I Love The Way You Are

De abejerogretel

18.2K 674 60

Story tungkol sa isang beki at isang astig na girl Mais

Prologue
Introducing the Main Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51 Bakasyon
Chapter 52 Happier
Chapter 53
Chapter 54 Special Moment
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64 Special To Me
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67 Extra Special
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 Gulat
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73 New Beginning
Chapter 74 Aroma
Chapter 75
Chapter 76 Unexpected Rendezvous
Chapter 77
Chapter 78 When I See You Smile
Chapter 79 A Little Moment
Chapter 80 Unexpected Revelation
Chapter 81 Unda'Starry Night
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85 Memories
Chapter 86 Sunshine
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89 Tinadhana Kung Tinadhana
Chapter 90 End It W/ A Happy Beginning
Special Part / Epilogue

Chapter 48

133 8 0
De abejerogretel

Ang hirap para sa sitwasyon niya ngayon.. Mas nauna mo siyang nakilala ng lubusan pero hindi mo na siya kinakausap ngayon  at binabaling ang atensyon sa ngayon mo palang nakilala.. Kung ganun lang din pala, huwag mo na siyang tawagin at pagpatuloy mo na lang ang iyong ginagawa para siya'y di na makaabala

Wala po ito..

Gyl's PoV
Saturday ngayon at andito ako ngayon sa company namin. Pinaalam naman daw ako ni dad kay Tito. Maraming tao at ang daming ganap ngayon dito sa company. Para ata ito sa product launching ni kuya sa Tuesday. After nung kay Jammer ito naman. Naku.

Andito lang ako sa office ko kasama si Krizia. Ang busy busy ngayong araw. Walang makausap busy lahat. Sino ba pwedeng makausap? Ah speaking of cevi, di ko siya nakausap kahapon. Sana naman sinunod niya yung sinabi ko na sa Saturday, sana andito na siya. Gusto ko na rin kasi siyang sagutin sa Monday which is my 25th Birthday. Sa ngayon naka 49 Sorrys and 49 I love you na rin siya. So tig-isa na lang.

Mga ilang saglit pa ay nakareceive ako ng tawag mula sa kanya. Agad ko namang sinagot yun

Oh? Buti naisipan mo pang magparamdam

Bungad na sabi ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya

Teka nga! Bakit nilalakasan mo boses mo? Nakakabingi ah

So?

Aist! Madami kasi akong commitments kahapon so, hindi kita natawagan. Kailangan bang araw-araw, kausap ako Gyl?

Kailangan! Alam mo namang, ang tagal na nating di nagkikita. Gusto ko lang namang alamin ang kalagayan mo. Masama bang maging concern sa iyo ang future girlfriend mo?

Saglit siyang natigilan sa mahabang sinabi ko. Yun kasi yung pinakagusto ko sa kanya, pag ganun na ako magsalita, nawawala yung inis niya, napapalitan agad. Di ko alam dun

Narinig ko ang paghinga niya mula sa phone. Sabi ko na nga ba eh, ako ang weakness niya

Fine! Gusto man kitang tawagan kahapon pero di ko maisingit dahil sa maraming problema ang mga business ko pero inayos ko na siya kahapon kaya ito nakapagpahinga na and nakatawag na ako sa iyo

Napaka-explainable niya.

Okay.. Ngayon alam ko na. Pero teka, nakauwi ka na ba ng Pilipinas?

Ah.. Ah yes

Weh? Totoo?

Oo nga gyl, andito lang ako sa bahay.. Tambay, pagod pa ako kaya di muna ako pupuntang company

Ang daya nito, walang pasabi pero yung pasalubong ko ah, baka nakalimutan mo

Yun? Makakalimutan ko? Eh sa iyo ko ibibigay, don't worry madami yun pang isang buwan mong resources

Talaga lang ah

Oo, syempre kasama ako dun

Ha? Sa resources? Ang kapal talaga

Joke lang.. So tomorrow na lang tayo magkita, pwede ba yun?

Pwedeng Monday na lang? Busy kasi kami simula ngayon hanggang bukas, yun kasi ang bilin ni dad, dahil sa Monday product launching ni Jammer at invited ka dun then sa Tuesday, product launching ni kuya at invited ka din dun kaya sa Monday na lang

Ganun ba? Ganun ka pala kabusy.. Sige naiintindihan ko naman. Pero sige sabi mo eh

Oo, sorry ah

It's okay Gyl no problem

Hmm, sige na sa Monday na lang tayo magkita. Ingat ka

Ikaw din, ingat ka. Bye Gyl

Bye cevi ko

After ng tawag na yun ay nagpatuloy ako sa ginagawa kong Opening Remarks para sa Tuesday. Ako kasi yung napili ni kuya, kakainiw nga eh pero ayos lang naman yun.

"Ah ma'am si Sir cevi po yung kausap niyo noh" saad ni Krizia

"Ay naku Krizia, siya nga yung kausap ko, buti nga nagparamdam eh" saad ko

"Lah! Kinilig si ma'am" sabi niya

"Ay naku, ikaw talaga Krizia. Alam mo, minsan lang ako kiligin at kay Cevi lang" matapang na sagot ko

"Wow naman ma'am. Ano po ba ang pinakain sa iyo ni Sir Cevi?" Krizia

"Wala naman. Teka, tapos mo na ba yang ginagawa mo?" saad ko

"Huwag po kayong mag-alala, bago ako nakipag-usap sa iyo, tinapos ko muna ang inutos sa akin ni Mr. Florence" sagot ni Krizia

"Good, buti naman. Kamusta naman? Maayos na ba? Settle na ba ang lahat?" saad ko

"Ay ma'am yung mga visitors na lang po ni Mr. Jazz ang kailangan, by Tuesday pa po ata ang dating eh" Krizia

"Ganun? Okay, sana maging successful ang ganap sa Tuesday" saad ko

"Tiwala lang po ma'am" krizia

"Oh siya, tapos mo naman na ang pinapagawa ni dad, iwan mo muna ako dito ha" saad ko

"Okay ma'am, masusunod po" sagot niya

After ng ganap na yun ay tuyan na ngang umalis si Krizia sa office ko at naiwan naman akong mag-isa dito, malapit ko na ring matapos ang ginagawa kong Opening Remarks,  and after nun may ire-review pa akong crime scene.

Cevi's PoV
Andito ako ngayon sa bahay at kagabi ako nakauwi galing California. Hindi ko nakausap si Gyl kahapon kasi nga busy ako, andaming commitments kahapon, yun na ata ang pinaka-stressful kong araw. Pero ngayon ayos naman na, nakapagpahinga na ako ng maayos. Masaya ako at nakausap ko na si Gyl. Baliw talaga yun, magagalit tapos mamaya kakalma na.

Andito lang ako sa sala at naglalaptop nang biglang magring ang phone ko. Si Andie pala, agad ko namang sinagot ito

Yes Andie?

Kamusta ka na? Kailan ka ba pupunta dito sa company mo?

Ah sorry, baka mamaya na lang.

Ganun ba? Alam kong kakauwi mo palang galing California, kamusta naman? May nakuha ka bang client?

Meron Andie and by Monday andito sila

That's good, at bumabalik na sa dati ang sales ng company mo

Salamat Andie ah, kapatid na talaga kita

Wala yun Cevi, basta para sa company mo ako ang bahala

Salamat ulit Andie, baka mamaya andyan ako, okay

Okay cevi. Ingat ka.. Bye

Bye Andie

After ng tawag na yun ay bumalik ako sa ginagawa ko. Business proposal yun para dun sa mga client na nakuha ko nung nasa California ako

Habang nagpapatuloy ako sa ginagawa ko, may nagdodoorbell sa labas. Sumilip ako saglit sa bintana, at nakita ko ang isang dealer ng mga mails. Agad akong lumabas para makausap siya

"Ah kayo po ba si Cevi Jackson Borja?" bungad na tanong niya

"Ah yes ako nga po yun. Ano pong kailangan nila?' saad ko

"May nagpapahatud po kasi sa inyo ng invitations mula kay Jazz Gonzaga at Jammer Marquez at yung isa, wala hong pangalan eh. Pakisign na lang po para matanggap ang invitations" saad ni kuya

Sinunod ko ang sinabi niya para makuha ko na yung invitation

"Salamat po sir" saad niya

"Ay teka po. Ito bayad ko" saad ko sabay abot sa kanya ng bayad

Ayaw man yang tanggapin ay pinilit kong kunin niya yun kasi sa trabaho niyang ganun, mahirap para sa akin, kaya kailangan niya rin ng blessing

Aftsr nun ay pumasok na ako. Bago ako nagpatuloy sa ginagawa ko at binuksan at binasa ko ang nga invitations

"Siguro galing din kay Jammer yung isang invitation, ano bang meron? Birthday niya ba?" saad ko

Naguguluhan kasi ako dun sa isang invitation. May Jammer na nakalagay pero di ko alam kung siya ang may birthday. Hay, bahala na nga

Mga ilang saglit pa ay natapos ko na ang business proposal na ginawa ko. After nun ay naghanda ako para pumunta sa company

@CJ's Company

"Guys, guys andyan si Sir Cevi" rinig kong sabi ng isa sa mga staff ko

"Good evening sir" sabi ni Kuyang Guard

"Good evening din po" sagot ko

Nagtungo naman ako sa office ko. Binabati naman ako ng mga staff ko nung nasalubong nila ako sa baba

Nang makapunta ako ng office ko, naabutan ko si Jurie na nag-eencode

"Ay, good evening sir" bati niya

"Good evening din. Marami bang local client ang pumunta kanina?" sabi ko

"Ah yes sir at yung isa dun si Mr. Exel, gusto ka niya pong makausap para sa endorsing ng product mo" saad ni Jurie

"Oh sige, pabigay yung details mamaya about dun ha. BTW, nasaan nga pala si Andie?" sabi ko

"Yes sir. Ah si Ma'am Andie po andun po sa mini cafe mo dito sa company" sagot ni Jurie

Nagpaalam ako saglit kay Jurie para puntahan si Andie. Mga ilang saglit pa ay natatanaw ko na siya at mukhang may kausap siya, di ko kilala ah

"Oh cevi you're here" bungad na sabi ni Andie

"Hello Andie. Ah sino siya?" saad ko

"BTW.. I'm Jack Chen. I'm here because I want to endorse your product, is it okay for you?" saad nung Jack

"Oh ano Cevi? Mukhang ayos naman diba, buti nagpunta ka dito" saad ni Andie

"Ah yes, it's okay. Maybe tomorrow you come back here for more details" saad ko

"Thank you Mr. Borja" saad niya sabay abot ng kamay niya

Nagshake hands kami. Nagpicture muna bago siya umalia. Parang natandaan ko na. Siya yung nagpost nung nakaraan sa IG. Anyways, umalis na siya

"So welcome back Cevi" Andie

"Salamat talaga andie" saad ko

"Ayos lang yun. Ah si Jack kasi, kanina pa yun nandito, sabi ko hintayin ka na lang kasi gusto daw talaga niyang i-endorse yung product mo" saad ni Andie

"Ganun. Anyways, andami palang ganap next week" sabi ko

"At isa na dun ang birthday ni G... " saad ni andie pero pinutol ko ang sasabihin niya

"Ha? Sino ba yung may birthday talaga? Nakatanggap pa nga ako ng invitation mula kay Jammer" saad ko

Halata sa mukha ni andie ang kaba at ewan ko ba

"Huy sino nga andie?" tanong ko

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita

"Ah huwag kang mabibigla ha.. Di ko muna sana sasabihin sa iyo ito pero nagpumilit ka.." saad ni andie

"So sino nga? Ang tagal banggitin ah" saad ko

"Si Gyl! " saad ni andie

Nang marinig ko ang pangalan niya, nagulat talaga ako. Bakit di ko alam ang tungkol dun? Di niya sinabi sa akin. Anyways, ngayong alam ko na, marami akong ibibigay sa kanya

"Si.. Si Gyl ang may birthday? Kailan?" tanong ko

"Ah sa Monday ang birthday niya. 25th birthday actually. Sabi niya nga sa akin, huwag ko daw muna sasabihin sa iyo para masurprise ka pero nagpumilit ka, yan nasabi ko na" eksplanasyon ni Andie

"Kaya pala pinipilit niya akong pauwiin bago maglunes. Babaeng talaga yun" saad ko

"Aysus. Kinilig ka lang eh" saad ni Andie

"Oo na, kinikilig na ako. Ito talaga" saad ko

After ng kulitan namin ni Andie ay nagdecide ako na surpresahin siya. Alam kong ganitong oras nasa company pa nila siya.

Dumaan ako saglit sa isang flower shop at namili ng bulaklak, syempre di mawawal yung cappuccino woth sticky note galing company ko.

Mga ilang saglit pa ay nakarating na ako sa company nila. Tama nga siya, busy ang lahat. Ang daming tao, at mukhang naghahanda sila for product launching

"Good evening sir" bati nung guard

"Good evening din po" saad ko

"Ah ano pong kailangan nila?" tanong niya sa akin

"Andyan ba si Gyl Aria Gonzaga?" tanong ko

"Si ma'am Gyl, ah andito po siya. Teka lang po ah, busy po kasi yun pero teka tawagin ko na lang po ang secretary niya" saad ni kuyang guard

"Sige po salamat" saad ko

Umalis na nga si kuyang guard para tawagin si Krizia, ang masipag na secretary ni Gyl. Mga ilang saglit pa ay bumalik na si kuyang guard kasama si Krizia

"Ah yes sir cevi. Ano po yun? Busy po kasi si Ms. Gyl" saad niya

"Ay hindi, pakiabot na lang ito sa kanya, pero kung tapos na siya sa ginagawa niya, wait ko siya dito" saad ko

Inabot ko naman sa kanya yun para ipaabot kay Gyl.

"Masusunod po sir. Excuse po" saad ni Krizia

After nun ay umupo ako kung saan may bakanteng bench sa labas malapit sa company nila. Kung busy siya, ayos lang naiintindihan ko

Gyl's PoV
Nagstay pa ako sa company kasama si Krizia. Nagkwentuhan lang kami, about sa buhay niya.

Umalis siya saglit at tinawag siya nung guard. Di ko alam dun

*Tok*Tok*Tok*

"Bukas yan,tuloy" saad ko

Niluwa naman nito si Krizia na noo'y may bitbit na bulaklak at cappuccino

"Oh Krizia, kanino galing yan? Ikaw ah, di mo ako ipakilala sa manliligaw mo" saad ko

"Ay naku ma'am. Ang swerte ko kung siya ang manliligaw ko pero hindi naman para sa akin ito" sagot niya

"So kanino yan?" saad ko

"For you ma'am" saad niya sabay lapag ko sa table ko yung mga yun

Nagulat ako kung kanino. Baka magalit si cevi pag nalaman niya ito

"Ah ma'am galing po yan kay Sir cevi, dumaan siya dito at ang sabi niya pag di ka na daw busy pwedw mo siyang puntahan sa baba" saad ni Krizia

"Ganun? Ang daya talaga nun" saad ko

"Yiiee si ma'am oh" Krizia

"Lah di naman. Oh siya sige. Salamat sa paghatid nito" saad ko

"Walang anuman po ma'am" Krizia

After nun ay umalis na si Krizia. Bago ako bumaba ay inubos ko muna ang cappuccino na dala niya, binasa ko yung nasa sticky note mula sa kape

"Magkape ka para mabawasan pagod mo. Alam ko namang busy ka ngayon. 💞💞💞"

Kinilig naman ako dun. Tinabi ko yung sticky note at dinikit sa table ko. Sa bulaklak naman napadako ang tingin ko. 3 Pink Roses yun at may nakasulat na naman

"Alam kong favorite mo ito kaya nga nung bibilhin ko palang, iniisip ko na magugustuhan mo siya. You are like them, simple but heart-warming 💞💞"

Nakks naman, may paganun si Mayora.. Hahaha charr lang. Siniksik ko yun sa paper bag ko at bumaba na para puntahan siya

"Ah miss Gyl, andun po si Sir cevi sa bench" saad ni Kuyang guard

"Okay. Thank you" saad ko

Tumango naman si kuyang guard. At ak naman ay nagtungo na sa bench kung saan siya nakaupo. Alam kong siya yung nakaupo dahil alam ko yung jacket style nun

Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya at tinakpan ang mata niya. Haha.. Hinakwan niya yung kamay ko na nakatakip sa mata niya

"Alam kong ikaw ito Gyl. Sabi ko sa iyo huwag mo akong tinatakot eh" saad niya

Di ko pa rin tinatanggal ang kamay ko mula dun

"Huwag ka ng matakot, ako naman ito" saad ko

"Okay sige. Ganito na lang tayo. Haha"saad niya

Nakaramdam na ng ngawit ang kamay ko kaya tinanggal na yun. Tumingala siya at yumuko naman ako. Nagtagpo ang aming mga mata. Humalik naman ako sa noo niya, siguro dahil namiss namin ang isa't isa kaya siguro ganun

After nun ay tumabi ako sa kanya at yumakap sa kanya, siniksik ko ang mukha ko sa dibdib

"Thank you ah" saad ko at inangat kunti ang mukha ko para tignan siya

Tumingin din naman siya sa akin bago magsalita

"Para saan? Diba dapat ako magpasalamat sa iyo?" saad niya

"No. Thank you kasi sinurprise mo ako. Di ko ineexpect na pupunta ka" saad ko

"Hmm.. Di naman na ako busy kaya pinuntahan kita" saad niya

"Oo pumunta ka. Diba sabi ko sa Monday na lang tayo magkita, ang kulit mo" sumbat ko sa kanya

"Di ko matiis na di ka makita" sagot niya

Kinurot ko naman ang tagiliran niya. Uminda naman siya pero di naman ganun kasakit pag ka kurot ko

"Masakit yun ah, mapanakit ka na ngayon" saad niya

Humalik na lang ako sa pisngi niya na ikinagulat niya

"Masakit pa ba?" tanong ko

"Magnanakaw ka. Panagutan mo ako Gyl.. Hindi na masakit" sagot niya

Natawa na lang din ako sa inasal niya

"Alam mo, namiss ko yung ganito. Kasi wala akong kaasaran nung wala ka eh" saad ko

"So yun lang ang habol mo sa akin ang asarin ako?" saad niya, ang drama ah

"Mahal naman kita kahit inaasar kita. Yun kasi yung way ko para maparamdam ko sa iyo na mahal kita. Clingy at makulit ako pero sa iyo lang naman" saad ko

"Wow naman. Kinilig ako.. Ako din naman, namisa ko yung ganito.. Pero alam mo nung nasa California ako, nakaramdam ako ng takot" saad ni cevi

Bumitaw ako sa yakap ko sa bewang niya at tumingin na lang sa kanya at nakinig

"Saan ka naman natakot?" tanong ko

"Nakaramdam ako ng takot na baka di mo ako sagutin. Ginawa ko yung best ko para mapasaya ka, kaya hanggang ngayon kinakabahan ako pero nabawasan naman nung nakita kita" saad niya

Hinawakan ko ang mukha niya at tumitig sa mga mata niya

"Huwag kang matakot, wala naman akong dahilan para di kita sagutin. Napasaya mo ako ng sobra, reason ko yun para sagutin ka. Yun naman yung gusto ko eh, mapasaya mo ako, ayos na ako dun" saad ko

Yumakap na lang ako sa kanya. Buti naman at tumugon siya sa yakap na yun

"Thank you ah" saad niya

Bumitaw ako sa yakap na yun

"Your welcome" sagot ko

PINAKA HIHINTAY NG LAHAT.. SAGUTIN NA NI GYL SI CEVI.  ABANGAN.

ITUTULOY...


SORRY PO SA SUPER LATE UPDATE KO. SORRY PO TALAGA, DI KO SINASADYA..

Continue lendo

Você também vai gostar

222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
174K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
76.3K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...