Legend of Divine God [Vol 2:...

Oleh GinoongOso

704K 45.6K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Lebih Banyak

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XVII

11.5K 720 59
Oleh GinoongOso

Chapter XVII: Sword Genius vs. Little Demon

Sa buong istadyum, lahat ng mata ng mga adventurers na naroroon ay nakatuon ang atensyon sa dalawang binata sa baba ng istadyum. Malinaw na makikita sa kanilang mga mata ang pagkagalak at pagkasabik sa labang magaganap. Ang dalawang ito ang kilalang pinakamalakas na batang adventurers sa Seven Great Faction kaya naman sinong hindi masisiyahan sa labang ito?

Isa pa, hindi lang ito laban sa pagitan nina Azur Lilytel at Gerould Faust. Laban din ito sa pagitan ng dalawang malakas na faction, ang Immortal Sword Pavilion at Ancient Darkness Island.

Sa pitong Faction, ang dalawang ito ang kinikilalang pinakamalakas. Bukod sa Royal Clan, bawat mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom ay tinitingala ang dalawang malakas na Faction na 'to.

"Soaring Seven, panoorin niyong mabuti ang magaganap na laban. Maaaring matuto kayo sa kanila."

Sa lugar na kinarorooanan ng Cloud Soaring Sect, pinapangaralan ni Elder Marcus ang pitong batang Adventurers ng kanilang Faction. Habang sumasang-ayon naman sina Leo, Lan, Juvia at Ezekias, wala namang ganang nakatingin lang sina Finn, Ashe at Lore sa dalawang binata sa baba ng istadyum.

"Ayon sa balita, si Azur Lilytel ang pinakabatang adventurer na nagkaroon ng kaalaman tungkol sa paggamit ng pinakamalakas na skill ng Immortal Sword Pavilion. Alam naman ng karamihan na tanging mga 8th Level Scarlet Gold Rank lang ang may kakayahang matuto nito. Sa kaniyang murang edad na labing siyam, dalubhasa na siyang gamitin ang Immortal Sword Art. Kahit na unang skill pa lang ito, kahanga-hanga pa rin ang kaniyang kakayahan. Dahil sa lakas ng skill na ito, maaari siyang makipaglaban sa 8th Level Scarlet Gold Rank." Biglang wika ni Sect Master Noah. Tumingin siya kay Lore Lilytel. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy, "Tungkol naman kay Gerould Faust, isang taon na ang nakakaraan, nagawa niyang pumatay ng isang assassin na 8th Level Scarlet Gold Rank. Kahit na nagtamo siya nang malaking pinsala, bawat Adventurers ay saludo sa iyong kakayahan."

Namangha sina Leo nang marinig ang sinabi ni Sect Master Noah. Ang dalawang binata sa baba ng istadyum ay may kakayahang makipaglaban sa 8th Level Scarlet Gold Rank! Talagang kahanga-hanga nga sila kung gayon. Ito ang pinapangarap ng lahat ng adventurer, ang makatanggap ng magandang reputasyon at respeto mula sa karamihan.

--

Sa baba ng istadyum, patuloy pa ring pinagmamasdan nina Azur Lilytel at Gerould Faust ang isa't isa. Walang sinuman ang nagpapakita ng senyales ng pagsugod.

"Matagal ko ng hinihintay ang paghaharap nating ito, Little Demon Gerould Faust. Madalas nilang sinasabi na magkasing lakas tayo ngunit ayaw komg maniwala. Walang sinumang miyembro ng Seven Great Faction ang hihigit sa akin." Nakangising wika ni Azur Lilytel.

Hindi kinainis ni Gerould Faust ang pagmamayabang at ngisi ni Azur. Ngumiti lang siya at marahang nagwika, "Talagang malaki ang kumpiyansa mo sa iyong sarili, Sword Genius Azur Lilytel. Pero pareho lang tayo, ayaw kong maikumpara sa isang tulad mo dahil para sa akin, isa ka lamang ordinaryong adventurer."

"HAHAHA!" Tumawa si Azur Lilytel at pinagmasdan ang ngiti ni Geroulf Faust. Hinimas-himas niya ang kaniyang kamao at nakatinging nagwika sa kaharap niyang binata, "At ngayon sinasabi mong ako pa ang mayroong malaking kumpiyansa sa sarili? Kalokohan."

"Mag-uusap na lang ba tayong dalawa? Naghihintay na silang lahat sa laban natin." Wika ni Gerould Faust.

Ngumiti naman si Azur at ilang sandali pa ay biglang naglaho ang kaniyang pigura. Lumitaw ang kaniyang katawan na nababalutan ng putting enerhiya sa harap ni Gerould at sinubukan niyang atakihin ito gamit ang kaniyang kamao.

Alerto si Gerould kaya mabilis siyang nakasagot sa atakeng ito ni Azur. Hahawakan niya na sana ang braso ni Azur pero mabilis na naglahong muli ang pigura ni Azur. Isang parating na sipa ang napansin niya sa kaniyang likuran kaya naman mabilis siyang umiwas at lumayo sa lugar na 'yon. Nabalutan ng itim na enerhiya ang kaniyang katawan.

"Mabilis ka." Nakangiting wika ni Azur Lilytel.

Ngumiti lang si Gerould at sinugod si Azur. Nababalutan ng itim na liwanag ang kaniyang kamao at direkta niya itong isinuntok sa binata. Pinigil naman ito ni Azur gamit ang kaniyang nagliliwanag na palad.

Nang magtagpo ang kamao at palad, isang malakas na puwersa ang pumalibot sa paligid. Gayunpaman, hindi pa dito nagtatapos ang pag-atake ni Gerould. Nagliwanag rin ang apat niyang daliri at isinaksak niya ito sa tagiliran ni Azur. Hindi inaasahan ng binatilyo ang atakeng ito kaya naman tumama sa kaniya ito at nakaramdam siya ng pananakit ng tagiliran.

Mabuti nalang mayroong defensive Rare Armament si Azur Lilytel kaya naman hindi siya sobrang napuruhan.

"Ngayong nasaksihan ko na ang iyong totoong lakas, hindi ko maikakailang malakas ka nga pagdating sa mano-manong labanan. Naiintindihan ko ring mas malakas at sanay ka sa akin sa larangang ito. Pero..." sandaling tumigil si Azur sa pagsasalita at hinawakan ang kaniyang interspatial ring. Agad na lumitaw ang isang napakagandang pilak na espada. Kumikinang-kinang ito sa kamay ni Azur at mapapansing sa sobrang linis at linaw nito ay lumalabas na ang repleksyon na para bang isa itong salamin. Ngumiti si Azur at nagpatuloy, "Hindi ka mananalo pagdating sa totoong laban."

"Mn? Gusto kong malaman kung karapat-dapat ka nga bang tawaging Sword Genius." Tugon ni Gerould at hinawakan niya rin ang kaniyang interspatial ring.

Lumitaw sa kaniyang kamay ang isang mahabang sibat. Isa rin itong top-tier Rare Armament gaya ng kay Azur ngunit mapapansing medyo mahina ang aurang inilalabas nito kumpara sa inilalabas ng espada ni Azur.

Pinaikot ni Gerould ang sibat sa kaniyang kamay at sumugod sa kinaroroonan ni Azur. Itinutok niya ng talim nito sa binata at mapapansing nabalutan na rin ito ng magkahalong itim at pulang liwanag. Mabilis ng pagsugod at bawal galaw ni Gerould kaya naman agad niyang naabot ang kinaroroonan ni Azur. Handa at alerto si Azur kaya madali niya lang itong nasalag.

Isang malakas na tunog nang nagtagpong metal ang umalingaw-ngaw sa buong istadyum. Nagkiskisan ang dulo ng talim ng sibat at ang katawan ng espada. Ngumiti si Azur at bigla na lang siyang tumalong paatras. Kahit na malayo, iwinasiwas niya ang kaniyang espada. Nagkaroon ng malakas na hangin patungo sa kinaroroonan ni Gerould kaya naman nanlaki ang kaniyang mata. Agad siyang umiwas at tumalon sa kabilang gilid ngunit nahagip pa rin ang kaniyang kaliwang pisnge.

Nagkaroon ng maliit na hiwa rito kaya naman tumulo ang dumugo mula sa pisngi ni Gerould. Hinawakan ito ni Gerould at pinunasan gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Napangiwi siya ng mapansin niyang iwawasiwas na naman ni Azur ang kaniyang espada. Mabilis siyang sumugod patungo sa binata dahil mayroon siyang naintindihan, hindi siya mananalo kung lalabanan niya si Azur Lilytel sa malayuan!

--

"Nasa hindi kanais-nais na sitwasyon si Gerould Faust. Kung magpapatuloy ito, hindi siya mananalo kay Azur Lilytel." Malumanay na wika ni Sect Master Noah.

"Kakayahan ito ni Azur Lilytel at hindi niya kasalanang mas magaling siya kaysa kay Gerould Faust sa larangan ng pagkahawak ng armas." Biglang tugon ni Finn Doria.

Napalingon naman si Sect Master Noah at ang iba pa sa kaniya. Ngayon na napansin muli nila si Finn Doria, napapaisip tuloy sila, kaya ba ng binatilyong ito na tapatan si Azur Lilytel?

Sa kabilang banda naman ay naikuyom ni Lore Lilytel ang kaniyang kamao habang pinagmamasdan ang laban. Nasa hindi mgandang relasyon sila ni Azur at hindi niya gusto ang kaniyang nasasaksihan. Habang tumatagal, napapagtanto niyang mas lumalayo ang lakas nilang dalawa ni Azur at dahil dito, mas nawawalan na siya ng pag-asa upang makuha ang posisyon ng Family Head sa hinaharap. Kung walang himalang mangyayari, siguradong si Azur Lilytel na ang uupo bilang Family Head sa hinaharap. Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Lore Lilytel na makaramdam ng galit at pagkamuhi.

Alam niyang sa oras na si Azur na ang maging Family Head ng Lightning Wind Family, hindi magiging ordinaryo ang buhay niya. Alam niya ring gagawin ni Azur ang lahat upang pahirapan siya.

Sa hindi kalayuan ay naramdaman naman ni Finn Doria ang nakakatakot na aurang bumabalot sa katawan ni Lore Lilytel. Bumuntong hininga siya at napailing na lamang. Itinuon niya na lang ang kaniyang atensyon sa naglalabang sina Azur at Gerould.

Malinaw na nakikita ni Finn Doria na hindi na maganda ang lagay ni Gerould Faust. Ang kaniyang kasuotan ay punit-punit na at ang kaniyang katawan ay mayroong maliliit na hiwa. Naliligo na rin siya sa kaniyang sariling dugo at mapapansing nakakaramdam na rin ito ng pagod.

Sa kabilang banda naman ay hindi rin ganoon kaganda ang kalagayan ni Azur Lilytel. Mas maaayos nga lang siya ng kaunti kay Gerould ngunit nagtamo na rin siya ng ilang pinsala.

Punong-puno na ng bitak ang lupa at mapapansing sira-sira na rin ang mga haligi. Mabuti na lang matibay ang istadyum kaya naman payapa pa ring nakakapanood ang mga miyembro ng Seven Great Faction.

Bawat isang manonood ay may ngiti sa kanilang mga labi. Hindi sila nadismaya sa labang ito. Pinatunayan ng dalawang ito na sila ang pinakatalentadong miyembro ng Seven Great Faction sa labang ito. Kahit na matalo ang isa man sa dalawa, alam nila na sa hinaharap ay siguradong magiging isa pa rin siyang sikat na Adventurer.

Habang inaakala ng nakararami na nalalapit na ang pagtatapos ng laban, bigla na lamang lumakas ang aurang nakapalibot kay Gerould Faust. Inipon niya ito sa hawak niyang sibat kaya naman ramdam na ramdam ang puwersang nakapalibot dito.

Naging alerto si Azur Lilytel ng maramdaman niya ang puwersang ito kaya naman naging handa siya. Lumakas din ang kaniyang aura at inipon niya ito sa kaniyang pilak na espada.

"Ito na ang akin pinakamalakas na atake. Ito na rin ang huli dahil nararamdaman kong nauubos na ng unti-unti ang aking soulforce. Kung masasalag mo ito, ikaw na ang panalo at wala na akong sasabihin pa!" sigaw ni Gerould Faust.

Mabilis siyang sumugod kay Azur Lilytel at itinutok sa binata ang hawak niyang sibat. Nababalutan ito ng kulay itim na enerhiya at talaga namang napakalakas nito dahil maging ang hangin ay nahahati.

[Darkness Spear Thrust!]

Habang hinaharap ang atakeng ito ni Gerould, mabilis na itinaas ni Azur ang kaniyang espada at malakas na iwinasiwas ito.

[Immortal Sword Art, First Skill: Light Slash!]

Clang!

Nagtagpong muli ang espada at sibat pero ngayon ay hindi hamak na mas malakas na puwersa ang pumalibot sa buong paligid. Nagkaroon ng malaking bitak at malking butas sa kinatayuan ng dalawa ng dahil sa malakas na puwersa. Umabot din ang malakas na hangin sa mga manonood kaya naman mas lalo silang nanabik sa kanilang nasasaksihan.

Punong-puno na ng galos at sugat ang dalawang binata ngunit walang may balak tumigil. Tumutulo na rin ang dugo mula sa labi ni Gerould Faust habang namamanhid na ang kamay ni Azur Lilytel.

BANG!!

Habang patuloy na nagtatagisan ang dalawa, isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Nabalutan ang alikabok ang buong baba ng istadyum at tumalsik ang dalawa mula sa magkasalungat na bahagi ng istadyum.

Natahimik ang lahat. Taimtim nilang pinagmamasdan ang dalawang nakahandusay na pigura ng binata. Hinihintay nila kung ano ang resulta ng pagtutunggali ng dalawang pinakamalakas na batang Adventurer sa buong Seven Great Faction.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, napansin nilang nagkaroon na ng senyales ng paggalaw ang dalawa. Bawat isa sa kanilang dalawa ay wala ng pang-itaas na kasuotan dahil nasira na ito nang dahil sa kanilang paglaban. Sabay na hirap na hirap na sinuportahan nilang dalawa ang kanilang sarili upang tumayo. Malinaw naman na hindi na nila kayang lumaban. Taimtim nilang pinagmasdan ang isa't isa ng bigla na lang ngumiti si Gerould Faust at itinaas ang kaniyang kanang kamay.

"Natalo ako..." wika ni Gerould at agad na bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa at nawalan ng malay. Mabigat ang bawat paghinga niya kaya naman dali-daling bumaba ang Elder na nagmula sa Ancient Darkness Island at ipinalunok ang isang magandang kaliadad ng Recovery Pill.

Bumaba rin ang Elder ng Immortal Sword Pavilion at nakangiting ibinigay kay Azur Lilytel ang isang Recovery Pill. Kinain ito ng binata kaya naman medyo gumaan na ang kaniyang pakiramdam.

"Nanalo si Azur Lilytel! Ang titulo ng pinakamalakas na batang Adventurer ay nasa kaniya na! Bukod sa mga batang Adventurer ng Royal Clan, walang sinuman ang makakapantay sa kaniya. Talagang kahanga-hanga."

Nagkaroon ng diskusyon ang mga batang adventurer ng malaman nila ang resulta ng laban. Hindi na nila kailangang marinig ito mula kay Lord Helbram dahil malinaw namang tinanggap na ni Gerould Faust ang kaniyang pagkatalo.

Habang nakatingin pa rin si Finn Doria sa baba, bigla na lang siyang natigilan ng marinig ang boses ni Sect Master Noah.

"Ano sa tingin mo Finn Doria, mayroon ka bang pag-asang matalo si Azur Lilytel?"

--

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

84.4K 9.3K 56
[Curse Darking #1] After the Blood War, Ronan Acworth couldn't believe he survived the bloody combat. Nagising siya sa isang lumang karwahe na nagdal...
130K 6.2K 67
(Under Revision) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, polit...
702K 48.8K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
137K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...