Falling in Love with HIM (COM...

Od yuNmi_07

117K 1.4K 119

Yes I am a typical girl. Simple but Smart. I don't know what made us together.. Destiny ba or isa lang pagkak... Více

Falling in Love with HIM
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ika-limang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-10 Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 na Kabanata
Ika-13 na Kabanata
Ika-14 na Kabanata
Ika-15 na Kabanata
Ika-16 na Kabanata
Ika-17 na Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 na Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 na Kabanata
Ika-25 na Kabanata
Ika-26 na Kabanata
Ika-27 na Kabanata
Ika-28 na Kabanata
Ika-29 na Kabanata
Ika-30 na Kabanata
Ika-31 na Kabanata
Ika-32 na Kabanata
Ika-33 na Kabanata
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 na Kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 na Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Ika-39 na Kabanata
Ika-40 na Kabanata
Ika-41 na Kabanata
Ika-42 na Kabanata
Ika-43 na Kabanata
Ika-44 na Kabanata
Ika-45 na Kabanata
Ika-46 na Kabanata
Ika-47 na Kabanata
Ika-48 na Kabanata
Ika-49 na Kabanata
Ika-50 na Kabanata
Ika-51 na Kabanata
Ika-52 na Kabanata
Ika-53 na Kabanata
Ika-54 na Kabanata
Ika-55 na Kabanata
Ika-56 na Kabanata
Ika-57 na Kabanata
Ika-58 na Kabanata
Ika-60 na Kabanata- Wakas
Author's Note
Book 2- I
Book 2- II
Book 2- III
Book 2- IV
Book 2- V
Book 2- VI
Book 2- VII
Book 2- VIII
Book 2- IX
Book 2
Book 2- XI
Book 2- XII
Book 2- XIII
Book 2- XIV
Book 2- XV
Book 2- XVI
Book 2- XVII
Book 2- XVIII
Book 2- XIX
Book 2- XX part 1 Forever in Love with HIM
Book 2- XX part 2 Forever in Love with Him
Epilogue
My Love Notes
Message to ALL! :')
PASASALAMAT!

Ika-59 na Kabanata

1K 10 1
Od yuNmi_07

2 Chaps left before the second book. :) ito na yata pinakamahabang Chap. wahehe. sana magustuhan niyo... Ready akong makakuha ng critic. ^___^ thanks :)))

<3 </3 <3 </3

Rob

"HINDI MO ALAM?! DAMN Jesse!!! YOU CAN'T FOOL ME!!!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit.

Damn! Bakit ko ba paulit-ulit nararansan ang ganito? Akala ko iba siya sa ibang Babae. Akala ko magkaiba sila ni Cheska. But...

Pinipigilan ko lang sarili ko na hindi magwala. Ang sakit!! Ang sakit sakit!!

Pero gusto ko talagang makasiguro kung totoo nga. Kung siya talaga iyong nasa litrato na nasa yellow envelope na nakaligtaan kong buksan kahapon. At kung tama ang sinabi ng isang babae sa voice recorder na hindi binanggit ang pangalan niya.

"Please Rob. Maniwala ka sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa hotel na iyon. Pagkagising ko siya na katabi k---"

"So Totoo nga?!" binigyan ko siya ng tingin na puno ng galit at nagsmirk. Damn! Totoo... Siya nga iyon. "TOTOONG NAKIPAGTALIK KA SA LALAKING IYON? HA?! GANUN BA IYON?!"

hindi ko na napigilan ang outburst ko. For Pete's sake, pinaglololoko lang ako ng babaeng pinagkatiwalaan ko muli.

"Wala akong Alam sa sinasabi mo Rob. Mali iyon. Walang nangyari sa amin. Sa tingin mo magagawa ko iyon pagkatapos niya akong kamuntikang gahasahin?!"

Sabi ko na nga ba idedeny niya lahat.

"DAMN! WAG KA NA MAGMAANG-MAANGAN JESSE! DAHIL DITO, MAKIKITA NA PINAGTAKSILAN MO AKO..!!" inihagis ko lahat ng litrato sa harapan niya. wala na akong pakialam kung masaktan siya. Dahil gusto kong maranasan niya ang sakit na nararanasan ko dahil sa kanya.

Pinulot niya ang mga pictures at hindi makapaniwala. Siguro nga dahil tinatago niya iyon sa akin at totoong pinagtataksilan niya ako. Dahil nabuko ko na siya.

Masakit man aminin pero yun ang nararamdaman ko. Isa pa! Nagsinungaling siya sa akin. Na sa mga mukhang pera niyang pamilya siya uuwi.

"Wag mo na subukang magsinungaling sa akin Jesse! Aminin mo na hanggat kaya ko pang makinig.." huminahon muna ako saglit.

Gusto kong malaman ang part niya.

"O-oo R-rob. Aaminin kong ako iyan sa pictures. Pero hindi ko talaga alam ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay. Sa tingin mo ba sasama ako sa lalaking iyon? Alam mong kinasusuklaman ko siya Rob. Please maniwala ka. I'm sorry Kung nakapagsinungalin ako. Kung Hindi ko nasabi sa iyo. I'm so sorry. Please maniwala ka. Hindi ako nakipagtalik sa kanya. Wala akong malay nun." she said between her sobs. She begged for me and held my arms.

"Sabi mo sa magulang mo ikaw uuwi? PERO BAKIT KASAMA MO ANG LALAKING IYON? Ha?!!" sigaw ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang pagkakapit niya sa akin.

Hindi ko na talaga mapigilan. Konti na lang at makakasakit na ako.

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA WALA AKONG ALAM. HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO NAKASAMA ANG LALAKING IYON. ILANG BESES KO BANG i-ipapaliwanag sa iyo iyon Rob? Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan.? Tsaka wala akong sinabing uuwi ako sa mga magulang ko ng gabing iyon. Diba ang sabi ko uuwi rin ako ng maaga? Diba?!"

Damn! Another lie again? Ano ito, lokohan? GOODNESS!! Hindi ako Tanga....

"MUKHA BA AKONG GANITO KUNG WALA KANG SINABI SA AKIN? WAG MO AKONG GAWING TANGA JESSE. NASASAKTAN NA AKO SA KASINUNGALINGAN MO!!!" nilapitan ko siya at hinigit. Tinignan ko siya sa mga mata at Kitang-Kita ko ang mga natatakot at nagaalinlangan mga mata. Mukha na siyang pagod pero hindi parin ako natitinag.

Ilang beses na akong nasaktan sa parehas na pagkakataon pero ito ang pinakamasakit....

Harap harapan ka pa ring sinasabihan ng kasinungalingan.!

Hindi na ako maaawa sa mga titig at nararamdaman niya dahil natabunan na iyon ng galit at sakit.

Ano bang ginawa ko at patuloy akong pinapahirapan?

"R-rob.!" isang salita niya lang naiirita na ako. Ganito ba talaga kapag kinamumuhian mo na?

"Nasasaktan na ako.." and there  tears released from her eye.

Doon ko na lamang napansin na halos masugat na ang kanyang braso sa higpit ng hawak ko. I released her.

"Please Rob. Bukas na lang natin ito pagusapan? Magpahinga ka na. Pupuntahan ko na si Mama sa hospital." tila nahihirapan niyang sabihin.

Binigyan ko lang siya ng smirk.

"Ahhh. Ang iyong Mama? Siguro malapit na siyang kunin no? Mga sabik sa pera. Mga manggagamit.. Sana kunin na rin ang Tatay mo. Para mawala na kayo sa buhay ng pamilya k--" isang sampal ang natanggap ko sa kanya.

Napahawak ako sa pisngi na napinsala dahil sa malakas na sampal niya.

"Wala kang karapatan para sabihin yan!!! HINDI GANYAN ANG PAMILYA KO.!! BAWIIN MO LAHAT NG SINABI MO!!" kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Bakit totoo naman diba? Kaya ka nagpakasal sa akin dahil lang sa PERA NAMIN! Diba?! Mga sabik sa pera. Manggamit!! ALAM MONG GINAMIT KA NILA PARA SA PERA. ISA KA LANG PALANG BAYARIN.." isang sampal nanaman ang natanggap ko mula sa Kanya.

Goodness! Nakakadalawa na siya.

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN SILA NG GANYAN.! KUNG GALIT KA SA AKIN, AKO ANG PAGSABIHAN MO NG MASAMA HINDI ANG MAGULANG O ANG PAMILYA KO..." huminga siya ng malalim dahil hirap na hirap siya.

"Ako ang husgahan mo, wag Sila. Wala silang kinalaman sa nangyari one week ago. Kaya please, wag mo silang idamay." umiiyak niyang sabi.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasasabi ko pero yun ay dahil sa napagkaalaman ko.

"Before I go, Please. bukas na natin ito ipagpatuloy. Magpahinga ka na. I don't sorry for what I've done to you a while ago na pagsampal. But I want you to know how much I'm sorry kung sa tingin mong masama ako. Ako na ang malandi. Nakikipagtalik sa rapist. Mukhang pera.!" mahina niyang sabi.

"But don't you ever hurt my feelings regarding my family. Husgahan mo ako wag na sila. Tandaan mo Rob. Ikaw lang ang minahal ko. Wala ng iba. K-kahit kamuhian mo ako Mahal pa rin kita. At sana bukas, sana bukas, buksan mo ang puso mo at isipan mo. Aalis na ako." tumalikod na siya.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa pag-ibig na sinasabi niya.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa Jesse. Tapos na lahat. Dahil tinapos mo na lahat ng pagtitiwala at pagmamahal ko para sa iyo. Damn! Bakit pa kasi sinalo kita. Ako lang din ang nasaktan. Hayaan mo. Magsama kayo ng rapist mo. Parehas kayong mga baboy." pipihitin na niya ang doorknob kaya hinabol ko ang sasabihin ko para marinig niya.

Napagpasyahan ko na.

"Don't look for me anymore. Don't you dare call me and see me because I won't be there for you. Hihiwalayan na kita. Wala ka nang aasahan sa akin.. Paalam Jesse.." tumalikod na rin ako at pumunta sa walk in closet ko.

"Whatever it takes Rob. Mamahalin pa rin kita. Babalik ako rito bukas. Maguusap pa tayo bukas. Aayusin natin into Rob. Sana paniwalaan mo ako. Wala akong ginawang masama. I-i love you Rob."

Narinig ko pa ang kanyang paghikbi at ang pagsara ng pinto hudyat na nakaalis na siya.

Hindi ko na napigilan Kong magwala sa mga oras na iyon. Nasasaktan ako... Damn!....

Jesse

Hinang-hina akong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam pero parang magkakasakit na ako.

Hindi ko na kinaya ang bangayan namin ni Rob.

Hindi niya ba talaga ako paniniwalaan? Bakit? Hindi ba talaga ako kapanipaniwala?

Goodness Jesse.. Hindi ka naging mabuting asawa. Hindi ka karapatdapat sa kanya.

Ahhhhhhh!!!! Bakit ganito?

Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Gusto ko na magwala sa sobrang hinanakit.

Hanggang ngayon nagsisink in pa rin sa akin ang mga masasakit na panghuhusga sa akin ni Rob.

Hindi ko siya masisisi dahil alam kong masakit iyon. pero bakit hindi niya ako pinapakinggan at pinaniniwalaan?

Wala na akong nagawa kundi pumunta na sa hospital. Kailangan kong malaman lahat sa sakit ni Mama at Kung totoo ba ang paratang sa pamilya ko.

Pero paano kung tama si Rob? Shocks! Hindi ko kakayanin....

Lord, kayo na po bahala sa akin.

***

Nandito na ako sa harap ng hospital. Kahit pa nandito ako Hindi ko parin mapigilan ang pagluha ng mga mata ko.

Naglakad ako patungo sa room ni Mama. Kahit pagod na pagod na ako, nagpalakas pa rin ako.

Please Jesse. Magpakalakas ka. Please..

huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto.

Pagkaopen ko ay nakita ko na silang lahat. Lahat ng kasama namin simula graduation at si Harvey..

"Jesse...." halos mapatakbo sa akin si Papa.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong agad ni Boo.

Kahit hinang-hina ay nakuha ko pang magsalita para matapos na lahat.

"Bakit po ba tayo lahat nandito? Ano bang Hindi ko nalalaman? at.." humugot  ako ng malalim para pigilan ang nararamdaman ko. Dahil konti na lang babagsak na ang mga luha ko.

"at bakit ba talaga ako ipinakasal kay Rob? M-may masama ba talaga tayong intensyon para sa pamilya Araneta? Para ba sa pera nila? ha?! PLEASE! GUSTO KO MALAMAN ANG TOTOO!!!!!!!!!" kahit pumiyok-piyok pa ako ay nagpatuloy lang ako.

Makikita sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at hindi kapanipaniwalang maitatanong ko iyon sa kanila.

Grabe! Ganito pala pakiramdam ng pinagkaisahan. Ang sakit! Todo-todo. Tagus tagusan aa buto...

Gusto kong magwala pero hindi na lang dahil alam kong nahihirapan rin si Mama.

"Jesse. Sorry. Hindi namin sinabi sa iyo agad.." si Kuya Kiel ang unang sumagot.

"Kuya Please!! Pakidiretso na. Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa.!!!" isang sigaw ang pinakawalan ko.

Wala ng hiya kung wala na. Ang importante sa akin ay ang katotohanan.

"Jesse. Sorry. Nagawa lang namin ito dahil ayaw ka namin mahirapan. " si Ate Sophie naman ang nagsalita.

Napangiti ako ng mapait.

"Sa tingin niyo ba hindi ako nahihirapan ngayon? Ha?! Bakit nga? Ano ba ang puno't-dulo nito.?!" Hindi ko na talaga mapigilan ang outburst ko.

Nanginginig na ako sa galit at pagod. Idagdag mo pa ang pagkahilo.

"Jesse Hija. Please calm down. We will explain everything.." sabi ng mommy ni Robert.

"Hindi po ako makakapag-calm down hanggang wala ang hinihintay kong sagot..."

konting tiis pa Jesse. Wag mo munang pansinin ang nararamdaman mo.

"Jesse Anak! Tama na!" napalingon kaming lahat sa sumigaw. Si Mama... Okay na siya?

Lumapit ako Kay Mama.. At Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak dahil sa kalagayan ngayon ni Mama.

Kitang-kita ko ang pagkaputla at halatang may malubha siyang sakit.

"Anak. Sorry. Hindi namin sinabi sa iyo ang lahat..." pagpapakalma ni Mama sa akin pero pati siya umiiyak na..

"Ma..? Totoo bang kaya niyo ako pinakasal kay Rob dahil sa pera nila? Dahil gusto natin ang kayamanan nila?" namimiyok na pagtatanong ko kay Mama.

Pero umiling-iling lang siya.

"Hindi Lei.. Hindi namin magagawa iyon para lamang doon." sabi ni Mama.

"Pero yun yung sabi sa akin ni Rob." sabi ko kay mama kahit naririnig pa iyon ng pamilya ni Rob.

"No Hija. Bakit niya nasabi ang mga iyan?" nagtatakang tanong ni Daddy.

"H-hindi ko po alam. Pero Ano po ba talaga ang dahilan?" kay daddy na ako tumingin.

"Sa tingin ko ang mga magulang mo na ang kailangang sumagot niyan." nakangiti si Daddy sa akin.

Hinawakan naman ni mama ang kamay ko. Naramdaman ko ang init ng mga palad niya.

"Jesse Lei anak.... May malubhang sakit si Mama..." lahat kami ay tahimik na nakikinig. Ngunit di mo maikakaila na umiiyak na kaming lahat.

Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay ni Mama.

"Wala tayong kalaking pera para sa pagpapagamot ko. Naisipan naming manghiram ng pera sa mga Araneta. Pinagbigyan naman nila tayo ng ngunit sa isang kondisyon..." nahihirapang magsalita si mama kaya si Mommy na mama ni Rob ang nagtuloy

"I was the one insisted na ipakasal ka kay Rob dahil ikaw ang batang lagi niyang kinukwento sa akin. Ikaw yung batang nagbigay sa kanya ng sopas at ikaw rin ang batang nagpabago dati sa anak kong si Rob." naguguluhan akong napatitig kay Mommy.

Si Rob yung lalaking nakita kong naggigitara ng malungkot. Na binigyan ko ng sopas at kinumutan ko pa ng jacket dahil sa basang basa siya ng ulan noon.

"hanggang sa Umalis kami noon sa bansa at nanirahan ng matagal sa US. He forgot you and there she met Cheska. But she broke his heart." lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Tama ang hinala ko na ikaw ang batang babaeng nakilala ng anak ko dahil dyan sa pendant ng kwintas mo." Tinuro niya ang bagay na iyon.

"Nakita ko sa tatay mo ang family picture niyo at suot mo ang kwintas mo. Nakita ko ang pick na bigay ko kay Rob noon. Sabi niya, sinadya niya raw iyong iwan sa iyo para maalala mo siya. At hindi talaga ako nagkamali dahil ikaw muli ang nagpabago kay Rob. Kaya pinilit ko ang papa mo para ipakasal ka kay Rob. I'm sorry kung hindi namin sinabi sa inyo. Dahil alam kong Hindi niyo paniniwalaan iyon." sabi ni Mommy na umiiyak na rin.

"Jesse anak. Ano bang nangyari sa inyo ni Rob kung bakit nasabi niya iyon sa iyo?" tanong sa akin ni Daddy.

Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimulang magkuwento. Tinignan ko si Boo dahil naramdaman niya na kung ano ang dahilan..

Nakatayo lamang kaming lahat maliban kay Mama. At naghihintay sila ng kwento.

Siguro dapat malaman na nila bago pa lumaki ang gulo.

"Y-yung rapist dati ay nakalaya na po.. Binalikan niya po ako at.. at.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil bigla ako nakaramdam ng matinding pagkahilo.

Buti na lang at nakahawak ako sa bed ni mama.

"At...."

napahawak ako sa ulo ko at biglang nanlabo ang paningin ko.

Pero kailangan ko munang sabihin ang mga salitang ito..

"S-sorry p-po..."

tanging huling nasabi ko bago pa magdilim ang aking paningin..

"Jesse!!!!!"

"Lei!!!!!"

mga sigawan ang huling narinig bago ako mawalan ng malay

------------> itutuloy

Waaaaahhh!!!! Dahil wala suspended at malakas sang bagyo. Nakapag-UD ako. Woooo... Sorry. gusto Kong himingi ng sorry kung Hindi niyo nagustuhan.

Last Chap na next UD. Comment and Vote po. :)

Thanks God bless us all from the calamity. :) Daming binaha. Ingat lahat....

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

307K 27.7K 63
Merong 'Ikaw', merong 'Ako', pero meron bang 'Tayong Dalawa?' Isa na namang AlDub/Maichard na kuwento sa ibang mundo. Sana ay magustuhan n'yo. Story...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
395K 2.9K 31
Dahil sa maling akala ng Parents ni Chloe pinilit sila nito na magpakasal ng kanyang bestfriend na si Nathan. Ang problema hindi nila mahal ang isa't...