Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXII

11.1K 688 23
By GinoongOso

Chapter XXII: Second Round

Nang marinig at malaman ni Finn Doria kung sino ang makakalaban nila ni Ashe Vermillion, isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.

Ito na ang pinakahihintay niyang sandali, magkakaroon na rin siya ng pagkakataon upang makalaban ang dalagang kaniyang kinasusuklaman at kinaayawan.

Hindi na siya makapaghintay na ilampaso ang dalawang miyembro ng Ice Feather Sect at ipinapangako niyang sa oras na magkaharap-harap na sila, ipapahiya niya ng sobra pa sa sobra ang dalagang 'yon sa harap ng maraming tao.

Bawat isang naroroon sa loob ng karwahe ay naramdaman ang malamig na aurang inilalabas ni Finn Doria. Napansin din nila ang misteryosong ngiti ng binata kaya naman nakaramdam sila ng panlalamig ng katawan, maging sina Sect Master Noah at Elder Marcus ay nakaramdam din ng kakaiba sa ngiting ito ng binata.

Naramdaman din ito ni Ashe Vermillion ngunit itinago niya ang kaniyang takot na nararamdaman. Taimtim niyang pinagmasdan si Finn Doria.

Nang mapansin ng binata ang pagbabago sa kaniyang paligid, agad siyang natauhan. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong nasa loob ng karwahe at bahagyang ngumiti, "Gagawin namin ni Binibining Ashe ang lahat ng aming makakaya upang ipanalo ang laban."

Nang marinig ito ng mga taong naroroon, nakahinga sila nang maluwag. Ipinagdadasal nilang sana ay maipanalo nina Finn Doria at Ashe Vermillion ang labang ito upang mas umangat pa ang kanilang puwesto sa kompetisyong ito.

Gaya ng nakararami, ganito rin ang nararmdaman ni Lore Lilytel. Kahit na gusto niyang makasama si Ashe Vermillion sa pakikipaglaban, wala siyang magagawa dahil ito ang desisyon ni Lord Helbram. Isa pa, tanggap niya na, na masyadong malayo ang agwat ng lakas nilang dalawa ni Finn Doria. At wala na siyang balak makipagpaligsahan sa binatang ito.

Matapos ang pag-aanunsyo ni Sect Master Noah ng magandang balita, naging tahimik na ang grupong Soaring Seven sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa istadyum.

Nang muli nilang makita ang istadyum, namangha sila sa bilis ng pag-aayos nito. Isa pa, mas mukha itong matibay kaysa sa nakaraang istadyum kaya naman sigurado silang matitibay na materyales na ang ginamit sa pagkukumpuni nito.

Nang makaakyat ang grupo ng Cloud Soaring Sect, muli na namang nagkita-kita ang bawat miyembro ng Seven Great Faction. Mayroong nakangiti habang sinasalubong ang tingin ng bawat isa ngunit mayroon din namang nakangiwi.

Sa kabilang banda naman, nakatuon ang buong atensyon ni Finn Doria sa kinaroroonan ng Ice Feather Sect. Nakangiti siya habang nakatitig sa isang magandang dalaga. Misteryoso ang ngiti niya kaya habang sinasalubong ng dalaga ang ngiti ng binata, mapapansin sa kaniyang mga mata ang iba't ibang emosyon.

Galit

Poot

Takot

Pangamba at higit sa lahat,

Galak.

Nagagalak din ang dalagang ito sa magaganap na laban nila dahil nitong nakaraang araw lang ay umangat ang kaniyang antas ng lakas dahil sobrang pagka-ipit sa sitwasyon.

Unti-unti ng lumalakas si Finn Doria at ang kaniyang mahigpit na katunggali na si Ashe Vermillion ay lumalakas na rin kaya naman hindi niya ito matanggap. Mayroon siyang Sky Ice Pathway at nakatakda na siya ay maging isang Sky Rank Adventurer sa hinaharap. Hindi niya matanggap ang kaniyang sitwasyon kaya naman hindi inaasahang tumaas ang kaniyang antas ng lakas sa ka-orasan. Kahit n hindi pa sapat ang lakas na ito para talunin ng dalawa, naniniwala naman siyang sa tulong ni Hyon Pierceval, na kaniyang katuwang, sigurado siyang madali na lamang para sa kanila ang talunin sina Finn Doria at Ashe Vermillion.

Syempre ay naramdaman ni Finn Doria ang pagbabago sa lakas ni Tiffanya Frois ngunit wala pa rin siyang pakialam. Isa lang ang layunin niya sa ngayon, 'yon ay ang simulan ang paghihiganti sa puno't dulo ng lahat ng kaniyang paghihirap at ng kaniyang angkan.

Wala siyang pakialam kung isang 5th Level, 6th Level o 7th Level Scarlet Gold Rank pa si Tiffanya, dahil isa lang ang bagay na pinaniniwalaan niya, nakatadhana na ang pagbagsak ni Tiffanya Frois at ng buong Nine Ice Family.

--

"Siguro naman ay naibalita na sa inyo ng inyong Faction Master kung sino-sino ang maglalaban ngayon?" tanong ni Lord Helbram sa mga kalahok habang lumulutang sa gitna ng istadyum.

Tumango at tumugon naman ang lahat ng kalahok kaya naman ngumiti si Lord Helbram, "Kung gayon, simulan na natin ang unang laban."

"Unang laban, Azur at Franco ng Sword Seven laban kina Gerould at Heriot ng Ancient Seven! Maaari na kayong magsimula."

Unang laban pa lang ngunit matindi na agad ang sagupaang magaganap. Inaasahan na ito ng karamihan dahil laban ito nina Azur at Gerould. Kahit na nanalo si Azur kay Gerould sa laban nilang dalawa, mayroong pa ring posibilidad na si Gerould at ang katuwang niya ang manalo sa labang ito.

Hinarap ng magkatuwang na sina Franco at Azur ang kabilang panig at ilang sandali pa, nagsimula na silang sumugod at magpaulan ng atake.

Hindi nagsayang ng oras si Azur at sinugod agad ang katuwang ni Gerould na si Heriot. Mas mahina ito kay Gerould kaya naman ito ang uunahin niya upang mabawasan agad ang kanilang kalaban.

Dahil sa hindi ito inaasahan ni Heriot, napako ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan at napatitig siya sa kawalan. Gusto niyang takasan at iwasan ang atake ni Azur ngunit hindi gumagalaw ang kaniyang mga paa.

Bago pa man marating ni Azur ang kinaroroonan ni Heriot, agad na lumitaw si Gerould sa harap ni Azur at sinubukang suntukin ito gamit ang kaniyang kamao na nababalutan ng itim na enerhiya.

Mabilis itong naiwasan ni Azur at tumalon siya patalikod. Napasimangot siya ng dahil sa pagpalpak ng plano niya. Hindi niya inaasahang ganoon kabilis ang reaksyon ni Gerould.

"Heriot anong ginagawa mo?! Tatayo ka nalang ba dyan at maghihintay na atakihin ka ng kalaban?!" inis na sigaw ni Gerould sa kaniyang kakampi.

Natauhan naman si Heriot at agad na humingi ng paumanhin kay Gerould, "Hindi..ko sinasadya..."

Kung sakaling nagtagumpay nga si Azur sa pag-atake sa kaniya siguradong mahihirapan si Gerould na kalabanin ang dalawa ng sabay. Si Azur pa nga lang ay sakit na sa ulo, paano pa kaya kung sabay niyang lalabanan sina Franco at Azur?

"Hmph. Ayusin mo ang sarili mo. Ako na ang bahala kay Azur, ipinapaubaya ko na sa'yo si Franco. Pilitin mo siyang talunin ng mabilis para matulungan mo ako!" muling sigaw ni Gerould.

Tumango naman si Heriot at mabilis na naglaho ang kaniyang pigura. Ilang sandali pa ay nakita na lamang ng mga manonood na tensyonado na itong nakikipaglaban kay Franco.

"Gusto mong matanggal agad si Heriot sa laban upang madali niyo akong matalo? Hmph. Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yon?" wika ni Gerould at agad na sumugod kay Azur. Hinawakan niya ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang kaniyang mahabang sibat.

Ang sibat na ito ay nababalutan ng itim at malamig na enerhiya. Nang masaksihan naman ito ni Azur, ngumiti siya at marahang nagwika, "Mukhang lumakas ka, Gerould. Ngunit hindi pa rin sapat 'yan. Natalo na kita noong una at ngayon, tatalunin muli kita!"

Hinawakan niya rin ang kaniyang interspatial ring at muling lumitaw ang kaniyang pilak na espada. Nabalutan ito ng puting enerhiya at mabilis na sumugod patungo sa pasugod ring si Gerould.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang narinig sa buong istadyum ng magtama ang armas nina Gerould at Azur.

"Mabuti na lang matataas na kalidad na ng materyales ang ginamit ko sa pagpapagawa ng istadyum. Kung hindi, siguradong sira-sira na naman ito." Iling-iling na wika ni Lord Helbram habang nanonood sa labang nagaganap.

Muling nagpalitan ng atake ang dalawa na halos yumanig na sa buong istadyum. Bawat isa ay nagagalak sa paglalabang ito at hindi nila iniintindi ang pagyanig ng istadyum.

"Sa loob lamang ng ilang araw ganito na agad ang inilakas nilang dalawa? Karapat-dapat nga silang tawagin bilang talentadong adventurers."

"Mga bata, kulang pa talaga kayo sa kasanayan. Sa oras na maglaban ang dalawang adventurer na mayroong parehong lakas, nagsisilbi na nila itong ensayo kaya naman mas lumalakas pa sila habang tumatagal ang laban."

Habang naglalaban ang apat sa baba ng istadyum, nagbibigay naman ang mga nakatatandang adventurer sa mga batang adventurer na nasa pangangalaga nila ng mga gabay tungkol sa mga nagaganap sa laban. Ito ang kanilang tungkulin bilang Elder at Faction Master, ang turuan at gabayan ang mga nakababatang henerasyon.

Ilang metro na ang layo ng dalawa at mapapansin na rin ang mga galos sa kanilang mga braso at mukha.

Itinaas ni Gerould ang kaniyang kamay na may hawak na sibat at bigla na lang lumakas ang ang aurang inilalabas ng kaniyang armas. Nabalutan ito ng makapal na itim na liwanag at itinutok niya ito kay Azur, mabilis siyang sumugod sa binata at inatake ito.

Spear of Darkness!

"Hah!" sigaw ni Gerould.

Sinalag naman ito ni Azur ngunit dahil masyadong malakas ang atakeng ito ni Gerould, hindi niya kinaya ang puwersa dahilan ng pagtilapon ng kaniyang katawan sa hindi kalayuan.

Hindi naman nagsayang ng oras si Gerould at mabilis na sumugod sa kinaroroonan ni Azur. Ang hindi inaasahan ng binata ay ang mabilis na pagbangon ni Azur at napansin niya rin ang ngiti nito.

Naramdaman na lang ni Gerould ang isang malakas na pagsikmura ni Azur sa kaniya kaya naman halos mapaluhod na siya sa sobrang sakit.

"Natalo na kita noong una kaya naman tatalunin ulit kita sa pagkakataong ito." Nakangising giit ni Azur.

Darkness Fist!

Aatakihin niya sanang muli si Gerould ngunit isang malakas na suntok ang muntik ng tumama sa kaniya. Mabuti na lang ay naramdaman niya agad ito kaya naman mabilis niya itong nailagan. Tumama ang malaking kamao sa lupa kaya naman nagkaroon ito ng maliliit na bitak ng lupa.

"Mn? Natalo mo na si Franco? Mukhang kailangan ko kayong kalabanin na dalawa." Nakangising wika ni Azur habang nakatingin kay Heriot na tinutulungang makatayo si Gerould. Ngumiti siya sa dalawa at nagpatuloy, "Pero mukhang hindi rin ganoon kaganda ang kalagayan mo kaya naman wala ring silbe kung sasali ka sa laban namin."

Muling sumugod si Azur Lilytel at ang kaniyang puntirya ay walang iba kung hindi si Heriot. Iwinasiwas niya ang kaniyang espada sa binata at sinubukan naman itong salagin ni Heriot ngunit kahit na nasalag niya ito, hindi niya pa rin kinaya ang lakas ng isang 7th Level Scarlet Gold Rank kaya naman tumilapon ang kaniyang katawan sa malayo. Sinubukang tumayo ni Heriot ngunit hindi niya na nakayanan ang bigat ng kaniyang katawan at pagod. Bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa at nawalan ng malay.

Aatake naman sana si Gerould ngunit agad siyang sinubukang sipain ni Azur sa sikmura kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang umilag.

Sinundan naman siya ni Azur at iwinasiwas nito ang espada sa kaniya kaya naman iniharang niya ang kaniyang mahabang sibat at ginamit ito bilang panangga.

CLANK!

CLANK!

CLANK!

Ilang tunog ng nagtatamaang mga metal ang maririnig sa buong istadyum. Karamihan sa mga manonood ay makapigil hiningang nakasubaybay sa bawat nangyayari sa baba. Malinaw nilang nakikita na lamang si Azur at hindi naman makakuha ng tiyempo si Gerould upang umatake.

Matapos ang ilang minuto, sa wakas ay nagawang patalsikin ni Azur ang sibat na hawak ni Gerould sa malayo. Mabilis na sinipa ng binata ang sikmura ng kaniyang kalaban kaya naman muli itong napaluhod sa sobrang sakit.

Itinutok ni Azur ang kaniyang espada sa ulo ni Gerould at nakangising nagwika, "Muli ka na namang natalo sa akin, Gerould Faust."

Nang masaksihan ito ng karamihan, napabuntong hininga sila. Mukhang ang titulo ng pinakamalakas na miyembro ng Seven Great Faction ay mapupunta na kay Azur Lilytel ng Immortal Sword Pavilion.

Ngumiti si Lord Helbram nang makita ang pagtatapos ng laban. Agad siyang umalis sa kaniyang kinauupuan at lumutang papunta sa gitna ng istadyum. Malumanay siyang tumingin kay Azur Lilytel at nagwika, "Kayong dalawa, isa iyong magandang laban. Ipinakita mo bata mula sa Immortal Sword Pavilion na hindi lang basta biro ang titulo mo bilang Sword Genius at ikaw naman bata mula sa Ancient Darkness Island, kahit na natalo ka, marami pang pagsubok na magpapatatag at magpapalakas sa'yo. Mahaba pa ang buhay at hindi pa rito nagtatapos ang lahat."

Matapos itong sabihin ni Lord Helbram, muli siyang tumingin sa buong paligid at malakas na inanunsyo ang resulta ng laban, "Dahil nagawang talunin ni Heriot si Franco, ang Ancient Darkness Island ay makakakuha ng sampung puntos. At dahil napatumba naman ni Azur sina Gerould at Heriot, makakatanggap ang Immortal Sword Pavilion ng dalawampung puntos."

Napabuntong hininga naman ang mga miyembro ng Ancient Darkness Island. Hindi nila inaasahang muling matatalo ang kanilang pinakamalakas na miyembro sa pinakamalakas na miyembro ng Immortal Sword Pavilion. Gayunpaman, kailangan nilang tanggapin ang katotohanan na medyo mahina si Gerould kumpara kay Azur.

Nagpatuloy ang ikalawang parte ng kompetisyon. Ang susunod na laban ay sa pagitan nina Leo at Juvia ng Soaring Seven laban kina Segarus at Mavina ng Soul Seven.

Noong una, nakakalaban pa sina Leo at Juvia ngunit sa huli, nagtapos ang laban na wala man lamang silang napatumba kahit isang miyembro ng Soul Seven. Bumalik sila sa kinaroroonan ng Cloud Soaring Sect na hiyang-hiya ngunit pinakalma naman sila nina Sect Master Noah at Elder Marcus.

Ang ikatlong laban ang isa rin sa pinakatumatak sa buong laban dahil ito ay laban nina Brien at Lina ng Alchemist Seven laban kina Nele at Hodge ng Ancient Seven.

Tumatak ito dahil nanaman sa kayabangan ni Brien. Naupo lang siya habang hinayaan niya na kalabanin ni Lina ang dalawa kaya naman makalipas lang ang dalawang minuto ay agad itong tumumba at nawalan ng malay.

At noong inaakala nila Nele at Hodge na madali nilang matatalo si Brien, hindi nila inaasahang mabilis at malakas ang binatilyo. Nagawa lang namang patumbahin ni Brien ang dalawa gamit lang ang tig-isang atake.

Dapat malaman na si Nele ay isang 6th Level Scarlet Gold Rank gaya ni Brien ngunit agad siyang napatumba gamit lamang ang ordinaryong atake? Anong klaseng halimaw na lakas ang mayroon si Brien?

Gayunpaman, kahit madaling naipanalo ni Brien ang laban, nakaramdam ng galit ang mga manonood kabilang na ang mga miyembro ng Alchemist Seven. Hinayaan ng binatilyo na lumaban mag-isa si Lina dahilan ng agad niyang pagkatalo kaya sino ang hindi magagalit sa kaniyang ginawa?

Ngunit wala silang magagawa, hindi naman nakasaad sa panuntunan na dapat tulungan ang katuwang sa pakikipaglaban kaya naman wala silang magagawa kung hindi kimkimin ang kanilang galit.

Matapos ang laban nina Brien, mayroon pang tatlong sumunod na laban ngunit hindi na ito ganoon kaganda kaya naman hindi masyadong nakaramdam ng tensyon ang mga manonood.

Ang kanilang inaabangan na lamang ngayon ay ang huling laban, ang labang Finn Doria at Ashe Vermillion ng Soaring Seven laban kina Tiffanya Frois at Hyon Pierceval ng Ice Seven..

--

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
7.1K 1.3K 84
Book 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang...
170K 21.4K 39
Isang dalubhasang kawatan ang bigla na lang napunta sa mundo ng pantasya, kung saan umiiral ang mahika at katakot-takot na mga halimaw. Sa kamalas-ma...
780 38 10
Started: March 02, 2024 Ended: She was neglected by her own King, used and abused because they thought that she was powerless. Not until she discover...