Legend of Divine God [Vol 2:...

Par GinoongOso

703K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Plus

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXVII

11.3K 774 80
Par GinoongOso

Chapter XXVII: Conceited Brien

Payapa ang buong kagubatan, isang senyales na hindi pa nagsisimula ang labanan sa pagitan ng mga batang adventurers.

Tahimik at masaya pa ring naglalakad si Finn Doria sa malawak na kagubatan. Palingon-lingon lang siya sa mga puno at pinakikiramdaman ang buong paligid.

Habang pinakikiramdaman ang buong paligid, mayroon siyang ilang presensyang nadadama ngunit wala siyang balak na puntahan ang mga ito dahil hindi siya nagmamadali. Hawak niya ang oras at kontrolado niya ang kompetisyong ito.

Ngayon, kailangan niya lamang hanapin ang ilan sa kaniyang mga kasama. Kailangan niya pang tulungan at samahan ang mga ito upang makabawi siya sa Cloud Soaring Sect. Mayroon pa rin siyang utang na loob sa pamunuan ng faction na kinabibilangan niya kaya naman nais niyang makatulong sa abot ng kaniyang makakaya.

Habang patuloy siyang naglalakad, sa wakas ay nakarinig na rin siya ng ilang mahihinang pagsabog sa ibang parte ng kagubatan. Hindi niya ito pinansin dahil hindi naman kabilang doon ang kaniyang mga kasama sa naglalaban.

--

Sa malawak na lungsod ng Floating Island, isang binatang nakasuot ng berdeng roba ang nakangiti habang mabilis na tumatakbo. Lumilingon-lingon din siya sa paligid na para bang may hinahanap. Kanina niya pa ito ginagawa at kahit na mayroon na siyang nakakasalubong na kalaban o kakampi, hindi niya pinapansin ang mga ito at baliwalang nilalagpasan lamang.

Hindi nangahas na sundan ng mga ito ang binata dahil ayaw nilang makasalamuha ang mayabang na binatang ito. Isa pa, alam ng mga kalaban ang kanilang limitasyon kaya naman mahirap mang tanggapin, kailangan nilang iwasan ang ang binata upang tumagal pa sila sa kompetisyon.

"Finn Doria! Malapit na ako. Sa oras na mahanap kita, 'yon na ang katapusan mo!" nakangising wika ni Brien Latter habang mabilis na tumatakbo.

Nalibot niya na halos ang buong lungsod at kahit anino ni Finn Doria ay hindi niya matagpuan. Sa ngayon, balak niyang hanapin si Finn Doria sa loob ng malawak na kagubatan. Wala siyang pakialam sa ibang naglalaban at wala rin siyang balak na kuhanin ang mga gintong pulseras ng ibang faction. Ang tanging kagustuhan niya lamang ay makaharap si Finn Doria upang makapaghiganti sa ginawang pamamahiya nito sa kaniya sa loob ng Auction House.

Malapit na siyang makapasok sa kagubatan ng bigla na lamang mayroong lumitaw na malaking apoy na hugis suntok sa kaniyang kanang bahagi at ang lumipad na apoy na ito ay papunta sa direksyon niya. Ang malaking apoy na hugis suntok na ito ay mabilis at punong-puno ng marahas na enerhiya.

Napangisi naman si Brien Latter at agad na tumalon patalikod. Mabilis niyang naiwasan ang atakeng 'yon kaya naman tumama ito sa lupang kinatatayuan niya kanina. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at malaking hukay sa lugar na 'yon. Hindi pa man nakakatapak sa lupa si Brien, isa na namang nag-aapoy na suntok ang agad na muntik nang tumama sa kaniyang dibdib. Mabilis ang pakiramdam ng binata kaya naman agad niyang nasalag ang suntok gamit ang kaniyang nagliliwanag na dalawang braso.

Tumama ang nag-aapoy na suntok sa kaniyang kanang braso ngunit mapapansing hindi ito napinsala ng kahit kaunti. Napansin naman ng binatang umaatake na gaganti ng atake si Brien kaya naman mabilis siyang umatras at naging alerto.

Ngumisi si Brien Latter at pagkatapak ng kaniyang talampakan sa lupa, tiningnan niya ang pamilyar na binatilyong nakasuot ng pulang roba. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at mapanghamak na wika, "Hindi ka pa rin ba natututo, Elyas? Kahit na atakihin mo ako habang ako ay nakatalikod, hindi mo ako matatalo."

Napangiwi naman si Elyas at galit na tumugon, "Huwag kang masyadong mayabang, Brien Latter. Nanalo ka lang sakin dahil hindi ako handa ng mga oras na 'yon ngunit sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi ka na mananalo. Ipinahiya mo ako sa harap ng aking Burning Heaven Sect at kailanman ay hindi ko matatanggap ang pangyayaring 'yon! Sa buong buhay ko, walang batang adventurer ang gumawa sa akin ng bagay na ginawa mo. Ako ang pinakamalakas na core member ng Burning Heaven Sect at lahat sila ay iginagalang at hinahangaan ako!"

Bawat salitang binibitawan ni Elyas ay punong-puno ng galit at pagkamuhi. Hindi niya matanggap na natalo siya ni Brien Latter gamit lamang ang isang atake noong naglaban sila. Dahil sa kaniyang pagkatalo at kahihiyan, ang ibang miyembro ng Burning Seven ay nabawasan na ang paghanga at respetong ibinibigay sa kaniya. Kahit na hindi ito harapang ipinapakita at ipinaparamdam sa kaniya ng kaniyang mga kapwa miyembro, alam niyang para sa kanila, hindi na siya ang kanilang iniidolo.

Nang marinig ito ni Brien Latter, hindi niya mapigilang matawa ng malakas. Hinahamak at minamaliit niya si Elyas dahil sa mga salitang binitawan niyo. Mapanghamak siyang tumingin sa binata at nakangising nagwika, "Kung iniisip mong isa kang talentadong adventurer, para sa akin ay isa ka lamang basura. Isa ka lamang ordinaryong adventurer sa kahariang ito at hindi ka karapatdapat na tawaging talentado. Dahil naaawa ako sa'yo, bibigyan kita ng pagkakataon."

"Umalis ka sa harapan ko at iisipin ko na lang na hindi ka kailanman lumitaw sa daan ko." Mayabang at mapagmalaki niyang pagpapatuloy.

Namula naman sa sobrang galit si Elyas, "Anong karapatan mong maliitin ako?!"

Dahil sa sobrang galit, napalibutan ang kaniyang buong katawan ng sobrang init na apoy. Nagbato siya ng hindi mabilang na nag-aapoy na suntok patungo kay Brien Latter ngunit madali lang itong naiilagan ng binata.

Napuno ang buong paligid ng apoy at ang lupa ay mayroong bakas ng mga kamao. Malakas ang mga atake ni Elyas ngunit wala na siyang kontrol sa kaniyang sarili. Masyado siyang nagpalamon sa kaniyang emosyon kaya naman wala siyang ginawa kung hindi ang magbitaw nang malalakas na atake. Kahit na hindi siya ang pinakamalakas na batang adventurer sa buong kaharian, para sa kaniya walang sinuman ang may karapatang maliitin siya ng ganito.

Dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa pag-atake, hindi niya inaasahang pasugod na pala si Brien Latter sa kaniya. Napansin niya ang ngiti ng binata at ang kamao nito na papalapit kaya naman agad niyang iniharang ang kaniyang dalawang braso.

Creak!

Ilang mahihinang tunog ng nababali at nagkakadurog-durog na buto ang narinig ni Brien ng tumama ang kaniyang malakas na suntok sa braso ni Elyas.

Napahiyaw at napangiwi sa sakit si Elyas dahil sa atake ni Brien kaya naman hindi niya inaasahang mulis siyang marahas na aatakihin ng binata.

Dinakma ni Brien ang braso ni Elyas at bumwelo. Malakas niyang ibinato ang binata nang patungo sa malaking puno.

Tumama ang katawan ni Elyas sa malaking puno. Muli siyang napaungol ng dahil sa pagtama ng kaniyang likod sa puno. Hirap na hirap siyang tumayo habang ang kaniyang dalawang kamay ay namamanhid sa sobrang sakit. Hindi niya na maigalaw ang kaniyang kamay dahil sa pagkakapinsala ng kaniyang buto kaya naman hindi na niya makukuha ang kaniyang armas mula sa kaniyang interspatial ring.

Unti-unti namang lumapit ang nakangising si Brien kay Elyas at may panghahamak na pinagmasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng binatilyo.

Dadakmain niya na sana ang leeg ni Elyas ngunit bago pa man dumampi ang kaniyang kamay sa leeg ni Elyas, dalawang malakas na suntok ang tumama sa kaniyang tagiliran na naging dahilan ng pagtilapon ng kaniyang katawan sa malayo.

"Hindi lang isa ang kalaban mo rito , Brien Latter." Mayabang na giit ng isang binatilyong nakasuot ng kayumangging roba.

Ang mukha nito ay mayroong malalaking peklat na halos takluban na ang buong mukha nito. Masama rin ang hitsura nito habang nakatingin sa nakahigang binatilyo sa lupa. Mapapansin ding sa tabi ng binatilyong ito ay isang kalansay na manika na naglalabas ng masangsang na amoy. Ang binatang ito ay si Odin ng Soul Puppet Sect, kahit na pareho silang nasa 6th Level Scarlet Gold Rank, mas malakas siya ng kaunti kay Elyas.

Nawala ang ngisi nito sa labi at nanliit mg mata nito nang mapansing unti-unting tumatayo ang katawan ng binata. Nanginginig ang buong katawan nito at mapapansing namumula na rin ang mukha nito.

"Odin ng Soul Puppet Sect! Patuloy niyo akong hinahadlangan sa aking layunin. Pagsisisihan niyong kinalaban niyo pa akong dalawa!" galit na sigaw ni Brien Latter at ang kaniyang kabuuan ay napalibutan ng nakakatakot at malamig na aura.

Nakaramdam naman ng panganib si Odin kaya naman agad niyang hinawakan ang kaniyang interspatial ring. Agad na lumitaw ang ilang mga bagay sa kaniyang palad, isang maliit na bote, isang pilak na pana at ilang mga palaso. Agad niyang binuksan ang maliit na bote at inihagis ang laman nito patungo kay Elyas.

"Kainin mo 'yan at tulungan mo muna ako rito. Kung gusto mong makapaghiganti sa kaniya, kailangan mong makipagtulungan sa akin!" malakas na sigaw ni Odin.

Matapos niyang maibato ang isang Recovery Pill kay Elyas, agad niyang kinontrol ang kaniyang manika at pinasugod sa kinatatayuan ni Brien. Pumwesto na rin siya at inatake ang binata gamit ang kaniyang pana at palaso.

Mabilis na sinalo ni Elyas ang recovery pill at nilunok nito. Naramdaman niya ang pagdaloy ng enerhiya sa kaniyang katawan at ilang sandali pa, naramdaman niya medyo bumuti na ang kalagayan ng kaniyang kamay. Maingat niyang hinawakan ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang isang pulang espada sa kaniyang kamay.

Nagliyab ang espadang ito at naglabas ng malakas na aura. Agad siyang sumugod kay Brien at tinulungan si Odin sa pag-atake sa binata.

Kahit na tatlo na silang umaatake kay Brien Latter, hindi pa rin nila magawang matamaan ang binata. Masyadong mabilis ang mga galaw nito kaya naman sa tuwing ito ang aatake ay walang silang magawa kung hindi ang salagin ito dahil hindi nila ito magawang iwasan.

--

Sa lugar na pinanonooran nina Lord Helbram, Faction Masters at Elders. Bawat isa ay seryosong nakatuon ang atensyon sa naglalaban. Bahagya silang nagulat sa mga ipinapakitang kakayahan ni Brien kaya naman hindi nila mapigilang mapatango habang nanonood.

"Association Master Morris, kahit na may kayabangan ang iyong estudyante, hindi maikakailang hindi siya pangkaraniwang 6th Level Scarlet Gold Rank. Kaya niyang sabay na labanan ang dalawang pinakamalakas na batang adventurer ng Burning Heaven Sect at Soul Puppet Sect ng hindi nagagalusan ng kahit kaunti." Patango-tangong wika ni Lord Helbram habang pinanonood ang labang nangyayari sa baba.

Ngumiti naman si Association Master Morris at tumango rin. Hinawakan niya ang kaniyang balbas at dahan-dahang hinimas ito, "Maraming salamat, Lord Helbram. Isang karangalan ang makatanggap ng papuri mula sa inyo."

Masaya siya dahil sa papuring ito ni Lord Helbram. Siya ang guro ni Brien kaya naman ipinagmamalaki niya ang kakayahan ng kaniyang estudyante. Sa isang taon na kasama niya si Brien, siya rin ang nagturo sa ilang abilidad na ipinapakita niya ngayon.

Hindi naman tumugon si Lord Helbram at seryoso pa ring pinapanood ang laban.

--

Boom!

"AHHH!"

Malakas na pagsabog at mga sigaw ang umalingawngaw sa pagitan ng lungsod at kagubatan.

Kasabay ng pagsabog at pagsigaw, tatlong pigura ang tumilapon at bumagsak sa lupa. Ang dalawa sa katawan ay punong-puno ng mga galos at sugat, mapapansin ding tumutulo na ang dugo sa kanilang malilit na hiwa. Ang isa naman ay halos magkahiwa-hiwalay na ang mga buto nito at mapapansing malaki ang natamo nitong pinsala sa naganap na laban. Hindi na nila kayang lumaban dahil wala na silang lakas.

Sa hindi kalayuan naman ay may panghahamak na tiningnan ni Brien Latter ang nakahandusay na katawan ng dalawang binatilyo. Pinagpagan niya ang kaniyang suot na roba, damit at pantalon at mayabang na nagwika, "Hmph! Kahit pa sampung kayo ang lumaban sa akin, hindi kayo mananalo sa akin! Walang sinuman na kalahok sa Seven Great Faction Games ang makakatalo sa akin. Hindi kayo, hindi si Gerould at hindi si Azur!"

Galit na galit siya sa dalawang ito dahil sa pagharang niya sa kaniyang dadaanan. Wala na sana siyang balak na labanan ang dalawang ito ngunit ginalit siya nang sobra ng dalawang ito.

Lumapit siya sa katawan ng dalawang walang malay na binata at marahas na tinapakan ang mga braso nito bago kuhanin ang mga suot nitong pulseras. Agad na sumanib ang dalawang pulseras sa sarili niyang pulseras at matalim na tiningnan ang dalawa.

Napaungol naman sa sakit ang dalawa dahil sa pagtapak na ginawa ni Brien. Malinaw pa ring makikita ang inis sa mukha ng binata kahit na napahirapan niya na ang dalawa. Ngunit ilang sandali pa, biglang nawala ang inis nito at napalitan ng masayang ngiti.

Napangiti siya dahil mayroon siyang naramdaman na pamilyar na aura at presensya. Tinandaan niya ang aurang ito at hinding-hindi siya magkakamali sa kaniyang naramdaman.

"Sa wakas, lumabas ka na rin, Finn Doria." Nakangising giit ni Brien at dahan-dahang hinarap ang binatang naglalakad palabas ng kagubatan.

Bahagya namang tumawa ang papalapit na si Finn Doria at makahulugang pinagmasdan si Brien. Huminto siya at nakangiting hinarap ang binatilyo.

"Mukhang malaki talaga ang kumpiyansa mo sa'yong sarili, Brien Latter."

--

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

376K 82K 102
Synopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng...
261K 6.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
10K 1.6K 64
This book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile befor...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION