria. Huwag kang mag-alala, susundin natin ang napagkasunduan niyong pustahan ng aking estudyante at dahil nanalo ka laban sa kaniya, handa ang aking Alchemist Association na ibigay ang iyong makabuluhang kahilingan. Mga sangkap, formula ng pill, potion o kaya naman maaari kang matuto sa aming Faction tungkol sa Alchemy. Maaari mo itong hilingin pagkatapos ng Seven Great Faction Games." Muling wika ni Association Master Morris.

Pabor pa kung pansamantalang mapupunta si Finn Doria sa Alchemist Association upang matuto. Maaari nilang maakit ang binata na sumali sa kanilang faction upang maging permanenteng miyembro. Napakaimportante ni Finn Doria para sa kanila, mas importante pa kay Brien Latter.

Bukod sa maalamat na Alchemy Flame, libro patungkol sa Alchemy at ang kahanga-hangang lakas ng binata, maaaring siya rin ang pumalit bilang pinakatanyag na Alchemist sa buong Sacred Dragon Kingdom. At sa oras na mangyari ito, muli na namang uunlad ang kanilang Faction at siguradong malalampasan na ng Alchemist Association ang Immortal Sword Pavilion at Ancient Darkness Island.

Alam ng ibang Faction Masters at Elders ang binabalak ni Association Master. Napabuntong nalang sila dahil alam nilang wala na silang magagawa kung hindi ang panoorin ang unti-unting pag-angat ng Alchemist Association.

Natahimik naman si Sect Master Noah at napabuntong hininga rin. Kung sakaling sasali si Finn Doria sa Alchemist Association, wala silang magagawa upang pigilan ito. Naiintindihan nila kung gaano kahalaga si Finn Doria sa Faction na ito at isa pa, wala silang karapatan upang magdesisyon sa kagustuhan ng binata.

Ngumiti lang si Finn Doria bilang tugon. Siya ay adventurer na marunong tumanaw ng utang na loob at wala siyang balak na sumali sa Alchemist Association. Marami na ang kaniyang kaalaman patungkol sa alchemy na kahit ang Alchemist Association ay nagkukulang pa rin. Kung ikukumpara ang kaalaman ni Finn Doria at Association Master Morris sa Alchemy, maaari silang ikumpara sa langit at lupa.

Syempre, hindi nila alam kung anong nasa isip ni Finn Doria at tanging panghuhula na lang ang kanilang magagawa.

Matapos ang pag-uusap nina Finn at Association Master Morris, inilibot niya ang kaniyang paniningin at malumanay na nagwika, "Tapos na ang palabas, bakit hanggang ngayon ay nagtatago pa rin kayo?"

Nang umalingawngaw ang boses ni Finn Doria sa buong paligid, ay siya ring paglabas ng mga pigura ng batang adventurers. Mayroong ilan na maayos pa ang kasuotan habang ang iba naman ay sira-sira na ang suot at tanging mga armaments na lang ang bumabalot sa kanilang katawan.

Bawat isa ay nagkatinginan, inaasahan na nilang marami na ang katulad nilang nanonood sa laban ni Finn at Brien habang naghihintay ng tamang pagkakataon.

Isang binatang nakasuot ng pilak na roba ang unti-unting lumalapit sa kinatatayuan ni Finn Doria. Sa likuran niya, tatlong binata rin at isang dalaga ang kasunod nito. Tumingin sila sa kalunos-lunos na sinapit ni Brien Latter at magkakahalong emosyon ang malinaw na maikita sa kanilang mga mata.

Nakatuon pa rin ang atensyon ng nangungunang binata kay Finn Doria hanggang sa tumigil siya nang ilang pulgada na lang ang kaniyang layo sa binata.

"Finn Doria. Talagang kahanga-hanga na naitago mo sa amin ang iyong pambihirang kakayahan. Kung ako ang lalaban kay Brien, marahil ay nahirapan ako ng sobra dahil sa kahanga-hangang lakas ng kaniyang Illusionary Demon Knight." Nakangising wika ni Azur.

Tama, ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Azur Lilytel. Siya ang pinakaunang dumating sa lugar na iyon at halos napanood niya ang kabuuang laban nina Brien at Finn. Noong una, hindi siya makapaniwala sa lakas na tinataglay ng dalawa ngunit habang tumatagal, nawala ang pangamba niya sa kaniyang kalooban. Naisip niyang maghintay ng tamang pagkakataon upang lumabas, iniisip niya ring dahil sa matinding laban na naganap, kahit sino pa ang manalo, siguradong mauubos ang soulforce at pisikal na lakas ng dalawang ito na magiging resulta ng kanilang paghina.

At sa oras na mangyari ito, lalabas si Azur upang tapusin ang nanalo at kuhanin ang gintong pulseras upang idagdag sa puntos ng Immortal Sword Pavilion.

Kanina pa alam ni Finn Doria ang pinaplano ni Azur. Ngunit, wala siyang pakialam. Tiningnan niya lang din ang binatang kaharap niya pero hindi siya nagsalita.

Nabastusan naman si Azur dahil sa pananahimik ni Finn. Pinigil niya ang kaniyang sarili at ngumisi, "Gayunpaman, masyadong naging mahigpit ang naganap na paglalaban sa pagitan ninyo at alam kong halos ubos na ang iyong soulforce at pisikal na lakas. Kahit na kumain ka pa ng Recovery Pill, kakailanganin pa rin ng sapat na oras bago ka tuluyang lumakas muli kaya naman iminumungkahi kong maging matalino ka at isuko mo na lang ang iyong gintong pulseras dahil kung hindi..."

Napakunot-noo naman si Finn Doria nang marinig niya ang pahayag ni Azur Lilytel. Ilang sandali pa, ngumisi siya at marahang nagwika, "Kung hindi ano?"

"Kung hindi, ipagpaumanhin mo ngunit kailangan kong kuhanin 'yan mula sa'yo ng pwersahan at alam mo naman sigurong hindi mo ako kakayanin." Simpleng tugon ni Azur.

Bigla namang malakas na humalakhak si Finn Doria. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan habang malakas na tumatawa. Habang tumatawa, bigla namang lumapit sina Lore, Ashe at Ezekias sa kaniyang tabihan. Seryoso silang tumingin sa limang batang adventurer sa kanilang harapan at naging alerto.

"Mayroon bang nakakatawa sa sinabi ko, Finn Doria?!" namula si Azur Lilytel dahil sa sobrang galit.

Hindi niya inaasahang bigla na lamang tatawa si Finn matapos niyang bigkasin ang mga salitang ito.

"Azur, pinagtatawanan ka ni Finn kasi iniisip niyang nababaliw ka na. Maaaring minamaliit ka rin niya." Nakangiting wika ni Lore Lilytel habang inaasar si Azur.

Matalim na tingin ang itinugon ni Azur kay Lore, "Pinsang Lore, mukhang naging matapang kana ngayon ah. Iniisip mo bang matatalo niyo ang Sword Seven ng kayo lang? Sa lahat ng naririto, ang grupo ko ang may pinakamaraming bilang at pinakamakas."

"Andito pa rin ako Azur. Kahit na natalo mo ako ng dalawang beses, hindi ko pa rin inisip na isa kang kahanga-hangang katunggali. Para sa akin, ang karapat-dapat lang na maging karibal ko ay si Finn Doria!" biglang litaw ni Gerould kasama ang tatlo pang miyembro ng Ancient Darkness Island.

Nagsilapitan na rin ang iba pang grupo at bawat isa sa kanila ay naging alerto. Hindi nila alam kung sino ang unang aatake kaya naman handa sila at nakikiramdam sa paligid.

Mayroon namang lumapit kay Brien Latter at pinakain ito ng Recovery Pill at inakay sa hindi kalayuan. Binigyan ni Brien ng masamang tingin si Finn Doria bago ito sumama sa miyembro ng Alchemist Seven.

Sina Tiffanya at Hyon naman ay tahimik lang habang nakikiramdam. Sila na lang dalawa ang natitira sa Ice Seven dahil naubos na ang kanilang mga kasama. Masama rin ang tingin ni Tiffanya kay Finn at sa tuwing makikita niya ang binatilyo, malubhang poot at galit ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang puso at isipan.

Huminto na rin sa paghalakhak si Finn Doria at pinunasan niya ang luha sa gilid ng kaniyang mata. Nakangiti siyang tumingin sa iba't ibang grupo at isa-isang binilang ang mga naroroon, "Labing-siyam...Dalawampu. Kung gusto niyo akong matalo, maaaring magkaroon kayo ng isang porsyento kung sabay-sabay kayong susugod at gagamitin lahat ng lakas niyo."

Bawat isang naroroon ay napanganga sa sinabi ni Finn Doria. Nabagok ba ang ulo ng binatilyong ito kaya nabaliw na siya ng tuluyan?

Samu't saring tawanan ang umalingaw-ngaw sa buong lugar na 'yon. Hindk sila makapaniwalang matapos ang matinding paglalaban nila ni Brien, magagawa pa nitong magyabang sa harap nila.

"Hmph. Dalawampu? Kahit ang isang ordinaryong 5th Level Scarlet Gold Rank ay kaya ka ng patumbahin kaya hindi mo na kailangan pang magkunwari." Inis na giit ni Azur.

Hindi niya gusto ang minamaliit siya ng ibang batang adventurer. Siya ang opisyal na pinakamalakas sa lahat ng kalahok sa kompetisyong ito kaya naman anong karapatan ni Finn Doria na magyabang da harap niya.

Sa likuran naman ni Finn Doria, sandaling nabigla lamang ang kaniyang mga kasama ngunit agad ring nakabawi ang mga ito. Taimtim nilang tinitigan ang binata at napaisip.

"Mukhang hindi ka naniniwala, Azur Lilytel. Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko? Ang takutin ako ng mga walang kwentang kagaya mo." Malamig na wika ni Finn Doria. Taimtim niyang tiningnan sa mata si Azur at marahang nagpatuloy, "Kung iniisip mong talentado ka dahil sa iyong 7th Level Scarlet Gold Rank, hayaan mong isampal ko sa'yo ang katotohanang isa ka lang rin sa maraming basura sa harap ko."

Dahan-dahang gumalaw ang kamay ni Finn Doria. Bawat isa ay naging alerto ng makita nila ito at mabilis nilang kinuha ang kanilang Armaments sa kanilang interspatial ring.

Wala namang pakialam si Finn Doria sa kanila at ilang sandali pa, hinawakan niya ang isang singsing sa kaniyang daliri.

[Concealing Ring +13
Effect: Conceal and change the aura of the bearer
Armament Grade: Rare
Quality: Top-tier
Upgrade: 801960 soulforce]

Hindi ito ang kaniyang interspatial ring! Dahil ito ang kakaibang singsing na suot-suot ni Finn Doria!

Dahan-dahang tinanggal ni Finn ang Concealing Ring at nang tuluyan niya na itong matanggal sa kaniyang daliri, isang malakas na aura ang pumalibot sa buong lugar.

BANG!

Bawat isa ay nanlaki ang mata at napapanganga nang maramdaman nila ang aurang inilalabas ni Finn Doria. Bawat isang naroroon ay nakaramdam ng pangingilabot at mapapansing napupuno na ng malamig na pawi ang kanilang mga noo. Nangangatog na rin ang kanilang tuhod at isa-isa nilang nabitawan ang kanilang armaments na hawak-hawak. Nanginginig ang katawan ng bawat isang batang adventurers na naroroon.

At sa taas, halos lumuwa naman ang mga mata ng mga nakatatandang adventurers habang ang kanilang panga ay halos umabot na sa sahig.

Kalokohan! Isa itong malaking kalokohan!

"Hindi siya isang 1st Level Scarlet Gold Rank Adventurer... Siya ay....!"

--

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

471K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...
138K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
364K 66.7K 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos...
135K 14.6K 98
Embark in a virtual journey that is full of wonders along with the frightening existence of spirit beasts. Awesome character sets? Nah we have spiri...