Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

704K 45.7K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter II

13K 782 85
By GinoongOso

Chapter II: Shocking News

"Mn? Sarili niyang potion?" napakunot-noo si Association Master Morris.

Lahat ng formula sa paggawa ng mga pills at potions ay ipinasa-pasa na sa bawat henerasyon ng mga Alchemist. Ito ay nagmula pa sa nagtatag ng Alchemist Association. Mayroon din naman silang mga sariling gawang potions at pills at alam nila kung gaano kahirap ang proseso nito. Kailangan muna nilang magkamali ng ilang libong beses bago makuha ang tamang proseso sa paggawa nito.

Hinawakan ni Elder Alicia ang kaniyang Interspatial Ring at agad na lumitaw ang walong bote na naglalaman ng Body Strengthening Potion. Ipinamahagi ito ni Elder Alicia sa anim na kapwa Elder niya at binigyan naman niya si Association Master Morris at si Brien Latter.

"Ito ang bago mong ipinagbebentang potion, hindi ba? Hindi ko alam na nagmula pala ang potion na ito sa binatilyong iyon. Ang akala namin ay sarili mo itong gawa." wika ng isang Elder.

Mapait namang napangiti si Elder Alicia, "Ah... hindi ko sinabi ang bagay na 'yan. At nagkaroon kami ng kasunduan ng binatilyong iyon na hangga't maaari ay hindi ko ibubunyag kung sino ang totoong gumawa nito."

'Sa tingin ko ay kailangan kong sirain ang kasunduan namin ni Finn Doria. Kailangan ko siyang mapasali sa Alchemist Association at tanging si Guro lang ang makagagawa ng bagay na 'yon.' sa isip ni Elder Alicia.

"Association Master, alam na namin ang tungkol sa potion na ito. At masasabi naming kakaiba ang isang ito. Kahit na isa lang itong Tier 1 Potion, ang epekto nito ay talaga namang kahanga-hanga." wika ng mga Elders.

Tumango naman si Association Master at binuksan niya ang potion na ibinigay sa kaniya ni Elder Alicia. Ganoon din ang ginawa ni Brien at pagkabukas nila, agad nila itong inamoy.

Malinaw na makikita sa kanilang mukha ang pagkagulat at hindi makapaniwalang ekspresyon. Amoy pa lang nito ay, nakararamdam na sila ng lakas mula rito. Hindi rin nila masabi kung anong klaseng potion ito kaya naman hindi nila mapigilang hindi humanga.

"Mn. Ito ba ay talagang gawa ni Finn Doria?" tanong ni Association Master Morris.

Nang marinig ito ni Elder Alicia, hindi niya alam ang isasagot niya. Sa totoo lang, sinabi sa kaniya ni Finn Doria noon na hindi sa kaniya ang formula ng potion na ito. Ayon sa kaniya, napulot niya lang ito sa loob ng isang abandonadong kuweba.

Pero kailangang magsinungaling ni Elder Alicia kung gusto niya talagang makuha si Finn. Kailangan niyang gawin ang lahat, kahit pa magsinungaling siya sa kaniyang sariling Guro.

"Oo, Guro. Sinabi niya ito sa akin noong ibinenta niya ang formula ng potion na ito." pagkukunwari ni Elder Alicia.

"Hmph. Maaaring sinuwerte lang siya dahil natagpuan niya ito sa abandonadong lugar. Paanong ganoon kadali bumuo ng formula?" naiinis na wika naman ni Brien.

Ayaw niyang maniwala na may mas higit pa sa kaniya. Mayroon siyang Blue Alchemy Flame at isa itong pambihirang Alchemy Flame kaya naman hindi niya gusto ang impormasyong mayroong mas magaling at talentado sa kaniya.

"Kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa roon. Hindi ko kailangan ang katulad mong may makitid na utak." naiinis na wika rin ni Elder Alicia.

Hindi naman pinansin ni Association Master ang pagtatalo ng dalawa at malalim na lang siyang nag-isip. Ilang sandali pa ay bigla siyang bumuntong hininga at marahang nagwika, "Blue-Green Alchemy Flame at may sariling formula... isa itong natural na ipinanganak bilang Alchemist. Hindi dapat masayang ang gaya niya sa Cloud Soaring Sect. Kakausapin ko si Sect Master Noah tungkol sa bagay na ito pagbalik natin mula sa Seven Great Faction Games."

Naging masaya naman si Elder Alicia at nginitian si Brien. Mapapansin namang nagdilim ang hitsura ng binatilyo.

'Hmph. Finn Doria, dahil sinisira mo ang plano namin, sisiguraduhin kong mamamatay ka.' sa isip ni Brien.

Habang patuloy silang nag-uusap, isang Inner Elder ang agad na pumasok ng silid at lumuhod sa pamunuan ng Alchemist Association.

"Nagkakaroon kami ng pagtitipon, mayroon bang problema?" tanong ni Association Master.

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking panghihimasok ngunit lumabas na po ang impormasyon tungkol sa mga kalahok ng anim pang Faction. Mayroon din pong inanusyo ang Cloud Soaring Sect sa buong kaharian na si Finn Doria na nagmula sa Azure Wood Family ay isa sa pitong lalahok sa Seven Great Faction Games. Ipinapaalam din nila na protektado nila ang Azure Wood Family." agad-agad na hayag ng Elder.

Nagulat ang lahat sa balitang ito. Kanina lang ay pinag-uusapan nila si Finn Doria at ngayon ay isang kagulat-gulat na balita ang kanilang matatanggap tungkol sa binatilyong ito.

"Ano?! Paanong nakapasok siya? Malinaw na natatandaan kong isa lang siyang 9th Level Gold Rank at kahit na maging isa pa siyang Scarlet Gold Rank, malabong maging isa siya sa pitong mapipili." hindi makapaniwalang wika ni Elder Alicia.

"Hmm. Mukhang malabo ng makuha natin si Finn Doria lalo na ngayong isa pala siya sa pitong lalahok sa Seven Great Faction Games..." malumanay namang wika ni Association Master.

Dahil alam na ng lahat na miyembro si Finn Doria ng Cloud Soaring Sect, malabo ng makuha pa siya ng Alchemist Association. Hindi magandang tingnan na manguha ng ibang miyembro.

Habang hindi makapaniwala ang lahat, mayroong isang binatilyo ang natutuwa sa balitang ito.

'HAHAHA. Mukhang kagustuhan talaga ng kapalaran na magtagpo tayo, Finn Doria. Sa oras na magkita tayo, tatalunin kita sa larangan ng alchemy at lakas!'

--

Mabilis na kumalat ang balita. Umabot na rin ito sa pamunuan ng Black Tiger Family at ng Nine Ice Family. At lahat sila ay hindi mapanatag sa balitang ito. Siguradong simula ngayon ay mahihirapan na silang gumawa ng hakbang laban sa Azure Wood Family at iyon ay dahil sa proteksyon ng Cloud Soaring Sect. Isa pa, hindi nila inaasahang magiging kalahok ng Seven Great Faction Games si Finn Doria kaya naman mas lalo pa silang hindi mapanatag dahil habang lumalakas ang binatilyong 'yon, mas nakakaramdam sila ng panganib.

Ice Feather Sect

Sa isang silid na puno ng malamig na yelo, isang babae ang nakaupo sa kaniyang nagyeyelong trono. Nakapikit ito na para bang malalim na nag-iisip. Napamulat lang ito ng may biglang kumatok sa kaniyang pinto.

"Maaari ka nang pumasok." wika ng babae.

Agad na pumasok ang isang napakagandang dalaga at mabilis na yumuko sa harap ng babae.

"Sect Master Sheeha. May--"

"Alam ko na ang iyong sasabihin. Natanggap ko na rin ang balitang ito at ikinalulungkot ko ngunit malabo na nating magawan ng hakbang ang Azure Wood Family. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng utusan ko ang Eagle-Eyed Bandits na salakayin ang Azure Wood Family. Mayroon silang dalawang 1st Level Profound Rank at nakapagtatakang hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakabalik." malamig na wika ni Sect Master Sheeha.

Isang buwan na simula ng utusan niya ang isang grupo ng bandido na salakayin ang teritoryo ng Azure Wood Family ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na balita.

Tahimik at payapa pa rin sa Azure Wood Family kaya naman lubos nila itong ipinagtataka. Nakakaramdam na rin ng panganib si Sect Master Sheeha dahil sa bagay na ito kaya naman nais niya sanang imbestigahan ang nangyayari sa Azure Wood Family.

Pero nang mabalitaan niya ang pagbibigay ng proteksyon ng Cloud Soaring Sect sa Azure Wood Family, natigilan siya at hindi na itinuloy ang kaniyang binabalak.

"Pero Sect Master Sheeha. Isa pong malaking panganib kung sakaling lumakas ang Azure Wood Family at si Finn Doria." wika ng dalaga.

Tumingin naman si Sect Master Sheeha sa dalaga at nagwika, "Tiffanya, wala na akong magagawa sa pangyayaring ito. Mayroon kang Sky Ice Pathway at hindi magtatagal, magiging isa ka ng ganap na Sky Rank Adventurer. Sa mga oras na iyon, madali na para sa'yo ang wasakin ang Azure Wood Family. Pero kung gusto mo talagang mapadali ang lahat... patayin mo si Finn Doria sa loob ng Mystique Treasure Realm at siguraduhin mong walang makakaalam. Sa oras na mangyari ito, siguradong mawawala na rin ang proteksyong ibinibigay ng Cloud Soaring Sect sa Azure Wood Family. Ayon sa'yo, siya ay isa lang 9th Level Gold Rank at kahit isa siyang Scarlet Gold Rank, hindi siya mananalo sa'yo."

"Maraming salamat sa inyong gabay, Sect Master Sheeha. Sisiguraduhin kong mamamatay siya sa loob ng Mystique Treasure Realm!" determinadong wika ni Tiffanya Frois.

"Mn. Maghanda na kayo dahil magtutungo na tayo sa Floating Island bukas na bukas din." wika ni Sect Master Sheeha.

--

Azure Wood Family

Ang bawat isang miyembro ng Azure Wood Family ay abala sa kani-kanilang gawain. Mapapansin ding muli nanamang tumaas ang antas ng lakas ng bawat miyembro ng angkang ito.

"Binabati kita, Third Elder sa pagtaas na naman ng iyong antas ng lakas. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ngunit isa ka ng ganap na 1st Level Profound Rank! Nalampasan mo na rin si Family Head Neleos na nasa 8th Level Scarlet Gold Rank sa kasalukuyan. Ikaw talaga ang ama ni Finn Doria." wika ni First Elder Caesar.

Ito ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa tulong ng mga kayamanang ibinigay ni Finn Doria at lahat ng ito ay pasasalamat nila sa kaniya. Noon pa man, hindi na pangkaraniwan ang talento ni Creed at ang humahadlang lang sa kaniya ay ang kakulangan ng kayamanan.

Ngumiti naman si Creed kay Elder Caesar, "Hindi pa rin ako maikukumpara sa'yo First Elder Caesar. Isa ka ng 2nd Level Profound Rank at kung hindi dahil sa'yo, siguradong mahihirapan kaming kalabanin at ikulong ang mga bandidong sumalakay sa aming angkan. Patuloy pa rin silang nananahimik kung anong dahilan kung bakit nila sinugod ang aking angkan."

Ngumiti rin si Elder Caesar at mahinang tumawa, "Matanda na ako at ako ang hindi maikukumpara sa'yo Third Elder Creed. Tungkol naman sa pagtulong sa inyo, iyon ay parte ng kasunduan namin ng iyong anak at malaki ang pasasalamat namin sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya maaaring hanggang ngayon ay nasa 9th Level Scarlet Gold Rank pa rin ako at si Family Head Augustus. Maaaring hindi rin mapili si Leo bilang isa sa pitong lalahok sa Seven Great Faction Games."

Masaya namang tumango si Creed kay Elder Caesar. Hindi na nila kailangang mangamba sa ngayon dahil protektado na sila ng Cloud Soaring Sect. Ang kanilang kailanganag gawin na lang ay ang paghahanda sa planong gagawin ni Finn Doria. Alam nilang gusto ni Finn na maghiganti at susuportahan nila ito sa abot ng kanilang makakaya. Sa ngayon, kailangan pa nilang magpalakas dahil hindi basta-basta ang kanilang makakaharap.

Tumingala si Creed at pinagmasdan ang mapayapang ulap, pumikit ito at pinakiramdaman ang bawat hanging dumadampi sa kaniyang balat.

"Ipinagmamalaki kita, Anak..."

--

Cloud Soaring Sect, Core Division.

Kinabukasan, sa wakas ay ito na ang pinakahihintay na araw ng Soaring Seven. Magtutungo na sila sa Floating Islan para sa magaganap na Seven Great Faction Games.

Sa harap ng isang bahay, taimtim na naghihintay ang isang binatilyong mayroong dilaw na buhok. Malumanay siyang nakatitig sa pintuan na para bang may inaabangang lumabas mula rito.

At ilang sandali lang ay sa wakas ay nagbukas na rin ito. Agad na iniluwa ng pintuan ang isang pigura ng binatilyo at ang katawan nito ay nababalutan ng malakas na aura.

"Leo?" wika ng binatilyo.

Naramdaman ni Leo Reeve ang aurang inilalabas ng binatilyo.

"Finn, isa ka ng 1st Level Scarlet Gold Rank? Binabati kita sa pagtaas ng iyong antas ng lakas."

--

Continue Reading

You'll Also Like

396K 15.2K 126
Si Kirito, isang 15 years old na binata ay papasukin ang isang nasirang game, ang Heroes Quest Online. Tatlong bagay lang ang gusto niyang mangyari...
130K 6.2K 67
(Under Revision) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, polit...
20.5K 2.5K 67
(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 �...
553K 32.2K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...