Sinful Heaven [Completed]

Por 8THEPATH

388K 3.6K 325

Miggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they cou... Mais

Before You Read
Sinful Heaven
The Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56 Finale
Thank You!

Chapter 51

4.4K 61 7
Por 8THEPATH

Kabababa pa lamang ni Miggy sa tricycle nang makita niya ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

"Kay Mommy ito, ah," tanong niya sa sarili.

Nakaramdam siya ng kaba. Alam niyang may mangyayaring hindi maganda lalong-lalo na't nasa loob si Vera.

Dali-dali niyang binuksan ang gate at nagtungo kaagad sa bahay.

Ngunit pagkapasok pa lang niya sa loob ay gumulantang kaagad sa kanya ang duguang katawan ng dalawang babae na nakahandusay sa sahig.

Naroon din si Vera, takut na takot at nangangatal ang mga tuhod na nakatingin sa kanya.

"M-m-miggy..."

"Ano'ng nangyari? Ano 'to!?" nanghilakbot sa takot na tanong niya.

Lumapit siya sa katawan at nanlaki ang mga mata niya nang makita na sina Miranda at Seba iyon. "Mommy? Yaya?" Itinapat niya ang daliri sa ilong ng dalawa, pero hindi na sila humihinga. "Mommmy!"

"H-hindi ko sinasadya, Miggy! Hindi ko sinasadya!"

"Pinatay mo sila!?"

"S-sinubukan kasi akong saktan ni Tita Miranda kaya gumanti ako. Binantaan niya ako na ipahuhuli raw ako sa pulis kapag hindi ako umalis. L-Lumaban lang ako!"

"Kaya pinatay mo siya, pati na rin si Yaya Seba? Nababaliw ka na, Veraaa!"

"P-patawarin mo 'ko! Hindi ko talaga sinasadya! Hindi Miggy, hindi!"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Miggy. "Paano mo nagawang patayin ang mga taong walang kalaban-laban!"

"M-maniwala ka sa 'kin, hindi ko ginusto na patayin sila! Iniligtas ko lamang ang sarili ko, Miggy!" Lumapit si Vera at niyakap siya. "Maniwala ka! Nagsasabi ako ng totoo!"

"Sinungaling!"

"Miggy, please..."

"Bitawan mo 'ko!" Inalis ni Miggy sa pagkakayakap si Vera at itinulak ito papalayo. "Hindi na ako naniniwala sa 'yo! Alam kong sinadya mo silang patayin! Sinira mo na nga ang relasyon naming mag-asawa, pinatay mo pa ang mahahalagang tao sa buhay naming dalawa! Wala kang puso! Demonyooo!"

"Miggy, nagawa ko lang naman ito dahil ayaw kong ilayo ka nila sa 'kin. G-gano'n kita kamahal, Mig---"

"Anong pagmamahal do'n? Pumatay ka ng tao! Idinamay mo pa ang mga tao na hindi naman kasali sa problema natin!"

"Please, Miggy... patawarin mo 'ko. Maniwala ka man o hindi, nagawa ko iyon dahil mahal na mahal kita. I don't want to lose you. Ayokong mapunta ka kay Francine. Nagmamahalan tayo, hindi ba?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala nga akong nararamdaman para sa 'yo!?" Nilapitan niya si Vera at hinawakan sa magkabilang-balikat ng mahigpit. "Si Francine lang ang mahal ko at kahit kailan hindi iyon magbabago! Hindi kita mahal!"

"Hindeee!" sigaw ni Vera. "Mahal mo ako, Miggy! Sinabi mo 'yon sa 'kin noon! Nalaman mo lang na sinisiraan ko sa' yo si Francine kaya bigla kang nagbago!"

"Kahit iwan ako ni Francine, hinding-hindi kita mamahalin! Hindi ako papatol sa katulad mong mamamatay tao! Baliwww!"

"H-hindeee! Hindi ako baliw!" sigaw ni Vera at napahagulgol na lamang siya ng iyak.

Ngunit nabigla siya nang dakmain ni Miggy ang kanyang leeg. Nanlisik ang mga mata nito sa galit.

"M-m-miggy..?"

Unti-unting humigpit ang kapit nito.

"M-Migg...gy!"

"Masahol ka pa sa isang hayop! Ang dapat sa 'yo ay binubura sa mundong ito!"

"M-Mig..kkk---"

Nahirapan siyang magsalita. Pakonti na nang pakonti ang pumapasok na hangin sa kanyang katawan at hindi na siya makahinga!

"Itinuring kitang kaibigan, pero ginago mo ang pagkatao ko! Sinira mo ang pagmamahalan namin ni Francine!"

"M-Migkk...."

"Hindi sapat ang pagpapakulong sa 'yo, Vera. Buhay ang sinayang mo, kaya dapat ay buhay mo rin ang kapalit!"

"Arghkkkk..."

Hanggang sa makaisip ng paraan si Vera.

Bigla na lamang niyang sinipa si Miggy sa pagkalalaki para bitawan siya nito.

"Arghhh!" daing ni Miggy.

Hawak ang leeg ay nakatakbo palayo si Vera. Nagtungo siya sa kusina.

"Hindi mo ko matatakasan! Bumalik ka rito, Vera!"

Kahit namimilipit pa sa sakit ang pagkakasipa sa kanya ni Vera ay pinilit niyang sundan ito, ngunit natigilan siya nang ipinagbatuhan nito ang mga pinggan at baso roon.

"H-huwag kang lalapit! Ibabato ko itong pinggan sa ulo mo!" banta ni Vera.

"Babatuhin mo 'ko?" Para siyang siraulo na natawa sa sinabi nito. "Ang akala ko ba mahal mo ko? Bakit mo 'ko sasaktan?"

"P-please, Miggy. Maawa ka sa 'kin! Ayusin na natin ito!"

"Maawa? Ano ako, tanga? Naawa ka ba nang sirain mo ang relasyon namin ni Francine? Naawa ka ba nang patayin mo sina Mommy at Yaya Seba!? Walang kapatawaran ang ginawa mo! Ang dapat sa 'yo ay mamatay!"

At bigla siyang sumugod.

Ibabato na sana ni Vera ang pinggan, pero napigilan kaagad siya ni Miggy sa braso.

"M-miggy!"

"Naubos na ang awa na mayroon ako sa 'yo! Hindi ko na hahayaan pang may madamay sa kademonyohan mo!"

"Huwaaag!"

Then, sinakal niya itong muli. Isinubsob pa niya ito sa tabi ng lababo.

"M-Mig...kkkgy..."

"Mamatay ka naaa!"

Hanggang sa may napansing kutsilyo si Vera na malapit sa kanyang tabi. Pinilit niyang abutin iyon kahit na nahihirapan na siyang huminga.

"Arghkkk..."

"Arghhh! Papatayin kitaaa!"

At walang anu-ano'y bigla na lamang niya iyong nakuha. Nanlaki ang mga mata ni Miggy nang isaksak iyon ni Vera sa kanyang balikat.

"Ahhh!" daing niya. Lumabas ang maraming dugo sa kanyang balikat.

Inakala ni Vera na makakalayo na siya matapos niyang gawin iyon, ngunit napigilan pa rin siya ni Miggy sa braso.

"Hindi ka makakatakas!"

"Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'kooo!"

Sasakalin na sana siyang muli ni Miggy nang bigla niya itong itulak. Na-out of balance ito at nahulog.

Sumubsob si Miggy sa mga bubog sa sahig.

"Miggyyy!" sigaw ni Vera.

---

"Raymart, halika ka na rito at kumain na tayo. Baka lumamig pa itong breakfast na iniluto ko!"

"Wait lang, ate!" sagot ni Raymart kay Cecile habang nagta-type sa computer.

Maaga pa lang ay abala na siya sa cellphone na matagal nang ipinaaayos sa kanya ni Francine. Ilang beses niya na iyong sinubukang ayusin, pero ayaw pa rin nitong gumana.

"Gumana ka naman, oh. Ilang araw na kitang inaayos, pero wala pa ring nangyayari" inis na sabi niya.

Pagkuwa'y nag-try pa siyang mag-install nang kung anu-ano sa cellphone.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang nag-flash sa screen ang home screen ng cellphone.

"Yes! Yeees!" Nagtatalon siya sa tuwa. "Kung hindi pa kita kakausapin, hindi ka maaayos. Siguradong matutuwa nito si Francine."

Sinubukan niyang i-check ang phone. Tinignan niya kung may mga apps na hindi gumagana. Hanggang sa mapadpad siya sa file manager.

"Kanino kaya ang phone na 'to? May files pa palang naka-save sa memory card."

Nang buksan niya ang isa sa mga file ay kaagad na nag-flash sa screen ang isang video. Gabi iyon at isang pamilyar na bahay ang nakita niya. Medyo blurry dahil naglalakad ang kumukuha nito.

Then suddenly, tumapat ang camera sa isa sa mga bintana ng bahay na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na may isang babae at lalaki na nagtatalik doon!

"W-What the... ano 'to, scandal?" Napailing siya at bahagyang natawa. "Siguro manyakis ang may-ari ng phone na ito."

Then he tried to open another file, ngunit ganon na naman ang lumabas. Ang nagtatalik pa rin ang naroon.

I-ku-close na sana niya ang video nang bigla siyang makarinig na boses ng isang babae.

"Tapos na ang mga kababuyan nyo, Miggy at Vera. Sisiguraduhin kong malalaman ni Francine ang lahat ng ito," sabi ng babae sa video.

"M-miggy? Vera?"

At doon na unti-unting naglabasan ang mga katanungan sa kanyang isipan.

Then he played the video again. Tinignan niya itong mabuti at doon lang niya napansin na bahay pala iyon ni Francine.

"Kaya pala parang pamilyar sa 'kin..."

Nang i-zoom niya ang mga tao sa video ay hindi siya makapaniwala sa nakita. Sina Miggy at Vera pala ang nagtatalik!

"Totoo ba to?"

He also checked the other files, pati na rin ang pictures. Napag-alaman niya na isang babaeng nagngangalang Charity ang may-ari ng cellphone. Siya ang nagsasalita sa video.

Kapitbahay pala siya ni Francine. Nakita niya na kasi ang bahay nito na nasa ibang pictures at madalas niya iyong madaanan pag nagpupunta siya sa subdvision.

Naisip ni Raymart na maaaring si Charity ang unang nakaalam ng lihim nina Miggy at Vera, kaya naman kinuhanan niya ito ng video para ipakita kay Francine.

Ngunit nagtaka siya.

"Kung si Charity ang unang nakaalam ng lihim nila, bakit hindi niya naipakita kay Francine ang videos na 'to? Bakit napunta sa basurahan ang cellphone na ito?" tanong niya sa sarili.

Then, may nakita pa siyang isang video. Nang i-play niya iyon ay gano'n na naman ang nangyari. It was Charity again na palihim na namang kinukunan ang pagtataksil nina Miggy at Vera.

Ngunit nang itapat nito sa bintana ang camera ay si Miggy na lamang ang naroon.

"Nasaan si Vera?"

Then suddenly, bigla siyang nakarinig ng mga ungol. Mukhang nabitawan pa ni Charity ang cellphone dahil nahulog ito sa damuhan.

Naka-on pa rin ang recording.

Shorty after ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Nakita niya sa video na kinakaladkad ni Vera si Charity sa bakuran gamit ang isang makapal na lubid! Sinakal niya ito hanggang sa malagutan ito ng hininga!

Napatayo si Raymart sa kanyang kinauupuan. "Pinatay ni Vera si Charity!?" hindi makapaniwalang sabi ni Raymart.

Saktong pumasok naman sa kuwarto niya si Cecile. "Raymart, may kailangan kang makita!"

"Ha? Ano 'yon?"

"Basta!"

Hinawakan siya ni Cecile sa kamay at sumama siya palabas ng kuwarto. Dinala siya nito sa living area at itinuro ang palabas sa telebisyon.

"H-Hindi ba't si ano yan---!?"

"Sino?" Nang tumingin siya sa telebisyon ay nakita niya ang isang pamilyar na babae na blonde ang buhok at naka-flash sa headline ng news.

May nakalagay pang 'Wanted' na caption sa tabi at may pabuyang five hundred thousand pesos kapag naipagbigay-alam kung saan ito matatagpuan.

"P-parang si..."

"Wanted si Vera!" bulalas ni Cecile, sabay tingin nila sa isa't-isa. "Kasasabi lang kanina ng mga reporter ang pangalan niya. Blonde pala ang buhok niya dati. Sigurado akong nagpa-black lamang siya ng buhok para hindi siya mamukhaan ng mga naghahanap sa kanya."

Kinilabutan si Raymart sa sandaling iyon.

"She's under medication daw sa America. May problema siya sa pag-iisip. Ayon sa balita, pinatay niya ang asawa niyang si Greg pati na rin ang kalaguyo nito. Matagal na raw siyang pinaghahanap ng mga pulis!"

"S-sandali lang, ate..." Huminga muna ng malalim si Raymart bago magsalita. "Sa tingin ko, may kailangan ka pang malaman."

"Ano 'yon?"

"Tungkol sa cellphone na ito."

Ipinakita niya ang hawak na cellphone ni Charity.

"Naaalala mo pa ba itong cellphone na napulot ni Francine sa basurahan na ipinagagawa niya sa 'kin?" Tumango si Cecile. "Pag-aari ito ni Charity, kapitbahay ni Francine."

"Charity? Iyon ba 'yong nag-suicide na ikinukuwento sa 'kin ni Francine?"

"N-nagsuicide?" Nagulat siya sa sinabi nito. "Ate, hindi siya nag-suicide!"

Binuksan niya ang file manager at ipinakita kay Cecile ang isa sa mga video kung saan ginawa ni Vera ang krimen.

"Nakikita mo ba 'yan? Hindi ba't si Vera 'yan? Ate, pinatay niya si Charity!"

Nanlaki ang mga mata ni Cecile nang makitang binibigti ni Vera si Charity sa video.

"P-Paanong... Bakit niya pinatay si Charity? Ano'ng kasalanan sa kanya ni Charity!?"

"Nalaman kasi ni Charity ang pagtataksil na ginawa nina Miggy at Vera kaya kinuhanan niya iyon ng video. Ibibigay niya na sana iyon kay Francine, pero nahuli siya ni Vera at binigti siya gamit ang lubid. Masyadong malinis ang kanyang pagpatay kaya inakala ng mga investigator na nag-suicide lamang si Charity."

Tumingin si Raymart sa cellphone at ibinalik muli ang tingin sa kapatid. "...At ang cellphone na ito... sinubukan itong sirain ni Vera. Itinapon niya sa basurahan para mawala ang mga proweba!"

Hinawakan ni Cecile ang mga kamay ni Raymart. "Raymart, nag-aalala ako para sa kanila. Baka kung mapaano ang mag-asawa!"

"Huwag kang mag-alala. Si Jackson ang may hawak sa kasong ito. Tatawagan ko siya ngayon din. Ikaw naman, tawagan mo si Francine at sabihin mo sa kanya ang tungkol dito."

"Sige!"


*****

Continuar a ler

Também vai Gostar

203K 5.7K 42
WIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin...
6.4K 188 37
( SAVAGE LOVE SERIES: 3 ) Lionardo Ashnel (Lionel) Samaniego is every girls dream. But this aloof and high standard man have only eyes to that gorgeo...
21.1K 341 32
With a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wal...
6.6M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...