Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XX

11.2K 751 60
By GinoongOso

Chapter XX: Request

Nang makabalik na ang grupo ng Cloud Soaring Sect sa kanilang Faction House, agad-agad na nagtungo ang bawat miyembro sa kani-kanilang silid.

Nang makapasok si Finn Doria sa kaniyang silid, agad niyang ikinandado ang pintuan at itinuon ang kaniyang atensyon sa pagbukas ng Myriad World Mirror. Matapos ang ilang sandali, muling lumutang ang salamin mula sa kaniyang katawan at bumukas ang lagusan papunta sa mundo sa loob nito.

Pumasok si Finn Doria sa loob ng Myriad World Mirror at hinayaan niya lang na bukas ito upang malaman kung mayroong nangyayari sa kaniyang paligid. Matapos niyang makapasok sa loob ng Myriad World Mirror, agad siyang naghanap ng bakanteng pwesto at tahimik na nagmuni-muni.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at pinakiramdaman niya ang mayaman at makapal na soulforce sa paligid. Ngumiti na at nagsimula ng mag-ensayo, hinayaan niyang dumaloy ang mga nahihigop niyang soulforce sa kaniyang katawan. At habang patuloy na dumadaloy ang soulforce sa kaniyang soulforce pathway patungo sa kaniyang soulforce coil, nakaramdam siya ng sobrang gaan sa pakiramdam.

Naramdaman niya rin ang unti-unting pagkapal at pagdami ng soulforce sa kaniyang soulforce coil. Kahit na malabong tumaas ang antas ng lakas niya sa kakaunting panahon, hindi pa rin siya nagsasayang ng kahit kakarampot na oras.

Muling lumitaw ang maliit na nilalang nang maramdaman niya ang presensya ni Finn Doria. Dumapo ang maliit na nilalang na ito sa isang malaking bato at tahimik itong nagmasid at pinagmasdan ang nagmumuni-muning binatilyo.

Hindi naman pinansin ni Finn Doria at nagpatuloy na lang siya sa paghigop ng soulforce sa kaniyang paligid ng halos kalahating araw. Hindi naman ganoon kalaki ang pagbabago sa kaniya pero sapat na ito kay Finn Doria.

Matapos ang ilang sandali, huminto lamang siya nang maramdaman niyang mayroon palang binatilyo ang naghihintay sa tapat ng kaniyang silid. Tumayo si Finn Doria at nagtatakang naglakad palabas ng Myriad World Mirror. Muli niyang ibinalik sa kaniyang katawan ang Myriad World of Mirror at naglakad patungo sa harap ng pinto.

Tinanggal niya ang kandadong nakalagay sa pinto at hindi niya inaasahan ang adventurer na kaniyang naabutan sa tapat ng kaniyang pinto. Ito ay walang iba kung hindi si Lore Lilytel. Mapapansing, nagulat din ito sa biglang pagbukas ni Finn Doria sa pinto kaya naman mababakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

Ngunit agad rin siyang nakabawi at naiilang na ngumiti sa binatilyo. Mahigit isang oras na siyang nakatayo sa harap ng silid ni Finn Doria ngunit wala naman siyang hakbang na ginagawa na para bang nagdadalawang-isip pa siya sa kaniyang pakay.

Nagtatakang tumingin si Finn Doria sa binatilyo at marahang nagwika, "Ginoong Lore Lilytel, mayroon ba akong maipaglilingkod sa'yo?"

Mapait na ngumiti si Lore, "Hindi mo na kailangan pang maging magalang sa harap ko. Tawagin mo na lang ako sa aking pangalan. Siguro nga mas maimpluwensiya ang aking angkan kaysa sa iyong Azure Wood Family, ngunit kung lakas nating dalawa ang ipagkukumpara, sigurado akong mas malakas ka sa akin."

Hindi naman nagsalita si Finn Doria. Ngumiti lang siya sa binatilyo at hinayaan itong magpatuloy sa pagsasalita.

"Finn Doria, maaari ba kitang makausap saglit?" naiilang na tanong ni Lore Lilytel.

Hindi siya sanay na nakikiusap sa ibang adventurers lalong lalo na sa ka-edad niya kaya naman mapapansing hindi siya komportable sa kaniyang ginagawa.

Lalo namang nagtaka si Finn Doria sa pakiusap ni Lore Lilytel. Hindi sila magkaibigan na dalawa at estranghero pa rin ang turingan nilang dalawa nitong mga nakaraang linggo kaya naman anong gustong sabihin ni Lore Lilytel sa kaniya?

Gayunpaman, hinayaan pa rin niya si Lore Lilytel na pumasok sa loob at kausapin siya. Umupo silang dalawa sa sahig at hinarap ang isa't isa. Tahimik sila ng halos limang minuto at walang kahit sino ang nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Finn Doria, marahil alam mo ang tungkol sa relasyong mayroon kami ni Azur."

Ilang sandali pang katahimikan, sa wakas ay napagdesisyunan na rin ni Lore Lilytel na magsalita. Malumanay lang ang bawat bitaw niya ng salita ngunit pansin ni Finn Doria ang galit sa likod ng mga salitang ito.

"Mula pagkabata pa lamang, ako at si Azur na ang inaasahang magmamana ng posisyon ng Family Head sa hinaharap. Halos magkapantay lang ang kakayahan at talento naming dalawa pero simula nang sumali kami sa magkaibang faction, ang kaniyang lakas ay mas umangat kaysa sa akin. Dahil dito malaki ang posibilidad na siya na ang makakuha ng posisyon ng Family Head." Malumanay na paliwanag ni Lore Lilytel.

Napatango naman si Finn Doria. Tradisyon na sa isang angkan ang piliin ang kanilang magiging susunod na Family Head. Kahit ang Azure Wood Family ay mayroon ding kandidato para sa susunod na Family Head. Noon, dahil sa talentong ipinakita ni Altair, siya na sana ang nag-iisang kandidato ng Azure Wood Family para sa susunod na magiging Family Head. Ngunit dahil nga sa namatay na siya, muling nawalan ng kandidato ang pamunuan ng Azure Wood Family. Pero ngayon, mayroon na silang kandidato para sa susunod na Family Head ng kanilang angkan, ito ay walang iba kung hindi si Finn Doria.

Kahit na hindi totoong miyembro ng Azure Wood Family si Finn, marami na siyang naitulong at naiambag sa kanilang angkan. Siya rin ang dahilan ng unti-unti nilang pag-angat kaya naman determinado at buo ang kanilang suporta sa pagiging Family Head ni Finn Doria.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"

Ngunit nagtataka pa rin si Finn Doria kung bakit ito sinasabi ni Lore Lilytel sa kaniya. Wala siyang koneksyon sa sitwasyon ng Lightning Wind Family at wala siyang pakialam sa mga ito.

Bumuntong hininga si Lore Lilytel at taimtim na tumingin sa mata ni Finn Doria, "Hindi ko na kailangan pang itago sa'yo ang sitwasyong kinabibilangan ko. Sa oras na makuha ni Azur Lilytel ang posisyon ng Family Head, siguradong manganganib ang buhay ng aking pamilya. Pareho naming ayaw sa isa't isa at sigurado akong gagawin niya ang lahat upang mahirapan ako. Ayokong mangyari ito kaya naman, Finn Doria, kailangan ko ang tulong mo."

Natigilan si Finn Doria. Taimtim din siyang tumingin kay Lore Lilytel at marahang nagwika, "Wala akong koneksyon sa'yo at sa iyong angkan kaya naman bakit kakailanganin mo ang tulong ko? Isa pa, isa lang akong 1st Level Scarlet Gold Rank at nagmula lang ako sa ordinaryong angkan. Kahit na gustuhin kong tulungan ka, hindi ko makakaya."

Ito ay sariling problema ni Lore Lilytel at walang dahilan upang manghimasok si Finn Doria. Wala siyang pakialam sa ibang mga bagay hanggat hindi ito makakaapekto sa kaniyang angkan.

"Finn, alam kong hindi ka isang pangkaraniwan na Adventurer. Masyadong maraming sikreto ang iyong itinatago at siguro naman alam mo na hindi lang ako ang nakakapansin na itinatago mo ang iyong tunay na lakas. Ngunit hindi naman talaga lakas mo ang kailangan ko. Kailangan ko ang kakayahan mo bilang isang Alchemist." Seryosong wika ni Lore Lilytel. Sandali siyang huminto bago muling magpatuloy sa pagsasalita, "Nakikiusap ako Finn Doria, kailangan ko ang iyong Advance Scarlet Pill upang mas lumakas pa ako. Sa totoo lang, kailangan ko ng mas marami dahil binabalak kong bumuo ng puwersa ng mga batang Scarlet Gold Rank upang makuha ang pagkilala ng Lightning Wind Family."

'Bumuo ng puwersa upang labanan ang puwersa ni Azur Lilytel?'

Mapait namang ngumiti si Finn Doria. Ito pala ang dahilan, mukhang desperado na talaga si Lore Lilytel na talunin si Azur kaya naman humihingi na siya ng tulong kay Finn Doria.

"Gaya ng sabi ko noon sa loob ng Auction House, iyon ang kauna-unagang pill na nabuo ko at wala na akong ganoong uri ng Pill. Wala na rin akong mga sangkap upang magamit kaya naman ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko mapagbibigyan ang iyong kahilingan." Wika ni Finn Doria.

Natahimik si Lore Lilytel at nag-isip sandali, "Pakiusap Finn Doria, ikaw na lang ang pag-asa ko. Hindi ko pa ito kailangan sa ngayon pero ipinapangako kong babayaran kita ng paunti-unti. Ibebenta ko rin ang lahat ng kayamanan na mayroon ako upang makabili ng sangkap. Finn Doria, nakikiusap ako, tatanawin ko itong malaking utang na loob at ipinapango kong sa oras na maging ako na ang Family Head, tutulungan kitang makapaghiganti sa Nine Ice Family. Maaari ka ring humiling sa akin ng kahit ano basta hindi ko kakailanganing traydurin o talikuran ang ating Kahairan, Cloud Soaring Sect at aking angkan."

Nang marinig ni Finn Doria ang mga salitang binitawan ni Lore Lilytel. Natahimik siya at napaisip. Nauunawaan niyang ibinibigay na ni Lore Lilytel ang lahat ng posibleng maibigay na pangako kay Finn Doria upang tulungan niya ito. Maganda rin ang mga pangakong binitawan ni Lore. Isa pa, mas gusto rin ni Finn Doria na magkaroon ng kakampi kaysa sa kaaway kaya naman napapaisip siya sa alok ng binatilyo.

Sa totoo lang, napakarami niyang Advance Scarlet Pill sa loob ng kaniyang Myriad World Mirror. Bumilang ito ng milyon at ang iba nito ay nakahiwalay sa ibang interspatial ring. Pero sa ngayon, wala pang balak si Finn Doria na basta na lamang bigyan si Lore Lilytel ng Advance Scarlet Pill.

"Hindi ko maipapangako na matutulungan kita. Humiling din ang ibang Faction Master at kailangan ko pang bumuo nito para sa ating Cloud Soaring Sect. Pero kung makakaya mong maghintay ng isa hanggang dalawang taon, maaari kitang matulungan." Seryoso tugon ni Finn Doria.

Napatayo naman si Lore Lilytel at agad na yumuko sa harap ni Finn Doria, tumayo rin si Finn Doria at naiilang naman na pinapaayos ang binatilyo.

"Maraming salamat sa iyong pagpayag, Finn. Maaari mong pagkatiwalaan ang lahat ng mga ipinangako ko." Nakayuko pa ring wika ni Lore Lilytel.

"Ha ha ha. Hindi mo na kailangan pang magbigay pugay. Pareho lang tayo ng henerasyon kaya naman ituring mo na lang ako na iyong kaibigan." wika ni Finn Doria.

Tumayo nang maayos si Lore Lilytel at mayroong pakiramdam sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. Noon, walang sinuman ang itinuturing niyang kaibigan dahil masyado siyang mapagmataas. Akala niya ay hindi niya kailangan ang kaibigan dahil naniniwala siyang kaya niya na ang lahat ng bagay.

Ilang minuto pang nag-usap ang dalawa bago tuluyang nagdesisyon si Lore Lilytel na magpaalam kay Finn Doria.

Muli namang isinarado at ikinandado ni Finn Doria ang pinto ng kaniyang silid at muling binuksan ang lagusan patungo sa loob ng Myriad World Mirror. Pero ngayon, hindi na niya na balak mag-ensayo, nilapitan niya lang ang maliit na nilalang.

"Liit. Hindi ko maramdaman ang 'yong totoong lakas at hindi ko rin alam kung paano ka napadpad sa loob nito." Sabi ni Finn Doria habang nakatingin sa maliit na nilalang. Muli siyang nagpatuloy, "Sa tingin ko, malakas ka kaya naman maaari mo ba akong tulungan sa oras na harapin ko na ang Nine Ice Family at Black Tiger Family?"

Malumanay lang siyang tiningnan ng maliit na nilalang.

Hindi baliw si Finn Doria, ayon sa mga libro, sa oras na marating ng isang vicious beast ang mataas na antas mayroong posibilidad na makaintindi ang mga ito ng salita ng mga tao. Isa na roon si Munting Red, ang katuwang ni Sect Master Noah, naiintindihan niya ang salita ng mga taong nasa paligid niya dahil isa na siyang malakas na Profound Rank.

Bukod pa roon, mayroon ding posibilidad na makapagsalita at magkatawang tao ang isang vicious beast sa oras na marating nila ang sapat na antas ng lakas. At sa hinaharap, ninanais ni Finn Doria na magkaroon ng katuwang na vicious beast, at inaasahan niyang ang maliit na nilalang na ito ang kaniyang maging katuwang.

"Aasahan kong tutulungan mo ako sa oras na malagay ang buhay ko sa bingit ng kamatayan." Tiwalang wika ni Finn Doria.

Muli namang hindi siya pinansin ng maliit na nilalang. Tinalikuran nito si Finn Doria at lumipad na palayo sa binatilyo.

Napatulala naman ang binatilyo sa asal ng maliit na nilalang. Mapait siyang napangiti.

"Mukhang mapagmataas din ang isang 'to."

--

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 1K 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...
286K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
396K 15.2K 126
Si Kirito, isang 15 years old na binata ay papasukin ang isang nasirang game, ang Heroes Quest Online. Tatlong bagay lang ang gusto niyang mangyari...
780 38 10
Started: March 02, 2024 Ended: She was neglected by her own King, used and abused because they thought that she was powerless. Not until she discover...