I'm Arranged with my... ex...

By MissteriousGirl_13

112K 3.2K 235

Cover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang ma... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
PROMOTION

CHAPTER 14

3.2K 90 3
By MissteriousGirl_13

Geyle's POV

Lumabas na kami sa kwarto. Madilim na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 6:30 na pala. Ang haba ng kwento nilang dalawa di ko na namalayan ang oras.

"Ayun sila oh" sabi ni Kathleen at tinuro ang mga kaklase namin na kumakaway samin. Kumaway din ako pabalik at lumapit na kami. Magkahiwalay ang mga babae sa mga lalaki dahil sa sinabi ni Pres Anika. Bitter kasi sya hahaha. Joke lang.

"Classmates, may dalawang namilit na makisali saatin. Sila David Ibhos at Chelo Malyori" pagkarinig namin yun nagsitilian ang mga haliparot kong kaklase.

"Bwiset bakit sya nandito?" Inis na sabi ni Abi.

"Abi dapat pakinggan mo sya. Hindi ka magiging malaya sa nakaraan tulad ko kung di mo pakikinggan ang side nya" bulong ko sa kanya. Ngumiti naman sya saakin.

"Maybe not now but soon" maikling sabi nya. Nginitian ko nalang sya.

"Okay guys pinatawag ko kayo dahil gusto kong makilala kayo ng lubusan. Kaya wag kayong mahiya at magparticipate. Okay ba??" Tanong ni Pres.

"Okay pres!" Sabay naming sigaw. Maya maya nagsalita si Kathleen.

"Si Sam magaling kumanta!" Biglang sigaw nya. Halatang nagulat ang lahat. Pati siguro sya ay nagulat din kasi tinakpan nya bigla ang bibig nya. Mabilis akong tumingin sa itsura ni Sam. Nakakunot lang ang noo. Or baka galit. Di ko rin alam eh kasi medyo madilim na dito at konting ilaw lang galing sa apoy.

"Sam magaling ka? Kanta ka naman oh" sabi ni Pres.

"Oo nga dali na" painosenteng sabi ko.

"Hay. I have to be honest with you guys pero that was a long time ago na" maarteng sbi ni Sam.

"Okay lang yannnn" sigaw ni Abi. Tinignan lang nya ng masama si Abi. Pagkatapos nun ay sunod sunod na sumang ayon ang mga kaklase namin.

"Sorry talaga guys kakanta lang ako sa harap ng my loves ko~" sabi ni Sam.

"Eh sino ba yang special someone mo?" Tanong ni Pres.

"Secret" sabi nya na nakangiti. Nakita ko naman itong katabi ko--which is Kathleen-- na nalungkot.

"May special someone na syang sing pogi nya o baka nga mas pogi pa sya eh" bulong nitong katabi ko na parang naiiyak.

"Kung magdadrama ka dito. Mag MMK ka nalang" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Baliw" sabi nya saakin at natawa sya.

"Atleast napatawa kita" masayang sabi ko.

"Okay guys walang magpapakita ng talent??" Tanong ni Pres. Walang ni isang sumagot. I bet maraming may talent dito nahihiya lang kasi mahinhin sila eh.

"Okay dahil walang sumasagot. Maglalaro nalang tayo ng game. Hindi pwedeng magkatabi ang mga lalaki sa babae. Halo halo dapat" pagkasabi ni Prea nagsitilian ang mga babae dito. Aww parang mali ang sinabi kong nahihiya sila kasi mahinhin. At ang mga haliparot lumapit na agad kay Wane.

"Wane tabi tayo ahh" maarteng sabi ni Hailey. Nanliit ang mata ko. Si Hailey kasi ang pinaka malandi sa section namin.

"Sorry" sabi ni Wane at umalis sa tabi nya. Di na ko nagulat nung tumabi sya saakin.

"Pwede ba ako dito sa tabi mo??" Tanong ni Chesca. Tumango naman si Wane. Tumabi si Chasca sa kabilang tabi ni Wane. Nagulat ako nang makita ko ang kaunting ngisi nya saakin. Or baka ngiti lang kasi medyo madilim eh.

"Hi Gee (sounds like ji) " nagulat ako ng may magsalita sa kabilang gilid ko. Tinignan ko at si Elo (chelo) pala.

"Oh ikaw pala. Bakit ka pala sumali saamin??" Tanong ko sa kanya.

"Mhh boring kasi saamin. Then naisip kong puntahan ka. Eh may gagawin yata kayo kaya sumali ako. Chaka namiss na kita Gee" nakangiting sabi nya saakin. Ang totoo namiss ko narin tong lalaking toh. Di parin nagbabago tong lalaking tohh. Cute parin.

"Lalo na yang kapangitan mo" nakangiting sabi nya. Hindi pa talaga nagbabago toh. Palaasar parin.

"Namiss na rin kita" sabi ko sa kanya at pinisil yung pisngi nya.

"Wala ka paring pinag bago--" di nya pinatuloy ang sasabihin ko.

"Pogi parin ako" sabi nya at nag pogi pose.

"Wala ka paring pinag bago, ANG PANGET MO PARIN!" sabi ko sa kanya at lalong diniinan ang pagpisil sa pisngi nya.

"Aray Gee tama na please" pagmamakaawa nya. Syempre mabait ako kaya inalis ko na yung pagpisil ko sa pisngi nya.

"Ang sakit mo parin mamisil. Nananakit ka parin noh" sabi nya.

"Hello! Ang yabang mo kasi" nang iinis kong sabi.

"Bahala ka. May ibibigay sana ako kaso sinaktan mo ko" pang hihinayang na sabi nya.

"Ano naman yun?" Taka kong tanong. Nagulat ako nang ilabas nya sa bag nya yung marshmallow. WAHHHH my feyborit.

"Wahhhh marshiieeeeee" maamong sabi ko. Marshiee kasi tawag ko sa marshmallow. Kukunin ko na sana nang ilayo nya.

"Wag! Please magpalakabait akoooo" pagmamakaawa ko. Tumawa nalang sya at binigay saakin ang marshiee. Habang nilalamutak ko ang mashiee biglang may umubo sa gilid ko.

"*ehem* *ehem* *EHEM*" sabi ni Wane.

"Anong nangyari sayo?? Inuubo ka. Yan kasi nagbabad ka pa ata sa tubig kanina eh. Tinignan lang ako ni Wane na parang di makapaniwala.

"Tsk slow" inis na sabi nya. Ano daww ako slow???

"Ano?? Ako?? Sloww???" Nagtataka kong tanong.

"Tsk nothing" cold nyang sabi.

"Okay let's start" sabi nigla ni Pres. Teka anong let's start?? Wahhh may sinabi na ata si Pres kaso nadistract ako kanina nung kinakausap ko kanina si Elo.

"Wane anong gagawin??" Tanong ko sa kanya. Aba di man lang tumitingin saakin. Parang walang narinig.

"Wane please sabihin mo na" pangungulit ko. Wala parin.

"Uy Wane"sabi ko at kinalbit kalbit sya. Wala parin. Takte naiinis nako ahhhh.

"Kung ayaw mokong sagutin edi magtatanong nalang ako kay Elo" sabi ko sa kanya. Tatanungin ko sana ai Elo pero nagulat ako nang hilain ako ni Wane papalapit sa kanya. Halos lumabas puso ko sa gulat at kaba. Ang lapit kasi ng mukha nya saakin. Akala ko hahalikan nya ako pero lumapit yung bibig nya sa tenga ko.

"Ikiss mo na daw ako" bulong nya saakin. Hinambas ko sya ng mahina.

"Seryoso ako" inis kong sabi. Nagulat ako ng tumayo sila wahhh ano toh.

"Haha by pair daw. May nilagay daw kanina sina Pres ng mga bracelet dito sa paligid. Nakatago daw ng maigi. May price daw ang makahanap ng pinaka magandang bracelete sa lahat." Sabi nya. Ohhhh exciting.

"So ano pang hinihintay nyo? Hanapin nyo na" sabi ni Pres. Wait sinong partner ko?

"Ako ang partner mo. Let's go!" Masiglang sabi ni Wane. Napangiti nalang ako sa inasal nya. At yung nga naghanap na kami. May flashlight na binigay saamin tig isa isa. Medyo mahirap makakita kasi madilim na madilim talaga dito. Pinatanggal siguro nila yung mga ilaw. Maliwanag kasi kanina dito eh. Habang naghahanap kami bihglang nagsalita si Wane.

"So, kamusta na kayo ng boyfriend mo? Nag break na ba kayo??" Tanong nya bigla at nagulat naman ako. Boyfriend ko?? Sino?? Pinaka isip ko kung anong sinasabi nya. Ahhh naalala ko na!!

• Flashback •

"So, sya pala yung boyfriend mo" nakangising sabi ni Wane pero parang galit. Problema nito.

"What are you talking about??" Tanong ko.

"Dont play tricks on me Geyle. Break up on him or else, sasabihan ko si dad na wag kayong suportahan sa negosyo" sabi nya. Napanganga ako sa sinabi nya.

"Wag ngayon Wane. Wag ngayon" inis kong sabi at hinatak ko na si Elo at mga kaibigan ko papuntang Cafeteria.

• end of flashback •

Si Elo yung tinutukoy nya. Natawa ako bigla.

"Why are you laughing?" Mataray na tanong nya.

"Wala lang" sabi ko sa kanya.

"Tsk" yan lang ang sabi nya. Mhhh nakaisip ako wahahaha. Titignan ko kung hanggang saan ang selos nya.

"Mabait naman si Elo. Atsaka sweet. Lalong lalo na pogi pa. Kaya walang dahilan para magbreak kami" nang iinis kong sabi.

"What the f*ck!! Really Geyle?!" Irita nyang sabi.

"Bakit? Manliligaw pa lang naman kita" nakangiti kong sabi.

"Geyle you need to break up with him" malumanay nyang sabi.

"Sa anong dahilan. At wag mokong eenglishan jan ahh" pagbababala ko.

"Kasi nililigawan na kita. At mas mabait, sweet, at pogi ako sa kanya. Maeffort din ako at may magandang katawan" pagmamayabang nya.

"Talaga ba?? Pero paano na yan di ko sya pwedeng ibreak ng walang rason" kunwaring nag aalala ako para sa kanya.

"Tsk just say if you like him more than me. Pinagmumukha mo lang ata akong tanga eh" malungkot na sabi nya at nag walk out. Aba ang drama naman nun. Nagbibiro lang naman ako eh.

"Uy Wane" habol ko sa kanya. Hindi sya tumigil. Sunod lang ako ng sunod sa kanya.

"Wane ano ba!" Inis kong sabi. Nang tignan ko ang paligid, nagulat ako ng malamang nasa bandang dulo na pala kami ng resort. Nasa may gubat na kami. May gubat pala dito??

"Ahh!" Nagulat ako nang sumigaw si Wane. Tinapat ko yung flashlight kung saan nanggagaling yung boses nya. Bigla akong kinabahan. Nagmamadali ang puso ko sa pag kabog.

"WANE!!" Sigaw ko ng makita sya. Nahulog sya sa maliit na bangin. Gets nyo ba??

Mabagal akong bumaba kung nasaan si Wane. Nagulat ako ng magkaroon makitang may dugo yung ulo nya. Naluha ako bigla.

"Wane please gumising kana" umiiyak kong sabi. Please wane.

"Wane I'm sorry. Nagbibiro lang naman ako eh" sabi ko. Hindi parin sya nagkakamalay

"TULONG! TULUNGAN NYO PO KAMI!!" sigaw ko pero parang wala namang nakarinig.

"Wane *hik* hindi magandang biro yan *hik*" umiiyak kong sabi.

"Wane huhuhu hindi naman talaga kami ni Chelo eh atsaka wala akong boyfriend. Huhuhu. Di naman totoong may boyfriend ako eh huhuhu. Ikaw lang namn kasi ang naging boyfriend ko huhu please gumising kana" umiiyak kong sabi. I mean humahagulgol na pala huhu ang dami nang sipon na nakakalat sa ilong ko dahil sa sobrang iyak.

"Lord please wag nyo po syang kuni--" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong halikan. Pero smack lang.

TEKA HINALIKAN NYA AKO??!! EDI GISING SYAAA. HAYUUUUPPP

Pinalo ko sya ng pinalo ng marealize na pinaglalaruan nya lang pala ako.

"Bastos ka!! MANYAKKK" inis kong sabi sa kanya.

"Hahaha nakita mo ba yung itsura m---aray Geyle tama na napuruhan din ako" natatawang sabi nya. Tumigil naman ako.

"Ha?! May masakit ba sayo? Saan??" Alala kong tanong.

"Dito" sabi nya at ngumuso saakin. Naalala ko tuloy ang pagnanakaw ng halik nya saakin kaya pinalo ko ang nguso nya.

"Aray bakit mo ginawa yun?" Malungkot na sabi nya.

"Bastos ka eh! Diba sabi ko sayo na pwede mo lang akong halikan kapag---" di nya na tinuloy ang sasabihin ko.

"Kapag namula na mata mo. Eh anong tawag mo sa mata mo ngayon pagkatapos mong humagulgol hmmm?" Nakangisi nyang tanong. Tsk.

"Niloko mo kasi ako. Hindi magandang biro yun lalo na't walang tao dito at akala ko namatay kana. Pero ngayon parang gusto nalang kitang patayin sa ginawa mo" sabi ko at sinakal sya ng mahigpit.

"Ackkkk Geylkkkk pleaseee tamakkk nakk" pagkasabi nya nun ay tinanggal ko na yung kamay ko. Syempre may awa pa naman ako sa kanya.

"Sa susunod wag mo ng uulitin yun ahh" pagbabanta ko.

"Aye aye captain" sabi nya at sumaludo pa. Kaso may sugat sya sa ulo kasi dumudugo kaya napaaray sya.

"Okay ka lang ba?? Punta na tayo dun saatin baka hinahanap na nil---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng ipapatong nya ang ulo ko sa balikat nya.

"Dito muna tayo. Gusto kong makapag usap tayo" sabi nya.

"Ano naman yun??" Tanong ko.

"Diba nung nagkita ulit tayo sabi mo may bf ka. Pero kanina umamin ka na di mo boyfrined yung lalaking yun at ako lang ang naging boyfriend mo. Ibig sabihin nun mahal mo pa ako??" Tanong nya na ikinatahimik ko. Parang may malaking bato sa lalamunan ko. Di ako makapagsalita.

"B-bakit mo namang n-natanong yan??" Hirap kong tanong.

"Don't change the topic Geyle" sabi nya pero nakapikit na. Nakasandal kasi kamu dito sa mabato.

"Ewan" yun lang ang nasagot ko. Syempre gusto ko pa syang pahirapan. Sus ako kaya nun nahirapan para lang mapansin nya. Nagulat ako ng tumingin sya saakin bigla.

"Anong ewan? Anong ibig mong sabihin?" Pangungulit nya.

"Di ko nga alam eh!" Inis kong sabi sa kanya. Naramdaman nya yata ang pagkainis ko kaya umiwas sya ng tingin.

"Sorry di na kita kukulitin" pagkasabi nyang yun medyo kumalma na ang sistema ko. Pero parang nagwala ata ng hawakan nya ang mga kamay ko.

"Pero sana ako parin Geyle. Pinapangako kong di na ulit kita sasaktan" sabi nya na nakatingin na sa mga mata ko. Nakikita ko ang pagkaseryoso sa mga mata nya. Nalulunod ako sa mga titig nya. Nagkatinginan kami at hindi ko namalayan na unti unti na palang lumalapit ang mga mukha namin. Walang alinlangan na pumikit ako at hinahanda na ang susunod na mangyayari. Kinilabutan ako ng maramdam ko ang hininga nya sa ilong ko. Maya maya para akong nakuryente ng magkadikit ang mga ilong namin at malapin nya na akong mahalikan ng...

"GEY-oh my gasss!" Sabi ng kung sino. Sa sobrang gulat ko ay natulak ko si Wane ng medyo malakas.

"Aray!" Impit na sigaw na sabi nya.

"Sorry" alalang sabi ko at tinignan kung sino yung sumigaw. Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makitang sila Abi at Sam yun.

"Gosh Geyle! Anong nangyari sa inyo??" Sabi ng kakadating na si Kathleen. Lumapit sya saakin at tinignan ang mukha ko na parang chinecheck kung may sugat ako.

"Aray!" Sigaw ko ng hawakan nya yung braso ko.

"Geyle may sugat ka!" Tarantang sabi ni Kathleen.

"Bro!" Sigaw ng mga lalaki. Palapit sila ng palapit saamin at naaninag ko ang mga mukha nila. Ang mga tukmol na kaibigan ni Wane. Sila Chester, Justin, at Luke.

"Bakit kayo nandito??" Inis kong tanong.

"Bakit naman hindi? Studyante rin kami dito" sabi ni Chester saakin. Pag nakikita ko ang mga pagmumukha nila, di maalis ang inis na nararamdaman ko sa kanila.

"Miss okay kalang? Di ka ba nasaktan?" Tanong ni Luke kay Kathleen.

"A-ang totoo di naman ako kasama sa n-nawawala" ilang na sabi ni Kathleen.

"Sugatan sila dapat dalhin na sila sa clinic! Wag muna kayong maglandian dito" Iritang sabi ni Sam. Bakit kaya??

"Hoy di kami naglalandian nohh" dipensang sabi ni Kathleen.

"Ano bang nangyayari? Bakit kayo nandito?" Takang tanong ko sa kanila.

"Geyle may nabalitaan kasi kami na nawawala dito lalaki at babae at di pa nakikita. Akala namin kayo yun kaya hinanap namin kayo. Kanina pa kasi tapos ang game at wala mang nanalo dahil walang pinaka maganda" paliwanag ni Abi.

"Girl kailangan mong mag EXPLAIN. Pinag alala mo kami" madiing sabi ni Sam. Maya maya may nakita kaming ilaw na dito nakatutok.

"Gosh! Students may nasaktan ba sa inyo?" Alalang tanong ni ma'am.

"Si Wane at Geyle po ma'am" sigaw ni Kathleen.

"Dalhin na natin sila sa clinic at baka lumala pa ang mga sugat nila" sabi ni ma'am at pinatayo kami. Habang naglalakad kami paakyat bigla nalang akong natisod.

"Aray!" Sabi ko at sumemplang ako sa lupa. Pwee nakakain ata ako ng lupa.

"Hahahahaa ang tanga mo naman Geyle" natatawang sabi ni Kathleen.

"O-okay ka l-lang" tanong ni Sam na pilit na inaalis ang tawa.

"Tssk stupid" sabi ni Wane at tinulungan ako. Stupid daw?! Qaqo toh aahh napaka bipolar. Inilahad nya yung kamay nya saakin pero di ko tinanggap dahil sa sobrang inis. Hahanapin ko ang salarin ng pagkadapa ko.

"Nasan kanang puny*ta ka" bulong ko at alam ko nanarinig nila yung dahil nagsitawanan sila.

"HAHAHAH GIRL ANO BANG HAHAHA GINAGAWA MO HAHAHA" tawang tawang sabi ni Sam. Di ko sya kinalkal kahit magmukha akong aso na mag jejebs ay tinuloy ko parin ang paghalungkat. Kinuha ko yun at nanggigigil na tinignan. Nagulat ako ng makitang isa yung bracelet. Maganda at napakakintab.

"Students bak-- Geyle! Nahanap mo ang pinakamagandang bracelet!!" Galak na sabi ni ma'am. Tinignan ko sila na nakasuot ang aking victory smile. Nakita ko ang pag nganga ng kanilang mga bibig. Pero nainis ako sa ngiti ni Sam.

"Sulit pala ang pag halungkat na parang aso at pagkain ng lupa noh Geyle. Oppsss meron pang lupa sa ngipin mo ohh" nang aasar na sabi nya at nagsitawanan lang sila.

Grrrr gigil nila si ako.

Continue Reading

You'll Also Like

455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
51.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
46.9K 1.4K 93
Isang kilalang lalaki sa larangan ng business world magaling siya sa pagmanage ng kanyang company at Isang hardworking na babae para makaipon ng pera...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞