When The Heart Beats (Complet...

By eyyrin

313K 5.6K 98

When people cross paths, it's never just an accident. [TheWattys 2018 - Longlist] More

When The Heart Beats
Ch. 01
Ch. 02
Ch. 03
Ch. 04
Ch. 05
Ch. 06
Ch. 07
Ch. 08
Ch. 09
Ch. 10
Ch. 11
Ch. 12
Ch. 13
Ch. 14
Ch. 15
Ch. 16
Ch. 17
Ch. 18
Ch. 19
Ch. 20
Ch. 21
Ch. 22
Ch. 23
Ch. 24
Ch. 25
Ch. 26
Ch. 27
Ch. 28
Ch. 29
Ch. 30
Ch. 31
Ch. 32
Ch. 33
Ch. 34
Ch. 35
Ch. 37
Ch. 38
Ch. 39
Ch. 40
Epilogue

Ch. 36

4.8K 103 0
By eyyrin

Ch 036
Better Together

I drove like crazy.

It was the first time I sped up beyond limit but I had no regrets.

Nagulat si Trench noong nakita niya akong papasok sa bahay nila, pero hindi niya na ako nakwestyon dahil kitang kita niya ang ekspresyon sa aking mukha.

He wouldn't dare.

"Jen." Wika ko noong natanaw ko na siya.

"Sa kwarto tayo." Aniya.

She led me to Trench's room and I locked the door behind me.

"Spill." Sabi ko. "Ayaw ko na ng paligoy ligoy. Tell me the truth."

"The rest of the story is in here." She said, and I was surprised when she took out the planner from under the pillow.

Yes. That same planner.

"Bakit nasayo 'yan?" Tanong ko. "Nasa study namin 'yan kailan lang."

"Henry took it. Binigay niya sa akin for safekeeping. He strictly told me not to give it to you. Kutob niya ay nakita mo ito pero alam niyang hindi mo pa nababasa, dahil pilit mo pa rin siyang tinatanong."

"Why am I not supposed to read it?" I asked. "And how did it even end up inside our house?"

"Sinadya niyang tinago doon and you were only supposed to know about it when he's gone." Jenna looked down. "Request niya talaga yun kaya hindi ko masabi sayo."

"What do you mean gone?! Where would he..." Napatigil ako noong narealize ko. He's not referring to a faraway place in this world. He's referring to the other world.

I washed my face with my hands.

"Shit. Ano ba? Bakit niyo ba ako ginaganito!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"I'm sorry, Paige." She apologized.

"Kailan niya nailagay sa bahay yung planner? Nakita ko na yan bago pa man siya dumating sa bahay."

"I think he left it there noon pa. The last time he was here in Buenos."

"Judging from how he did everything to hide this from me, siguro inis na inis siya dahil nabulilyaso ko ang plano niya noong nahanap ko ang planner." I theorized.

Gusto ko ng maghysterical, sa totoo lang. Masyado ng absurd ang mga nangyayari.

"He just wanted to protect you." Jenna said. "Ayaw niyang masaktan ka."

"Responsibilidad niyang magsabi ng totoo, Jen. Problema ko na 'yun kung masasaktan ako o hindi!"

"I know. Pero ito ang sabi niya: if he can save you from pain, kahit konti, even if it means hiding the truth from you, gagawin niya."

"That's bullshit!" I cussed. Ganyan din ang sinabi niya sa akin kagabi!

Kukunin ko na sana ang planner mula kay Jenna ngunit biglang nag ring ang phone niya at sinagot niya ito kaagad.

"Hello? Oo ako nga." Sabi niya sa kausap. "What?! Where?!"

Napatingin siya sa akin. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Alright. Salamat. Papunta na kami." She told the caller and then the call ended.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Nasa building niyo si Henry." She replied. "He's been there for hours! He's in pain, Paige. He's in pain." Napaluha si Jenna.

Napaupo ako sa kama. Nakakapanghina. Has he been in pain for a very long time at hindi ko man lang iyon napansin?

I wiped Jenna's tears. "Wag ka ng umiyak. Ako na ang pupunta. Rest here, take care of the baby and I'll call you later."

Palabas na ako ng silid nang pigilan niya ako.

"Take this." She handed the planner to me. Tinanggap ko iyon at lumabas na.

"Take care of Jenna." Saad ko kay Trench noong nadaanan ko siya on my way out of their house.

Again, I drove like crazy.

Good thing malapit ang building sa bahay nila Trench. If I arrived late, I would have missed my chance.

"Where is Henry?" Tanong ko agad sa mga receptionists pagkadating ko sa building.

"Nasa infirmary po Ma'am. Ayaw niya po daw na may lalapit sa kaniya." Nakayukong sagot ng receptionist.

Agad akong tumakbo papunta sa infirmary na nasa ground floor lang.

I could hear him screaming in pain habang papalapit ako. Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ko siya.

Mas lalong sumakit ang puso ko noong nakita ko na siya sa loob ng silid.

Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader. Nakita ko ang nurse sa isang tabi, walang magawa dahil ayaw ni Henry na may lumapit sa kaniya na kahit sino.

Nakapikit siya kaya hindi niya ako kaagad na nakita. I took the chance to approach him.

I was startled when he screamed, "Back off!" but I kept my composure and continued to approach him. Naramdaman niya siguro na hindi ako nagpaawat kaya dumilat siya. Ngayon, nakikita niya na ako.

Na ako pala yung lumalapit.

Gulat na gulat siya, galit, malungkot, at nahihiya. Lahat ng posibleng emosyon ay magkahalo sa kaniyang mga mata habang may mga luhang mabagal na tumutulo mula dito.

Fuck, no.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Umupo ako sa sahig sa kaniyang tabi at inihilamos sa aking mukha ang aking mga kamay.

I heard the door close and noticed that the nurse had left.

Hindi na sumisigaw si Henry, pero pakiramdam ko ako naman ang sisigaw dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

I began to cry.

Mas rational na ito kaysa sa sumigaw ako. It hurts too much. Halos hindi ako makahinga.

"I wanted to save you from that pain. 'Yang nararamdaman mo ngayon, Alexana, I don't like it." He spoke.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya.

"Gago ka ba?" I cussed. "Why would you worry about me?! Sino ba ako?! Alalahanin mo yang sarili mo, gago!"

"Alexana..."

"Naisip mo man lang ba na mas masakit para sakin kung hindi ko ito malalaman ng mas maaga?! I want to be with you kahit gaano pa kahirap! Hindi kita iiwanan!"

His expression began to soften. Umiwas siya ng tingin at napansin kong naluluha na rin siya.

"You sure know how to express your love in strange ways." Kumento niya, tapos parang napangisi pa ng bahagya.

Naningkit ang mga mata ko. "Nakuha mo pang ngumisi sa ganitong sitwasyon?! Tumayo ka na diyan at pumunta na tayo sa ospital!"

"Ayos lang a—"

"Tatayo ka o tatayo ka!!!!!"

Lintik. Mauuna pa yata akong isugod sa ospital sa lagay na 'to.

•••

The first person to rush over to the hospital was my dad.

Niyakap niya ako kaagad at tinanong ako kung gutom ba ako, o kung may kailangan ba ako. Umiling ako.

"I'm fine, dad." I replied as we both watched Henry sleeping ever so soundly.

"Kahit na nakiusap siya na huwag kong sabihin sayo, muntik ko ng masabi kanina. It's because you deserve to know pero sa isang banda, it's not my story to tell. Hindi sa akin dapat manggaling kundi sa kaniya." Dad said.

Nakinig lamang ako.

"He did not want you to know how he has lived with it for a long time and how much he suffers when it attacks. Mahirap lumugar sa katayuan niya, pero nauunawaan kong tinago niya lang sayo ang totoo out of his genuine concern for you."

"Ikaw ba, Dad, kailan mo pa nalaman?" Tanong ko.

"Since he was in college." Dad replied.

"Ganoon na katagal? Kaya pala ang luma na nung planner..." I frowned. "But King said he didn't know anything."

"Hindi niya kasi talaga alam. Hindi sinabi ni Henry sa kaniya."

"Bakit naman? Hindi ba magkaibigan sila dati?"

"You should know by now that he's the type of person who keeps it all to himself dahil ayaw niyang makaabala, o may ibang mag-alala." Dad replied. "He probably did not want to bother King about it. Hindi ko rin malalaman kung hindi ko aksidenteng nakita siya sa banyo na inaatake ng sakit."

Ang bigat ng pakiramdam ko, pero wala lang 'to kumpara sa sakit na pinasan ni Henry mag-isa. I think Jenna just only recently found out, too.

"Matagal kong hindi nakita si Henry." Pagpapatuloy ni Dad. "Until one day, he paid me a surprise visit. Dala ang kaniyang lumang planner, he told me everything— na nabundol mo siya ng kotse mo sa Aklan, na inalagaan mo siya sa Pampanga, na nalaman niyang anak pala kita and he reacted negatively, causing you to disappear from his life. Hinanap niya ako para humingi ng dispensa at para itago ang planner at ibigay sayo sa tamang panahon."

"Pero hindi mo tinanggap?" I queried.

"Noong unang punta niya rito, hindi ko tinanggap ang planner. Sabi ko sa kaniya hanapin ka muna niya at ibalik ka rito sa Buenos Grande bago ako pumayag. Naibalik ka naman niya, kaya noong birthday ko, I finally agreed to keep the planner."

"Naibalik niya ako sa Buenos at dahil sa kaniya ay napagtanto ko na hindi ko kailangang lumayo para maging masaya. Nasa paligid ko lang ang hinahanap ko. Pero napakatanga ko dahil pinakawalan ko siya at hinayaang bumalik ng Pampanga ng basta basta nalang." I retorted.

"Naaalala mo pa ba ang palaging sinasabi ng Mommy mo? Sometimes you have to be apart to see that you're actually better together. Ganoon lang yung nangyari, anak, so don't be too hard on yourself."

Parang nabawasan ng ilang kilo ang bigat ng aking nararamdaman.

Tinignan ko si Henry at mahimbing pa rin siyang natutulog.

I really don't know what to do if I lose you, Henry. Please hang in there.

Continue Reading

You'll Also Like

8K 598 35
Hindi ito tipikal na kuwentong may masayang pagtatapos. Isa itong kuwento ng "matamis" na trahedya. Karamihan sa atin farsighted, nakikita lamang ang...
5.8K 284 20
Masaya ako, masaya siya, masaya kami. Pero ano kami? WALA Walang kami pero sa paningin ng ibang tao, meron, pero wala. Walang ganon na namamagitan sa...
975K 3.4K 5
Amber Mezty Versade(AM) and David Montenegro Story Paano kung dahil lang sa isang dare ay nagulo na ang buhay mo? Sa dinami daming lalaki sa mundo...