Legend of Divine God [Vol 2:...

Von GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... Mehr

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter V

13.1K 816 152
Von GinoongOso

Chapter V: Challenge

Nang matapos malakas na bigkasin ni Brien Latter ang mga salitang ito, bigla nalang nagkaroon nang ingay sa loob ng bulwagan. Hindi sila makapaniwala sa kayanig-yanig na impormasyong sinabi ng binatilyo. Maging ang mga maiimpluwensyang pigura ay itinuon ang kanilang atensyon sa magkaharap na dalawang grupo.

Sina Sect Master Noah at Elder Marcus naman ay hindi rin makapaniwala sa kanilang narinig. Miyembro ng Cloud Soaring Sect si Finn Doria ngunit wala silang kaalam-alam sa impormasyong ito. Gayunpaman, nanatili silang tahimik dahil alam nilang hindi pa ito ang tamang oras para sumingit sila sa usapan ng mga batang henerasyon ng adventurers.

Pare-pareho lang ang ekspresyon nina Ashe Vermillion, Lore Lilytel at buong Soaring Seven, gaya ng nakararami, hindi rin sila makapaniwala sa balitang ito.

"Ang maalamat na Blue-Green Alchemy Flame! Sino si Finn Doria? Parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'yan!" hindi makapaniwalang bigkas ng binatilyo na naka-pulang roba, miyembro ng Burning Seven ng Burning Heaven Sect.

"Siya yung sikat na miyembro ng Ordinaryong angkan na Azure Wood Family. Ayon sa narinig ko, harap-harapan niyang pinunit ang kasunduan ng kaniyang ama at ni elder Cleo Frois sa harap ni Tiffanya Frois at Elder Guhen. Dahil dito, nagalit ng sobra si Binibining Tiffanya dahil sa pamamahiyang ginawa sa kaniya ni Finn Doria. Sinubukan niya ring atakihin si Finn ngunit dumating ang ka-alyansa ng Azure Wood Family na Golden Lion Family upang pumagitna sa alitang nagaganap." paliwanag naman ng nasa katabi niyang binatilyo.

"Mayroong isa pang balita, kasasali niya lang sa Cloud Soaring Sect ngunit nakakuha agad siya ng isa sa pitong puwesto na lalahok sa magaganap na Seven Great Faction Games. Hindi na ako makapaghintay na makalaban siya." wika ng isa pang binatilyong nakapula na roba habang hinihimas-himas nito ang kaniyang palad.

Bawat isa ay nagkakaroon ng diskusyon at ang kanilang pangunahing paksa ay walang iba kung hindi si Finn Doria.

Habang naririnig ang iba't ibang reaksyon tungkol sa kaniya, hindi mapigilan ni Finn Doria na mapangiwi. Tumingin siya kay Elder Alicia, ngunit napansin niyang nakayuko lang ito at malinaw na iniiwasan ang kaniyang mga tingin.

Tumingin naman si Finn Doria sa palingon-lingon pa ring si Brien Latter. Guwapo ito at mayroong asul na buhok na pinaparesan ng kulay asul ring mga mata. Dahil dito, talaga namang hindi maikakaila na madali nitong nakukuha ang paghanga at atensyon ng mga kababaihang nasa paligid.

Pilit na ngumiti si Finn Doria at bahagyang yumuko sa direksyon ni Brien Latter. Tumingin siya sa mga mata nito at mahalang na nagwika, "Ginoong Brien Latter. Ako si Finn Doria. Anong maaari kong maipaglingkod sa'yo?"

Dahil nga sa hangga't maaari ay ayaw ni Finn Doria ng gulo, kailangan niyang magpakumbaba sa harap ng mapagmataas na binatilyong ito.

"Hmph. Ikaw pala si Finn Doria? Ano bang kakaiba sa'yo? Mukha ka lang namang karaniwang adventurer." mayabang na saad ni Brien Latter. Ngumisi siya kay Finn Doria at mapagmataas na nagpatuloy sa pagsasalita, "Gaya nga ng sabi ko, gusto kitang hamunin sa isang paligsahan. Nagtataglay ka ng maalamat na 'Blue-Green Alchemy Flame' at natural lang na hamunin kita dahil gusto kong ipamukha sa buong mundo ng Adventurers na walang kwenta ang kalidad ng Alchemy Flame kung sa walang kwentang adventurer lang ito mapupunta."

Napangiwi naman ang mga naroroon dahil sa kayabang ng binatilyo. Karamihan sa kanila ay ngayon lang nakatagpo ng ganito kayabang na binatilyo kaya naman hindi nila mapigilang isumpa ang binatilyong ito sa kanilang isipan. Hindi nila ito masabi ng personal dahil malinaw sa kanila ang estado at impluwensya ng binatilyong ito. Siya ang bagong estudyante ng isa sa pinakamaimpluwensiyang Adventurer at Alchemist sa buong Sacred Dragon Kingdom kaya naman sinong mangangahas na pagsalitaan siya ng masama?

Kahit na minamaliit siya ni Brien Latter, nanatili pa rin siyang kalmado at marahang iniiling niya ang kaniyang ulo. Bahagya siyang muling yumuko at marahang nagwika, "Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko mapagbibigyan ang iyong kahilingan. Tama ka, wala akong kakayahan sa larangan ng alchemy kaya naman tinatanggihan ko ang iyong hamon."

Nang bigkasin ni Finn Doria ang mga salitang ito, isang malakas na halakhak ng dalaga ang umalingaw-ngaw sa buong bulawagan. Hawak-hawak niya ang kaniyang kaniyang tiyan habang tinatakluban naman ng isa niyang kamay ang kaniyang magandang bibig.

Ang dalagang tumatawa ng malakas ay walang iba kung hindi si Ashe Vermillion!

Ang rason kung bakit siya tumatawa ay dahil sa pagtanggi ni Finn Doria. Ginawa na ito sa kaniya ng binatilyo noong hinamon niya ito ngunit tinanggihan lang siya ng binatilyo. At ngayong sa iba naman ito ginagawa ni Finn Doria, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi matawa dahil mayroon nanamang nabiktima ang binatilyo.

"Ikaw marahil si Ashe Vermillion. Tama nga ang balitang ang iyong kagandahan ay nakabibighani." imbis na magalit si Brien Latter sa nakakainis na tawa ni Ashe Vermillion, binigyan niya ito ng matamis na ngiti at papuri.

Napatigil naman si Ashe Vermillion sa pagtawa at napasimangot siya. Pinanliitan niya ng tingin si Brien Latter at naiinis na nagwika, "Hindi ko kailangan ang iyong papuri. At maaari bang huwag mo akong tawagin sa aking buong pangalan? Tawagin mo akong Binibining Ashe gaya ng itinatawag sa akin ng karamihan."

Napanganga at nanlaki naman ang mga mata ng mga nasa loob ng bulwagan. Hindi sila makapaniwalang sasagot ng ganito si Ashe Vermillion sa bagong estudyante ni Association Master Morris.

"Sect Master Noah, talaga namang kahanga-hanga ang personalidad ng iyong anak." nakangiting wika ni Association Master Morris.

Mapait namang nginitian ni Sect Master Noah si Association Master Morris at magalang na humingi ng paumanhin, "Ipagpaumanhin mo ang kaugalian ng aking anak. Kahit ako ay hindi siya kayang disiplinahin."

Sa puso ni Sect Master Noah, hindi niya mapigilang mapailing at mahiya ng dahil sa ginagawa ni Ashe Vermillion. Pinaalalahanan niya na ang dalagitang ito na umayos noon pa ngunit mukhang hindi ito nakikinig sa kaniya.

"Bakit ka humihingi nang paumanhin? Isa lang iyong diskusyon sa pagitan ng mga batang Adventurers at hindi na natin kailangang makialam sa kanila." nakangiti pa ring wika ni Association Master Morris.

--

Masaya naman si Lore Lilytel sa pagtrato ni Ashe Vermillion kay Brien Latter. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya ganito itrato ni Ashe Vermillion.

Napangiwi si Brien Latter at pinagmasdang mabuti si Ashe Vermillion. Hindi niya inaakalang mapapahiya siya sa harap ng maraming adventurers ng dahil sa dalagang ito. Dahil wala naman siyang magagawa kay Ashe Vermillion, itinuon niya na lamang ang kaniyang atensyon kay Finn Doria.

"Hmph. Isa lang itong maliit na paligsahan ngunit tinatanggihan mo ako? Lahat ba ng nagmula sa Azure Wood Family ay basura at duwag na gaya mo?" mayabang na wika ni Brien Latter.

Naging malamig naman ang ekspresyon ng mga batang adventurers. Ininsulto ni Brien Latter ang isang buong angkan at hindi sila natutuwa sa bagay na ito.

Si Finn Doria naman ay nanlamig na rin ang kaniyang ekspresyon. Tinitigan niya si Brien Latter.

Ito ang rason kung bakit ayaw ni Finn Doria na ilabas ang mga lihim niya. Iyon ay dahil sa ayaw niya sa gulo. Hindi siya sumali sa Alchemist Association dahil ayaw niyang ibunyag ang kaniyang maalamat na Alchemy Flame ngunit ngayong nabunyag na ito, alam niyang hindi na magiging madali ang kaniyang pamumuhay sa kahariang ito. Maaaring gawin ng Nine Ice Family ang lahat upang burahin siya sa kahariang ito kahit na gaano pa kalubha ang kapalit. Natatakot silang mas lumakas at maging maimpluwensya pa si Finn Doria kaya naman habang mahina pa siya, gusto na nilang tanggalin ang banta sa kanilang angkan.

Habang nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ni Finn Doria at ni Brien Latter. Isang grupo ng naka-asul na roba at asul na bistida ang dumating. Pinangungunahan ito ng isang napakadang babae habang sa tabi naman nito ay isang matandang lalaki. Sila sina Sect Mistress Sheeha at Core Elder ng Ice Feather Sect!

Sa likod nila ay nangunguna naman ang binatilyong naka-asul na roba at naka-asul na bistidang napakagandang babae. Ang babaeng ito ay maikukumpara sa kagandahan ni Ashe Vermillion at tanging isang dalaga lang naman sa buong kaharian ng Sacred Dragon ang maikukumpara sa ganda ni Ashe Vermillion. Iyon ay walang iba kung hindi si Tiffanya Frois!

Agad na lumapit si Sect Mistress Sheeha sa lugar nina Sect Master Noah at Association Master Morris. Magalang itong bumati kay Association Master Morris at malagkit na tiningnan si Sect Master Noah.

Napansin niya naman ang tensyon sa pagitan ng dalawang binatilyo kaya naman hindi niya mapigilang mapangiti at magwika, "Oh? Mukhang mayroong nagaganap na kasiyahan dito ah."

Napangiwi naman si Sect Master Noah at lumayo ng bahagya kay Sect Mistress Sheeha. Tumingin siya sa direksyon nina Finn Doria at malumanay na nagwika, "Isa lang itong kasiyahan sa pagitan ng mga batang Adventurers."

Sa grupo naman nina Tiffanya Frois at Hyon Pierceval na tinatawag na Ice Seven, napabaling din ang kanilang tingin sa tensyong nagaganap sa pagitan ni Finn Doria at Brien Latter. Nang mapadako ang tingin ni Tiffanya Frois kay Finn Doria, hindi niya mapigilang hindi ikuyom ang kaniyang kamao.

Napansin naman ni Finn Doria ang pagdating ng Ice Feather Sect, lalong-lalo na ang pagdating ni Tiffanya Frois kaya naman mas lalong lumamig ang kaniyang ekspresyon. Binigyan niya ng isang mapangutyang tingin si Tiffanya Frois bago muling harapin si Brien Latter.

"Sa totoo lang, hindi kita gustong patulan dahil ayoko sa gulo. Ngunit, hinamak at ininsulto mo ang aking angkan kaya naman kung gusto mo talaga ng laban, pagbibigyan kita." kalmado ngunit matalim na wika ni Finn Doria habang nakatingin sa mata ni Brien Latter.

Tumawa naman ng malakas si Brien Latter at ilang sandali pa ay biglang sumeryoso ang kaniyang ekspresyon, "Ha! Marunong ka rin pa lang magbiro, Finn Doria. Dahil pumayag kana sa aking hamon, ipapaliwanag ko na ang magiging paligsahan sa pagitan nating dalawa. Pareho tayong Alchemist kaya naman magkakaroon tayo ng paligsahan sa pamamagitan ng pagbuo ng pinakamataas na kalidad ng uri Soul Enhancing Pill. Mayroon ka bang pagtutol sa paraan ng ating paligsahan?"

Nakatitig pa rin si Finn Doria kay Brien Latter at ilang segundo pa ang nakalipas ay marahang iniiling nito ang kaniyang ulo.

Dahil sa hindi niya na kailangang mag-alala sa kaniyang angkan dahil sa proteksyon ng Cloud Soaring Sect, iniisip ni Finn Doria na hindi naman siguro masama kung magpapakita siya ng kaunting kakayahan sa harap ng maraming Adventurers. Marahil ay mas titibay pa ang suporta sa kaniya ng Cloud Soaring Sect sa oras na mangyari 'yon ngunit alam niya rin na mas lalakas ang kagustuhan ng Nine Ice Family na burahin siya ng tuluyan sa mundong ito.

Hinawakan ni Brien Latter ang kaniyang interspatial ring at isa-isang lumabas ang isang dipang lamesa, gintong cauldron at iba't ibang uri ng sangkap.

Napansin naman ng mga Adventurers na naroroon na isang Top-tier Rare Armament ang Gintong Cauldron na pagmamay-ari ni Brien Latter kaya naman hindi nila mapigilang makaramdam ng inggit. Ang Armament na Cauldron ay hindi lang magagamit sa pagbuo ng pills, maaari rin itong gamitin upang dumepensa sa mga parating na atake mula sa kalaban. At ang kapabilidad nito ay talaga namang kahanga-hanga

May panghahamak naman na tumingin si Brien Latter kay Finn Doria dahil napansin niyang hindi pa rin ito gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan.

"Ano? Wala ka bang Armament na Cauldron at mga sangkap sa pagbuo ng Pill?" mapagmataas na tanong ni Brien Latter.

Hindi naman pinansin ni Finn Doria ang panghahamak ni Brien Latter. Sa halip, umupo siya sa sahig at hinawakan ang kaniyang Interspatial Ring at inilabas ang kaniyang Cauldron at mga sangkap.

Hindi niya inilabas ang kaniyang Mid-Tier Excellent Armament dahil siguradong isa itong malaking gulo kung malalaman nilang kayang gumamit ni Finn Doria ng Excellent Armament. Naglabas lang siya ng katulad ng kay Brien Latter na Top-Tier Rare Armament na Cauldron. Ang kaibahan lang ay itim ito at kahit na parehong Top-tier Rare Armament ang dalawang Cauldron, mapapansing mas lamang ang pag-aari ni Finn Doria na Cauldron kaysa sa pag-aari ni Brien Latter.

[Black Stone Cauldron
Effect: Use to refine pills
Item Grade: Rare
Quality: Top-tier
Defense: 1180
Upgrade: 50 soulforce]

Napatingin ang lahat sa Armament na inilabas ni Finn Doria at hindi sila makapaniwalang mayroong ganito kagandang Armament ang binatilyo.

"Wala akong lamesang gaya ng sa'yo kaya naman sa sahig na lang ako." kalmadong wika ni Finn Doria.

Napanganga naman ang lahat sa sinabi ni Finn Doria habang si Ashe Vermillion ay naiinis sa isang tabi.

"Nagmula ba talaga siya sa isang Ordinaryong Angkan..?" mahinang wika ng isang miyembro mula sa Alchemist Seven.

--

"Hindi ko inaakalang galante ka, Sect Master Noah. Binigyan mo pa ng Top-tier Rare Armament ang isa mong Core Member." malumanay na wika ni Association Master Morris.

Mapait namang ngumiti si Sect Master Noah at marahang nagwika, "Sa totoo lang, hindi nagmula sa Cloud Soaring Sect ang armament na 'yan, maaaring sariling pag-aari ni Finn Doria 'yan."

"Oh?" gulat na bulalas ni Association Master Morris.

Sa kanilang tabi naman ay hindi maipinta ang mukha ni Sect Mistress Sheeha. Nakaramdam siya ng panganib habang patuloy na pinagmamasdan si Finn Doria at ganoon din ang nararamdaman ni Tiffanya Frois sa tabi ni Hyon Pierceval.

--

"Hmph. Kahit na mas lamang ang iyong Cauldron, hindi mo ako matatalo. Handa na tayo pareho kaya naman simulan na natin. Mayroon lang tayong isang oras para matapos ang pagbuo ng pill at sa oras na matapos ang isang oras, mabuo man o hindi, kailangan nating ipakita ang nagawa natin. Dahil ang aking guro ang pinakatanyag na Alchemist dito, siya ang ating magiging hurado." naiinis na wika ni Brien Latter.

Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay para bang paulit-ulit siyang ipinapahiya ni Finn Doria sa harap ng maraming Adventurers.

Matapos niyang bigkasin ang mga salitang 'yon. Inilabas niya ang kaniyang Blue Alchemy Flame at ipinadaloy ito sa loob ng Cauldron. Ngumisi siya sa direksyon ni Finn Doria ngunit nawala bigla ang kaniyang ngisi ng makita nito si Finn Doria na pinaglalaruan ang kaniyang Blue-Green Alchemy Flame. Kinalma niya ang kaniyang sarili at itinuon na ang kaniyang buong atensyon sa pagkontrol ng lakas ng kaniyang Blue Alchemy Flame.

--

"Totoo pala talaga ang sinasabi mo Alicia, nagtataglay nga siya ng Blue-Green Alchemy Flame. Malinaw kong nararamdaman ang pagkakaiba nang kalidad ng kanilang mga Alchemy Flame. Nakakapanghinayang lang na hindi siya sa aking Alchemist Association napunta." iling na wika ni Association Master Morris.

Bawat isa sa mga manonood ay mayroong nagniningning na mga mata habang pinapanood ang paligsahan sa pagitan ng dalawang talentadong batang Alchemist.

Nagsimula na rin si Finn Doria sa pagtutunaw ng mga sangkap at ang mga natunaw niyang sangkap ay inilalagay niya sa iba-ibang lalagyan. Halos sabay lang na natapos ang dalawa sa pagtutunaw ng mga sangkap at nalalapit na ang pagsisimula nila sa pagbubuo ng pill.

Gamit ang kanilang soulforce, kinontrol nila ang mga natunaw ng sangkap at ipinasok ito sa kani-kanilang Cauldron, nilakasan nila ang kanilang Alchemy Flame at kinontrol na ang pagbubuo ng hugis ng pill.

Ilang minuto pa ang lumipas at nalalapit na ang pagtatapos ng isang oras. Bawat isa sa manonood ay tensyonado na sa nagaganap na paligsahan kaya naman tahimik ang buong kapaligiran.

Namumuo na rin ang mga butil ng pawis sa noo ni Brien Latter habang mapapansin namang kalmado pa rin si Finn Doria.

Habang nakikita ito ni Association Master Morris, hindi niya mapigilang mapakunot-noo.

Makalipas ang ilang minuto, sa wakas ay natapos na ang isang oras na palugit at sabay na nagbukas ang Cauldron ng dalawa, lumutang ang mga pill na nagawa nila at agad nila itong inabot at nilagay sa isang maliit na bote.

"Ako na ang magsisimula. Ipapaliwanag ko ang pill na aking nagawa. Isa itong Tier 4 Scarlet Nurturing Pill at mayroon itong pitumpung porsyentong posibilidad na kakayahang gawing Scarlet Gold Rank ang isang Gold Rank Adventurer." masaya at mayabang na wika ni Brien Latter.

Mapapansin naman ang pagkamasaya at pagkakontento ni Association Master Morris sa nagawa ng kaniyang estudyante. Ito ay personal niyang itinuro kay Brien Latter habang naglalakbay sila pabalik sa Alchemist Association.

Lahat naman ay napatingin sa reaksyon ni Finn Doria at nagulat sila ng mapansing kalmado pa rin ito. Natigilan ba ito dahil alam niyang natalo siya?

Bigla namang ngumiti si Finn Doria at marahang nagwika, "Natalo ka."

"Hindi mo pa ipinapakita ang iyong nagawang pill kaya paanong natalo ako?" nakangiwing wika ni Brien Latter.

Iniangat naman ni Finn Doria ang kaniyang kamay na naghahawak sa maliit na bote at marahang nagwika habang nakatingin sa mata ni Brien Latter, "Ito ay isang Tier 5 at tinatawag itong Advance Scarlet Pill. May walumpung porsyento itong posibilidad na pataasin ang antas ng isang Scarlet Gold Rank Adventurer sa susunod na antas, pero syempre bababa ang posibilidad na ito kung masyado ng mataas ang antas ng lakas ng kakain nito. Ngayon, malinaw na ba ang aking pagkapanalo?"

--

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

704K 48.9K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
376K 72.9K 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn...
935K 92K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...
414K 85.5K 82
Ngayong tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn sa mundo ng alchemy, oras na para maisakatuparan niya ang kanyang hangarin na paghihiganti sa mga sal...